Matapos ang gabing iyon ay bigla na lamang nagbago ang pakikitungo ko kay Adam, marahil ay nagdadalawang-isip pa rin ako sa aking nararamdaman. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit mabilis akong naapektuhan ng mga sinabi ng Mommy niya. Para bang pagkatapos ng gabing 'yon ay nagkaroon ako nang pagdududa sa pagmamahal sa akin ni Adam. "Jiezel, anak.. kain na." Napalingon ako sa boses ni Mama, ang aga-aga ay lumilipad na kaagad ang isip ko. Sasagot na sana ako subalit natigilan ako nang magsalita siyang muli, "Nasa salas si Adam, hinihintay ka.." Napakunot ang noo ko at agad din na umalis si Mama, saka ko mabilis na inayos ang aking higaan. Pagkababa ko sa may salas ay hindi lang si Adam ang bumungad sa akin, kundi ang dala-dala niyang isang bouquet ng bulaklak. Bihis na bihis

