Chapter 4

1175 Words
Pagdating sa penthouse ni Kenzo ay namangha si Mikaela sa laki ng tinutuluyan ng binata. “D’yan ka na matulog sa guest room. Don’t worry, nagpabili na ako sa secretary ko ng mga personal na gamit mo. Nag-order na rin ako ng pagkain para makakain na tayo. Alam kong gutom ka na,” malambing na wika ni Kenzo. “Salamat. Hindi ka na sana nag-abala pa,” “Hindi ka abala sa akin at isa pa, magiging asawa na kita bukas. Kung ano ang meron ako ay sa ’yo na rin ’yon.” “Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?” “Anong desisyon?” “Sa pagpapakasal sa akin. Hindi ako maganda, wala na akong pamilya, at isa pa hindi ako mayaman. Ang layo ng agwat nating dalawa.” “Yan ba ang iniisip mo? Huwag Kang mag-alala dahil wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao. Ang mahalaga ay ikaw at ako.” Napangiti si Mikaela sa sinabi ng binata. “Mukhang sigurado ka na nga.” “Ikaw, sigurado ka na ba na pakakawalan mo ako?” “Hmmm…” “Good to hear that.” Nakangiti na pahayag ni Kenzo. Nang dumating ang mga gamit na pinabili ni Kenzo ay agad na nagbihis si Mikaela. “Kumain na tayo, halika na.” Aya ni Kenzo kay Mikaela. Tahimik lang silang kumain na dalawa. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na si Mikaela na magpapahinga na. “Okay, good night. Dream of me.” Nakangiti na wika ni Kenzo sabay kindat kay Mikaela. Natulala saglit si Mikaela sa ginawa ni Kenzo. Nagkulay kamatis ang kanyang mukha. Dali-daling pumasok si Mikaela sa inuukopang silid. Kay bilis ng pagtibok ng puso ni Mikaela. At sa simpling kindat lang ng binata ay nagwawala na ang mga bulate sa kanyang tiyan. Nasapo ni Mikaela ang mukha niya gamit ang kanyang mga palad. “Gosh! Bakit kay bilis ng pagtibok ng puso ko? At kinikilig ako sa simpleng kindat niya. Ginayuma mo ba ako, Kenzo?” wala sa sariling tanong ni Mikaela sa sarili. Nang gabing iyon ay naging mailap ang tulog kina Kenzo at Mikaela. * Kinaumaghan ay maagang nagising si Mikaela. Ngunit nagulat siya nang mas nauna pang nagising si Kenzo sa kanya. “Good morning. How’s your sleep?” malambing na tanong ni Kenzo kay Mikaela. “Ah, maayos lang naman,” “That’s good. Mamayang alas nueve ang kasal natin. Civil wedding lang naman, dalawang kaibigan ko lang ang inimbita ko para maging saksi sa kasal natin. Ikaw? May gusto ka bang imbitahan?” “W-wala. Ulila na ako at wala rin akong mga kaibigan.” “Okay lang ’yan. Kapag kasal ka na sa akin, may matatawag ka ng pamilya. Sigurado rin akong matatanggap ka ng mga magulang ko,” pahayag ni Kenzo. Tumango lang si Mikaela rito. Pagsapit ng alas otso ng umaga ay may nag-ayos na kay Mikaela. Pinasuot din ito ng wedding gown. Simple lang iyon pero elegante. Conservative type ang gown kaya natuwa si Mikaela. Alam ng binata ang gusto niyang damit. May nag-ayos din sa loob ng penthouse ni Kenzo, pinalibutan ng mga bulaklak at iba pang desinyo ang paligid. “Madam! Ang ganda niyo po. Minus salamin nga lang.” Puri ng baklang nag-ayos kay Mikaela. “Salamat.” Tangi nitong sagot. * Dumating na ang abogado na magkakasal kina Kenzo at Mikaela. “And now I pronounce you as husband and wife, you may kiss the bride,” pagtatapos na sabi ng abogado. Nagpalakpakan naman ang mga bisita nang mabilis na halikan ni Kenzo sa labi si Mikaela. Pagkatapos ng simpleng kasal nina Kenzo at Mikaela ay nagkaroon sila ng munting salo-salo. “Kiss naman d’yan! Ang bilis lang ng halikan niyong dalawa kanina eh!” Sigaw ng kaibigan ni Kenzo na si Richard. Namula naman ang mukha ni Mikaela. Hinawakan ni Kenzo ang panga ni Mikaela at dahan-dahang inilapat ang ng labi nito sa labi ng kanyang asawa. Parang may dumaloy na libo-libong kuryente sa katawan ni Mikaela nang maglapat ang mga labi nila. May kakaibang naramdaman si Mikaela sa kanyang kaibuturan. “Ayon oh! Ang sweet!” Malakas na sigaw ng mga kaibigan ni Kenzo. Hindi rin nagtagal ang mga bisita nila at umuwi na. * Kinagabihan ay maagang naligo at nag-ayos ng sarili si Mikaela. Ngayong gabi na kasi ang kanilang honeymoon. Kinakabahan siya na may halong excitement. “Handa ka na ba?” masuyong tanong ni Kenzo sa asawang si Mikaela. “Handa na ako. May karapatan ka nang angkinin ako. Asawa mo na ako ngayon, Kenzo.” Bumaba ang mukha ni Kenzo sa kanyang labi. Napapikit si Mikaela at ninamnam ang labi ng asawa. Marahan, at puno ng pag-iingat ang bawat hagod ni Kenzo sa labi ng asawa. Ang simpleng halik ay siyang naging mitsa ng init na lumukob sa kanilang katawan. At sa gabing iyon ay pinag-isa nila ang kanilang katawan . Sa gabi na iyon ay isinuko na ni Mikaela ang kanyang iniingatang p********e. Ngunit wala siyang pagsisising naramdaman. Bagkus ay naging masaya pa si Mikaela na naibigay niya sa asawa ang regalong nararapat para sa kanya. * Isang linggong nag-leaave si Mikaela sa kanyang trabaho. At sa loob ng isang linggo ay naging masaya ito sa piling ng kanyang asawang si Kenzo. “Mikaela, gusto ko sanang huwag ka ng magtrabaho. Okay lang ba ’yon sa ’yo?” masuyo ang boses na tanong ni Kenzo sa asawa. “Ano? Ayaw kong huminto sa pagta-trabaho. Anong gagawin ko rito sa bahay?” “Ayaw lang kitang mapagod. Kaya naman kitang buhayin,” “Alam ko naman ’yon. Pero, sana maintindihan mo rin ako. Gusto ko rin namang may gawin. Ayaw kong nakatambay lang sa bahay,” “Fine, pero kapag nagbuntis ka na, dapat tumigil ka na sa trabaho mo ah.” Namula naman ang mukha ni Mikaela sa sinabi ng asawa. “S-sige, pero ngayon gusto ko munang magtrabaho,” “Pero pwede ka na bang magtrabaho kung gusto mo. May pangarap ka ba noon na gusto mong gawin? Like, gusto mong magkaroon ng negosyo, o baka naman mahilig kang magluto. Pwede kitang patayuan na lang ng restaurant, ano sa tingin mo?” “Hmm. . . Wala naman akong masyadong pangarap noon, basta makapaghanap lang ako ng trabaho, may matuluyan at may makain ay ayos na sa akin,” nakangiti na wika ni Mikaela. “Ngayon baka may gusto ka na, lahat ng hiling mo ay tutuparin ko,” “Bakit mo ba ‘to ginagawa, Kenzo?” “Huwag mo ng itanong. Malalaman mo rin sa tamang panahon. Sa ngayon, gusto ko lang na ibigay ang lahat ng gusto mo, Mikaela.” “Sige, pag-iisipan ko ang sinabi mo. Siguro nga maganda ang magkaroon ng negosyo.” “Take your time, kapag may naisip ka na, huwag kang mahihiya na sabihin sa akin agad,” “Thank you, Kenzo.” “Anything for you, Mikaela.” Hindi muna ipinaalam ni Kenzo kay Mikaela na siya ang kanyang amo sa kompanyang pinagta-trabuhan ng kanyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD