Cj's POV
Kanina pa ako nagtitimpi, I know what exactly happen. Because I saw it!
"Look at me Cydrix what should I do now? " Tanong sa akin ni Janine, at para bang nagpapa-awa sa itsura dahil sa dumi ng damit nito at nagkalat lahat sa harapan niya. Pero wala akong pakialam.
Seryoso pa rin ang aking mukha, at hindi pa rin ako sumasagot sa kanya at mataman ko siyang tiningnan. Medyo napayuko pa siya at alam niya ang ayaw ko yung ginagawa akong walang alam.
"Janine, If what I told you before is no change. Don't you dare do that again or else, you know what happened to you. Now you may leave. " Mahina kong tugon sa kanya.
Hindi ako nagpakita sa kanya ng awa. Alam kong sinadya niya kanina ang ginawa niya sa secretary ko. Hindi ko akalain na kahit dito Korea, susundan niya ako. Damm it!
Janine, she is one of the women who seduces me. But I'ved said I don't have time for that. One of the reasons why I need to take with me my new secretary aside from that, para tantanan na din ako ng aking mga kaibigan.
Nakita kong matalim akong tinignan ni Janine, but who cares! Ganyan naman lahat ng mga babae!
"How dare you Cydrix! Matapos mong makuha ang lahat sa akin! "
Nagpupuyos nitong galit na tugon, ngunit mahina lang ang boses, sapat nang marinig ko. Dahil siya din ang mapapahiya kapag marinig ang lahat na nandito ang sasabihin niya. Ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pagrereklamo. Pero binale-wala ko siya.
"Magbabayad ang babaeng yon sa ginawa niya sa akin Cydrix! Hindi pa ako tapos sa kanya! "
May pagbabanta sa boses nito. Kaya lumapit na ako sa kanya at matamang tinitigan. Lumapit pa ako at bumulong sa kanyang tainga.
"Leave her alone, dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo, kapag pinakialaman mo siya, kahit dulo ng mga buhok niya. " Pagbabanta ko sa kanya. Napatindig pa siya sa tayo.
Pagkatapos iyon ay iniwan ko na siyang may takot ang tingin sa akin. Wala din akong pakialam kahit ano pa ang nararamdaman niya. At isipin sa akin ng mga tao, dahil sa amin ang atensyon nila. Kilala ako sa buong mundo dahil sa pangalan ko! At wala din akong pakialam kahit magkalat pa sa buong mundo ang nangyari ngayon.
"Dudes! " Si Cristian.
"What's going on? " Si Richie
"Tsk, tsk! Sayang lang si Janine" si Adrian.
Sinamaan ko sila lahat ng tingin! Dahil wala naman silang ginawa kundi manood sa eksena. Kung sabagay, ganyan kami lalo na kung babae ang involve.
"Pare malala na yan, why you don't like her, she's beautiful anyway. " Sigunda pa nito, palibhasa babaero ang loko!
"If you like her, then take her far! " Hindi ko mapigilan na bulalas sa kanya.
"Yeah dudes, must better, " sigunda ni Cristian, sa akin sabay ngisi kasi Adrian.
"Anyway, nasaan na ba ang secretary mo dudes? Hindi mo yata inaalagaan ng tama? " Singit ni Richie sa akin. Naaninag ko pa ang totoong concern sa mukha nito.
At kailan pa nagkaroon ng concern sa babae ang kumag na to?
"Don't mind her. " Bale wala kong sagot. Pero ang totoo nag-alala din ako. Napailing nalang sila sa inasta ko.
At bigla nalang tumayo si Richie, kaya tinanong siya ni Adrian.
" Uh, saan ka naman pupunta dudes? " Si Cristian, kailan pa naging tsimuso ang mokong na to?
"Puntahan ko si Janella! Wala siyang kilala dito! " Pasigaw pa nitong tugon sa amin, napailing naman si Adrian. At hindi pa rin mawawala ang tingin ng mga tao sa amin.
"Kakaiba ngayon ang isang yon! Ano nangyari doon? " Saad ni Cristian. Tsismoso talaga!
Hindi pa rin ako nagsalita, hanggang sa may tinawagan si Cristian at mukhang ang girlfriend nito.
"Ok, wait there, " maiksi nitong sagot mula sa kausap.
Hanggang sa may lumapit sa amin. Isang matandang business man. At naging client ko din minsan.
Isa ako sa nagmamay-ari ng restaurant mula sa iba't ibang bansa. Kilala din ako sa elite sa business world. Sa edad kong labing-pitong taon, ay hinayaan ako ni dad na humawak ng sarili kong pera noon, hanggang sa lumago ito ng lumago. And now I am 21 year-old at masasabi kong isa na ako sa matagumpay sa business. And my parent's very proud of me.
"Mr. Falcon! "
Saad ng matanda sa kaibigan namin, at isa, isa din kaming binati. Ganun din ang ginawa namin at sumenyas si Cristian na lumabas na kami sa silid kung saan dito ginanap ang anniversary ng magulang nito.
Ang aming mga magulang ay magkakalapit na magkakaibigan, dahil din sa negosyo. Kaya nagmula bata kami ay isang school na kami nag-aral at doon kami nagkakilala, si Adrian, Cristian, Richie and ofcourse Richard.
Lahat kami ay basag ulo noon, wala din magawa ang head sa school. Isa pa, pagdating sa grades namin walang masabi ang guro namin. At dahil malaki ang share's ng mga magulang namin sa school kung saan kami pumapasok ay wala silang masita kahit ano, ngunit pagdating sa bahay, lagot ako sa mom ko! Until I grow up, busog ako sa kanilang pagmamahal wala akong masabi dahil wala silang pagkukulang sa akin kahit una palang alam kong hindi nila ako tunay na anak.
And about that happen, pina imbestigahan ko kung sino ang walang pusong gumawa sa aking tunay na mga magulang. And because of help my friend's Adrian, madali lang ang lahat. Nalaman kong nakulong si Edmund, pero nakatakas siya. At hanggang ngayon hinahanap siya ng binayaran kong detective.
"Dudes, " nagbalik ang aking diwa sa tapik ni Cristian sa akin. Hindi ko namalayan nandito na pala kami sa third floor.
"Anong sinasabi mo Gwen? Galit ba siya sa akin kasi marami akong nilagay na pagkain sa plato ko?" Halata sa boses nito ang takot at kahihiyan.
"Janella"
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na tawagin sa kanyang pangalan at halatang ikinagulat pa nito.
"Sir, masterchef? " Bati sa amin ni Gwen. Habang si Janella ay nakayuko.
"Let's go Gwen, hayaan natin sila. " Si Cristian.
At umalis na nga ang dalawa. Tatlong minuto ang nakalipas at binasag ko na ang katahimikan naming dalawa. Aminin ko ayaw ko ang nangyari, isa pa simple matters lang iyon. At ang ayaw ko sa lahat ay weak na person!
"So, magtutunganga ka lang diyan Ms. Manalo? " Malamig ko tanong sa kanya.
Napatingala siya sa akin, na para bang binabasa kung ano ang nasa isip ko. Seryoso na ang aking mukha.
"Don't look at me like that! Ganyan kaba talaga ka weak at hindi mo man lang kayang ipaglaban ang sarili mo? " Malamig ko parin na tanong. Hindi ko pa rin siya narinig na sumagot, nakaawang ang kanyang labi ngunit walang lumabas na boses.
Hindi ko rin mapigilan ang hindi mapa lunok sa babaeng kaharap ko ngayon. Damm it!
KAya bago pa kung ano-ano ang nasa utak ko at magawa ko sa babae hanggang ngayon hindi pa rin umiimik ay hinila ko na ang kamay at dalhin na lang sa aming suit.
"s-sir sandali lang po, " nauutal niyang saad sa akin, pero binaliwala ko.
Basta tuloy, tuloy ako sa paglakad kasama siya, wala din akong pakialam sa mga taong nadadaanan namin. Hanggang sa narating namin ang elevator. Ipinasok ko siya sa loob at agad kong pinindot ang 25th floor kung saan nandoon ang aming suit. At malamig ko siyang tinitigan.
Hindi ako nagsalita, dahil napayuko siya ulit. Napa buga na lang ako ng hangin. Hanggang sa nakarating na kami sa suit.
Nakarating na kami sa suit ngunit wala pa rin siyang imik, ang ayaw ko sa lahat yung hindi sumasagot kapag may tinanong ako! Inuubos talaga ng babaeng ito ang pasensya ko!
"Look Ms. Manalo! Hindi kita kinuha para alagaan kita! And secondly! Hindi ako ang yaya mo! Dinala kita dito para sa trabaho! Hindi upang magbigay ng problema sa akin! Alam mo ba kung ano ang damage ng ginawa mo? " Hindi mapigilan na galit sa kanya.
Kahit alam ko naman na wala siyang damage na ginawa!
"Damn it! " Hindi ko mapigilan ang nagngingitngit sa galit!
"Kung about sa kanina sir, sorry po. " Maya't maya lumabas din sa bibig nito ngunit nakayuko pa rin.
"Pwede ba ms. Manalo, kapag nakikipag-usap ka sa akin, tumingin ka. " Malamig kong boses at utos sa kanya.
Tumingala siya, ngunit naaninag kong nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko maintindihan ang aking sarili na para bang may nararamdaman akong kakaiba sa kanya, na para bang gusto ko siyang yakapin. Pero bago pa kung saan-saan mapunta ang tumatakbo sa utak ko. Sumagot na ako sa kanya.
"Wag ka ng umiyak, ang ayaw ko sa lahat, weak! Kaya umayos kana dahil bukas magsisimula na ang totoong trabaho mo, naiintindihan mo? "
Pagkatapos kong sabihin iyon ay basta-basta ko na lang siya iniwan sa suit namin. Baka ano pa ang pwede kong gawin sa kanya.
Dumeretso ako sa bar dito sa loob ng hotel at nakita ko ang aking mga kaibigan. Nandito na rin si Richie at napangisi pa ang gag*!
"Nakatulog na ba ang baby mo? "
Bigla na lang napa tigil ang lahat sa sinabi ni Richie, at ano naman ang alam ng gag*ng ito?