Chapter 2

1267 Words
Papauwi na si Mikaela sa apartment niya. Hindi mapakali si Mikaela habang nakasakay siya ng jeep. Nakahinga siya ng maluwang nang makarating ito ng safe sa harapan ng inuupuhang apartment. Hindi ganoon kalaki ang apartment ni Mikaela. Sapat lang ’yon para sa pang-isahang tao. Pagpasok pa lang ng dalaga sa entrance ng apartment nito ay nakita ni Mikaela ang kanyang nobyo. Si Ronan. “Ronan, anong ginagawa mo rito?” Nginisihan ito ng kasintahan. “Kailangan pa bang tanungin ’yan? S’yempre binibisita ko ang nobya ko. Halika na sa loob,” aya ni Ronan kay Mikaela. Pumasok na sila sa loob ng apartment ng dalaga. Mahal ni Mikaela si Ronan. Ito kasi ang kanyang unang nobyo kahit hindi ito sweet sa dalaga. “Kumain ka na ba?” tanong ni Mikaela kay Ronan. Umupo si Ronan at nagde-kwatro. “Hindi pa eh. May ulam ka bang dala?” “Meron. Teka lang at ihahanda ko lang. Magbibihis na muna ako.” Paalam ni Mikaela sa binata. Pumasok si Mikaela sa silid niya. Sa pagmamadali ay hindi niya nai-lock ang pinto. Nagulat si Mikaela nang pumasok si Ronan sa kanyang kwarto. “Anong ginagawa mo rito?” “Mikaela, magdadalawang taon na tayong magkasintahan. Siguro naman pwede na nating gawin ang ginagawa ng mag-asawa?” Lumukob ang takot sa buong pagkatao ng dalaga. “H-hindi pwede ang gusto mo. Sagrado ang ganoong bagay. Ginagawa lang ’yon ng mag-asawa.” “Langya naman oh! Sinaunang panahon pa ang paniwalang ’yan! Iba na ang panahon natin ngayon.” Malakas na sigaw ni Ronan. Umiling-iling si Mikaela. “Hindi ko sisirain ang paniniwala ko para lang sa ’yo! Hindi ako papayag. Ibibigay ko lang ang p********e ko kapag kasal na tayo.” Malakas namang tumawa si Ronan. “Kasal? Sa tingin mo ba may seseryoso sa ’yo? Eh, ako nga lang ang nanligaw sa ’yo eh. ’Tapos ngayon, nagde-demand ka ng kasal para lang bumigay ka? Huwag na tayong maglokohan pa, Mikaela. Bumigay ka na sa akin. Sige na,” “Hindi. Ayaw ko. Lumabas ka na. Kung hindi ay sisigaw ako.” Pananakot ni Mikaela. Sunod-sunod na napamura si Ronan. “Sa susunod, akin ka na.” Pagbabanta ni Ronan bago ito lumabas ng silid ni Mikaela. Napaigtad pa si Mikaela nang malakas na isara ni Ronan ang pinto niya. Nanginginig ang tuhod na napaupo si Mikaela sa gilid ng kanyang kama. Doon ay lihim siyang umiyak dahil sa labis na takot. * Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang pagpasok ni Ronan sa silid ni Mikaela. “Hoy! Nakatulala ka girl. Anong nangyari sa ’yo?” tanong ni Steph kay Mikaela. Si Steph ay matalik na kaibigan ng dalaga. “Wala. May iniisip lang ako.” “Wala? Eh, kanina pa kita tinatawag ah. Ni hindi ka nga lumingon. Sabado ngayon at wala kang pasok, magsaya ka naman,” “Ayaw kong mamasyal. Pagtitinginan lang ako ng mga tao sa mall, o hindi naman kaya ay pagtatawanan lang nila ako.” “Grabe ka talaga maka-down d’yan sa sarili mo. Be confident naman!” “Paano ba maging confident?” tanong ni Mikaela sa kaibigan. “Hindi ko alam ang definition niyan ah, basta ang alam ko lang, mahalin mo ang sarili mo at huwag mong pansinin ang sinasabi ng iba. Ganern!” “Kungsabagay, tama ka d’yan sa sinabi mo.” Pagsang-ayon ni Mikaela. Napapayag ni Steph na mamasyal silang dalawa ni Mikaela nang araw na iyon. * Masayang namasyal ang magkaibigan na Mikaela at Steph. Pagkatapos nilang mamasyal ay umuwi na sila. “Salamat ah, naging masaya talaga ako. Kahit papaano naibasan ang mga iniisip ko.” Nakangiti na wika ni Mikaela kay Steph. “Ano ka ba? Ayos lang ’yon. Oh, nand’yan pala ang boyfriend mo,” Napalingon naman kaagad si Mikaela sa kanyang apartment. Lumukob ang kaba sa puso ni Mikaela. “Hi, Steph. Lalo kang gumaganda araw-araw ah,” bati ni Ronan kay Steph sabay kindat. “Hoy! Ronan ah! Tigil-tigilan mo ako.” Malakas lang na tumawa si Ronan. “Ang sungit mo naman. Pinupuri ka lang eh. Mikaela, usap naman tayo.” Bumaling ito kay Mikaela na nangungusap ang mga mata. Natatakot pa rin si Mikaela. Ilang beses itong napalunok. “S-sige, pero sa labas lang tayo mag-uusap,” “Paano, una na ako. Bye Mikaela!” Paalam ni Steph sa kaibigan. Tumango lang si Mikaela. “Bakit? Ayaw mo na ba akong papasukin sa bahay mo? May ipinagmamalaki ka na?” “W-wala. Pero, natatakot na ako sa ’yo,” Hindi mapigilan ni Mikaela na mautal at makaramdam ng takot. Wala pa naman siyang kapit-bahay. May bakanteng silid na katabi ng kanyang inuukopa pero walang tao roon. Hinawakan ni Ronan ang braso ni Mikaela. Kinaladkad niya ito papunta sa pinto ng apartment ng dalaga. “Buksan mo.” Umiling-iling si Mikaela at magsisimula na itong umiyak. “A-ayaw ko.” “Buksan mo sabi eh! Anong gusto mo? Sasaktan muna kita bago mo ako sundin?” galit na tanong ni Ronan sa dalaga. Ilang beses na umiling si Mikaela. Natatakot ito sa p’wedeng gawin ng nobyo sa kanya. “Ayaw ko nga sabi!” Malakas na sigaw ni Mikaela. “Aba’t matapang ka ah! Gusto mo munang masaktan bago ka sumunod sa gusto ko.” Mariing wika ni Ronan at itinaas nito ang kamay upang saktan si Mikaela. Pumikit si Mikaela, hinihintay nitong lumapat ang palad ni Ronan sa mukha niya. “s**t!” Malakas na mura ni Ronan ang nagpamulat sa mga mata ni Mikaela. Nakahandusay na sa sahig si Ronan. “Kapag sinabi ng babae na ayaw niya, huwag mong pilitin. Ang babae, minamahal at nire-respeto, hindi sinasaktan.” Baritonong pahayag ng lalaking tumulong kay Mikaela. Napanganga si Mikaela sa taglay na karisma ng binata. Pamilyar ang mukha nito sa kanya, kaya lang ay hindi ito sigurado kung saan nakita ang binata. “Gago ka! Huwag kang makialam! Away ng magsyota ’to!” Malakas na sigaw ni Ronan. “She doesn’t deserve you. Asshole.” “Hoy! Mikaela, sabihin mo sa lalaking ’yan na nobya kita. Ikaw kasi eh! Ang arte-arte mo!” Umiling lang ang dalaga. “Kung ayaw mong ipakulong kita, umalis ka na lang.” Pagbabanta ng lalaking tumulong kay Mikaela. Mabilis namang sumibat si Ronan. “S-salamat ah,” nauutal na wika ni Mikaela sa binata. “Wala ’yon. Mabuti nga at dumating ako eh. Kundi ay baka ano na ang nagawa ng gagong ’yon sa ’yo,” nakangiti na wika ng lalaki. Bigla na lang lumakas ang t***k ng puso ni Mikaela nang makita ang gwapong pagngiti ng lalaking kaharap. “By the way, ako nga pala si Kenzo, simula ngayon ay d’yan na ako titira.” Pakilala ni Kenzo sa kanyang sarili sabay turo sa katabi niyang apartment. Nagulat naman si Mikaela sa sinabi ng binata. “Mabuti naman at may kapit-bahay na ako. Nice meeting you, Kenzo. Ako nga pala si Mikaela. At muli salamat sa pagligtas mo sa akin kanina.” “Mikaela, what a beautiful name. Bagay sa ’yo ang pangalan mo, para ka kasing isang angel,” Namula naman si Mikaela sa pagpuri sa kanya ni Kenzo. “N-naku. Hindi ako maganda. Tingnan mo nga ako mula ulo hanggang paa? Ganyan ba ang depenasyon ng maganda sa ’yo? Malabo yata mga mata mo,” Pinasadahan siya ng tingin ni Kenzo. “There’s nothing wrong with you. Mga tao lang talaga ang mapanghusga. You’re beautiful, inside and out.” Nakangiti na wika ni Kenzo sabay kindat kay Mikaela. Kinilig naman ang dalaga sa sinabi ni Kenzo sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD