JANELLA's POV
Paglabas ko ng sasakyan, ayon ang aking boss, nauna na. Kailangan ko pang tumakbo para mahabul ko siya.
"Pero teka? Bakit parang wala siyang bitbit kahit ano? " Tanong ko sa aking sarili.
Napalakas yata dahil narinig ako ni mang Delfin.
"Naku hija, sundan mo nalang siya, hayaan mo na ang mga maleta niyo. Dahil dadalhin mamaya ng boycart. " Bulalas ni mang Delfin sa akin.
Nagtaka naman ako, meron bang ganun? Ang pagkakaalam ko kasi personal belongings ito kaya dapat kami ang magdadala. Aba ano malay ko! Baka wala akong magamit pagdating namin sa Korea!
"Naku wag na ho mang Delfin dadalhin ko na lang po ang akin. Bahala na lang si sir kung ayaw niya dalhin ang maleta niya. " Sagot ko kay mang Delfin. Ngunit hindi pa siya nakakasagot ay may tumawag na sa aking cellphone.
Kaya agad, agad kung sinagot dahil hindi tumigil sa kakatunog.
"Hello! " Sagot ko ng hindi ko man lang tinitignan kung sino ang tumatawag dahil nakatingin ako kung saan malayo na ang aking boss na ngayon masama ang tingin sa akin kahit medyo malayo ito.
"Unang araw mo pa lang na secretary ko pero ang dami mo ng palpak! Hindi naman ikaw siguro ang dahilan para ma late ako sa flight ko tama? " Eretable nitong bulalas dahil siya lang naman ang tumawag sa akin, pero wala naman akong makita na cellphone sa kanyang tainga, maliban sa puti na nakakabit doon! Siguro iyon ang earphone.
Hindi pa nga ako nakaka sagot, ngunit bumuga na naman ng apoy, dahil kahit malayo ako alam kong galit na siya! Embis na matakot ako sa kanya, ay parang natutuwa pa ako sa kanyang itsura!
Dahil magka salubong na ulit ang kanyang mga makapal na kilay! Nang biglang may umalingawngaw na boses mula sa speaker!
" Flight FJ36734 bound for Korea is now ready for boarding, Mr Cydrix John Smith! Ms Janella Manalo, please proceed to gate 5 in 10 minutes, your flight is about to take off. Thank you "
Nabigla ako ng may humawak sa aking mga kamay, at mabilis akong hinila at pumasok kami sa loob. Ni hindi ko man lang nadala ang aking maleta.
"Sir, this way please." Nakangiting pagbati ng mga assistant sa airport sa amin. Sinuklian ko din sila ng ngiti ngunit masyadong mabilis maglakad ang aking boss. Gusto ko sabihin sa kanya ang mga gamit namin pero parang bale wala sa kanya.
"Good afternoon sir, ma'am! " Bungad sa amin ng mga steward sa loob ng airplane. Mukhang kami nga talaga ang hinihintay. Hindi ko man lang narinig na humingi ng paumanhin ang aking kasama na hanggang ngayon nakahawak pa rin sa aking braso.
Gusto ko man magsalita, pero parang umurong ang aking dila, at nararamdaman kung galit ang amo kong dragon! Kahit naka suot pa siya ng sunglasses.
Nang nakaupo na kami sa business seat, ay narinig ko pang nagpakawala siya ng malalim na hininga at umabot sa akin ang mabango nitong amoy!
Napapikit ako, ngunit napamulat ako ng aking mga mata ng bigla siyang nagsalita. At may kausap sa cellphone.
"Mang Delfin, ibalik niyo na mga gamit, nasa loob na kami. "
Napamulagat ako! Yung mga maleta namin! Omg!
Magtatanong pa sana ako ng sinalubong ako ng nagliliyab na galit sa kanyang mga mata at gumagalaw na panga!
"Alam mo ba ms. Manalo, na ito pa lang ang kauna-unahan kong late na flight, dahil sayo. " Nararamdaman kong nagpipigil siya ng galit, dahil marami kaming katabi sa loob. Kung tutuusin malapit lang ang mukha namin sa isa't isa. At kung hindi ako nagkakamali ay akalain ng mga tao sa loob ng airplane ay naghahalikan kami. Dahil nakita ko pa ang iba at nakatingin sa amin habang nakangiti.
Pero hindi, dahil nagagalit sa akin ang boss kong dragon dahil ako daw ang may kasalanan ng late nitong flight! Pero magpapatalo ba ako dito! No way! Dahil una sa lahat wala akong alam tungkol dito! Kaninang umaga lang naman na nagsabi siya na punta kami sa Korea ah! Kaya sinalubong ko ang nagbabagang nitong galit!
"Sir, una sa lahat, alam ko ba ang oras ng flight natin? Pangalawa sir, bakit parang kasalanan ko pa? Pangatlo sir, aba ano ba alam ko! Kanina mo lang ako naging secretary noh! Ni wala ka ngang pasabi eh! " Galit galitan ko din sagot sa kanya, akala niya hah!
"Sumasagot ka? " Gumagalaw pa ang panga nito at naamoy ko na naman ang mabago nitong hinga, amoy coolgate! Na fresh na fresh!
"Gising Ella, gising! " Kastigo ko sa aking sarili dahil para akong inaantok sa mabango nitong hininga. Para tuloy ako nahiya sa kanya dahil nakalimutan ko pang mag toothbrush kanina dahil sa pagkabigla ng dumating siya. Napangiwi pa ako.
Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot sa kanya. Pero tinakpan ko ang bibig ko syempre.
"Sir! Hindi naman po, pangatwiran lang po ako, kung sinabi niyo po sana ng maaga di sana ho alam ko. Isa pa sir ano bang alam ko diyan. " Nakasimangot ko ng tugon sa kanya, dahil mahirap pala makipagtalo sa dragon na 'to!
Pero bigla kong naalala ang aking maleta, ano pa susuotin ko ngayon? Buti hindi ko nilagay doon ang passport ko.
Hindi ko na rin siya narinig na nagsalita at umayos na siya ng upo dahil ramdam ko na na palipad na ang airline. Mabuti nalang nasa tabi ako ng bintana at nakikita ko ang tanawin sa labas!
"Wow! " Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha sa aking nakikita mula sa taas!
Aaminin ko sa aking sarili na ito ang una kong apak sa airport, at pagsakay ng airplane. Pangarap Ko lang noon ito. Pero ito ako ngayon nakasakay sa isang airplane na napakalaki at syempre may katabi pa akong super gwapo!
" Ngunit suplado nga lang. " Sigaw ng kontrabida kong utak.
Bigla tuloy ako napatigil sa tumatakbo sa aking isip, bakit naman pumasok sa utak ko ang aking katabi at hindi ko rin mapigilan ang hindi mapa sulyap sa kanya na ngayon ay nakapikit na. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha.
Matangos na ilong, heart shape na labi na pulang-pula. Napahawak pa tuloy ako sa aking labi, at nakaramdam ng insecure sa aking kawatan. Bakit parang unfair naman ang mundo? Dahil ang lalaking nasa harapan ko bakit naman ang gwapo? Kulang yata ang gwapo na salita sa kanya.
"May pinapanganak ba talagang perpekto? " Hindi ko mapigilan na bulalas sa aking sarili habang nakatitig ako sa kanyang mukha. Na akala mo'y hindi magbubuga ng apoy kapag nagsalita! Dahil ngayon nakapikit para siyang maamong topa na kay sarap hawakan.
"Omg, Ella! Ano bang nangyari sayo? " Kastigo ko sa aking sarili ng biglang may nagsalita.
"Tapos ka na bang pag aralan ang mukha ko?"
Hindi ko alam ang aking gagawin dahil nakapalumbaba pa akong nakatitig sa kanya, at hindi lang iyon dahil nakangiti siyang nakatitig sa akin? Para akong nasa alapaap dahil sa kanyang pinapakita na kanina lang ay isang dragon na nagbubuga ng apoy!
Napalunok pa ako ng sunod, sunod dahil umurong ang aking dila.
"Ms. Manalo. " Tawag sa aking pangalan kaya naman napakurap ako at nagbalik ako sa aking katinuan. Umayos na rin siya ng upo at bumalik na din ako sa ayos.
"I wonder why, kung ngayon ka lang makakita ng katulad kong perpekto? "
Hindi ko alam kung nagtatanong ba siya o ginaya lang ang sinabi ko kanina, pero ang pagkakaalam ko, tulog siya.
Napalunok ako ng ilang beses at tumikhim bago ko siya sinagot dahil puro na naman kayabangan ang lumabas sa kanyang bibig. Ngunit may katotohanan naman lahat ng kanyang sinabi. Pero hindi ako magpapatalo dito. Baka ano pa ang isipin niya sa akin.
"Feeling mo naman sir! Nakatitig lang ako sayo perpekto na? Hindi ba pwede na may tinignan lang ako sa mukha mo, may itim kasi kanina eh, gusto kong kunin kaso baka magising ka, " pagsisinungaling ko sa kanya. Akala ko mabenta pero ngisi lang ang sinukli sa akin.
"You're not a good liar, Ms Manalo. "
Sagot sa akin at napapikit ulit, ngunit nandoon pa rin ang ngiti nito! Napa Kurap-kurap pa ako sa aking mata dahil naninibago ako sa aking boss. Sa totoo lang oras palang naman ang pagsasama namin dalawa ngunit mukhang unlimited na ang kanyang ngiti. O baka naman namamalikmata lang ako?
Kahit pa man nakapikit siya, sumagot pa rin ako! Feeling close tuloy ako sa kanya.
"Hindi ah! Totoo ang sinasabi ko sir! Ang laki talaga ng tiwala mo sa sarili mo noh? " Tugon ko sa kanya.
At ayon nga ulit, tumawa pa pero mahina lang. Mas lalo tuloy akong napa nganga sa kanya!
"Gising Ella! Posible na tumawa siya! Dragon yan diba, dragon! " Sa isip-isip ko! Pero ang totoo tunawa naman talaga siya, ngayon nakatitig ako ulit sa kanya.
"Hindi ka pa ba nagsasawa na nakatitig sa akin? Magpahinga ka muna, dahil pagdating natin doon, wala na tayong pahinga. "
Napakurap ulit ako sa kanyang sinabi, himala hindi siya sumigaw.
"Ah, ok... " Parang temang kong sagot at hindi ko na narinig na magsalita siya ulit.
Nakasarado na rin ang bintana sa airplane dahil madilim na sa labas. Isang oras na din siguro ang byahe namin. Medyo matagal din pala ang biyahe papuntang Korea.
Sa wakas! Pagkatapos ng tatlong oras mahigit ay nag aanunsyo na ang airplane upang mag landing. Hindi rin naman ako nakatulog, ngunit ang aking katabi ay parang masarap ang tulog. Dahil magmula ng sinabi niya sa akin na magpahinga ako ay hindi ko na siya narinig na nagsalita pa.
Gisingin ko palang sana siya ng gumalaw na ang kanyang katawan. Mukhang alam niya na nakarating na kami. Kung sabagay nga naman siguro alam niya ang oras ang dating namin.
"Oh, we're here Ms. Manalo. " Bulalas sa akin, napa ismid pa ako, as if naman nd ko alam! Haller narinig ko din ang anunsyo ng steward noh!
"Ok sir! " Pasimple kong tugon sa kanya. At inalis ko na ang aking earphone, kaso bigla akong natitiling para bang wala na akong naririnig! Dahil nakita ko pa na parang may sinasabi ang aking boss, pero hindi ko talaga marinig!
"Ano ho sir? Hindi kita marinig! " Pasigaw kong sagot sa kanya, ng biglang tumingin lahat sa akin ng mga pasahero. Dahil lahat na sila nakatayo! Ready ng lumabas kung baga. Pero ang boss ko nakaupo pa.
"I said, get ready tayo na ang maunang lumabas! " Pasigaw din nitong sagot! Kaya hindi ko maiwasan ang samaan siya ng tingin! Kailangan bang sumigaw!
Bumalik na din ang normal ng pandinig ko.
"Thank you for choosing our airline's ma'am, sir! " nakangiting pamamaalam ng mga stewarder's at piloto sa amin. Samantalang ang aking boss, ayon bumalik ulit sa pagiging seryoso.
Mabilis ulit siyang naglakad, as usual para na naman akong tumatakbo!
"Buti na lang talaga naka rubber shoe ako! " naiinis kong bulong sa akin sarili at binilisan ko na ang naglakad para mahabol siya.
Nakalabas na kami sa labas ng airport at may naghihintay sa amin na para bang pamilyar sa akin. Pero imposible iyon dahil nakita ko lang kanina na siya ang nakakota sa kusina?
Nang paglingon sa amin, nakakunot noo siyang nakatingin, partikular sa taong sinusundan ko.
Hanggang sa nakarating na kami sa harapan nito, dahil pakiramdam ko kilala ko ang taong ito? Nginitian ko pa nga, ngunit kunot noo siya na para bang dismayado siyang nakita ako? O, baka sa boss ko?
"Where is ms. Peralta? " Tanong niya sa aking boss, dahil sa kanya nakatingin.
Para siyang dragon katulad ng aking boss kung magsalita! Omg! Napapalibutan ako ng mga dragon?