JANELLA's POV
Kinabukasan,nagising ako na tahimik ang aming kwarto, noong iniwan ako ng aking boss kagabi, wala na akong ginawa kundi umiyak sa gilid ng kama, totoo ang sinabi niya kailan ba ako naging weak.
Akala ko, matulog akong walang laman ang aking tiyan, ngunit pagkatapos ng 10-minutes ay may dumating na pagkain sa suit namin. Kaya kahit paano hindi ako nalipasan ng gutom.
Bumangon na ako at tinignan ko ang oras sa side-table, mag-alas singko ng umaga. Kaya bumangon na ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil hindi malinaw sa akin kung ano nga ba talaga ang trabaho ko sa kanya. Minsan nahihiwagaan din ako sa aking amo dahil parang kilala ako. Madalas galit ang nababasa ko sa kanyang mga mata, pero naaninag ko pa rin ang pagpipigil nito, katulad na lang kagabi. Kaya lang naman ako nakayuko dahil hindi ko kayang salubungin ang mga nagbabagang titig sa akin na akala mo'y lalamunin ako ng buhay! Gusto ko man sagutin siya na hindi ako mahina at bingi ngunit walang lumabas sa aking bibig.
Wala siya dito sa kwarto namin, kaya bago paman siya dumating or baka ipapasundo ulit ako ay mas mabuti na mag ready na ako at baka bubuga na naman mamaya ng apoy! Kotang, kota na ako sa mga araw na nagdaan.
Naligo na ako, ngunit problema ko ulit kung ano ba ang aking isusuot.
"Hays! " Napa hinga ako ng malalim. Kaya wala na akong nagawa kundi isuot ang aking ginamit sa flight namin kahapon, mabuti nalang nilabhan ko kagabi atleast hindi naman amoy pawis, kahit wala naman amoy.
Sinuot ko na rin ang aking pants dahil malinis naman, bahala na mamaya kung ano ulit ang isipin ng aking amo. Kasalanan niya naman bakit kasi iniwan ang maleta namin! Hindi ko talaga siya maintindihan.
Tapos na ako sa lahat-lahat, nakabihis na din ako, hanggang sa may narinig akong doorbell mula sa labas ng kwarto.
"Dingdong! " Tunog ng doorbell kaya tumayo na ako upang pagbuksan.
Isang staff dito sa hotel ang aking pinag buksan, at nakangiti sa akin. Feeling ko isa itong half Japanese half Korean. Dahil sa puti at hindi katangkaran at mga singkit nitong mga mata na babagay sa kanya, habang matamis na ngumiti sa akin, kaya pati ako napangiti rin.
"Good morning ma'am! This is for you, order from masterchef. " Pagbati sa akin at ibinigay ang isang paperbag.
Wala naman akong nagawa kundi kunin ang binigay sa akin. Nagpasalamat na lang ako sa kanya at agad din itong nagpaalam.
Tinignan ko ang laman ng paperbag at isang pares na pants at fitted shirt na alam kong sakto sa akin. Mabuti na lang wala akong belly. Kaya masasabi kong proud ako sa aking katawan. Meron din nakapaloob na sulat dito kaya binasa ko muna.
Parang temang talaga ang aking amo, may pauso! Wag lang niya sabihin sa akin na lahat ng damit ko na sinuot ko ngayon ay ibabawas sa aking sahud dahil hindi ako papayag.
Binasa ko muna ang sulat, pwede naman siya tumawag sa telepono may pa sulat-sulat pang nalalaman, at isa pa hindi ko pa nakukuha sa kanya ang aking 3310 nokia phone. Hindi porket luma yun. Ano akala niya sa akin!
"You can go out when you've done! And follow the instruction"
Ito lang naman ang nakalagay sa sulat, engot talaga ang amo ko!
"Ganito ba ang trabaho ng secretary noon? Mukhang hindi naman ako secretary sa ginagawa ko? " kausap ko sa aking sarili.
Bago pa kung saan-saan mapunta ang aking isip, mabilis na akong magbihis. Nakasuot din ako ng sombrero na puti, at may sunglasses pang bunos dahil lahat ito laman ng paperbag.
Hindi ko muna sinuot ang sunglasses dahil maaga pa naman at wala pang sinag ng araw, lumabas na ako sa kwarto at puntahan ko nalang ang derection na sinabi niya sa sulat. Alam kong hindi ako maligaw dito dahil may english na instruction bawat arrow kaya yun na lang ang sinundan ko.
Ang sabi sa akin, pumunta daw ako sa ground floor at diretso lang, kaya pinindot ko ang G sa elevator. Paglabas ko mahabang hallway ang aking dinaanan. Naalala ko pa ito, dito kami pumasok kagabi.
Hanggang sa may nakita akong mga lalaki sa hindi kalayuan at mukhang nagka-kasiyahan. Mahiya pa sana akong lumapit ng lahat sila napatingin sa akin.
"Oh, nandito na pala ang hinihintay mo dudes! See you around! " Narinig kong bulalas ng isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali siya si sir Adrian at nandoon na naman ang ngisi sa mukha nito! Mukha silang nakakatakot lahat na ewan.
Hindi pa ako nakakalapit sa kanila ng kanya, kanya na silang nagsialisan. Hindi ko rin nakita si Gwen at sir Cristian, dahil iba naman ang kasama ng mga mokong na to!
"Good morning sir! " Bati ko sa aking boss na wala naman imik! Siya din ata ngayon pepi.
"Ahm! Hi! " Pagbasag ng katahimikan ang isang lalaki sa tabi ni sir, isa siyang Japaness dahil sa singkit nitong mga mata at may katangkaran din ayon sa aking obserbasyon.
'Hello sir, good morning! " Ganting, bati ko sa kanya at napa bow pa ako! Pero may narinig akong smirk ngunit hindi lang ako sure, pag angat ko sa aking mukha, ay gumagalaw na panga ni sir Cydrix ang bumungad sa akin, at ang lalaki na kanina bumati sa akin ay napailing.
"Dudes, wag mo naman takutin ang secretary mo, baka yan maghanap ng ibang amo, ikaw din! " Nakangisi nitong bulalas sa aking boss sabay sulyap sa akin. Marunong din pala itong magtagalog kaya napa nganga pa ako.
"Ms. Secretary, by the way, I am Jayson. Jayson Natividad. " Nakangiti nitong pakilala sa akin at naglahad ng kamay nito, tatanggapin ko na sana ang kamay nito ng magsalita ang aking amo.
"Ms. Manalo, we're late! " Malakas nitong boses, kaya pati ako nabigla sa gulat na akala mo naman may sunog!
Tumawa lang naman si Sir Jayson at napailing! Wala na akong nagawa kundi sundan ang aking boss na mabilis pa sa kabayo kung maglakad.
"Wala talagang modo! Kaibigan niya yun babastusin? " Himutok ko sa aking sarili.
Hanggang sa may tumigil sa aking harapan na golf cart. Sumakay na kami sa loob na walang imik ang aking amo. Hindi rin ako nagsalita pa at ninanamnam ang malamig ang simoy ng hangin na dumadapo sa aking balat. Hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na humanga mula sa labas ng hotel dahil napakaganda dito! Malawak na harden at puro berde ang nakikita, at fresh na hangin, at mga punong kahoy! Hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na napasinghap at napapikit!
"Wow! Ang ganda! " Lumabas sa aking bibig ng pagmulat ko sa aking mga mata.
Hanggang sa tumigil ang aming sinasakyan patunay na nakarating na kami dito sa golf course, at doon naghihintay ang mga kaibigan ng aking boss. Nauna na pala sila?
Asusual ngisi na naman ang nakapaskil sa kanilang mga mukha, lalo na kapag sa aking boss sila nakatingin. Samantalang seryoso naman si sir Richie. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nandito si Gwen na mukhang borido ang mukha kahit nakangiti.
Ang dami kong napapansin sa umagang ito, samantalang kagabi may ginawa akong kahihiyan.
"Hi Gwen. " Bati ko kay Gwen lumapit pa sana ako sa kanya ngunit biglang may tumikhim. Walang iba kundi ang aking boss.
Sumenyas naman si Gwen na ok lang, kasi parang seryoso na ang lahat. Ngayon ko lang din napansin na hindi lang pala ang mga kaibigan nito ang kasama namin. Dahil marami sila, seryoso ang mukha na akala mo'y kasalanan ang ngumiti. Pero hindi ko maitatanggi na ubud sila ng kagwapuhan. Kulang ang salitang gwapo sa kanila.
"Mr. Smith we need to start, it's getting late. " Pagbasag ng katahimikan ng isang American, kung hindi ako nagkakamali.
"Yeah, sure. " Tipid na sagot ng aking amo.
"Anyway, don't you mind introducing your woman to us? "
Napatigil kami sa paghakbang ng magsalita ang isang Amerikano sa aking amo. Tumingin sa akin si sir, ngunit gumalaw ang panga nito. Maya't maya lang nagsalita din.
" Mr. Rixon, my new secretary. So, shall we? " Tugon ng aking boss, makikipag kamay pa sa sa akin si Mr. Rixon ngunit nauna na ang aking amo na maglakad, kaya napa bow nalang ako sa kasama nito dahil wala talagang modo ang amo ko!
"Ganito niya ba tratuhin ang mga tao sa paligid niya? " Hindi ko mapigilan na tanong sa aking sarili.
Naglakad din kami ng medyo malayo, marami din nanonood sa loob ng golf course, samantalang ako nakatayo lang sa tabi ng aking boss. Luminga ako sa paligid at bawat isa sa kanila ay may kasamang babae,
"So, required ba dito ang may kasamang babae? " Kausap ko sa aking sarili. Maaga pa naman kaya hindi mainit, tamang-tama lang ang paglaro nila.
"How's your business Mr. Smith? " Pagsisimula ni Mr. Rixon.
"It's getting better Mr. Rixon, and how about your offer? " Diretso ang sagot ng aking boss,
"As I've previously stated, I wanted to sell my share of my branch restaurant and resort. However, I've heard that you intend to open another branch. "
Sagot ni mr. Rixon habang ako ay nakikinig lang sa kanila. Samantalang nagsisimula na silang maglaro. Hindi naman nakaligtas ang pagtaas ng labi ng aking amo dahil nasa kanya ang aking atensyon.
Hindi ko alam kung saan siya ngumiti, sa sinabi ba ng kausap nito o doon sa pumasok na golf sa loob ng hole.
Nag-palakpakan pa ang mga tao sa kanya, dahil nakikinood sila sa nangyayari, hindi ko rin mapigilan ang humanga at pati ako pumalakpak din at napasigaw!
"Wow! Ang galing mo naman sir! "
Hindi ko mapigilan na hiyaw na para bang proud ako sa aking amo, at sa akin na sila nakatingin, pati si Mr. Rixon.
"Wow! You have your lucky charm Mr. Smith!" Nakangisi nitong bulalas sa aking boss.
"I feel jealous anyway, " Nakangisi parin nitong sigunda.
"You don't have to feel jealous mr. Rixon, you have your women at your side too! "
Sagot ng aking amo na seryoso ang mukha. Totoo ang sinabi nito dahil hindi lang dalawa ang babae nito sa tabi, mukhang lantaran din ang pagka babaero ng Americanong ito!
"But, I want your woman. "
Seryosong sagot ni Mr. Rixon sa aking amo na ikinasama ng mukha ng aking boss. Dahil gumalaw pa ang panga nito. Hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng kaba sa dalawang lalaki na mukhang seryoso ang pinag-uusapan. Pero bakit ako kasama sa usapan nila? Ang kaba ko kanina ay naging triple na!