JANELLA's POV
Kanina pa ako dito sa loob ng banyo, ngunit ayaw kong lumabas. Paano kasi wala akong dala kahit anong damit. Kung hindi ba naman ako nuknukan ng engot!
Kahit pa naiwan ang aking maleta sa Manila, ay may dala naman akong isang pares na damit sa aking backpack.
Hanggang sa may narinig akong doorbell mula sa labas ng silid kung saan alam kong nandito ang aking boss. Narinig kong binuksan niya ang pinto at may sinabi siyang lenggwahe ng Korea, na hindi ko maintindihan ang ibig sabihin.
Hanggang sa narinig ko ulit na sumara ang pintuan. Siguro umalis na kung sino man ang nag doorbell kanina.
Isang oras na siguro ako sa loob ng banyo. Medyo giniginaw na rin ako dahil kanina pa ako naka babad sa bathtub.
Hanggang sa may narinig ulit akong nagbukas ng pinto. Para akong engot na dinidikit ang aking tainga sa tapat ng pintuan nang banyo para marinig ko kung ano ang nangyari mula sa labas, at feeling ko umalis ang aking boss. Dahil tahimik na sa loob.
Dahan, dahan kong binuksan ang pinto ng banyo at sumilip ako mula sa loob, tahimik ang paligid. Nakatapis lang ako ng towel, at mabilis ang bawat kilos ko. Dahil wala ang aking amo, mabilis ko sanang kunin ang aking bagpack ngunit sa laking gulat ay wala sa couch kung saan ko iniwan kanina.
"Nasaan iyon? " Tanong ko sa aking sarili. Ngunit agaw pansin sa akin ang paper bag na nakapatong mula sa bed. Kaya dali, dali akong pumunta doon upang tingnan kung ano iyon.
Dalawang pares na damit ang nakapaloob dito, isang pares na pajama at isang dress na kulay krema. Hindi ko na alintana kung sino ang nagmamay-ari nito. Basta kinuha ko na ang pajama at mabilis akong bumalik sa banyo. Kaysa naman wala akong maisuot.
Pagkatapos kong makabihis, lumabas na ako mula sa banyo. At simulan ko ng hanapin ang aking backpack.
Ngunit kanina pa ako paikot, ikot dito sa loob ng silid wala akong makita, nabuksan ko na rin lahat ng kabinet pero wala. Sure naman ako na dala ko iyon. Iniwan ko nga sa couch eh.
At ngayon lang bumalik ang pagbabanta nga aking amo kanina, kaya napa laki ang aking mata!
"Omg! Wag niyang sabihin na kinuha niya? " tanong ko sa aking sarili.
"Pero ano naman ang gagawin niya sa bag ko?" kausap ko sa aking sarili.
Tawagan ko sana siya sa aking cellphone ngunit wala pala sa akin. Dahil nandoon lahat sa akin backpack.
Hanggang sa nag ring ang telepono sa loob ng silid. Agad, agad akong sumagot at baka ang amo kong may sira ata sa ulo ang tumawag.
"Yes, hello? " Sagot ko sa tawag at hindi nga ako nagkamali, ang boss kong sira ulo ang nasa linya.
"Get out from there. " Boses nito sa kabilang linya. Hindi naman ako agad nakasagot, ng marinig ko ulit ng kanyang boses.
"Siguro naman Ms. Manalo hindi pajama ang suot mong pag alis dyan hindi ba? " Parang nang uuyam pa nitong tanong sa akin.
"Paano naman niya nalaman na pajama ang suot ko? " Kausap ko sa aking sarili, habang may sinasabi pa sa kabilang linya.
"Ms. Manalo, ayaw ko ng naghihintay ng matagal! " Napalakas pa ang boses nito at agad ng nawala sa kabilang linya. Nagpupuyos naman ang aking galit sa kanya dahil puro biglaan ang kanyang ginagawa sa akin!
Mas piliin ko na sana ang hindi lumabas at magmukmok sa loob ng silid ng naalala ko meron siyang pupuntahan ngayon. Wala naman akong alam, dahil hindi man lang ako sinabihan.
Wala na din akong choices kundi isuot ang dress na nakapanloob kanina sa paperbag. Wala man lang akong kolerete sa kahit ano sa aking mukha dahil nandoon lahat sa aking maleta.
Matapos akong makapagbihis, tinignan ko muna ang aking sarili sa malaking salamin dito sa loob ng room. Dahil halos naman lahat ay salamin. Kaya nakikita ko ang reflection ng aking itsura.
Wala man akong dalang make-up ngunit masasabi kong bagay sa akin ang dress. Hangang taas tuhod lang ito, masasabi kong bagay sa akin. Hindi naman ako katangkaran, ngunit hindi din ako maliit. Nasa 5’2 ang height ko. Hindi katulad ng amo kong lalaki na kailangan ko pa ang tumingala sa kanya kapag kinakausap ako.
Isuot ko na sana ang rubber shoe na kanina ko suot ng agaw pansin sa akin ang isang box sa baba ng bed. Dahil pakialamera ako ay tinignan ko ang laman, ngunit isang pares na high heels na sandal. Silver gold ito parang sinadya ata na partners ang aking suot na dress.
Isinuot ko na at tamang, tama sa aking size. Medyo nagtaka naman ako at lahat ng size sakto sa akin.
"Hindi kaya nahulaan lang? " kausap ko sa aking sarili.
Nang matapos na ang lahat, at medyo hindi ako nakontento. Bumalik ako sa harap ng salamin, hinayaan kong nakalugay ang aking mahabang buhok na ngayon ko lang gagawin sa tanan ng aking buhay. Oo dahil halos araw, araw nakataas ito dahil bawal sa amin ang nakalugay ang buhok sa kusina.
Mahaba ang aking buhok na medyo kulot sa dulo nito. Sinuklay ko gamit ang aking mga daliri, ng makuntento na ako huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano ba ang aking trabaho sa aking boss. Ngunit ang malinaw ay isa akong secretary na wala naman akong alam kung ano ba ang papel ng secretary dahil hindi ko naman yan pinag aralan. Hindi ko rin alam kung ano ba ang nakain ng aking boss at ako ang kinuha! Na ngayon hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin? Isa pa wala akong kilala dito, and secondly ni hindi nga ako marunong magsalita ng Koreano!
Huminga ulit ako ng malalim, ng biglang tumunog ang telepono. Kaya agad, agad akong tumakbo dahilan upang muntik na akong matapilok sa taas ba naman ng heels na suot ko!
"Hays naman Ella! " Kastigo ko sa aking sarili! Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag dahil alam ko ang magaling kong amo ito!
"Hello sir, " bait, baitan kong sagot.
"Kung tapos kana, lumabas kana diyan, meron susundo sayo at dalhin ka kung nasaan ako. " Pagkatapos nitong sabihin ay pinatay na ang tawag.
"Aba himala! Hindi sumigaw? " Sa isip, isip ko. Pero teka, paano niya nahulaan na tapos na ako? Maya't maya lang may nag doorbell mula sa labas. Kaya tumayo na ako at pagbuksan kung sino man iyon.
"Siguro ang sundo ko na ito? " Kausap ko sa aking sarili. Tumayo na ako at pinuntahan ko na ang pintuan, wala akong dala kahit ano, dahil wala naman ang aking cellphone.
Pagbukas ko ng pintuan, ganun na lang ang aking gulat dahil nakangiting lalaki ang bumungad sa akin at mukhang nabigla pa ng pagka kita niya sa akin. Kalaunan ang ngiti nitong matamis kanina ay napalitan ng ngisi habang pinasadaan ako ng pataas pababa. Ngisi na parang may naglalaro na naman sa utak nito na hindi ko mabasa.
"Sir Richie? Good evening po! " Pagbati ko sa kanya, wag sabihin ng aking boss na ito ang sundo ko? Eh mukhang mas nakakatakot itong kasama kaysa sa aking boss. Ngunit mukhang nabasa ata ang laman aking iniisip.
"Hi Ella, don't worry hindi ako kumakain ng tao, iba nga lang ang kinakain ko. Anyways shall we? Wala kasi ang sundo mo kaya ako nalang. Trust me, walang mangyayari ng masama sayo. " Nakangiti nitong bulalas sa akin, mukhang nagsasabi naman ng totoo. Pero sa dami ng sinabi sa akin ay doon lang ako napatigil sa pagkatiwalaan siya.
Wala naman akong sinayang na oras at lumabas na nga kami sa silid at sumama na ako kay sir Richie. Isa pa wala akong pagpipilian.
Mahabang pasilyo ang nilakad namin ni sir Richie, habang ang mga tao sa loob ng hotel ay nakatingin sa amin. Marami din Pilipino dito, ngunit karamihan sa kanila ay banyaga, ang ilan Koreano, Japanese, at American. Habang nakahawak ako sa braso ni sir Richie.
Ang ibang kapwa ko Pinoy ay nagpapataas ng kilay lalo na sa mga kababaihan kasing edad ko. Pero wala naman akong pakialam. Isa pa ayaw ko kaninang humawak sa braso ng kasama kong lalaki ngayon kaso ang takong ng aking suot ay hindi nakikisama. Hindi naman ito ang unang beses akong nagsuot ng may takong. Ngunit masyado lang mataas ang heels.
"Don't mind them Ella. Let's go dahil naghihintay na ang dragon." Bulong sa akin ni sir Richie, dahilan upang magpasinghapan ang mga kababaihan kung saan kami napapadaan. Sa isip-isip ko, paano niya nalaman na dragon ang boss ko?
And speaking of dragon! Pumasok kami sa isang malaking silid na halos wala akong marinig kundi ang malakas na musika at maraming tao, na mukhang hindi basta-basta habang may hawak sa kani-kanilang kamay na baso at may laman na wine. Pagpasok namin ni sir Richie ay napatingin lahat sa amin partikular ang grupo ng mga kalalakihan na ang umulan ng kaper-pektuhan ay mukhang sinalo nila lahat! Kasama ngayon ang taong ngayon masama ang tingin sa akin dahil nakahawak sa aking beywang si sir Richie na mukhang sinadya pa dahil nakarating na kami ngayon sa grupo ni boss.
"Hi everyone! Meet Janella, the new secretary of Mr. Smith. "
Pagpapakilala sa akin ni sir Richie ngunit hindi pa rin inalis ang mga kamay nito sa aking beywang. Medyo nilakasan pa nito ang pagbigkas sa new secretary dahilan upang ngumisi lahat ng mga lalaki sa harapan namin sa kanya-kanyang may kasamang naggagandahang mga babae. Nakaramdam ako tuloy ng insecure sa aking sarili.
Ngunit nagulat na lang ako ng may biglang nagsalita. Dahil naka focus ako sa mga paligid at syempre sa mga taong kaharap namin.
"Baka gusto mo ng bitawan, hindi yan mawawala. " Mahinang boses ni boss kay sir Richie dahilan upang magtawanan ang lahat, na kahit wala namang nakakatawa sa sinabi nito. Ayon na nga at magka salubong na ulit ang mga kilay ni boss.
"Possessive man huh! " Parang may tunog na kantyaw ang isang magandang lalaki na mukhang sinalo nito lahat ng kakisigan sa katawan! Habang ang mga braso nito ay nakahawak din sa bewang ng isang babae, na para din ayaw mawala ito! At ang babae naman medyo nahihiya din. Nagkatinginan tuloy kami.
"At ikaw hindi? "Ganti ng aking boss sa nagsalita, at pagtawanan ulit ang grupo.
Dahilan upang mapa sulyap sa amin ang lahat ng mga tao sa loob ng silid. Na wala naman akong kaalam-alam kung ano ang kaganapan dito.
Hanggang sa may lumapit sa amin isang napakagandang babae, at matamis ang ngiti..
"Hi boys!"