CHAPTER 4.

2330 Words
NAGISING siya dahil sa mahinang kaluskos. Marahan niyang iminulat ang mga mata. Sumalubong sa kanyang paningin ang sikat ng araw na tumatagos mula sa salaming bintana. She squinted her eyes because of the rays of the sun that directly hit her eyes. She was dazzled. Tumagilid siya upang maiwasan ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay pagod na pagod ang buo n'yang katawan. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata, ngunit sa pagpikit niya ay isa-isang bumalik sa kanyang isip ang lahat ng nangyari sa kanya. Napabalikwas siya ng bangon at kinapa ang katawan. Tiningnan niya ang suot na damit. Isang black cotton shorts ang kanyang suot at isang maluwag na white t-shirt. Muling lumukob ang matinding kaba sa kanyang buong sistema ng makitang iba na ang suot niya. Nasaan siya? Sino ang nagbihis sa kanya? Sinilip niya ang suot na undies. Suot niya parin ang undies na suot niya mula pa kagabi sa auction. As far as she remembers, she was wearing see-through nighties at the auction last night. Tagus-tagusan na nakikita ng mga lalaking naroon ang kanyang katawan na tanging maninipis na saplot lamang ang nakaharang sa pribadong parte ng kanyang pagkatao. Naisiksik niya ang kanyang katawan sa headboard ng isang maliit na kama na kanyang kinahihigan sabay yakap sa sarili. Iginala niya ang paningin sa loob ng maliit na silid na iyon. Mayroong dalawang kama ang naroon sa silid na iyon. Kabilang ang kama na kanyang kinahihigaan. Isang di kalakihang vanity mirror desk naman ang nasa kanyang kanang bahagi at di kalayuan sa paanan ng kama ay naroon ang dalawang hindi kalakihang kabinet na nakasandal mismo sa wall. Isang metro mula sa vanity mirror desk ay isang pinto ang naroon, na sa hinuha niya ay banyo. Isang metro lang din ang layo ng isa pang pinto mula sa dalawang kabinet na alam niyang pinto papalabas ng silid. Maganda at malinis ang silid. She knew na maids quarter ang silid na iyon, dahil ganoon ang itsura ng silid ng kanilang dating mga katulong. Nasaan siya? Saan siya dinala ng taong nakakuha sa kanya sa auction? Mariin siyang muling pumikit. Tila isang eksena sa pelikula na muling bumalik sa kanyang isip ang nangyari nagdaang gabi. Fifteen million. Fifteen million ang kanyang halaga, halaga ng buo niyang pagkatao. Pakiramdam niya ay isa siyang hayop na ibinenta at ilang araw na lang ang hihintayin at kakatayin na siya. She feels so helpless and hopeless at the same time. Ngunit ganun pa man. Hindi siya pwedeng sumuko, dahil may ina at kapatid siyang naghihintay sa kanya. Naangat niya ang kanyang pwet sabay muling siksik ang sarili sa headboard ng kama ng biglang bumukas ang pinto. Isang may katandaan ng babae ang pumasok. "Gising ka na pala ineng, magandang umaga!" Ngumiti ito sa kanya at dahan-dahang lumapit. "Ayusin mo na ang sarili mo at mag-almusal. Ikaw ang nakatoka sa pag-aasikaso kay senior, Hellion." Maaliwalas ang mukha ng ginang, maging ang mga ngiti nito ay tila nagbibigay sa kanya ng assurance na okay lang ang lahat. Hellion, oo nga pala Hellion ang pangalan ng lalaking nakakuha sa kanya sa auction. Ano ang gagawin nito sa kanya? Gagawin ba siya nitong alipin? Napabuntong hininga siya at mariin na lumunok. Tumingala siya sa babae at pilit na ngumiti. "M-Magandang umaga po!" Sagot niya sa ginang sabay muling yuko. "Ang amo ng iyong mukha at ang bata mo pa. 'Wag kang masyadong mag-isip ineng, sundin mo lang ang lahat ng utos sayo ni Senior Hellion ng sa gayon ay wala kang magiging problema." Tinapik siya ng ginang sa balikat. "Sige, mag ayos ka na. Nasa loob ng kabinet ang lahat ng gamit mo, sa bandang kaliwa na kabinet. Ayusin mo ang sarili mo at sumunod ka sa 'kin sa kusina upang turuan kita sa paghahanda ng agahan ni senior, Hellion." Tango lang ang tanging sagot niya sa ginang. Tumalikod ito sa kanya at muling lumabas ng silid. Pagkaalis ng ginang ay agad siyang tumalima. Mabilis ang kilos niyang inayos ang sarili. Wala na siyang pagpipilian pa kundi ang sundin ang payo ng ginang. She has been sold by Romano to pay her father's depth, and Hellion is her new owner, her master. It's either she likes it or not, wala na siyang magagawa. Marahil ito na ang kanyang tadhana. Kung may magagawa man siya sa ngayon yun ay ang sundin ang lahat ng gusto ng taong bumili sa kanya, hanggang sa muling makita niya ang ina at kapatid. Ang kanyang ina at kapatid ang silbing lakas niya upang harapin ang bawat hamon ng bukas. Kailangan niyang makita o masilayan man lang ang kanyang pamilya. Mga shorts at sleeveless tops, maluwag na t-shirt at mga house dress ang naroon sa kabinet. Sa isang drawer naman sa ilalim nito ay nakalagay ang nakahilerang mga undies. Isang shorts na hanggang tuhod at maluwag na black t-shirt ang kanyang napiling isuot. Ipinusod niya ang kanyang buhok sa tutok ng kanyang ulo. Lumapit siya sa vanity mirror at sinuyod ng tingin ang sarili. Okay na, hindi malaswa tingnan. Malinis at presentable. Agad niyang tinungo ang pinto, hinawakan niya ang siradura, huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. Naroon pa rin ang matinding takot na kanyang nararamdaman na naging dahilan ng malakas na pag tambol ng kanyang dibdib. "Sundin mo lang ang lahat ng utos sayo ni Senior Hellion ng sa gayon ay wala kang magiging problema." Umalingawngaw sa kanyang pandinig ang katagang sinabing iyon ng ginang sa kanya. Tama. Tama yun ang gagawin niya. Susundin niya ang lahat ng gusto nito, susundin niya lahat ng ipapagawa nito sa kanya, kahit mahirap kakayanin niya. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago niya tuluyang binuksan ang pinto. Sumalubong sa kanyang paningin ang isang malaking washing machine, mga damit na nakasampay sa sampayan, mga timba at batya na naka kulob. It was a laundry area. Mula sa laundry area ay may isang passage na sa hinuha niya ay dumudugtong sa laundry area at kusina dahil naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula sa loob. Bago tuluyang tinalunton ng kanyang mga paa ang passage na iyon ay naagaw ng kanyang pansin ang apat na lalaking nakatayo sa gilid ng mataas na pader. Mga lalaking may hawak na matataas na armas. She again swallowed. Escaping from this place means accepting death. Winaglit niya sa isip ang isipin na iyon at mabilis na inihakbang ang mga patungo sa pasilyo at tinungo ang kinaroroonan ng naririnig na lagaslas ng tubig. Hindi nga siya nagkakamali kusina nga iyon. "Andyan ka na pala ineng. Halika at mag-almusal ka muna," hinila ng ginang ang isang upuang kahoy na naroon sa tapat ng island counter. Lihim na sinuri niya ang bawat sulok ng kusinang iyon. Lahat ng gamit sa loob ng kusinang iyon ay puro moderno. Kulay krema ang kulay ng marmol sa wall, kulay krema din maging ang kisame. Nakasabit din ang dalawang malaking hugis bilog na ilaw sa kisame. Gawa naman sa black porcelain tiles ang counter island habang kulay puti naman ang sa ilalim n'on. Everything inside the kitchen is screaming for elegance and wealth. Umupo siya sa upuang kahoy. Ipinatong niya ang mga kamay sa ibabaw ng counter island table habang nakatuon ang paningin sa ginang. "Ito o, kumain ka na!" Iniligay nito sa kanyang harapan ang sandwich na ginawa nito. "Ikaw na magtimpla ng pampainit mo, hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mo." She doesn't have an appetite. Ngunit alam niyang kailangan niyang kumain dahil kailangan niya ng lakas, hindi siya pwedeng magkasakit hanggat hindi niya nakikita o masilayan man lang ang kanyang ina at kapatid. Gumawa siya ng hot chocolate drink, pagkatapos ay kumagat ng sandwich. She felt like she was eating cotton, she doesn't even taste the sandwich she eats. Inalalayan niya na lang iyon ng pag-inom ng hot chocolate drinks ng maubos niya agad at magkalaman ang sikmura. "Iha, kapag tumunog ang telepono dito sa kusina, ibig sabihin niyan ay nagpapahatid na si senyor hellion ng agahan sa loob ng kanyang silid." Kapagkuwan ay ani ng ginang. "M-Manang, sabi niyo po, ako ang mag-aasikaso kay senyor d-di po ba?" Ani niya sa utal na pagsasalita. "Oo. 'Wag kang mag-alala ako ang maghahanda ng agahan niya. Ang gagawin mo lang ay ihatid mo sa silid niya, doon mismo sa balkonahe kasi doon siya madalas nag-aagahan. Pagkatapos ay ayusin mo ang higaan niya at dalhin mo pababa ang basket na naglalaman ng mga maruruming damit niya upang isalang mo sa washing machine." Kahit papaano ay alam niya ang mga ilang gawaing bahay. She was raised independently by her parents. Hindi sila sinanay na magkapatid na umasa sa mga kasambahay. She and her brother were raised with so much respect for others. "Salamat po, Manang!" Mahinag sambit niya habang nakayuko at pilit nginunguya ang natirang pagkain sa bibig. "Oo nga pala, iha. 'Wag mo siyang tingnan ng diretso sa mga mata, ayaw ni senyor ng ganon. Yumuko ka lang at tumango kapag kinakausap ka niya." Marahan siyang tumango, at bawat katagang sinabi sa kanya ng ginang ay itinatatak niya sa kanyang isipan. Natatakot siya. Hindi mawala-wala sa dibdib ang pakiramdam na tila may dagang naghahabulan sa loob. Ngunit hindi pwede. Kailangan niyang labanan ang takot na iyon. Bigla niyang naangat ang pwet sa upuan ng marinig ang pagring ng telepono sa kusina. Double ang kalabog ng kanyang dibdib kasabay ng panlalamig ng kanyang buong katawan. Butil-butil maging pawis na biglang nagsulputan sa kanyang noo. "Sige na iha, gising na si senyor Hellion. Nasa ikatlong palapag ang silid niya. Nasa pinaka gitna." Kahit na tila nanginginig ang kanyang kalamnan ay nagawa pa rin niyang agad na tumayo. Sino ba naman ang hindi matatakot? Malinaw pa sa kanyang isip ang ang mukha nito kagabi, ang ma-awtoridad na boses nito, and even his loud and baritone voice at maging ang matiim na mga titig nito sa kanya at kulay abuhin na mga mata, at ang igting na mga panga. Lahat ng 'yon ay nagdadala ng matinding takot at ligalig sa kanyang buong pagkatao. Inilahad niya ang nanginginig na mga kamay sa ginang at inabot niya mula dito ang food tray. "S-sige po M-manang!" Ani niya sa utal na pagsasalita. "Wag kang matakot. Ipanatag mo lang ang loob mo at tandaan mo lang ang bilin ko." Tumango siya. Dala ang food tray na naglalaman ng pagkain ng taong bumili sa kanya ay lumabas siya ng kusina at tinalunton ang daan paakyat sa silid nito. Dumaan siya sa malawak na bulwagan ng bahay. Napatingin siya sa nakabukas na pangunahing pinto ng malaking bahay na iyon. Muli ay mga armadong lalaki ang naroon, matamang nakabantay ang mga ito. Mataas ang nakapalibot na pader sa paligid, maging ang gate ay ganun din. Mariin siyang lumunok bago muling inihakbang ang mga paa patungo sa hagdan paakyat sa mismong silid ng taong bumili sa kanya. Pagdating sa ikatlong palapag ay muli siyang napalunok at humugot ng isang malalim na buntong hininga. Pakiramdam niya ay tila pinagbubuhol ang kanyang mga bituka at walang tigil sa pagtambol ang kanyang dibdib. Nanginginig maging kanyang mga binti at kamay. "Wag kang tumingin sa mga mata niya. 'Yumuko ka lang at tumango kapag kakausapin ka niya, Aliyah. Kaya 'to, kaya ko 'to!" Inabot ng isang kamay niya ang seradura ng pinto habang nasa ilalim ng food tray ang isa niyang braso at mariin na hinawakan ng kamay ang food tray. Marahan niyang pinihit pabukas ang pinto sabay hakbang ng paa papasok sa loob ng silid. Sumalubong sa kanya ang malamig at tahimik na silid. Nilingon niya ang malawak na kama. Wala na doon ang lalaki, marahil ay nasa balkonahe na ito gaya ng sinabi ng ginang sa kanya. Tumingin siya sa gawi ng balkonahe. Nakita niya ang malapad na likod ng lalaki. Nakahawak ang magkabilang kamay nito sa rails ng balkonahe habang nakatanaw sa labas, naamoy niya maging ang amoy ng usok sigarilyo sa paligid. Nanginginig ang mga binti niyang inihakbang ang mga paa papalapit sa balkonahe. Mabuti nalang at bukas ang sliding glass door kaya madali lang para sa kanya ang makapasok. Nasa balkonahe na siya at akmang ilapag sa naroon na mesa ang bitbit na food tray ng biglang umubo ng malakas ang lalaki dahilan upang mabitawan niya ang food tray at bumagsak sa ibabaw mismo ng mababang mesa. "Pezzo di merda!" Sigaw nito sa kanya sa isang lenggwahe na hindi niya maintindihan. "P-pasensya na p-po!" Nanginginig niyang hingi ng paumanhin. Yumuko siya sabay na pinagsiklop niya ang mga palad. Ngunit ganun na lang ang kanyang pagkagimbal ng bigla siya nitong mariin na hinawakan sa isang braso at hinila papasok ng silid. Isinandal siya nito sa pader at mariin na humawak ang isang kamay nito sa kanyang panga sabay angat nito ang kanyang mukha. Nanginginig ang buo niyang katawan sa takot, tila siya mawalan ulit ng ulirat dahil sa malakas na t***k ng kanyang puso. "P-patawad p-po, hi-hindi ko- - -" "You, piece of s**t!" Mura nito sa kanya. "Wag kang tumingin sa mga mata niya. 'Yumuko ka lang at tumango kapag kakausapin ka niya." Umalingawngaw ang mga katagang iyon sa kanyang pandinig. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang napahawak sa pader ang kanyang mga palad. "Pezzo di merda, open your fvcking eyes and look at me!" Muli nitong sigaw. Mas lalong tumindi ang kanyang takot. Ang mainit na hininga nito na tumatama sa kanyang mukha ay naghahatid ng matinding kilabot sa buo niyang sistema. Marahan niyang iminulat ang mga mata, sumalubong sa kanyang paningin ang igting nitong mga panga, maging ang abuhin nitong mga mata ay matiim na nakakatitig sa kanya. She felt like her jaw would break into pieces because of the tightness of this man's grip. She even saw fire in his eyes. A fire of anger and agony. Her fear intensifies. "Tandaan mo 'to. Bawat pagkakamali mo sa loob ng pamamahay na ito ay may karampatang parusa!" Mariin nitong wika habang mariin siya nitong hawak sa panga. "Naintindihan mo babae!" Muli nitong sigaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD