13

1198 Words
“TAMA PO ba itong gagawin natin?” tanong ni Sydney kina Mrs. Vegafria at Patricia. Nakalabas na siya ng ospital at sa halip nga na umuwi siya sa sarili niyang bahay ay sa bahay mismo ng mga ito ang destinasyon niya. Si Patricia ang nagmamaneho ng kotse habang ang mommy naman nito ang katabi niya sa backseat na nakaalalay sa anumang pangangailangan niya. Walang iniwan sa isang driver ang kapatid ni Paolo pero wala naman sa mukha nito ang anumang reklamo. Kung hindi siya nagkakamali ng obserbasyon dito, mukha ngang excited pa si Patricia sa pagtira niya sa bahay ng mga ito. Kunsabagay ay matagal na rin niyang kilala si Patricia. Grade six lang ito nang una niyang makilala. Neneng-nene pa, ‘ika nga. Para na rin siyang naging ate nito lalo at madalas naman talaga siya kina Paolo noon. Sa loob nang walong taon ay hindi lang naman si Paolo ang nakilala niya nang husto kundi maging ang pamilya nito. Kaya naman lapat ang loob niya ngayon na makitira sa mga ito. Bukod pa sa nag-joint forces na sila para magkabalikan sila ni Paolo, tiwala siyang bukal sa loob ng mag-ina ang gagawin ng mga ito na pag-aalaga sa kanya. “At bakit naman magiging mali?” sagot ni Mrs. Vegafria sa tanong niya. “Alam mo, Sydney, tama lang ito. Kung hindi mo kayang mag-isa na bumalik sa iyo si Paolo, di tutulungan ka namin. Naniniwala akong kayo ni Paolo ang bagay sa isa’t isa at hindi ang babaeng iyon.” “In fairness kay Missy, hindi naman masamang ugali ang ipinakita niya sa amin,” sabad naman ni Patricia. “She’s trying to please us, actually. Pero sabi ko nga dati pa, hindi lang namin siya talaga feel.” “And that’s because noon pa man ay tinanggap na kita bilang magiging manugang ko para kay Paolo,” sabi uli ng mommy nito. “Paano mo kung wala na palang pag-asa?” may alinlangang tanong niya. “Nakita ko na po sina Paolo at Missy na magkasama. Mukha pong in love na in love sila sa isa’t isa.” “Kahit sinong bago pa lang ang relasyon ay ganoon talaga ang itsura, mukhang lalanggamin sa tamis ng pagtitinginan. Pero pasasaan ba at mayroon din iyang hindi pagkakasunduan? Hindi pa nila lubos na kilala ang isa’t isa. Samantalang kayo, walong taon na ang itinagal ninyo. At saka, Sydney, kung tutuusin ay pareho lang kayong may diprensya ni Paolo kaya nagkaganyan ang relasyon ninyo. Kapag iniisip ko ang dahilan ng paghihiwalay ninyo ay napapailing na lang ako. Napakababaw ng dahilan ninyo, hija,” mahabang sabi ni Mrs. Vegafria. “Pride po,” aniya. “Tsk! Marami talagang nasisirang relasyon dahil sa pride na iyan. Tapos kung kailan huli na saka magsisisi at maghahabol.” “Huli na po ba para sa amin ni Paolo?” tanong niya uli. “Hindi pa naman masyadong huli sa palagay ko,” anito. “Hindi pa naman sila kasal.” “Mommy, I’ll play the devil’s advocate. What if, nagpakasal na pala sina Kuya at ang Missy na iyon? Paano na ang manok nating si Ate Syd?” “Hindi pa sila nagpapakasal. Kilala ko ang kuya mo. Hindi niya gagawin ang ganoong bagay nang padalos-dalos. At isa pa, hindi siya gumagawa ng anumang malaking desisyon sa buhay niya na hindi man lang niya binabanggit sa akin.” “Mom, this is different. Siyempre, alam niyang close tayo kay Ate Sydney. Baka hindi lang niya sinasabi sa iyo na nagpakasal na siya dahil tututol kang tiyak.” “Patricia, tumigil ka nga diyan!” pikon nang sabi nito. “Hindi pa nagpapakasal ang kuya mo. Sigurado ako doon.” Napabungisngis si Patricia. “Mommy, ang bilis mo namang mapikon,” buska nito sa ina. Ilang sandali pa at nakarating na sila sa bahay ng mga ito. Si Mrs. Vegafria pa mismo ang umalalay sa kanya nang bumaba siya sa kotse. Si Patricia naman ang humakot sa ilang kagamitan niya. “Welcome to our home,” nakangiting sabi sa kanya ng mommy ni Paolo. “Our home,” makahulugang ulit ni Patricia at kumindat pa. “ITO PO ang magiging kuwarto ko?” gulat na sabi ni Sydney nang dalhin siya ng mag-ina sa isang pamilyar na silid. “Hindi mo ba nagustuhan?” tila na-offend na sagot sa kanya ni Paula. “Ako pa naman mismo ang naglinis nito para sa pagdating mo.” “Hindi naman po sa ganoon,” kagyat na nahiyang tugon niya. “Kaya lang po ay—” “Kuwarto ito ni Kuya, ganoon ba?” sabad sa kanila ni Patricia na ipinasok na ang mga gamit niya. “And so? Kapag nagpakasal kayo ni Kuya ay magiging kuwarto mo na rin ito.” “Besides, bihira naman siyang umuwi dito,” sabi ni Mrs. Vegafria. “At kung umuwi man siya ay hindi naman siya dito natutulog. Parang dumadalaw lang.” “Pero paano po kung bigla siyang umuwi at maisipan niyang dito matulog?” tanong niya. “Problema ba iyon? Di tabi kayong matulog!” nakangising sagot ni Patricia at kumindat pa sa kanya. Bigla siyang napatingin sa mommy nito at pakiramdam niya ay pinamulahan siya ng mukha. Nagpatay-malisya naman si Paula. “Mamahinga ka na muna dito, Sydney at maghahanda ako ng tanghalian natin. Patricia, ikaw na muna ang bahala diyan sa ate mo.” “Of course, Mom. You don’t have to worry. Akong bahala. Kayang-kaya ko yata iyan.” At nang makalabas ng kuwarto ang babae ay bumaling ito sa kanya. “Ate Syd, you’re blushing!” tudyo nito sa kanya. “Sino kaya ang may kasalanan?” nakangiti namang irap niya dito. Bumungisngis si Patricia. “Hmmn, as if wala akong alam sa inyo ni Kuya!” “What?!” gulat na reaksyon niya. “Huwag ka nang magkaila, Ate. Baka akala mo, hindi ko alam na nagkukulong din kayo dito noon kapag wala si Mommy. Akala ninyo lang, wala din ako. nasa kuwarto lang yata ako at nag-aaral ng leksyon.” Hindi siya nakakibo. Ngumiti si Patricia. “Huwag mo nang isipin iyon. My mouth is sealed.” At kunwa ay isiniper pa nito ang bibig. “By the way, iaahon ko na ba ang mga gamit mo? Maluwag naman ang closet ni Kuya, doon ko na lang isasama ang mga damit mo.” “Mamaya na lang. Pagod ka sa pagmamaneho. Saka kaya ko nang ayusin iyan.” “Hayaan mong ako na. Magaan lang naman iyon. Kikilos ka na ba agad? Baka mapuwersa ang binti mo.” “May saklay naman ako, Patricia. Saka doktor na rin ang nagsabi na kailangan ko ring kumilos basta huwag lang padalus-dalos.” “Yeah, at narinig ko rin na kapag tinanggal ang cast ng paa mo ay ipapa-therapy din iyan. Ako na ang bahalang kumontak ng PT, Ate Syd. May kaibigan akong PT, magaling iyon at hindi sisingil ng mahal.” “Sige, ikaw na ang bahala,” wika naman niya. “Okay, maiwan na muna kita dito. Baka gusto mong mapag-isa, eh. Baka magre-reminisce ka ng nakaraan ninyo ni Kuya,” tukso nito at tatawa-tawa pang iniwan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD