JANELLA's POV HABANG nasa hapag kainan kami ay hindi pa rin tumigil si Alexis at sir Cydrix sa bangayan. Ganito kasi ang nangyari, habang umupo kami sa dining, mabilis si Alexis na tumabi sa akin. Tumawa si ma'am Sharon at sir Franco sa asta ni Alexis, ang sabi nila kanina ay hindi daw nalalayo sa ugali ni sir Cydrix sa ugali ni Alexis noong bata ito, mas malala pa nga daw. Itong amo ko din, hindi ko alam kung ano ang nakain ay pinapatulan pa ang kapatid niya, may pagka childish din ito eh! Engot talaga! "Gilfliend, I want that chicken legs please.. " Agaw pansin ni Alexis sa akin. Infairness malambing ang bata. Oo, kanina lang pala girlfriend na daw ako, natatawa pa ako sa kanya dahil hindi mabigkas ang ang letter R. At ito na naman may naubo ulit, "Kuya Cj, I think you sick!

