Cj's POV
"So, secretary huh dudes? " Si Adrian ang nagsalita. One of my friends.
"Kailan ka pa natuto nagdala dudes? " Sigunda pa nito sa akin, sabay ngisi.
Napailing nalang ako sa mga kaibigan ko, dahil kanina pa sila paulit-ulit sa pagbigkas sa aking secretary. Ang ayaw ko sa lahat ay kinukulit ako. Kasalanan ito ng gago namin kaibigan na si Richie.
"Dudes, hindi naman aalis si Ms. Secretary. Kaya relax! " Sigunda ni Cristian. Nagsisi tuloy ako na isinama ko pa ang bago kong staff sa restaurant.
Actually hindi naman ako nakatingin sa gawi ng aking secretary. Kundi sa babaeng kanina pa sa akin nagpapansin. It was Janine, dahil mukhang may binabalak siyang hindi maganda.
"Huwag mo nga bantayan ang bawat galaw ko, and don't mind my secretary. Ang bantayan mo ang girlfriend mo. " Balik kantyaw ko kay Cristian at iyon nga ang gago parang bubuga din ng apoy ng pagka kita nito sa girlfriend at may kausap na ibang lalaki.
Ganyan ka possessive ang mga kaibigan ko sa kanilang girlfriend. But me, I don't have serious relation yet. Ngunit bigla akong napatingin sa gawi ng bago kong secretary.
Naalala ko tuloy ang nangyari kanina sa loob ng silid.
"Damn it! " Hindi ko mapigilan ang mapamura! Hindi ko alam kung sinadya ang sinabi niya o baka sa kakulitan lang. Dahil kahit pa oras lang ang pagsasama namin ng isang tao alam ko ang tumatakbo sa isip nito!
Pati kanina sa airplane, ang ayaw ko sa lahat ay malapitan akong tinititigan. Alam kong matagal siyang nakatitig sa akin dahil naramdaman ko pa ang mainit niyang hininga na dumantay sa aking mukha. Gusto ko sana siyang bigwasan ngunit parang umurong ang aking dila at napalitan ng ngiti. I don't understand myself kung bakit sa bago kong secretary ay hindi ko magawang sigawan.
Tumayo na ako sa aking table upang kumuha ng pagkain, isa pa kanina pa siya doon. Baka kung ano ng isipin ng tao sa kanya. Lalo pa at akala mo'y mauubusan siya ng pagkain. Napailing na lang ako.
Umalis na din si Christine ang kakambal ni Cristian. Nandito lahat sila dahil dito magaganap ang wedding anniversary ng kanilang mga magulang. Actually hindi naman ito trabaho. Sinadya ko talagang magdala ng secretary ko dahil kotang, kota na ako sa kantyaw ng aking tropa. Pero mas malala naman ang ginagawa nila sa akin ngayon. Ganyan talaga kami hindi mawawala ang biruan.
Malapit na akong makarating kung saan siya kumukuha ng pagkain ng biglang may sumigaw!
"You, pathetic b***h! "
****************************
JANELLA's POV
"WOW! " Hindi ko mapigilan ang aking sarili at humanga sa aking nakikita. Hindi naman ako patay gutom pero sa ganda ng pagka arrange ng mga pagkain mula desert ay nakakamangha! Nandito na yata lahat ng putahe mula sa iba't ibang bansa. Kasama dito ang Pilipinas, kong mahal syempre. Ang pambansang adobo.
Iniwan ko kanina sa mesa ang aking boss dahil nakarandam na ako ng gutom. Actually kasama ko si Gwen kanina ngunit bigla itong nagpaalam sa akin. Nakilala ko na rin ang mga kaibigan ng aking boss dahil isa-isa silang nagpakilala sa akin. Si sir, Cristian Mondragon, sir Adrian Falcon, at syempre si sir Richie Santos. At hindi nga ako ngakamali dahil sa kanya daw itong napakagandang hotel. At may event pang bunos. At ang napakagandang babae kanina, siya daw ang kambal ni sir Cristian.
Nalaman ko lang kay Gwen ang lahat tungkol sa event. At sa kanya ko din nalaman na ngayon lang daw nagdala ng secretary ang aking boss. Kaya ganun na lang siguro ang gulat ng mga kaibigan niya nung nakita ako. Actually hindi naman nagulat ang nakita ko sa kanilang mukha, kundi puro na lang ngisi. Kung sabagay nga naman, nasanay sila na walang kasama ang aking amo kapag ganitong event, according to Gwen. Ibig sabihib pati si Ms. Peralta ang dating secretary ng boss ko, hindi sinasama? Hays!
Ano ang alam ko, una sa lahat first time kong maging secretary ni wala nga akong alam sa pagiging sec eh. Ang alam ko lang pagluluto. And speaking of that, hindi ko namalayan na punong-puno na pala ang laman ng aking plato. Kaya pabalik na sana ako sa aming table kung saan nandoon ang amo kong dragon na ewan ko kung saan ba siya nakatingin.
Ngunit dahil puno ang laman ng aking plato at bigla akong nawalan ng balanse dahil sa taas ng aking takong, hindi ko sinadya na natapunan ko ang babaeng katabi ko sa aking kanan, at lahat ng laman ng aking plato ay napunta sa kanya.
"You, pathetic b***h! " Sigaw nito sa akin. Hindi ako agad nakapagsalita dahil pinunasan ko ang damit nito gamit ang tissue na aking hawak, ngunit mas lalong nagkalat ang dumi sa damit nito.
"What are you doing to my dress!! " Sigaw ulit nito, kaya na sa amin na ang atensyon ng mga tao.
"Ma'am, I'm sorry po, hindi ko po sinasadya. "
Hinging paumanhin ko sa kanya. Mag salita sana ako ng english ngunit alam ko naman na isa siyang Pinoy.
"Ang tanga lang kasi! " Paasik nitong sagot sa akin. Bigla tuloy akong nabingi sa sinabi nito. Pero nagpakumbaba pa rin ako.
"Ma'am, hindi ko po talaga sinasadya. Im sorry po. " Nakayuko kong tugon sa kanya, nakaramdam na kasi ako ng hiya dahil na sa amin na ang atensyon ng mga tao.
"What's going on here?! "
Isang boses ang gumulat sa akin, at mataman niya akong tinitigan, napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan.
"This woman is stupid! Look Cydrix what she did to me?"
Parang ang boses pa ng babae ay nagsumbong sa amo ko. Hindi ko naman narinig na nagsalita pa si boss.
"Sino ba kasi yan, tatanga-tanga dito? " Sigunda pa ng babae, kaya tumingala na ako! Ganon na lang ang aking gulat na nakatingin pala sa akin ang amo ko at galit ang nakikita ko sa kanyang mukha.
Gusto ko maiyak sa nangyayari ngayon sa akin, dahil ito unang nangyari sa akin na may kahihiyan. Na para bang ako pa ang may kasalanan ng lahat! Siguro kung Pilipinas lang 'to, nasampulan ko na ang babaeng to! Masyadong papansin!
Hanggang sa nagdidihilaryo na ang babae at agaw eksena na siya sa loob ng event! Nakita ko naman na gumalaw ang panga ng amo ko pero walang boses na lumabas sa kanyang bibig.
Hanggang sa nilapitan ako ni Gwen.
"Janella, halika na. Lumabas na tayo dito. " Aya nito sa akin. Wala naman akong nagawa kundi sumunod na lang. Hanggang iniwan namin sila doon kung saan, galit na galit ang babae.
" Look Cyd, tignan mo ang ginawa sa akin ng babaeng yon! Sino ba kasi iyon? "
Bago pa kami nakalabas sa kwarto, narinig ko pa ang bulalas ng babae, mukhang magkakilala sila ng aking boss.
"Ok ka lang ba? Uminom ka muna ng tubig. " Nagbalik ang aking diwa sa boses ni Gwen. Malaking bagay din na nakilala ko si Gwen sa event na to, kung wala siya paano na lang ako. Kahit ilang oras palang kami magkasama ay masasabi kong mabait siya.
Uminom muna ako ng tubig bago ako nagsalita. At huminga ng malalim habang hinahaplos ni Gwen ang aking likod.
Kotang-kota na ata ako sa kahihiyan mula Pilipinas sa ginawa ng aking boss sa akin, at ngayon naman. Kanina lang ok pa ang lahat.
"Hindi ko naman sinadya yon Gwen. Anong gagawin ko? Pakiramdam ko para na akong nauupos na kandila sa kahihiyan. "
Naluluha kong tugon sa kanya. Kung yung babae lang sana ang kasama ko kanina, nun ka kung hayaan ko siya na pinagsalitaan ako ng ganun. Kaya lang hindi ko nakasagot agad kasi, iniisip ko ang aking boss. Baka mas lalo siyang mapahiya dahil lang sa akin.
Hindi ko na narinig na nagsalita si Gwen, hanggang tumunog ang kanyang cellphone.
"Yes hello? " Narinig kong sagot nito mula sa kanyang kausap sa kabilang linya.
"Yeah, she's with me right now. We're here at the balcony in the third floor. "
Narinig kong sagot nito, maya't maya lang pinatay na ang tawag.
"Gusto mo bang sumama sa akin? " Tanong sa akin, tumingin lang ako sa kanya, dahil hindi ako alam ang aking gagawin.
"Wag kang mag-alala tayo lang naman ang pwede magtulungan dito. Saka alam ni masterchef kung saan ka hahanapin mamaya. Hayaan mo muna sila doon, at sila na ang mag ayos kung ano man ang pinuputakte ng babaeng yon. " Meron pagka irita sa boses ni Gwen para sa babaeng galit sa akin kanina.
"Sino ba kasi yon? " Tanong ko sa kanya, dahil mukhang marami itong kilala at para bang kilala niya lahat ng nakasalamuha namin kanina. Hindi ko na rin pinansin ang tawag niya sa aking amo.
"Naku, yon yung babaeng sunod, ng sunod sa amo mo. Ewan ko ba doon napaka obious. Fyi baka sinadya talaga na dumikit sayo dahil kanina pa nakatingin sayo si masterchef. " Sigunda nito sa akin, kaya napatingala ako sa kanya.
"Anong sinasabi mo? Galit ba siya kasi marami akong nilagay na pagkain sa plato ko? " Nahihiya kong tugon sa kanya.
"Ano kaba! Hindi yon, kanina pa kasi siya kinakantyawan sa table nila, puro naman sila barako, kaya umalis ako sa table nila, pero bago ako umalis kanina, narinig ko pa ang biruan nila ng magkakaibigan na kanina pa sayo nakatingin. " Pag-uulit nito sanabi kanina,
"Hays, puro ka naman biro Gwen eh, " hinga ko ng malalim, dahil sa sagot niya sa akin ni Gwen. Siguro bibigwasan na naman ako mamaya ng aking boss, kasi kahihiyan na naman ang binigay ko sa kanya. Kung bakit bigla akong naging weak kanina.
"Halika na nga, hindi ka pa kumakain. Hating gabi na oh? " Nagbalik ang aking diwa sa boses ni Gwen.
Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya, isa pa siya lang ang pwede kong pagkatiwalaan ngayon. Lalo pa at bago lang ako dito sa Korea.
Ngunit ng pahakbang na kami palabas ay biglang may nagsalita sa amin likud ni Gwen, sabay pa kaming nagulat dahil tinawag ang aking pangalan.
" Janella "
Pangalan ko lang ang kanyang binigkas, pero bakit biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko?