Bumalik si Mikaela sa dating apartment niya. Ilang buwan din naman ang advance niya sa may-ari ng apartment.
“Mikaela? Ikaw ba talaga ’yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Steph sa kanya. Agad na niyakap ni Mikaela si Steph.
Nag-usap silang dalawa at sa wakas ay nagkapatawaran na rin ang magkaibigan.
“Sorry ah, dahil sa amin kaya ka nasasaktan ngayon.” Muling paghingi ni Steph ng tawad kay Mikaela.
“Hayaan mo na, matagal na ’yon at napatawad na kita.”
“Mikaela! Mikaela!” Sunod-sunod na tawag ni Ronan sa pangalan ni Mikaela.
“Bakit?”
“May naghahanap sa ’yo, isang matandang lalaki. Labasin mo muna,”
“Sino raw?”
“Sabi niya tatay mo raw eh.”
“Ano? Tatay ko?”
“Yon ang sabi niya.”
“Nasaan siya?”
“Nasa labas, di ko pinapasok eh,”
“Sige, salamat, Ronan.”
*
Kinausap ng ginoo si Mikaela. Nagpakilala itong ama ni Mikaela.
“Totoo po ba? Ikaw ang tatay ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Mikaela.
“Oo, at gusto ko sanang isama ka sa Davao, aalis na kami bukas ng umaga. Ikaw lang talaga ang sinadya ko rito.”
Hindi na nagdalawang-isip pa si Mikaela na sumama sa kanyang ama. Akala niya ay hindi na niya ito makikilala pa simula nang mamatay ang kanyang ina.
*
Dalawang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nakikita ni Kenzo ang asawa.
“Damn it, Richard! Hanggang ngayon ba ay wala ka pang balita sa asawa ko? Dalawang buwan na simula ng umalis siya!” Galit na sigaw ni Kenzo.
“Wala pa rin eh. Bakit hindi mo kausapin ang kaibigan ng asawa mo? Baka may alam sila, hindi ba at umuwi si Mikaela doon bago umalis?”
“Yeah. Tama ka nga. May ibabalik din pala ako sa gagong Ronan na ’yon. Kung hindi niya sinabi sa asawa ko ang tungkol sa pagbabayad ko sa kanya, hanggang ngayon nandito pa rin ang asawa ko.”
“Kasalanan mo rin naman eh. Bakit kasi hindi mo na lang niligawan. May pa bayad-bayad ka pang nalalaman. At sinabi ko na noon sa ’yo, sabihin mo sa kanya ang totoo.”
“Huwag mo na akong sisisihin pa. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa ko sa kanya.”
“Sige, good luck sa ‘yo, pare.”
“Salamat.”
*
Pinuntahan ni Kenzo ang dating tinitirhan ng kanyang asawa. Doon ay nakita niya sina Steph at Ronan.
“Ronan.” Mabangis na tawag ni Kenzo sa lalaki. Nang lumapit si Ronan ay agad na inundayan ni Kenzo ng suntok ang lalaki.
“Asshole! Sabi ko sa ’yo na huwag mong sasabihin sa asawa ko ang ginawa ko.”
“Deserve niyang malaman iyon. Hindi ka ba nakokonsensya sa ginawa mo?” tanong ni Ronan. Natahimik si Kenzo. Tama ang sinabi ni Ronan. He’s a jerk and a coward.
Takot siyang lapitan si Mikaela dahil natatakot siyang mabasted. Kaya naman dinaan-daan niya sa pang-i-stalk ang dalaga. Hanggang sa magkaroon ito ng pagkakataon na mapunta sa kanya si Mikaela, at sa maling paraan niya pa nagawa iyon. Hindi na niya mababawi pa ang sakit na naidulot niya sa asawa. Kailangan niyang bumawi kay Mikaela.
“Alam niyo ba kung nasaan ang asawa ko?”
“Mahal mo ba ang kaibigan ko?” tanong ni Steph.
“Mahal ko siya, mahal na mahal.”
“Ito kunin mo ’to, nand’yan ang address ni Mikaela. I hope na hindi mo na siya sasaktan pa. Mahal ko si Mikaela, at gusto ko ring sumaya siya sa piling mo.” Nakangiti na wika ni Steph.
“Salamat. Pangako, mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko.” Naiiyak na pangako ni Kenzo kay Steph.
“Kapag sinaktan mo pa ulit si Mikaela, ako na ang makakalaban mo at hindi ko na siya ipapakita pa sa ‘yo.”
“It will never happen. Kapag nakita ko siya, hindi ko na siya pakakawalan pa,”
“Tatandaan ko ‘yan.”
“Itatak mo pa sa bato.” Sabi ni Kenzo at nagpaalam ng umalis.
*
Nang araw ring iyon ay lumipad patungong Davao si Kenzo. Hindi na siya makakapaghintay pa na muling makita ang babaeng pinakamamahal niya.
Samantala si Mikaela ay nagbabasa ng libro para sa pagbubuntis. Naging maayos ang pamumuhay niya sa piling ng kanyang ama. Marunong na rin siyang mamili ng damit na babagay sa kanya. At ang makapal niyang salamin ay napalitan na ng may class na salamin.
Nalaman din niya na buntis siya makalipas ang ilang linggong pamamalagi sa Davao at masaya si Mikaela sa magandang balita sa kanya, pero may lungkot din itong nararamdaman kapag naalala ang ama ng kanyang anak.
“Ma’am Mikaela, may naghahanap po sa inyo.” Imporma ng kasambahay nila.
“Sino?”
“Si Sir Drake po.”
“Hi, beautiful preggy woman!” Bati ni Drake kay Mikaela.
“Hello. Napadalaw ka yata? Wala si Papa rito,”
“Hindi naman ang papa mo ang ipinunta ko rito. Ikaw. Flowers for you,” nakangiti na wika ni Drake kay Mikaela sabay bigay ng bulaklak.
“Salamat. May kailangan ka sa akin?”
“Well, gusto ko sanang ligawan ka, kung papayagan mo ako.”
“Ha? Eh, alam mo namang buntis ako,”
“It’s okay, pwede ko namang akuin ang anak mo.”
Sasagot pa sana si Mikaela nang may biglang magsalita sa likuran niya. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Mikaela nang marinig ang boses ng asawang si Kenzo. Miss na miss na niya ang asawa.
“At sa tingin mo papayag ako?” umiigting ang panga na tanong ni Kenzo kay Drake.
“Sino ka naman?”
“Ako lang naman ang asawa niyang babaeng liligawan mo sana at ang ama niyang ipinagbubuntis niya na handa mo sanang akuin.”
“Paano mong nalaman na nandito ako?” gulat na tanong ni Mikaela sa asawa.
Hinarap ni Kenzo si Mikaela. Puno ng pagmamahal ang mga mata nitong nakatingin sa asawa.
“Babe, mahal kita, mahal na mahal. Handa akong gawin ang lahat para bumalik ka lang sa akin. Handa kong suyurin ang buong mundo, makita ka lang. Please, balikan mo na ako. Patawarin mo ako sa nagawa ko. I’m just in love with you kaya ko nagawa ’yon. Tanggap ko naman eh, I’m a jerk, a coward. Pero ang mawala ka sa akin ang hindi ko matatanggap. Baka tuluyan ko ng ikabaliw kapag nangyari ‘yon.” Madamdaming wika ni Kenzo sa asawa.
Umiiyak naman si Mikaela habang nakatingin sa asawa.
“Patatawarin lang kita kapag niligawan mo ako. Hindi ko man lang naranasang ligawan mo. Kasal agad ang tinanong mo sa akin.”
Lumapad na ngumiti si Kenzo sa kanyang asawa.
“Kahit araw-araw ay liligawan kita, asawa ko. I love you so much.” Sabi ni Kenzo. Hindi nito napigilan na huwag halikan ang asawa sa labi nito.
Agad namang tinugon ni Mikaela ang halik ng kanyang asawa. Tumagal ang halikan nila na para bang walang ibang tao sa kanilang paligid.
Malakas na tumikhim si Drake.
“Mukhang basted na ako.” Pabiro nitong wika. Agad namang hinapit ni Kenzo sa baywang si Mikaela. He’s being territorial and possessive.
“Basted ka na talaga. Dahil akin lang ang asawa ko. Hindi ko siya ipamimigay at hindi ko na pakakawalan pa ang asawa ko.”
“Ganyan din ang gagawin ko kung ganyan kaganda ang asawa ko.”
“That’s good to hear. Pasalamat ka at hindi ko napuruhan iyang mukha mo.”
“Alis na ako at baka tuluyan mo na akong mapuruhan niyan.”
“Huwag ka ng bumalik dito ah.”
Pagkaalis ni Drake ay hinarap ni Kenzo si Mikaela.
“Babe, please, huwag mo na ulit akong iiwan.” Wika ni Kenzo
“Kapag tumino ka at kapag pinagsisihan mo na ang ginawa mo.”
“Matino naman ako ah, nababaliw lang naman ako kapag malapit ka. Ikaw ang gumugulo sa utak at nagpapabilis ng t***k ng puso ko.”
“So, kasalanan ko pa? Ganoon ba?”
“Of course not. Mahal lang kita kaya baliw na baliw ako sa ‘yo. At mas lalo pa akong nabaliw dahil dala mo ang anak natin sa sinapupunan mo. Labis mo akong pinasaya.”
“Salamat at hinanap mo ako at hindi sinukuan.”
“Hinding-hindi kita susukuan, ikaw ang buhay ko at hindi ko kakayaning mawala ka sa akin, Mikaela.”
“Hindi ko rin kakayaning mawala ka sa akin, Kenzo. Mahal kita.”
“At mahal na mahal naman kita.”
Muli ay naglapat ang mga labi nila na puno ng pagmamahal at pangako para sa isa’t-isa.
*
Nang dumating ang ama ni Mikaela ay pinakilala niya si Kenzo. Nakatanggap ng suntok si Kenzo mula sa ama ni Mikaela, malugod naman niya iyong tinanggap.
“Masaya ako at magiging isa na tayong pamilya kasama ang magiging anak natin.”
Marahang hinaplos ni Kenzo ang impis pang tiyan ni Mikaela.
“Thank you for making me the happiest man alive, Mikaela. Noon, stalker mo lang ako, pero hindi ako makapaniwalang magiging asawa na kita,” masayang wika ni Kenzo. Hinalikan nito ang tiyan ni Mikaela.
“Hindi rin ako makapaniwala na ang gwapong kapit-bahay ko na inalok ko lang ng one night stand ay aalukin din ako ng kasal.” Nakangiti na wika ni Mikaela.
“Ginawa ka ng Diyos para sa akin, Mikaela.”
“Ganoon ka rin sa akin, Kenzo.”
*
Makalipas ang dalawang araw ay dumating sa Davao ang mga magulang ni Kenzo at namanhikan sila sa pamilya ni Mikaela. Walang paglagyan ang kasiyahan sa puso ni Mikaela. Tanggap siya ng mga magulang ni Kenzo.
Ang mga luhang iniyak niya noon ay mas trumimple pa ang kasiyahang ibinalik sa kanya ng Diyos. At nagpapasalamat siya sa Diyos na nakilala niya ang kanyang asawang si Kenzo.
Napag-usapan din ng bawat panig ng pamilya na pagkatapos na manganak ni Mikaela ay magpakasal silang dalawa ni Kenzo sa simbahan.
*
Nasa silid niya si Mikaela at umiinom ng gatas.
Nagulat si Mikaela nang yakapin siya ni Kenzo mula sa likuran at halikan ang buhok nito.
“Are you happy?” tanong ni Kenzo sa asawa.
“Super happy. Wala na akong mahihiling pa kundi ang magsama tayo hanggang sa huling hininga ng buhay natin. Ganoon kita kamahal, Kenzo.”
“Mahal na mahal din kita, kayo ng magiging anak natin. At hindi ako mapapagod na sabihin sa ’yo ang salitang mahal kita. Simula pa lang nang una kitang makita sa kompanya ko, hindi na kita nakalimutan pa, hanggang sa sinusundan na kita noon. Ako rin ang nagpapasok sa ’yo sa kompanya ko. Hindi mo ba ako maalala?”
“Sorry, hindi kita nakilala at natandaan. Siguro dahil ang nasa isipan ko noon ay dapat matanggap ako sa trabaho ko, dahil iyon na lang ang huling chance ko.”
“Salamat at dumating ka sa buhay ko. Hindi na kita pakakawalan pa. Pangako ko ’yan sa ’yo.”
“Salamat din at tinanggap mo ako ng buong-buo. I love you, Kenzo.” Madamdamin na wika ni Mikaela.
“I love you too, Mikaela. I love you so much. You are my life, my air to breathe and my everything.” Sabi ni Kenzo at marahang hinalikan si Mikaela sa labi.
“Ikaw rin ang buhay ko Kenzo, kayo ng magiging anak natin. Hindi ko aakalain na magkakaroon ako ng isang kompleto at masayang pamilyang kagaya nitong ibinigay mo sa akin.”
“Maging ako ay hindi rin makapaniwala, Mikaela. Ikaw at ang magiging anak natin ang komompleto sa buhay ko. Kaya ipangako mo na kahit anong pagsubok ang ibigay ng Diyos sa atin ay magiging matatag tayong pareho. Walang iwanan hanggang sa pumuti na ang buhok natin.”
“Pangako Kenzo, hindi na kita iiwan pa, pakikikinggan kita at uunawain sa abot ng aking makakaya. Mamahalin kita hanggang sa pagtanda ko.”
“I love you, Mikaela,”
“I love you too, Kenzo.”
At masuyong niyakap ni Kenzo ang kanyang asawa.
*
Naging stalker sa simula, nagmahal kahit hanggang tingin lang. Pinaglaban, at inayang magpakasal. Ganoon kung magmahal ang isang Kenzo Vargas.
Nagmahal, nasaktan, nagtiwala, umibig muli, ngunit muling nasaktan at kalaunan ay nagpatawad, ‘Yan ang naging buhay pag-ibig ni Mikaela Madrigal-Vargas.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pinagtagpo ang landas nilang dalawa.
Kaakibat ng pagmamahal ay ang sakit. Kaya kung magmamahal ka, siguraduhin mong handa kang masaktan. Dahil ang totoong nagmamahal ay handang masaktan.
WAKAS. . .