Simula nang gabing ’yon ay naging magkaibigan na ang dalawa.
Halos araw-araw ay nagkakasabay sina Kenzo at Mikaela sa paglabas ng bahay. Minsan nga ay nahihiya na lang si Mikaela sa binata.
Katulad ngayong umaga kumakatok na naman si Kenzo sa labas ng apartment ni Mikaela.
“Hi! Good morning, sabay na tayong mag-almusal,” bati ni Kenzo kay Mikaela.
“Naku, halos araw-araw ka na lang may dala. Halika tuloy ka,”
“Gumaganda ka kasi araw-araw eh, at saka ikaw ang vitamins ko,”
“Grabe ka! Kung maka-hugot ka naman dyan,” wika ni Mikaela na kinikilig.
“I’m serious. You’re beautiful,”
“Salamat. Sige na, kumain na tayo. Salamat sa libreng pa-almusal mo ah,”
“Wala ’yon. Basta ikaw,” sabi ni Kenzo. Hindi na lang umimik pa si Mikaela dahil sa sobrang sayang nararamdaman.
*
Lumipas ang ilang araw ay kumilos na si Kenzo. Sinimulan na niya ang kanyang plano at iyon ay ang mas maging malapit sa babaeng sinisinta. At ang sunod niyang plano ay ang ilayo ito sa kanyang nobyo ngayon.
Nasa labas si Kenzo ng isang talyer. Doon nagtatrabaho ang nobyo ni Mikaela. Kailangan niya itong makausap.
“Nandito ba si Ronan?” tanong ni Kenzo sa isang matandang naroroon.
“Ronan! May naghahanap sa ’yo rito sa labas!”
Lumabas si Ronan mula sa loob ng talyer.
“O, anong ginagawa mo rito?” mabilis na tanong ni Ronan kay Kenzo. Masama ang mga titig ni Ronan kay Kenzo.
“I need to talk to you. In private.”
Sa likod ng talyer nag-usap ang dalawa.
“Ano bang gusto mong pag-usapan natin?” naiirita ang boses na tanong ni Ronan kay Kenzo.
“Makipaghiwalay ka kay Mikaela.”
“Ano? Nagbibiro ka ba? Ni hindi pa nga ako naka-score sa kanya eh. Bakit type mo ba?”
Matalim na tiningnan ni Kenzo si Ronan.
“Kapag may sinabi ka pang masama kay Mikaela, hindi ka na sisikatan pa ng araw.” Malakas namang tumawa si Ronan.
“Ayaw ko siyang hiwalayan. Makakaalis ka na.”
“I will pay you five million, hiwalayan mo lang si Mikaela. Bahala ka na kung paano mo siya hihiwalayan. Basta ang mahalaga ay magkakahiwalay kayong dalawa,”
Nagulat naman si Ronan sa sinabi ni Kenzo. Hindi ito makapaniwala sa offer ni Kenzo.
“Limang milyon? Seryoso ka ba d’yan?” May kinuha si Kenzo sa loob ng jacket niya.
“Here. Ilagay mo ang limang milyon sa chekeng ’yan. That’s my payment for you,” sabi ni Kenzo.
Kumislap naman ang mga mata ni Ronan nang makita ang checkeng ibinigay ni Kenzo. Mabilis niya iyong sinulatan.
“It’s a deal! Yes! Mayaman na ako!” Masaya nitong sigaw.
“Ito ang tandaan mo. Huwag na huwag mong sasabihin sa kanya ang usapan nating ito. Naiintindihan mo ba?” bilin ni Kenzo kay Ronan.
“Walang problema! Bukas mismo, break na kami.” Paninigurado ni Ronan.
*
Samantalang pagod na humiga si Mikaela sa kama niya. Pagod siya sa kanyang trabaho. Medyo nawala na sa isipan nito ang nobyong si Ronan.
Sunod-sunod na katok ang narinig niya sa labas ng kanyang apartment. Kinabahan si Mikaela, baka kasi si Ronan ang nasa labas ng kanyang apartment.
“Sino ’yan?” tanong ni Mikaela.
“Si Steph ito. May ipapakiusap sana ako sa ’yo,”
“Mikaela, dito muna ako sa apartment mo bukas, pwede ba? May ipapa-renovate kasi ako sa boarding house ko bukas eh,”
“Ay, akala ko kung ano na. Walang problema, iiwan ko sa ’yo ang susi bukas. Dito ka na lang maghapunan at bibili ako ng masarap na ulam.”
“Salamat ah, maaasahan ka talaga.” Pasasalamat ni Steph.
“Ikaw rin naman eh, naasahan din naman kita parati. Sige, good night!”
Nagpaalam na rin si Steph kay Mikaela.
*
Sa opisina naman ay araw-araw na nakakatanggap ng puting rosas si Mikaela sa loob ng kompanyang pinapasukan. Inipon na lang ng dalaga ang mga puting rosas sa isang vase. Lahat ng iyon ay galing kay K.V. Hindi kilala ni Mikaela kung sino si K.V.
Pagkatapos ng trabaho ay umuwi na si Mikaela. Dumaan muna siya sa isang middle class na restaurant at nag-take out ng uulamin nilang dalawa ni Steph.
“Sana matuwa siya sa ulam namin ngayon.” Bulong ni Mikaela sa sarili.
*
Papalapit na si Mikaela sa apartment niya nang makitang nakabukas ang pinto ng kanyang apartment. Humakbang siya papalapit para lang matigilan.
“Oh my goodness!” Mahina niyang bulalas. Nakita ni Mikaela ang kaibigan nitong si Steph at ang nobyong si Ronan na gumagawa ng milagro. At sa mismong apartment pa ni Mikaela.
Umatras ang dalaga hanggang sa napasandal siya sa pinto ng kanyang kapit-bahay.
“O, Diyos ko. Patawarin niyo nawa sila sa kanilang kasalanan.” Panalangin ni Mikaela sa Diyos.
*
Narinig ni Kenzo na parang may tao sa labas ng kanyang unit. Kahit masikip at hindi kalakihan ang apartment niya ay nagtiis pa rin siya para araw-araw niyang makita at makasama si Mikaela. Ganoon siya ka-baliw sa dalaga.
Binuksan niya ang pinto at laking gulat ni Kenzo na nasa labas si Mikaela at umiiyak.
“Mikaela? Anong ginagawa mo d’yan?” tanong ni Kenzo rito. Nang marinig ni Mikaela ang boses ni Kenzo ay nabuhayan ito ng loob. Itinulak niya papasok sa loob ng apartment si Kenzo at agad na niyakap.
“Hey! Ano bang nangyayari sa ’yo? Bakit ka umiiyak?” sunod-sunod na tanong ni Kenzo kay Mikaela.
“K-kenzo, m-make me a woman tonight, pwede ba?”
“W-what? Ano bang nangyari sa ’yo? Anong pinagsasabi mo? At isa pa, why are you crying?”
“Niloko ako ng matalik kong kaibigan at ng nobyo ko. Am I that ugly? Hindi ba ako maganda para lokohin lang ng ganoon ni Ronan? Si Steph, hindi niya ba ako itinuring na kaibigan?” sunod-sunod na tanong ni Mikaela. Ramdam ni Kenzo ang sakit sa boses ng dalaga.
He felt guilty. Dahil alam ni Kenzo na iyon ang naging paraan ni Ronan upang makipaghiwalay kay Mikaela.
“Shhh. . . Gago ’yang nobyo mo, hindi mo dapat siya iyakan. Tahan na,”
“Claim me. Kenzo, I’m willing to surrender myself to you. Please?”
Saglit na natigilan si Kenzo sa hiling ng dalaga.
“Are you sure? Baka hindi ka sigurado. Ayaw kong pagsisisihan mo ang mga desisyon mo,”
“Ayaw mo lang siguro sa akin. Sabihin mo nga? Nandidiri ka rin ba sa akin? Dahil sa hitsura kong parang manang?”
“Damn it! I can’t wait to taste your lips and every inch of you. Gusto ko lang masiguro kung sigurado ka na ba sa desisyon mo,”
“Sigurado ako, Kenzo. Claim me, make me yours, tonight.”
“Hindi ako papayag na ngayong gabi lang kita aangkinin. I want you for a lifetime, Mikaela. I will accept your offer, in one condition.”
“Anong kondisyon naman ’yon?” nininerbyos na tanong ni Mikaela.
Titig na titig si Kenzo sa mga mata ni Mikaela.
“Marry me.” Simpleng sagot nito. Nanlalaki naman ang mga mata ni Mikaela sa sinabi ni Kenzo.
“Marry you? Seryoso ka ba? Hindi ko sinabing pakasalan mo ako. Makikipag-one night stand lang naman ako sa ’yo, tapos aalukin mo ako ng kasal?”
Naging mabangis ang mga mata ni Kenzo habang nakatitig kay Mikaela.
“Mag-asawa lang ang gumagawa ng bagay na ’yon. It’s my principle. Kung ayaw mo, it’s okay. Leave my apartment then.” Malamig ang boses na sabi ni Kenzo sa dalaga.
Napaisip naman si Mikaela. Pareho sila ng prinsipyo ng binata. Ang ganoong bagay ay ginagawa ng mag-asawa lamang. At ngayon gusto niyang kahit papaano ay makaganti sa ginawa ni Ronan sa kanya. Kaya papayag siya sa kondisyon ni Kenzo.
“Sige. Magpapakasal ako sa ’yo.” Pagpayag ni Mikaela. Sumilay ang isang ngiti sa labi ni Kenzo.
“Good answer. Wait, may tatawagan lang ako.” Paalam ni Kenzo kay Mikaela.
Umupo si Mikaela sa gilid ng kama ng binita, habang kagat-kagat ang labi niya. Kinakabahan ito sa susunod na mangyayari.
“Yes, attorney. I want you to prepare the necessary things,” kausap ni Kenzo sa abogado nito.
“Saan ko kukunin ang mga dokumento ni Mikaela?”
“Sa HR ng kompanya ko. Sabihin mong ako ang nagpakuha. Can you make it fast? Gusto ko bukas ng umaga ay kasal na kami.”
“Sure. Basta ikaw, malakas ka sa akin eh. Teka lang, bakit nagmamadali ka? Ayaw mo na bang pakawalan?”
“Oo, ayaw ko na siyang makawala pa sa akin. Sige, salamat. See you tomorrow,” paalam ni Kenzo sa kausap. Nang maibaba ni Kenzo ang cell phone nito ay nilingon niya si Mikaela.
“Let’s go. Sa penthouse na muna tayo tutuloy,” imporma ni Kenzo kay Mikaela.
“H-ha? Paano ang mga gamit ko?”
“Ipapakuha ko na lang bukas. Let’s go, pagabi na rin.” Tumango si Mikaela kay Kenzo at sabay na silang lumabas ng apartment ng binata. Ni hindi man lang nilingon ni Mikaela ang kanyang apartments.