Chapter 6

1084 Words
Sa loob ng opisina ni Mrs. Felipe. “Ang haba na ng hair mo, Mikaela ah. Nakakainggit ka na. Araw-araw ba namang gawing flower shop itong office natin niyang manliligaw mo? Mabuti na lang at mabait si Sir K at hinahayaan niyang makapasok dito ang mga bulaklak na ’yan.” Komento ni Mrs. Felipe. ‘Kung alam niyo lang na ang mismong may-ari ng kompanyang ito ang nagpapadala nito ay baka himatayin na lang kayo.’ Sa isipan ni Mikaela. Nginitian lang ni Mikaela si Mrs. Felipe. Nagsimula nang magtrabaho si Mikaela. Biglang pumasok si Miss Dina sa opisina ni Mrs. Felipe. “Mrs. Felipe? Kanino ang mga bulaklak na ito?” mataray na tanong ni Miss Dina, ang head manager sa department nila Mikaela. “Ay, Miss Dina, kayo po pala. Mga bulaklak ’yan galing sa manliligaw ni Mikaela.” “What? Bakit pinapasok ’yan dito? Hindi ito bahay para akyatan ng manliligaw at pagdalhan ng mga bulaklak. Hala! Ipatapon ’yan sa labas!” Maganda si Miss Dina at batang-bata pa ito, ngunit ang kinaiinis ng mga empleyado sa kanya ay feeling amo rin ito. “M-miss Dina, huwag po. Iuuwi ko na lang ang mga ’yan mamaya sa bahay.” Pakiusap ni Mikaela. “Ikaw ba ang amo ko, ha?” “H-hindi po. Kaya lang, makikiusap sana ako na huwag mo pong itapon ang mga bulaklak, sayang po kasi kung itatapon lang,” “At problema ko ba ’yon? Halika nga ritong babae ka! Ang pangit-pangit mo na, sumasagot ka pa!” Galit na sigaw ni Miss Dina at hinila papalabas ng opisina si Mikaela. “M-miss D-dina! Nasasaktan po ako!” “Isa ka lang mababang empleyado rito. Wala kang karapatan na utos-utusan ako.” Malakas na binitiwan ni Miss Dina si Mikaela kaya napaupo si Mikaela sa sahig ng malaking building. “Kayo ha! Huwag niyong tularan ang babaeng ’to! Kung makapag-utos akala mo siya ang amo. Simula sa araw na ito ay wala ka ng trabaho! You’re fired!” Pagpapahiya ni Miss Dina kay Mikaela. Walang nagawa si Mikaela kundi ang umiyak na lang. “Miss Dina!” Parang tumigil ang pagtibok ng puso ni Mikaela nang marinig ang boses ng kanyang asawa. Bigla itong nahiya sa kanyang hitsura. Napalingon si Miss Dina kay Kenzo. Napalunok ang babae dahil sa nakikitang galit sa mga mata ni Kenzo. “Sir K, tinatanggal ko na po ang empleyadong ito. She’s not good in her work.” Matapang na wika ni Miss Dina nang nasa harapan na nito si Kenzo. Nagulat ang lahat nang alalayan ni Kenzo si Mikaela patayo mula sa pagkakasalampak niya sa sahig. Inayos ni Kenzo ang buhok ni Mikaela maging ang salamin nito. “Ayos ka lang ba?” masuyong tanong ni Kenzo sa asawa. Hindi umimik si Mikaela dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman nito. Binalingan naman ni Kenzo si Miss Dina. Lumapit siya sa babae. Napasinghap ang lahat ng nakakita nang malakas na sampalin ni Kenzo si Miss Dina. “Kenzo!” Hindi mapigilan ni Mikaela ang pagsigaw sa pangalan ng asawa. “You are fired, Dina! How dare you insult and hurt my wife!” Nagulat naman si Dina sa sinabi ni Kenzo. “A-asawa p-po?” hindi makapaniwala nitong tanong sa amo niya. Tiningnan din niya si Mikaela na tahimik lang habang nasa gilid ng asawang si Kenzo. “Oo, ang babaeng pinagsalitaan mo ng hindi maganda, ang ininsulto at sinaktan mo ay asawa ko. Mikaela Madrigal Vargas is my wife. Pack your things and leave my building. Now!” “S-sir, huwag po. Maawa po kayo sa akin. Kailangan ko po ng trabaho. Ma’am Mikaela, patawarin niyo po ako. Please, patawarin mo ako. Hindi ko alam.” “Hindi ako nagbibigay ng second chance sa mga taong nananakit sa asawa ko. I will never tolerate your behavior. Now, leave my building and never come back here again.” “Kenzo, bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon. Siguro naman natutunan na niya ang kanyang pagkakamali.” “No. Kapag ikaw na ang kinanti nila, hinding-hindi ako magpapatawad. You are my wife and my life. How dare she hurt you. Kaya dapat niyang pagbayaran ang kanyang ginawa sa ’yo.” Lumapit si Dina kay Mikaela at lumuhod sa harapan niya. “Ma’am, patawarin niyo po ako. Hindi ko sinasadya, hindi ko na po uulitin pa.” “Umalis ka na lang, hindi ikaw ang amo rito kaya sana huwag kang mapagmataas,” sabi ni Kenzo. “Please po, huwag niyo po akong tanggalin sa trabaho.” “Sige na tumayo ka na d’yan. Ako na ang kakausap sa asawa ko,” sabi ni Mikaela. “Salamat po, maraming salamat, ma’am . Pangako ko po, hindi ko na uulitin pa ang ginawa ko,” “Mikaela, let’s go.” Tinig ni Kenzo. Walang nagawa si Mikaela kundi ang magpahila sa asawa niya papalabas ng building nila. * Nasa bahay ang mag-asawa. “Babe, let’s have a date. Gusto mo ba?” malambing na tanong ni Kenzo kay Mikaela. Dalawang araw ng hindi pumapasok si Mikaela sa kompanya ng kanyang asawa. Namumula ang mukha ni Mikaela nang tingnan ang asawa. “Babe? Mikaela naman ang pangalan ko at hindi babe ah,” “Are you really that innocent, huh? Babe, iyon ang tawag ko sa ’yo. Ikaw, ano bang gusto mong itawag sa akin? Love? Hon? Darling? O sweetheart? You choose.” “Kung tatawagin ba kita ng ganyan, pagbibigyan mo ang kahilingan ko?” “Sure, anything, babe.” “Ibalik mo sa trabaho si Dina. O kaya ilipat mo na lang, kawawa naman ’yong tao, baka siya lang ang breadwinner sa pamilya nila. Baka may mga kapatid pa ’yong nag-aaral o kaya naman may mga magulang na sinusuportahan. Nagi-guilty ako sa pagkatanggal niya sa trabaho,” Nagulat si Mikaela dahil bigla siyang niyakap ni Kenzo. “Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang Diyos dahil binigay ka niya sa akin. May ginintoan kang puso, Mikaela. Kaya sige, ililipat ko si Dina sa ibang kompanya kung ’yan ang makakapagpasaya sa ’yo.” “Salamat, babe.” “Damn it! Ang sarap sa pakiramdam nang tawagin mo akong babe.” “OA mo naman d’yan. Para sa babe lang eh,” wika ni Mikaela pero ang puso niya ay masayang-masaya. “Babe? Nagbakasyon kaya tayong dalawa? Getting to know each other date, ano sa tingin mo?” “Mukhang maganda nga ’yan. Sige ba,” mabilis na pagpayag ni Mikaela sa suhestyon ng kanyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD