Unknown POV
Mabilis na bumalik si Janella sa hospital ng makatanggap ito ang tawag mula sa kanyang kaibigan.
Hindi na rin 'to natapos ang final announcement ng TV host mula sa Live Cooking Show, dahil hindi na alam ng dalaga ang gagawin niya.
Agad na tumakbo ang dalaga sa loob kung nasaan ang mama nito! Kasabay rin ng mga doctor na parang aligaga dahil meron rin buntis na kapapasok lang sa loob ng hospital.
Hindi na pinansin pa ng dalaga ang mga tao sa loob ng hospital at agad na itong tumakbo kung nasaan ang kanyang mama.
Sa kabilang banda, kitang-kita ni Cydrix ang pag-alala sa mukha ng kanyang ama dahil ito na ang araw na panganganak ng mommy nito.
Habang kanina sa Live Show biglang namutla ang mukha ng mommy niya pagkatapos ng break-time. Habang tinatawag ang pangalan kung sino ang panalo ay bigla nalang nag panic ang daddy nito. Kitang, kita ni Cydirx iyon. Kaya mabilis silang itinakbo sa hospital ang kanyang mommy.
Nasa chapel sa loob ng simbahan si Janella at lumuhod ito sa harap ng altar. Gulong-gulo ang isip ng dalaga, dahil sa nakita ang kalagayan ng kanyang ina.
"Papa Jesus, alam ko pong minsan, pilosopo ako. Pero sana po kahit ngayon lang po. Pagalingin mo po si mama. Gusto mo ba na mag-isa na lang ako sa mundo? Wala na nga akong papa, wala pa akong kapatid, tapos natalo pa ako sa contest! May kaibigan naman ako pero baliw naman! Papa jesus! Please na po! Wag mong kunin ang mama ko sa akin please. "
Malakas ang boses ng dalaga habang nagdadasal ito. Samantala, sa sulok ng altar ay may nakaupo ng isang binata at taimtim rin na nagdarasal. Ngunit nabulabog ito ng isang malakas na boses ng babae.
Kung sabagay hindi talaga mapansin ang tao sa sulok lalo at medyo madilim.
"Tsk! Ang hirap naman ng buhay niya! "
Kausap ng binata ang sarili, ng narinig nito ang himutok ng dalaga mula sa harapan ng altar.
"Pangako ko po papa Jesus! Hindi na talaga magsinungaling sa mama ko! Basta po bigyan mo ako ng himala! Sana po maoperahan na po si mama. "
Pinagtiklop ang mga palad ng dalaga sabay taimtim na nagdadasal at pumikit ang mga mata nito.
"Pero, saan nga ba ako kukuha ng pera? "
Pahabol ng dalaga. At ipinagpatuloy pa rin nito ang pagdarasal. Ngunit malakas pa rin ang boses. Hindi niya alintana ang mga tao sa loob ng simbahan.
Napa-iling na lang ang binata sa sinabi ng dalaga. Hindi naniniwala sa dios ang binata, dahil para sa kanya, kung totoong may dios, bakit hindi nito iniligtas ang kanyang totoong mga magulang sa kamay ng walang pusong nilalang.
Kaya lang naman naroon ang binata sa loob ng chapel dahil gusto nitong subukan ang dios kung meron man! Ayaw nito na kunin sa kanya ang taong nag-alaga sa kanya at nagmahal ng totoo at kung wala ang taong ito malamang wala na rin ang binata sa mundo.
Umalis na ang binata sa loob ng chapel at isang sulyap pa ang ibinigay nito sa nakapikit na dalaga, at bigla ng napa kunot noo ito dahil parang pamilyar sa kanya ang mukha. Napa-iling na lang siya at tuluyan ng nilisan ang simbahan.
Sa paglipas ng oras! Pa balik ni Janella sa kwarto ng kanyang mama ay nag panic ito dahil wala na ang mama niya sa loob ng silid.
Hanggang sa may nakita nitong nurse at tinanong kung nasaan ang pasyente.
"Nurse, nasaan po ang pasyente na nandito kanina? M-Mama ko po yun. Kasama ang kaibigan ko. "
Nag-alala ang tanong ng dalaga sa nurse. Pati ang kaibigan nito ay wala din. Kaya hindi maiwasan ang dalaga ang sobrang mag-alala.
"Dios ko wag naman sana. " Dasal ng dalaga dahil iba na ang pumapasok sa utak nito. Nanlalamig na rin ang mga kamay at nanginig ang mga tuhod nito.
"Miss, mama mo ba yon? Nasa operating room na siya ngayon. Hintayin mo na lang na matapos ang doctor. "
Sagot ang nurse kay Janella. Nabigla ang dalaga sa narinig mula sa nurse! Una, paanong inu-operahan ang mama nito eh wala naman siyang pera, pangalawa bakit inoperahan ng wala man lang sinabi sa kanya ang doctor? Sa kabilang banda, nakaramdam ng ginhawa ang dalaga.
Maraming katanungan sa isip ng dalaga ng nagbalik tanaw siya.
"Alla! Pinakinggan ni papa Jesus ang dasal ko?" Sigaw ng kanyang utak at lumaki pa ang mga bilog nitong mga mata.
"Papa Jesus, thank you po talaga hah! Magmula po ngayon, hindi ko na po tatawagin ang mga tikbalang at aswang, promise po. "
Dasal ng dalaga, habang pinagtiklop nito ang kanyang mga palad at tumingala sa kisame. Kahit pa hindi siya sigurado kung ano ang kahihinatnan ng operasyon ng kanyang ina. Ay nagtiwala siya sa kakayahan ng Poong Maykapal.
Janella's POV
THREE YEARS AFTER....
"Ella! Table number 2! Faster! "
Sigaw ni Chloe, ang manager ng restaurant kung saan ako nagtatrabaho bilang waiter.
"Yes ma'am! Coming! " Ganting sigaw ko.
Kailangan talaga ng mabilisang galaw dito sa aking trabaho dahil kung hindi, tanggal ka dito! Maswerte ako dahil isa ako sa nakuhang staff dito. Ang totoo dapat Chef-cook ang applyan ko ngunit heto ang aking bagsak ang dakilang waitress.
Pero ok lang! As long na may sahod ako, hindi ito problema sa akin. Basta ang importante ay may sahod ako dahil kailangan namin ni mama ito.
Oo, ok na ang mama ko, pero syempre tuloy parin ang pag-inom ng kanyang gamot. Sa araw ng inoperahan siya ay awa ng diyos tagumpay ang operasyon ng aking mama.
Iyon nga lang, nakakalungkot dahil hindi man lang kami nakapag pasalamat sa taong napaka busilak ang puso at tumulong sa amin noon.
Basta ang sabi ng aking kaibigan sa araw na iyon, ay agad ng inilipat ang aking mama sa operating-room at nabayaran na raw ang gastusin. Hindi man malinaw lahat sa akin, ngunit nagpapasalamat talaga ako sa panginoon.
"Ella! Ang layo na naman ng narating ng isip mo! Galaw-galaw naman! "
Nagbalik ang aking diwa sa sigaw ng manager namin! Akala mo naman siya ang amo! Hays!
Na pahinga na lang ako ng malalim. At sumunod na lang ako sa kanyang utos. Palibhasa wala ang boss namin! At mabuti na lang din! Dahil sabi ng mga kasamahan ko dito mas malala pa daw iyon sa dragon!
Dahil nga bago pa lang ako dito. Mag-isang buwan palang ako. Sa totoo lang katatapos ko lang sa kursong Hrm. Buti na lang may part-time job pa ako noon, kaya kahit paano natustusan namin ni mama ang gamot niya at tinutulungan ko rin siya sa munti namin karinderya.
Oo, may karinderya kami, dahil kahit 2nd place ako noon sa cooking show na sinalihan ko, ay malaking bagay iyon para sa amin ni mama. Dahil ang cash na napanalunan ko ay tumataginting lang naman ng isang daang libong piso! O diba? Kaya hindi namin sinayang ni mama ang pera, puhunan niya habang ako ay tina-tapos ko ang aking kurso.
" Hay naku! Makagalaw na nga! At baka ako na naman ang makita ni ma'am Chloe! "
Kausap ko sa aking sarili. Pinuntahan ko na ang table number 2 at tinanong na rin kong ano ang gusto nilang order. Pagkatapos ay sinunod ko rin ang iba pang table.
Nang binigay ko na ang ordern nila, iginala ko ang 'king paningin, marami-rami na rin ang mga customer ganito dito kapag lunch-time lalo na kapag dinner-time. Mabuti na lang malapit lang ang bahay namin dito! Isang sakayan lang.
Natatapos kasi ang work ko hanggang 10 pm. Ok lang din sa akin dahil per hours naman dito! Hindi na rin ako lugi dito. Dahil 500 pesos ang isang oras. At kapag may kasamang over-time magiging isang libo pa yan, double-pay kasi kapag over-time. Ganun ka-galanti daw ang boss namin. Basta daw mahusay ka sa trabaho.
Ang bilis talaga lumipas ang oras, hindi ko namalayan alas tres na pala ng hapon.
"Hoy, Ella! Hindi ka pa ba gutom? Kumain ka nga muna! Hayaan mo muna ang trabaho diyan! Break time natin no! "
Tawag sa akin ni Claire ang isa sa mga kasamahan ko dito sa resto. Kung meron man akong matatawag na kaibigan dito ay siya iyon. Ang iba kasi parang ilag sa akin. O, mas madaling sabihin ayaw sa akin. Hindi ko ba alam kung bakit ayaw ako! Dahil siguro mahirap ako ganun? Ay ewan bahala sila sa buhay nila!
"Sige, Claire salamat, tapusin ko lang ito at sumunod na ako sayo. " Nakangiti kong tugon sa kanya.
Pinupunasan ko kasi ang table na katatapos lang nag lunch kanina. At ito rin ang oras namin para kumain ng hapunan. Ganito talaga kapag nagtatrabaho ka sa isang restaurant.
"Sige, sumunod ka agad hah! Baka mamaya malipasan ka ng gutom diyan! " Sagot sa akin.
Medyo na touch naman ako sa sinabi niya, at least may nag-alala sa akin. Maliban lang sa mama ko at syempre sa bestfriend ko! Miss ko na kaya ang babaeng yon.
Isang buwan na rin kaming hindi nagkita! Magmula ng pagka graduate namin, naghiwalay na rin kami. Iba kasi ang kurso namin at gusto, ako pagluluto, siya naman ay nurse! Kaya ayon siya pumasok sa hospital kung saan doon inoperahan si mama noon.
Masaya ako sa achievement ng aking bestfriend, at alam ko ganun din siya sa akin.
Binalik ko na ang mga pinggan sa hugasan at puntahan ko na sana si Claire ng narinig ko ang bulungan ng cashier at si ma'am Chloe.
"Tignan mo ma'am! Sabi ko sayo eh! Tamad yan! Kung bakit mo kasi kinuha! Hinayaan lang ang pinggan sa lababo! "
Narinig kong himutok ng cashier namin. Hindi ko na sila pinansin pa at iniwan ko na sila! Isa pa may taga hugas kami, iba ang waitress iba ang taga hugas at iba ang tagaluto. Ang totoo yan hindi ko nga alam kong ano ang work ni ma'am Chloe, sa totoo lang ayaw ko siyang tawagin na ma'am! Pero bilang respect ko na rin sa kayabangan at feeling na manager namin ay pagbibigyan ko. As long na wag nila akong saktan ng pisikal.
Umupo na ako sa harap ni Claire at tumingin pa sa akin ng seryoso.
"Kinutya ka naman ba nila? Hayaan mo na ang mga feeling na iyon! Naku kung nandito si Master wala ang mga iyan! Akala mo kung sino lang sila! Feeling amo mga bruhita naman ang itsura! "
Hindi ko alam kung matuwa ako sa sinabi ni Claire sa akin, para lang talaga siya si Shilla galit na galit sa mga feeling artista na wala naman ikinaganda sa mukha!
"Sorry po Lord. " Peping dasal ko pa.
"Oo, hayaan na natin sila, basta wag lang nila ako saktan, dahil ibang usapan na yan. "
Tugon ko sa kanya, at kumain na kami. Actually dalawa lang kami na nagsabay kumain, dahil kahit anong tawag sa kanya ng manager namin ay hindi niya pinapansin, ewan ko din ba sa babaeng to! Hindi rin takot sa manager namin! Ang sabi lang sa akin ay malalagot sila kapag siya ang nawala dito sa resto.
Habang kumakain kami, biglang nagsalita si Claire.
"Siya nga pala Ella, isang buwan kana bukas. Alam mo naman siguro ang patakaran dito diba? " Saad niya sa akin.
Eto na rin ang pinakahihintay kong pagkakataon, ang magamit ko na ang aking pinag-aralan bilang Hrm. Dahil ang patakaran lang naman dito, kapag umabot ka ng isang buwan ay hahayaan ka sa kusina ng isang linggo! Kapag nagustuhan ang luto ng chef-cook ang mga customer, ay ma promote agad ito at sa kusina siya ma-assign.
'Oo Claire, excited na nga ako eh. Pero may konting kaba. " Pag- amin ko sa kanya.
"Naku, ok lang yan, ganyan naman lahat tayo kapag baguhan! Basta galingan mo bukas hah! Do your best! " Masayang tugon sa akin.
Actually bata pa si Claire, siguro mas ahead lang ako sa kanya ng dalawang taon. Nagtataka talaga ako sa kanya. Dahil waitress naman siya dito pero ni minsan hindi ko pa nakita na pinagalitan siya ni ma'am Chloe. Parang si ma'am Chloe pa yata ang takot dito eh!
Naku, kapag talaga tumagal-tagal ako dito, chi-chikahan ko talaga si Claire. Pero syempre sa ngayon behave muna tayo.
"Salamat Claire, bilisan na natin, baka magalit na naman si Chloe! " Bulalas ko sa kanya.
At binilisan na nga namin ang kumain dahil isang oras lang ang aming break-time. Pero bago 'yon tumunog ang cellphone niya.