Pagkatapos ng masayang bakasyon ng mag-asawa ay umuwi na rin sila. Nagpatuloy pa rin si Mikaela sa pagtatrabaho sa kompanya ng kanyang asawang si Kenzo, kagaya ng request ni Mikaela ay nanatili itong assistant secretary ni Mrs. Felipe.
“Lunch time na po, ma’am.” Paalala ni Mrs. Felipe kay Mikaela.
“Mrs. Felipe, tigilan niyo na po ang kakatawag niyo sa akin ng ma’am. Okay na sa akin ang Mikaela.”
“Nakakahiya naman kasi sa ’yo. Asawa ka ng may-ari nitong kompanya. ’Tapos, assistance secretary pa kita.”
“Wala po ’yon. Basta tawagin niyo akong Mikaela, okay po?” nakangiti na wika ni Mikaela kay Mrs. Felipe. Tumango na lang si Mrs. Felipe.
*
Lumabas ng building si Mikaela upang bumili ng pagkain. May meeting kasi si Kenzo kaya hindi sila magkasabay na kakain.
“Anong order niyo ma’am?” magalang na tanong ng crew. Nasa isang middle class restaurant lang ako kumakain.
“Adobong manok. Hmm. . . May ginataang monggo kayo?”
“Meron po, ma’am,”
“Isang order din at dalawang rice, sa drinks naman, orange juice na lang. Salamat.” Order ni Mikaela.
“Sige po, hintayin niyo na lang,” sabi ng crew.
*
Nagsisimula ng kumain si Mikaela nang may biglang umupo sa kanyang harapan. Nang mag-angat ito ng paningin ay nagulat ito nang makita si Ronan.
“Anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong ni Mikaela sa dating kasintahan.
“Mikaela, makinig ka muna sa akin. Hindi ako pinapatulog ng konsensya ko sa mga nagawa ko sa ’yo.”
Simula kasi nang sumama si Mikaela kay Kenzo ay nawalan na siya ng balita kina Ronan at Steph. Hindi na nagkaroon pa ng panahon si Mikaela na komprontahin ang dalawang naging mahalaga sa buhay niya.
“Ronan, tapos na ’yon. Mahigit isang buwan na rin simula nang mangyari iyon. Kalimutan na lang natin.”
“Hindi mo kasi naiintindihan eh. Oo, inaamin ko na nagkasala ako sa ’yo, nabastos kita. May nararamdaman ako sa ’yo Mikaela, pero hindi iyon kasing laki ng pagmamahal ko kay Steph. Walang kasalanan si Steph sa ’yo, ako ang may kasalanan at humihingi ako ng tawad sa nagawa ko sa ’yo. Pero, si Kenzo, ang asawa mo, siya ang nag-utos sa aking hiwalayan ka. Binigyan niya ako ng limang milyon para makipaghiwalay ako sa ’yo. Nasilaw ako sa pera niya. Plinano namin ni Steph ang nakita mo sa loob ng apartment mo. Sana, patawarin mo kami ni Steph. Panay ang iyak niya dahil sa nagawa niya sa ’yo.” Pahayag ni Ronan kay Mikaela.
Nagulat si Mikaela sa sinabi ni Ronan.
“Totoo ba ‘yang sinasabi mo? Baka naman, pina-prank mo lang ako para makaganti sa akin.”
“Totoo ang sinasabi ko sa ‘yo, Mikaela. Hindi ako nagsisinungaling. Gaya nga ng sinabi ko, ayaw kong kainin ako ng konsensya ko kaya ko ’to sinabi sa ‘yo. Sana mapatawad mo ako at si Steph.” Sabi ni Ronan.
“Salamat at sinabi mo sa akin ang ginawa ng asawa ko.”
“Wala ’yon. Mahalaga ka kay Steph kaya mahalaga ka na rin sa akin. Sige aalis na ako,” paalam ni Ronan.
“Sige.” Sabi naman ni Mikaela.
*
Umuwi si Mikaela sa penthouse nilang mag-asawa na wala sa sarili. Umuukilkil pa rin sa isipan niya ang sinabi ni Ronan.
Kinagabihan ay umuwi si Kenzo. May dala itong isang pumpon ng white roses at ibinigay sa asawa.
“Hi, babe! How’s your day?” malambing na tanong ni Kenzo sa asawa.
Hindi pinansin ni Mikaela si Kenzo. Kaya nag-aalalang nilapitan ni Kenzo ang asawa.
“Babe? May nararamdaman ka ba? Bakit ang tahimik mo?”
Malakas na itinulak ni Mikaela ang asawa at isang malakas na sampal ang ipanadapo niya sa pisngi ni Kenzo.
“Manloloko ka! Sinungaling!” Umiiyak na sigaw ni Mikaela.
“Ha? Ano bang nangyayari sa ’yo? Hindi kita maintindihan.”
“Maang-maangan ka pa? Alam ko na ang lahat Kenzo! Pinaikot mo lang ako, pinaglaruan. Masaya ba? Masaya bang nakuha mo ako dahil sa pera mo? Ganoon ba kababa ang tingin mo sa akin, ha? Ano? Sumagot ka!”
Nakita ni Mikaela kung paano sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ng asawa. Biglang lumambot ang puso niya ngunit hindi siya nagpatinag.
“Babe, let me explain. Oo, ginawa ko ’yon. Binayaran ko si Ronan para hiwalayan ka niya. Dahil gusto kita, mahal na kita, Mikaela. Matagal na na kitang mahal. Patawarin mo ako, please. Hindi ko na gagawin ’yon sa ’yo, pangako.” Nakikiusap na pahayag ni Kenzo. Pulang-pula na ang mga mata nito at walang humpay sa pag-agos ang luha.
“Niloko mo pa rin ako. Pinaniwala. Binili. Hindi ako isang bagay lang, Kenzo. Tao ako, may damdamin din naman ako eh. Hindi ’yong ganito. Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin. Lalo na ngayon na mahal na mahal kita.”
“Mahal na mahal kita, Mikaela. Let’s fix this, please?”
“I’m sorry, Kenzo. I need to think first. I need space. Ayaw muna kitang makita,”
“Mikaela, please, huwag mo akong iwan. Patawarin mo ako sa nagawa ko sa ‘yo.” Nagmamakaawa pa rin si Kenzo sa asawa nito, nakaluhod ito sa harapan ni Mikaela.
“May magagawa ba ang sorry mo? Maibabalik ba niyan ang sakit na naramdaman ko noon? Maibabalik ba ng sorry mo ang insecurities ko sa sarili ko? Maibabalik ba niyan ang dignidad ko na binili mo?”
“Alam kong hindi ko na maibabalik pa ang mga ‘yon. Nangyari na ang lahat at pinagsisihan ko na lahat ng mga nagawa ko. Mahal lang kita kaya ko ‘yon nagawa sa ‘yo.”
“Ganyan ba ang klase ng pagmamahal para sa ‘yo? Nananakit? Binibili ng Pera? Lahat ba ng gusto mo ay may kapalit na pera para makuha?”
“Mikaela, listen. Iba ka sa lahat. Walang makakatumbas sa pagmamahal ko sa ‘yo. Mawala na ang lahat sa akin, huwag lang ikaw. Mababaliw ako kapag nangyari ‘yon.”
“Eh di mabaliw ka. Wala kang kasing sama. Akala ko pa naman iba ka sa lahat, pero nagkamali ako, malala ka pa yata.”
“Mikaela, please. Ayusin natin ‘to. Maayos pa natin ‘to.”
“Ayaw muna kitang makita. Kaya kung pwede lang, huwag mo na akong hanapin pa. Paalam, Kenzo.”
“Mikaela, no!”
Hindi pinakinggan ni Mikaela ang kanyang pagmamakaawa. Kinuha ni Mikaela ang gamit niya at lumabas sa penthouse ni Kenzo.