JANELLA's POV
"E' bakit mo nga sinisante? Diba sinabi ko sayo na isama mo siya dito! "
Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nilang dalawa, kanina pa sila nagbabangayan habang tinatahak namin ang daan. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta.
"Kilala mo ako, kung ano ang ayaw ko tinatanggal ko! Kung gusto mo di hanapin mo! "
Ganti din ng aking boss sa kanyang katabi. Actually nasa driver seat silang dalawa, dahil si sir Richie ang nag drive, katabi niya si boss. Samantalang ako nasa passenger seat.
Kanina napagkamalan ko siyang siya si Chef Richard, pero nagpakilala naman na siya si sir Richie, kambal daw siya ni chef. Nagtaka pa ako nung una. Kasi mas brutal siya magsalita kaysa doon sa chef. Kung sabagay nga naman hindi pa naman kami magkakilala masyado si chef Richard.
"I swear dude, pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin. Sinasabi ko sayo. "
Nakangisi nitong tugon sa kanyang katabi sabay sulyap sa akin sa front mirror. Hindi naman nakaligtas ang pag sulyap sa akin ang amo ko sa mirror. At lalo pang napangisi si sir Richie.
"Don't you dare! Magsisi ka! " sagot ni sir Cydrix, at para bang alam ang ibig sabihin ng katabi nito dahil sa may pagbabanta rin.
"Let's see! Ashole! " Bale walang sagot naman ni sir Richie. Ngunit may naglalaro sa mga mata nito. Ayon sa akin obserbasyon sa dalawang dragon.
Hanggang sa nakarating na kami sa hotel, kung saan dito siguro kami magpapahinga. Pero diba nga sabi niya kanina doon sa airplane na diretso ang trabaho namin?
Bumaba na ako ng kotse dahil wala man lang gumalaw sa dalawa. Parang may pag uusapan pa. Hindi naman ako naghintay ng matagal at lumabas din ang silang dalawa, as usual seryoso ang mga mukha.
Ibinigay ni sir Richie ang susi sa mga caretaker dito sa hotel at dinala ang kotse nito. At sabay, sabay na kaming pumasok sa loob ngunit agad ng nagpaalam si sir Richie sa aking boss.
"Anyway, enjoy your night! See you later! " Pagsabi iyon ay umalis na siya, ngunit may tinawagan pa ito. Pagkatapos nakangisi siya na sumulyap sa amin. Napailing na lang ang aking boss.
"Good evening sir, ma'am! Welcome to Santos Hotel's" Pagbati sa amin ng staff.
"Reservation. Mr. Smith. " Saad ni sir Cydrix.
"Hang on sir! " Sagot ng receptionist.
Nakakunot noo ang aking boss sa sagot ng reception, dahil may tinitignan pa ito sa computer.
"Excuse me, I have a reservation already, three days ago. " halata sa boses ni boss na medyo irita na, dahil magkasalubong ulit ang mga kilay.
Ako naman, nandito lang nakaupo malapit sa reception dahil may mauupuan naman dito. Sa lakas ba naman ng boses ni boss ay naririnig ko talaga ang kanyang sinasabi.
"Sir, I am sorry, but your suit is accompanied already, and all the rooms is full. " Halatang kabado na sagot ng reception.
"What?! " Sigaw ni boss sa babae, pati ako ay nagulat, kaya napa lingon ako sa kanila!
"Damn't! " Sigaw ulit ni boss. Kaya tumayo na ako para makialam, feeling close.
"Ano po ang nangyari? " Tanong ko sa kanila.
"Yung unggoy na yon, alam ko kagagawan niya to! " Hindi ko alam kung sa akin ba sinasabi ni boss ang katangiang iyon dahil galit na naman siya at gumalaw pa ang panga!
"Ms, do you know who I am? Can you double check your record! Damn it! " Galit nitong utos sa reception. Oo, utos, dahil hindi man lang suya marunong makiusap ng maayos. "Sama talaga ng ugali! " Bulong ko sa kawalan. Tuningin pa siya sa akin ngunit pinaikutan ko lang siya ng aking mga mata, paki ko sa kanya!
Agad naman sumunod ang babae sa sinabi ni sir, isa pa ganito pala dito sa Korea ang ganda sa labas. Pero kung puno na pala ang hotel, bakit hindi na lang kami lumipat? Mga pumapasok sa aking isip.
"Sir, actually po may kalalabas lang na nag check-in. Kung ok lang po sa inyo, iyon na lang po ang kunin niyo. Sorry talaga sir. " Apologetic na tugon ng reception kay sir. Pero halata sa galaw nito ang pagkataranta.
"Give me then! " Walang galang na sagot ni sir sa babae. Napa hinga tuloy ako ng malalim.
Paalis na sana kami ng nagsalita ulit si sir sa babae.
"Pakisabi sa amo niyo! Pagbabayaran niya to! "
Pagkasabi iyon, ay mabilis na siyang lumakad at napa sunod na lang ako. Napayuko naman ang babae sa inasta nga king boss.
Sumakay na kami sa elevator at pinindot ni sir ang 25th floor. Halata sa kanyang mukha ang pagkadismaya dahil gumagalaw pa ang panga nito. Gusto ko man magtanong ngunit mas pinili ko na lang ang manahimik. Mahirap na ang madamay.
Hanggang sa nakarating kami na walang imikan. Akala ko nung una ay hotel ng mga Koreano kami mag check-in pero sa pagkakatanda ko ay Santos Hotel ito, ibig sabihin kay sir Richie siguro ang hotel na ito.
Bago pa buksan ng aking boss ang pinto ng silid, ay nagtanong na ako, wag niyang sabihin na iisa ang room namin? Omg!
"S-Sandali lang sir, nasaan po ang room ko? " Medyo nauutal ko pang tanong sa kanya. Parang bigla aking kinabahan.
"Ms. Manalo nakita mo naman kanina na iisa lang susi na binigay diba? " Eretable nitong sagot sa akin habang salubong ang kilay!
Pero syempre magpatalo ba ako! Hindi pwede ang gusto niya noh! Hindi porket amo ko siya ay magagawa niya ang gusto niya sa akin! No way!
Ngunit bago pa ako mag protest ay nagsalita na siya at pumasok na din sa loob. Wala din naman akong magawa kundi sundan siya!
"Look Ms. Manalo, kailangan na natin bilisan ang galaw natin ngayon, dahil mamaya meron tayong gagawin! At kung iniisip mo na pagsamantalahan kita, in your dream! Marami na akong babae na naikama, sa tingin mo magkaka gusto ko sayo? You're not my type! "
Sa haba, haba ng kanyang sinabi sa akin ay doon lang sa dulo ang naiwan sa king utak! Hindi agad ako makapagsalita dahil sa pagkabigla ko!
Sumagot na sana ako ng bigla nalang siya nawala sa aking harapan, kaya sa galit ko sinundan ko siya kung saan siya pumunta!
"Hoy! Simpatikong b_" hindi ko pa natapos ang sinasabi ko dahil sa sobrang pagkabigla ko! At mabilis kong sinara ang pinto.
"Damn It what are you doing woman!! " Sigaw niya sa akin, dahil mabilis akong lumabas sa banyo!
"Banyo pala yon? Ano kaba Ella! " kastigo ko sa aking sarili!
"Bakit may malaking ahas! Buhay na ba iyon? " kausap ko sa aking sarili.
Pabalik, balik ako ng lakad sa loob ng silid dahil sa nakita ko kanina, nanginginig ang aking mga tuhod kasama ang balun-balunan, dahil sa aking nasaksihan. Kung bakit kasi hindi ko man lang tinitignan kung saan siya pumasok!
Makalipas ng tatlong pong minuto ay lumabas na ang aking boss, at para bang nanadya pa ang damuho dahil nakatapis lang ng towel.
Habang ako napa tigil sa aking ginagawa habang kina kagat ko ang aking kuko. Parang slowmotion ang pangyayari, para lang akong nanonood ng live show sa mga hunks na model habang sila ay nakahubad. Hindi ko mabilang ang aking lunok kung naka ilan ba ako, lalo pa at hindi basta, basta ang abs ng aking boss. May anim na pandesal sa harapan nito at tumutulo pa ang tubig doon dahil hindi man lang nagpunas sa kanyang katawan.
"You like the view huh! "
Napaigtad ako sa kanyang boses, at mainit na hininga, dahil nasa harapan ko na pala siya ng hindi ko man lang namamalayan!
Pero bago pa ako mawala sa katinuan ay kinastigo ko na ang aking sarili dahil pakiramdam ko, sinusubukan ako ng amo ko! Unang araw ko palang ito na kasama siya pero puro kalaswaan na ang pinapakita sa akin!
"Ahm! Anong view! Saan ang view sir? You're not my type no! "
Pang gagaya ko sa sinabi niya at agad na din ako pumasok sa banyo na wala man lang dala kahit ano! Dahil ang aking backpack ay iniwan ko sa couch. Narinig ko pa siyang tumawa at parang musika sa akin pandinig.
Napailing na lang ako! Mukhang naikanto ata ako dito sa Korea!
Ilock ko sana ang pinto ng banyo, pero walang lock! Kaya kahit ayaw kong kausapin ang boss ko ay lumabas ulit ako! Kaso parang gusto ko ulit bumalik sa loob ng banyu dahil sa aking nakita! Dahil ang inocente kong utak ay nadudumihan na!
"Sir, bakit yong loc_" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay napadako ako sa nakaumbok nitong harapan, nakasuot lang naman ng boxer ang hinayupak kong boss!
"Damn' t"
Natawa din ako sa itsura niya dahil parang nabigla pa sa pagsulpot ko! Hindi ba niya alam na dalawa kami dito sa kwarto! Engot din ang boss ko eh!
Kinuha niya ang towel niya kanina at tinakpan sa harap habang nakaupo na siya sa couch. Ako naman nagkunwaring bale wala ang aking nakita, pero pakiramdam ko pulang, pula na ang aking mukha!
"What? " irita nitong sagot sa akin! Parang siya pa ang galit ng hinayupak!
"Yong lock sir, sira ba yon? " Nagkunwari akong bale wala ang tanong ko sa kanya.
"Nakita mong sira diba? " balik tanong sa akin! Tignan mo tong amo ko! Nagtatanong lang naman ako eh!
Babalik na nasa ako sa loob ng banyo ng may naisip akong kapilyuhan! At sana hindi ko pagsisihan!
"Alam mo sir, wag mo ng takpan yan! Nakita ko na eh, ang liit lang pala! "
Pagkasabi ko iyon, ay nakita ko pa siyang napanganga at natahimik sa aking sinabi. Wala na din akong inaksaya na oras pa at agad, agad na akong pumasok sa loob ng banyo.
Nang bigla nalang akong may narinig na sigaw mula sa loob ng kwarto!
"Maliit huh! Let's see Janella! "
Sa pagbigkas nito sa aking pangalan, ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba.