JANELLA's POV Hiyang, hiya talaga ako sa nangyari kanina, kung bakit kasi sa tuwing hahalik siya sa akin wala akong magawa. Wala naman kaming label! Isa pa hindi pa ako naka move-on sa una tapos may kasunod na naman! Ay hindi pangatlo yata! Sinabutan ko ang aking buhok ng bigla siyang tumikhim! Pauwi na kami, walang umutawi na ingay sa aming dalawa dahil pati siya hindi rin siya naka imik, lalo na nung iba ang ngiti ng mommy niya sa amin. Sumulyap ako sa kanya, dahil parang meron siyang gustong sasabihin, nakaramdam ako bigla ng pangamba, at baka sabihin niya ulit na wala lang iyon, kaya bago pa ako mapahiya unahan ko na siya. "Yung nangyari kanina–" pagsisimula niya, "Yung nangyari kanina sir, wala yon kalimutan mo na. " Pagputol ko sa gusto niyang sabihin. Napansin ko sa perip

