Chapter 6

1595 Words
JANELLA'S POV "Chef Ella! Kare-kare table number 7!" Sigaw ni Claire mula sa labas ng kusina. Actually automatic ang gamit dito, dahil may screen sa loob ng kusina at nakikita kung ano ang order ng mga customer. Pangalawang araw ko na ito bilang chef-cook. "Coming! " Ganting sigaw ko sa kanya! At nakita ko pang tumawa siya sa akin sabay senyas ng fighting! Gamit ang kanyang braso at itinaas pa nito! Natuwa naman ako sa fighting spirit ang tinuturi na akong kaibigan. At nalaman ko rin na pinsan pala niya ang aming boss. Kaya naman pala hindi siya pinapakialaman ni Chloe. Ang sabi sa akin ni Claire, ay pinarusahan daw siya ng kanyang mommy at daddy, kaya raw nandito siya ngayon, kailangan magtrabaho para may pera! Kakaiba din silang mamayaman talaga. "Grabe chef! Paborito nila ang kare-kare mo hah! Kung sabagay ang sarap naman kasi talaga! " Masayang bulalas ng aking kasama sa pagluluto dit sa kusina. "Naku Chef Richard, hindi naman, mas magaling ka parin magluto kaysa sa akin. Baka nga pagkatapos ng isang linggo ko dito sa kusina back to waitress ako. " Nahihiya kong tugon sa kanya. Siya si Chef Richard, ang aming Chef-cook dito! Matagal na rin daw siya. At ang sabi kaibigan daw siya ng boss namin, siya daw ang pinagkakatiwalaan ng may-ari ng resto na 'to. Baka nga, isa pa ngayon ko lang siya nakita. Kahut pa sabihin natin na isang buwan na ako dito. Kasi bago palang naman ako dito! Isa pa hindi ko pa nakita ang aming boss. Sobrang busy daw kasi niya, ang totoo daw ito daw ang kauna-unahang resto niya na naipatayo. According to Claire. Sabi ko sa inyo eh, madaldal ang babaeng yon. Napangiti na lang ako ng naalala ko siya. "Wag mong sabihin yan Ella, sa palagay ko magugustuhan nila ang luto mo, as you see! They always request your dish. " Nakangiti niyang tugon sa akin. Kaya nagbalik ang 'king diwa sa boses ng Chef namin. Totoo kasi ang sinabi niya, magmula kahapon, ito na ang lagi nilang order, ang aking kare-kare! "Salamat Chef Richard, naku! Ikaw talaga ang totoong magaling dito, tignan mo oh, ang daming order sa dish mo! " Nakangiti ko rin na tugon sa kanya. Nagkibit balikat lang siya, ngunit hindi pa rin mawawala ang ngiti sa labi niya. Magaan ang loob ko kay chef Richard, a head lang siya sa akin ng mga tatlong taon? Not sure! Magmula kasi na napunta ako dito sa kusina, always ng chika sa akin. Hindi ko naman akalain na isa rin itong marites! Napa bungisngis pa ako sa aking naisip. "You know what, you're more than beautiful if you always smile Ella. " Bigla akong napatigil sa aking ginagawa ng biglang bulalas ni Chef Richard ang katagang iyon sa akin. Tumingin ako sa kanya, at nakatitig pala sa akin na ang sarap ng kanyang ngiti, at lalo na ng makita ko ang pantay-pantay nitong ngipin na mapuputi. Bigla tuloy akong nakaramdam ng insecure sa aking sarili dahil napaka unfair naman yata ng langit! Dahil ako, ok naman ang aking ngipin, pero bakit mas maganda naman sa kanya? Nasa ganito akong pag-iisip ng may tumikhim sa aking likuran! "Uhm! Nakakaistorbo ba ako sa inyo? " Nagulat pa ako sa kanyang boses, paglingon ko si Claire pala at ang sama ng tingin kay chef Richard! Napalunok naman ang isa. "Ella! Yung table number 7, nag aalboroto na. " Nakangiting bulalas ni Claire sa akin, ngunit kay Chef Richard senenyasan nito ng suntok. Dahil itinaas nito ang kamao. "Mabuti pa nga magluto na tayo Ella, " bulalas ni Chef Richard sa akin, at umalis na nga sa harap ko. Siya naman ang lapit ni Claire sa akin. "Ella, wag kang magpapa budol diyan hah! Sige ka, mapapasama ka sa mga collection niya. " Nakasimangot nitong bulalas sa akin. "Hah? Anong collection? " Naguguluhan kong tanong sa kanya. "Collectio! Alam mo kasi, babaero yang si Chef Richard! Naku sayang ang beauty mo kapag nagpa budol ka diyan! " Tugon sa akin, sabay sulyap sa taong sinisiraan niya sa akin. Sigurado ako,narinig ni Chef ang sinabi ni Claire dahil sa lakas ba naman ng boses. Natawa naman ako kay Claire. Mukhang may gusto siya kay Chef Richard. Pero ang bata pa niya, samantalang si Richard nasa 23 year-old na siguro. O baka naman matured lang? Ay ewan makapag prepare na nga ng order! Habang busy ako sa pag prepare ng order, nandito si Claire at kinukulit si Chef Richard, hindi tinitigilan. "Umalis kana kasi dito bubwit! Pakalat-kalat ka lang dito eh! " Mukhang close ang dalawa, pakiramdam ko lang. Kasi kahit anong awat ng isa, hindi mo mararamdaman ang inis sa kanyang boses. Kasi kanina pa siya kinukulit ni Claire pero ang isa mukhang sanay na sanay na! "Heh! Buti nga pinapansin kita eh! Ang pangit mo kaya! Kaya maswerte ka no! " Nakasimangot na tugon ni Claire kay Richard. Sabi niya kanina babaero? "Oh di salamat sayo kamahalan! At pinansin mo ako! Pero teka lang hah! Baka doon ka na muna, kasi na-i-istorbo mo talaga ako. " Tugon naman ni Richard, kaya hindi ko mapigilan ang hindi matuwa sa kanilang dalawa! Para silang aso't pusa na nagbabangayan! Pero hindi naman sila nakakaasar na panoorin kundi matutuwa ka talaga! Kasi habang nakapalumbaba si Claire na naka-upo sa stole, si Chef Richard naman ay busy sa pagluluto! Pero halatang pasulyap-sulyap kay Claire. Ayon sa aking obserbasyon, mukhang may something ang dalawa. Nang biglang nag ring ang bell sa loob ng kusina, ibig sabihin may order ulit. Kaya tumingala ako sa screen, tama nga maraming order. "Lumabas kana, naghihintay na mga customer mo! Sige ka minus zero ka ulit kapag nagsumbong ulit si Chloe. " May panakot na boses ni Richard kay Claire. Hindi ko sila maintindihan, kaya nakikinig na lang din ako. "Fyi no! Hindi na siya nagsusumbong! Kasi gusto ng babaeng yun mawala na ako dito! " Nakasimangot na tugon ni Claire at bigla na lang tumayo at umalis na. Pero bago pa siya makalabas sa kusina, ay sumulyap muna sa akin at matamis ang ngiti. "Ba-bye muna Chef- Ella see you around! " Pagka-sabi sa akin, ay lumabas na nga sa kusina. Nagkibit balikat lang naman si Chef-Richard ng sumulyap ako sa kanya. Kaya nag fucos na lang ako sa aking ginagawa dahil parami na ng order. Habang nagluluto ako ay hindi ko mapigilan ang hindi mapakanta! Wala naman akong naririnig na complaine sa loob ng kusina. Isa pa, sa dalawang araw ko dito, hindi ko pa nakita na kahit minsan hindi pumasok dito si Chloe. Ayaw ko rin naman ang magtanong sa aking mga kasamahan! Dahil may kunting hiya naman ako lalo pa at baguhan ako dito. Matapos ang busy sa maghapon. Natapos na rin ang aking duty! Hindi ko na rin nakita si Claire. Patanggal na ako ng aking apron. Mag alas nuebe na ng gabi at i-briefing kami ulit ni Chloe. Wala naman kaming magagawa, kahit pa ayaw namin. Dahil siya pa rin ang manager namin kuno. Kaya kailangan pakinggan! Pero pansin ko sa karamihan ayaw sa kanya! May bulong-bulongan pa na sipsip daw siya sa boss namin. Nagpapansin daw?Hays! Hindi ko nga kilala ang boss namin eh dahil wala naman dito. Pero sa totoo lang, sa isang buwan ko na dito, puro ang boss namin ang bukang bibig nila lalo na ang mga kababaihan! Keso sobrang gwapo! Ngunit saksakan daw ng sungit! Kuripot ay basta nasa kanya na daw ang lahat! Kaya nga minsan nasabi ko sa kanila noon na, baka siya ang Mr. Perfect? Kasi, nasabi na lahat sa kanya ng katangian ng isang tao! Pati kapintasan nito! Ang sabi lang naman sa kanya masungit at kuripot! Saka ang mas malala daw ayaw sa madumi! Kung sabagay nga naman. Sino naman ang nilalang na gustuhin ng marumi hindi ba? "Hay naku! Makauwi na nga lang! " Kausap ko sa aking sarili. Dahil tapos na ang briefing! Wala naman ibang sinabi si Chloe kundi kailangan smile, sarapan ang luto, ng paulit-ulit. Pero si chef Richard lang at Claire ang wala kanina. Siguro umuwi na sila. Parang ako na lang yata ang nahuli dito! At syempre ang taga hawak ng susi. Inayos ko muna kasi ang kusina kanina, kahit may taga linis. Palabas na ako ng may naririnig akong boses na bigla akong nakaramdam ng kaba. "Master chef! Pasok po tayo! " Narinig kong bulalas ni Thomas sa kanyang kausap! At tinawag itong master chef? Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba, o ewan! Dahil bigla na lang kumakabog ang dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Naalala ko pa kasi ang sinabi ni Claire sa akin noon. "Alam mo Ella, si Master Chef, ayaw niya ng may nakikita siyang staff sa resto ng gabi maliban lang sa taga hawak ng susi. Dahil pumunta lang iyan kapag wala ng tao! Alam mo na, feeling celebrity. Joke lang! Ang totoo yan istrikto yon! Pero wag ka! Kasi siya ang tipong kahit wala kang ginawang kasalanan at lumabag ka sa patakaran niya! Tanggal ka agad sa trabaho. Tandaan mo, wag kang pahuhuli sa kanya. " "Hindi niya dapat pala ako makita? " Kausap ko sa aking sarili, kaya tumakbo ako palabas ng kusina dahil may emergency exit dito. At kung minamalas pa! Ay nasagi ko ang isang lata ng mantika sa gilid dahilan upang makagawa ako ng ingay. Hindi naman kasi nilagay sa pwesto nito, sa gilid. "Thomas! What's that sound? " Ang baritono nitong boses ang nagpakaba ng tuluyan sa akin. Nakarinig na lang ako ng yabag papunta sa 'king kinaroro'nan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD