bc

Her Territorial Husband

book_age18+
334
FOLLOW
1.4K
READ
billionaire
contract marriage
HE
powerful
bxg
lighthearted
office/work place
cheating
assistant
like
intro-logo
Blurb

COMPLETE STORY!!!!!

*This story is Available on You---Tube*Pwede niyo siyang mapakinggan sa YT just search AMIHAN STORIES, please don't forget to Subscribe para sa mga libreng Istorya na mapakikinggan.

BILYONARYO, BINILI ANG BABAE SA JOWA NG 5MAng tingin ni Mikaela ay pangit siya, lalo na noong niloko siya ng boyfriend nitong si Ronan. Ngunit ang hindi niya alam, kayang gawin ni Kenzo ang lahat para lamang sa babaeng mahal nito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Kanina pa naghahanap ng trabaho si Mikaela, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang mahanap, pinagpasa lang siya ng resume at sinabing tatawagan na lamang daw ang dalaga. Pero alam ni Mikaela na hindi iyon mangyayari. “Hay naku! Halos tatlong oras na akong naglalakad at nagpapasa ng resume ko pero wala pa ring tumatanggap sa akin.” Naiinis nitong bulong sa sarili. May isang folder na lang siyang hawak at iyon din ang huling pag-asa niya. “Panginoon ko, dinggin niyo po ang aking panalangin. Sana, matanggap na ako sa huling kompanyang pagpapasahan ko nito. Bless me O Lord, amen.” Nagdasal muna si Mikaela bago naglakad papunta sa isang mataas na building. Inayos muna nito ang kanyang makapal na salamin. Pinagpagpag pa niya ang nagusot niyang mahabang palda. “Kaya mo ito Mikaela! Aja!” Pagpapalakas nito sa kanyang loob. Nang makarating sa harapan ng building ay agad na lumapit si Mikaela sa security guard. “Magandang tanghali po, manong guard. Magpapasa po sana ako ng resume ko. Nag-a-apply po kasi ako ng trabaho.” Magalang na wika ni Mikaela sa gwardiya. Pinasadahan siya ng tingin ng gwardiya bago kinuha ang folder na hawak nito. “Sige, pasok ka na. Fill-up ka muna rito at isuot mo ’tong visitors ID.” Sabi ng gwardiya sabay bigay sa dalaga ng visitors ID. Sinuot ni Mikaela ang ID. Naglalakad na siya nang makalimutan niyang tanungin ang gwardiya kung saan banda ang HR department. Hinanap ni Mikaela kung saan banda ang HR department. Ngunit nalibot na niya ang first floor ay wala pa rin siyang mahanap. Nahihiya rin siyang magtanong. “Naku naman oh! Mukhang ang malas yata ng araw ko ngayon. Diyos ko, huwag mo po sana akong pababayaan. Kanina pa ako gutom.” Muling panalangin ng dalaga. “Miss? Nawawala ka ba?” halos mapatalon sa gulat ang dalaga nang may magsalita sa likuran niya. Lumingon si Mikaela. Nagkaroon ng pag-asa ang kanyang puso. Saglit pang natulala si Mikaela dahil sa gwapo ng kaharap. “H-ha? H-hindi—ay oo! Oo, nawawala ako. Hinahanap ko ang HR department dito. Nakalimutan ko kasing magtanong sa gwardiya kanina eh.” Nakita ni Mikaela ang pagngiti ng binata. ‘Ang gwapo.’ Sa isipan ng dalaga. Nagtagal tuloy ang titig ng dalaga sa mukha ng gwapong binata. “Samahan na kita. Nasa 4th floor ang office ng HR department.” Pagmamagandang-loob ng binata. Tumango si Mikaela at taimtim na nagpasalamat sa Diyos. Samantalang ang lalaking tumulong sa kanya ay siyang may-ari ng kompanyang iyon. Pagkakita pa lang nito kay Mikaela ay bigla na lang lumakas ang t***k ng puso ng binata para rito. “Pangako ko sa ’yo, magiging akin ka sa tamang panahon.” Bulong ng binata sa kanyang sarili. * 2 years later. . . “Hoy! Nakatulala ka na naman d’yan. Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin malapitan ’yang sinisinta mo?” tanong ni Richard kay Kenzo. “Ewan ko ba, nawawalan ako ng boses kapag lumalapit na ako sa kanya. Nagwawala rin kaagad ang puso ko, kaya ang ending, hindi ako makapagtapat sa kanya,” “Grabeng pagsinta naman ’yan. It’s been two years, Kenzo. Malapit na nga sa ’yo, pero hindi mo man lang maligawan. Ni pagkausap nga hindi mo nagawa. Sobrang katorpehan na ’yan,” “Paano ba kasi ang manligaw? Wala kasi akong ideya,” sabi ni Kenzo habang nakatitig sa dalagang nagtitipa sa harapan ng computer nito. Araw-araw ay naging tambayan na ni Kenzo ang kanyang laptop. Doon niya lang kasi nakikita ang kanyang sinisinta. Si Mikaela; ang babaeng bumihag sa puso ng binata dalawang taon na ang nakakalipas. “Manood ka sa internet, ang daming article na mababasa mo tungkol sa kung paano ang tamang panliligaw. Hindi ’yong ini-stalk mo siya at sinusundan kahit saan man siya magpunta. Baka matakot sa ’yo.” Natatawang wika ni Richard. “May naiisip na akong paraan kung paano siya mapupunta sa akin. Sana gumana.” “O, may plano ka na pala. Gawin mo na bago ka pa maunahan ng iba.” “Hindi ako papayag na maagaw siya sa akin ng iba. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam kong akin na siya.” “Wow! Ang tindi mo rin pare! Hindi pa nga kayo, inaangkin mo na. Bilid din ako sa kahanginan mo!” Biro ni Richard sa kaibigan. “Of course. She’s going to be mine, kahit anong mangyari.” Mayabang na pahayag ni Kenzo. “O, siya. Good luck sa ’yo. Sana lang makuha mo na siya,” “Yeah. Anyway, nasaan na ang pinapagawa ko sa ’yo? Nakuha mo na ba ang address niya?” “Alam mo para ka lang tanga. Nasa kompanya mo na nga nagtatrabaho, hirap ka pang makakuha ng data niya. Heto na, complete details na ’yan,” “Pare, alam mo namang ayaw ko siyang pag-usapan ng mga empleyado rito sa loob ng kompanya ko. Look at her, she’s innocent and fragile.” Maagap na sagot ni Kenzo. “Ewan ko sa ’yo. Territorial na, protective pa, ikaw na talaga.” “Iba talaga magmahal ang mga Vargas, wagas.” “Whatever! Sige na, aalis na ako. Nauubos lang ang oras ko dahil sa kaka-tsismis ko rito sa office mo.” Pabirong wika ni Richard. “Thanks, pare. I owe you this one.” “Anything for you, bye.” Paalam na ni Richard kay Kenzo. * Samantalang sa opisina naman ni Mrs. Felipe kung saan nagta-trabaho si Mikaela. “Mikaela! May nagpapabigay ng bulaklak sa ’yo,” imporma ni Mrs. Felipe sa dalaga. Kumunot ang noo ni Mikaela. “Kanino raw galing?” tanong ng dalaga. Pinagmasdan nito ang isang pumpon ng putting rosas. Sigurado siyang hindi iyon galing sa nobyo niya. Mamahalin ang bulaklak na ibinigay kay Mikaela at kahit minsan ay hindi nagbigay si Ronan sa kanya ng bulaklak. “Ewan ko. Heto o, kunin mo na. Ang haba naman ng hair mo girl! Kahit mukha kang manang ay may secret manliligaw ka pa rin,” Tiningnan niya ang bulaklak kung may card na nakaipit doon. Nang makita ang hinahanap ay agad niyang binasa ang nakasulat doon. “You’re so lovely my sunshine. From, K.V?” basa ni Mikaela sa nakasulat sa card. “Sino raw?” “Hindi ko alam eh. Walang pangalan na nakalagay,” pagsisinungaling ni Mikaela. Alam niya kasing magiging sentro na naman siya ng tuksuhan sa loob ng opisina. Sa loob ng dalawang taon ni Mikaela bilang assistant secretary ni Mrs. Felipe ay pinilit niya ang sariling huwag makagawa ng mali o kaya ay maging sentro ng tsismis. “Baka stalker ’yan. Uso pa naman ’yan ngayon. ’Yong pa-misteryo kuno. Naku! Mag-iingat ka, Mikaela at baka masamang tao ang nagpapadala ng mga bulaklak sa ’yo.” Paalala ni Mrs. Felipe. Biglang natakot si Mikaela dahil sa sinabi ni Mrs. Felipe.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook