Hellion saw fear in the woman's eyes, naramdaman niya maging ang panginginig ng mga kamay nitong nakahawak sa kanyang braso habang pinipilit nitong makawala mula sa kanya.
He tightens his grip on the woman's jaw while clenching his jaw and grinding his teeth. He's been waiting for this moment for half of his life. Sagad hanggang buto ang galit niya sa babaeng ito na inaruga ng taong nag abanduna sa kanya, sa ina at kapatid.
That fvcking bastard cherished this woman so much. Minahal ng hayop na 'yon ang babaeng ito maging ang ina nito. Samantalang siya at ang kanyang kapatid na sariling dugo at laman ay inabandona. Namatay ang kanyang ina dahil sa matinding depresyon.
Now that the fvcking bastard is gone, this woman and her mother will taste his fierce anger and hatred. He is suffering from so much pain and has been living in agony for damn eighteen years because of his irresponsible father, who is the adoptive father of this woman.
Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak sa panga ng babae. Hindi pa siya na kuntento. Inangat niya ang isang kamay at mariin na hinawakan niya ito sa leeg. He strangled her; He saw tears flow from her eyes. Her lips are shaking, habang pinipilit nitong magsalita. "Se-senyor…, parang-awa nyo- -"
"Pezzo di merda, figlia di puttana!" Mariin niyang wika sa wikang italyano na ang ibig sabihin ay, 'basura at anak ng isang puta.'
Mas lalo niyang hinigpitan ang pagsakal niya sa leeg ng babae. The woman's face turns grey, and his lips became purple.
"Bro, damn it, man!"
Malakas siyang hinila ni Michael, dahilan upang mabitawan niya ang babae. Napadausdos ito sa dingding at napa luhod sa sahig habang hawak-hawak ng dalawang kamay nito ang leeg at sunod-sunod ang pag-ubo.
Pulang-pula ang buong mukha ng babae habang sunod-sunod ang paghinga at walang tigil ang pagpatak ng butil na luha sa mga mata.
"Get the hell outta here, now!" Pasigaw na ani ni Michael sa babae.
Mabilis na tumayo ang babae habang nanginginig. Umangat ang mukha nito at tumingin sa kanya. Ngunit mabilis pa sa kidlat na binawi nito ang titig at mabilis na lumabas ng silid.
"Fvck, man!" Napaangat sa ere ang mga braso ni Michael. "Ano ba talaga ang gusto mo? Do you want her dead?"
He smirked and brushed his finger on his hair. "Yeah, I want her and her mother to die," he let out a sarcastic laugh. "But I will do it slowly, Michael. I will imprison her in this mansion all the rest of her life until he can't take it anymore and decides to just take her own life, like what happens to Mom!"
Michael shook his head. "Bro, I understand you, believe me, sobrang naiintindihan kita. But man. Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo sa ginagawa mo. Seeing her every day in this mansion will only remind you of your painful past, man!"
"I already get used to it, Michael!" Naglakad siya patungo sa bedside table at kinuha ang isang maliit na kahon ng sigarilyo at humugot ng isang piraso. Inilagay nito ang sigarilyo sa bibig. Dinampot niya ang lighter at sinindihan ang sigarilyo. "Kamusta ang pinapagawa ko?"
Michael handed him the brown envelope. "Darating mamayang hapon ang mga fired arms na galing Japan. Dadaan iyon ng custom, saka di-diretso ng isla!"
"Maayos na ba lahat sa custom?"
"Yeah, walang problema, plantsado na lahat. Nasa loob na rin ng envelope na 'yan ang pangalan ng mga high government officials nakukuha ng mga armas, and it will be out at the black market this coming week!"
Naglakad siya patungo sa balkonahe sabay buga ng usok ng kanyang sigarilyo. Napatingin siya sa pagkain na nasa ibabaw ng mababang mesa. Nabasa ang sandwich ng kape, maging ang sunny side up egg ay may likido na ng kape.
"Stupida!" Mura niya.
He swallowed hard, kasabay ng pagtiim ng kanyang mga bagang. Nakita niya ang matinding takot sa mga mata ng babae, maging ang panginginig nito ay hindi nakaligtas kanyang pandama.
This is what he wanted. Gusto niyang maramdaman ng mag-ina ang matinding takot, maramdaman ang matinding lungkot, at higit sa lahat maramdaman ang matinding pasakit. Hanggang sa hindi na makayanan ng mga ito, at tuluyang kitilin ng mga ito ang sariling mga buhay. Katulad ng pagkitil ng kanyang ina sa sariling buhay nito.
But while staring into that woman's tantalizing brown eyes, while seeing those tears flow from her eyes, isang mahiwagang pakiramdam ang biglang kumudlit sa isang munting bahagi ng kanyang puso.
Kung ano man iyon? Hindi niya alam, at wala siyang balak na alamin. All he wanted right now was to fulfill his dream. A dream to make both that woman and her mother suffer and die.
"If Georgina knew this, Bro, please spare me. 'Wag na 'wag mo idamay ang pangalan ko dito. Alam mo kung gaano niya ka disgusto 'tong plano mo."
Nagpakawala siya ng isang malutong na tawa sabay na humarap sa kaibigan. Michael is a damn coward when it comes to his sister. Hindi niya alam kung bakit.
Michael has been his best friend since childhood. Katulong ng kanilang pamilya ang ina nito sa Italya. Kasabay niya itong lumaki at naging saksi sa mga paghihirap na dinanas niya. Paghihirap na dulot ng kanyang ama, at paghihirap sa kamay mismo ng kanyang lolo.
He was the only male in the family at nag-iisang tagapagmana ng kompanya ng kanilang pamilya at nag-iisang hahalili bilang pinuno sa kanilang angkan.
He came from a Lucchese clan, which is known as the most influential Mafia clan in Italy. Kaya sa murang edad ay matinding pagsasanay na ang kanyang naranasan sa kamay mismo ng kanyang lolo.
His grandfather is the head of the Lucchese clan. Unfortunately, nag-iisang anak ang kanyang ina. Namatay ang kanyang lola matapos ipanganak ang kanyang ina.
His grandfather loses hope after his grandmother's death, iniisip nito na tuluyan ng mapuputol ang lahi at maipapasa na sa iba ang pamumuno sa kanilang angkan. Nabuhayan lang muli ito ng loob ng naipanganak siya ng kaniyang ina.
"Are you that scared of my sister, Michael? Binabanggit mo pa lang ang pangalan niya, namumutla ka na."
Michael let out a soft laugh and took a deep breath sabay ngiti ito. "I am not afraid of anyone, Hellion, not even death. But your sister is an exemption from that, anyone! Kaya pakiusap lang, solohin mong harapin ang problemang ito sa kanya, 'wag mo na ako idamay!"
"Vigliacco!"
"Vigliacco, my ass!" Tumalikod si Michael sa kanya at humakbang papasok sa loob ng silid. "I have to go, pupunta ako ng isla. I will personally check the goods, bago e-distribute sa black market. Wanna come with me?"
"Nope. See you at the shooting range tomorrow!"
"I'll go ahead, then."
Tumango siya.
After Michael left, muling namayani ang matinding katahimikan sa loob ng kanyang silid. Humithit siya ng sigarilyo at tuwid na tumitig sa labas.
He has everything around him. He has all the power and wealth and even women that can satisfy his need as a man. Ngunit hindi sapat ang kapangyarihan at kayamanan na meron siya upang punan ang matinding lungkot, kahungkagan at paghihirap ng kanyang kalooban.
All he wanted right now was to fulfill his revenge, baka sakaling kapag maisakatuparan na niya ang lahat, baka tuluyan n'ya ng makamit ang katahimikan, at baka tuluyan na siyang lubayan ng mga bangungot at makatulog ng mahimbing, dahil sa bawat pagpikit niya ng kanyang mga mata, ay mukha ng inang naghihirap ang kanyang nakikita.
He took a deep sigh and closed his eyes.
"Papa! Papa!"
"I am not your father, Hellion. I am no longer your father, and you are no longer my son! Bear that in your mind! You and your sister are no longer my children; erase me from your life and think of me like I never existed!"
"Daddy, please! Don't leave us, Dad! Please, Daddy!"
"Stop pleading with me, Georgina! I don't care about you and your brother anymore; live your life and take good care of your brother and your Mom as well! Arrivederci!"
Naikuyom niya ang kanyang mga kamay mula sa alaalang iyon, tumiim maging ang kanyang mga bagang. That bastard left them for another woman and let them suffer. Kulang ang kamatayan nito upang makalimutan niya ang lahat.
Marahan niyang binuksan ang mga mata kasabay ng isang pakiramdam na tila may nagmamasid sa kanya.
He turns his back.
Ganun na lang ang kanyang pagkamangha ng makita ang babaeng kinapopootan na nakatayo mismo sa kanyang harapan. Bitbit nito ang tray food na naglalaman ng mga pagkain, habang nakayuko.
"P-pasensya po kayo! Dahil po sa katangahan ko k-kaya na- -" mariin itong lumunok habang nauutal. "Na, nabitawan ko ang, ang tray. P-patwad po u-uli!" Ani nito sa nanginginig na boses.
'Ganyan nga, matakot ka. Manginig ka!'
Piping usal niya.
But there was this strange feeling again.
Habang tinitingnan niya itong nakayuko at habang humihingi ng tawad, mayroon isang munting bahagi sa puso niya na tila hinaplos ng presensya ng babaeng ito.
It's strange. He hasn't felt this kind of feeling before. Ang kanyang mapait na mga karanasan ang naging dahilan ng kanyang pagiging manhid. Wala siyang ibang nararamdaman kundi galit at poot.
"You sorry?" Tanong niya na nilakipan ng isang mapang-uyam na tawa.
"I, I am so sorry!" Sagot nito habang nanatiling nakayuko.
"Like what I told you earlier. Every mistake you've made has an appropriate punishment," he said, full of authority. "Raise your head and look at me!" He commanded.
Marahan nitong inangat ang mukha at napakurap na tumitig sa kanya. Ang kaninang munting estranghero na pakiramdam sa kanyang puso ay tila biglang lumawak na naging dahilan ng pagpintig nito.
He can't help but feel amused as he stares at the woman's face. Her angelic face, her thin red luscious lips, and her white as-snow and flawless skin are enough to awaken every man's desire for lust.
Fvck!
Piping mura niya sabay lunok.
This is not the right time to feel amused with this woman's beauty, and this woman is his subject for his revenge. Napaiwas siya ng tingin kasabay ng pagtiim ng kanyang mga bagang.
"Kainin mo yang pagkain na sinira mo, dito mismo sa harapan ko!" Mariin at matigas niyang wika.
"O-opo!"
Marahan nito inilapag ang bitbit na food tray sa mababang mesa. Kinuha nito ang sandwich na naliligo na sa kape at dinala sa bibig at marahan nito iyon kinagat at nginuya.