JANELLA' s POV NAGISING ako sa ingay ng dalawang batang akala mo'y nagbabangayan. "Can you please shut up, and please don't make noise," boses ni Shakira, kahit pa nakapikit ako alam kong siya ito. " ikaw din kapag nagising ang girlfriend mo uuwi na yan, " may panakot pa itong sigunda sa sinabi niya. Hindi ko narinig na sumagot si Alexis ngunit ramdam ko ang mainit nitong hinga, at para bang ang lapit-lapit niya sa akin. Gusto ko man imulat ang aking mga mata ngunit nakaramdam ako ng hiya, isa pa pilit kong inaalala ang nangyari at bakit ako nakatulog. "Isip Janella, isip! " Kausap ko ang aking sarili, Napapikit ako ng mariin, at bumalik lahat ang nangyari kanina, isang mainit na halik ang aming pinagsaluhan ng aking amo ngunit walang kahit anong ibig sabihin. Bakit ko nasabi?

