Chapter 7

1394 Words
Sa isang resort nagbakasyon ang mag-asawa. Isang linggo silang magbabakasyon. “Babe, okay lang ba kung hindi na lang ako mag-swimming? Hindi ako sanay magsuot ng two piece eh,” nahihiyang wika ni Mikaela. “Mas mabuti nga ’yon, dahil ako lang dapat ang makakakita ng katawan mo. Asawa ko,” “Hindi ka pa ba nagsasawa sa akin?” “Magsasawa? Hinding-hindi ako magsasawa sa ’yo, babe. Never, kahit na pumuti na ang buhok ko. Ikaw at ikaw pa rin ang gusto ko.” Kinilig naman si Mikaela sa sinabi ng asawa. “Talaga? Baka kapag nakakita ka ng mas maganda at sexy na babae ay bigla mo na lang akong iwan?” “Hindi ’yon mangyayari.” Pangako ni Kenzo. Niyakap niya ng mahigpit ang asawa. “Panghahawakan ko ’yang pangako mo ah,” “Ikaw? Baka makakita ka ng mas gwapo sa akin, ‘tapos iwanan mo ako.” “Naku, malambing mangyari ‘yan. All in one ka na kaya. Gwapo, mayaman at mabait pa, oh ‘di ba? Parang kape lang,” “Pinapakilig mo naman ako eh,” “Kinilig ka ba?” biro ni Mikaela. “Hmmm. . . Pakinggan mo nga ang pagtibok ng puso ko, konti na lang at lalabas na dahil sa mga banat mo,” “Ikaw talaga. Tara na nga at magbibihis na tayo,” aya ni Mikaela sa asawa. Nagpahinga muna ang mag-asawa bago napagpasyahang mamasyal. * Tatlong araw ng naglilibot ang mag-asawa sa buong resort. Masayang-masaya ang mag-asawang Kenzo at Mikaela. “Babe, pwede ba kitang i-date mamayang gabi?” malambing na tanong ni Kenzo sa asawa. Magkayakap silang dalawa sa malapad na kama. Katatapos lang nilang ipadama ang init ng katawan ng bawat isa. “Kailangan pa ba ’yang itanong? Syempre papayag ako,” “Thank you, babe. Anyway, nandyan na sa box ang damit na susuotin mo mamaya para sa dinner date natin.” “Talaga? Mukhang pinaghandaan mo na ito ah. Paano pala kung tumanggi ako sa date natin?” “Gagawa ako ng ibang paraan para pumayag kang makipag-date sa akin.” “At ano namang paraan ’yon aber?” “I will make love to you until you say yes.” “Kenzo!” Na-e-eskandalong sigaw nito sa pangalan ng asawa. Malakas lang na tumawa si Kenzo at hinalikan sa labi si Mikaela. “Ang inosente mo talaga. Kaya kita nagustuhan eh,” “Anong sabi mo, Kenzo?” “Ayaw ko ng ulitin pa,” “Kenzo naman eh, ang hina kasi ng pagkakasabi mo kaya hindi ko narinig,” “Sabi ko ang swerte-swerte ko sa ‘yo,” “Talaga?” “Oo nga, swerte ako sa ‘yo, maganda na, may ginintoang puso pa.” “Ako rin naman swerte sa ‘yo ah,” wika ni Mikaela. “Paano ako naging swerte sa ’yo?” “Dahil naging totoo ka sa akin, Kenzo. Kaya swerte ko at nakilala kita,” Biglang natahimik si Kenzo. Nagi-guilty na naman siya sa ginawa niya sa asawa. “Matulog na tayo, good night, babe.” “Good night,” * Kinagabihan ay isinuot nga ni Mikaela ang damit na binili ni Kenzo para sa kanya. Isang black long dress at long sleeve ang suot ni Mikaela. Napangiti si Mikaela sa kanyang hitsura. “You’re so dazzlingly beautiful, babe.” Komento ni Kenzo nang makita ang hitsura ng asawa. “Salamat,” “Pero bago tayo mag-date, may ibibigay sana ako sa ’yo,” sabi ni Kenzo. Pinatalikod niya si Mikaela at isinuot sa leeg nito ang isang gold necklace na may pendant na hugis salamin. “Ano ’to?” “May gift for you. Sa salamin mo ako naakit sa ’yo,” “Hala, ikaw may gift pero ako wala man lang regalo para sa ’yo,” “It’s okay. Ang pagpayag mo ngayong gabi ay malaking bagay na para sa akin.” “Hayaan mo, kapag sumahod ako, Ibibili kita ng regalo.” “Isa lang ang gusto kong iregalo mo sa akin,” “Ano ‘yon, Kenzo?” “Anak, Mikaela. Bigyan mo ako ng anak para isa na tayong pamilya,” wika ni Kenzo. “Ipapanalangin ko ‘yan sa Diyos, babe,” “Thank you. Let’s go?” “Sige, tara na.” Nakangiti na wika ni Mikaela. * Sa isang floating cottage dinala ni Kenzo si Mikaela. Romantic ang ambience ng paligid. Napakasarap din ng malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ni Mikaela. “Wow! Ang ganda naman dito. Kitang-kita ang magandang pagkinang ng mga bituin sa kalangitan.” Namamanghang wika ni Mikaela. “I’m glad that you like my surprised for you,” “Sino bang hindi? Ang romantic nga eh. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang ’to naranasan. Kahit nga noong magkasintahan pa kami ni Ronan ay hindi niya ito nagawa sa akin. Tamang kain lang kami sa labas, minsan nga mas gusto niyang sa loob lang kami ng bahay kumain. Naiintindihan ko naman siya, nahihiya siyang malaman ng lahat na ako ang girlfriend niya. Kaya siguro pinagpalit niya ako sa kaibigan ko.” “Mikaela, mahal mo pa ba si Ronan?” “Mahal? Ewan ko, ngayon ko lang na realize kung minahal ko nga ba siya o nabulag lang ako sa kagustuhan kong magkaroon ng lalaking mamahalin ako.” “Anong ibig mong sabihin?” “Wala na akong nararamdaman pa kay Ronan. Wala na nga ’yong sakit ng panloloko nila sa akin eh. Siguro dahil may mahal na akong iba?” “Mahal? May mahal ka ng iba? S-sino?” nauutal na tanong ni Kenzo. Lalong lumakas ang kabog sa puso nito. “Tinatanong pa ba kung sino? Kilala mo naman yata siya eh,” “Damn it! Mikaela! Kung sinoman ang mahal mo, aagawin kita sa kanya. I swear, hindi kita pakakawalan.” “Talaga? Kaya mo kaya akong agawin sa kanya?” Mikaela was teasing him. “Oo naman. I can do everything, basata para sa ’yo.” “Eh paano ’yan? Ikaw ang mahal ko, maagaw mo kaya ako sa mismong sarili mo?” malapad ang ngiting tanong ni Mikaela sa asawa. Nanlaki naman ang mga mata ni Kenzo. “Anong sabi mo?” “Ang sabi ko po, ikaw ang lalaking tinutukoy ko na mahal ko. Mukhang kakaiba ang karisma mo at nahulog kaagad ang loob ko sa ’yo. Ako mahal mo kaya ako?” Medyo natatakot ito sa isasagot ni Kenzo sa kanya. “Damn it! You made me happy!” Malakas na sigaw ni Kenzo at agad na niyakap si Mikaela. Nagulat si Mikaela nang lumuhod si Kenzo sa harapan niya. “I know hindi maganda ang pagyaya ko sa ’yo ng kasal. It was rushed and unplanned. Kaya ngayon, gusto kong maging pormal ang lahat. Gusto kong maramdaman mo kung gaano kita kamahal, Mikaela. Ikaw lang ang babaeng nagpatibok ng puso ko. Ang babaeng gumulo sa utak ko at ang babaeng gustong maging tahanan ng katawang lupa ko. Tatanungin kita ulit, Mikaela Madrigal, will you be my wife and the mother of our future children?” seryoso at puno ng pagmamahal na tanong ni Kenzo kay Mikaela. Binuksan ni Kenzo ang red velvet box na naglalaman ng kumikinang na singsing. Hindi makapaniwala si Mikaela nang tanungin siya ulit ni Kenzo. Umiiyak na tumango si Mikaela. Mabilis na isinuot ni Kenzo ang singsing sa daliri ni Mikaela. “Yes, it’s a yes, Kenzo! I love you!” “Yohoo! Yes! I love you Mikaela Madrigal-Vargas!” Akin ka! Akin ka lang!” Sigaw ni Kenzo. Masayang-masaya niyang pinugpog ng halik ang buong mukha ni Mikaela. “Thank you, Kenzo. Sa pagtanggap mo sa akin ng buo. Mamahalin din kita ng buong-buo,” “Mamahalin din kita ng buong-buo, Mikaela. Wala sa kaanyoan ang tunay na pagmamahal. Nasa puso ’yan.” Matalinghagang pahayag ni Kenzo. “Aasahan ko ‘yan. Natatakot akong masaktan, Kenzo, baka hindi ko kayanin.” “I won’t hurt you, I promise you that. Mahal kita, Mikaela. Mahal na mahal.” “Mahal na mahal din kita, Kenzo. Mahal na mahal.” Naglapat ang labi nilang dalawa. Nawala na ang takot at agam-agam sa puso ni Mikaela dahil mahal din siya ng kanyang asawang si Kenzo. Naging masaya at puno ng pagmamahal ang gabing iyon para sa kanilang mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD