Chapter 14

1913 Words
Janella's POV Alas singko palang ng hapon, ng naka ready na lahat ng aking gamit. Nagtaka din si mama sa akin at bakit daw nag-iimpake ako, kaya sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari kaninang umaga. Walang labis walang kulang. Umuwi rin ako kaninang tanghali dahil iyon ang sinabi ni Claire sa akin. Ayaw daw ni dragon ang naghihintay ng matagal. Parang kilala na nga niya ng lubos ang aming boss. Kung sabagay nga naman mag pinsan sila. "Bep! bep! " Dalawang busina ng sasakyan ang malakas ang nagpabalik sa aking lumilipad na diwa. Maya't maya lang ay may kumatok na sa pinto ng aking silid, kung saan inaayos kong mabuti ang aking mga gamit, mahirap na ng may makaligtaan ako. Hindi ko kasi alam kung ilan araw kami doon, dahil wala naman pasabi ang magaling kong boss. Mabuti na lang at laging nandyan si Claire na nagsasabi ang aking gagawin at dalhin. Dahil minsan daw isang week ang pag stay ni sir dragon doon. Kaya nagdala ako ng damit ko na good for three days, lalabhan ko na lang kapag tapos na akong maligo, siguro naman ok sa boss ko? Bahala na! Mabuti na lang may maliit kaming maleta, dito ko nilagay ang aking mga dala at syempre may backpack din ako. Nakasuot ako ng maong pants at simpleng t shirt with ternong rubber shoe. Aba malay ko kung maglakad kami ng malayo, mabuti na ang handa! Tyaka, hindi ko rin maiwasan ang hindi ma excite dahil ito ang first time kong mag travel, mabuti na lang at may pasport na ako. Dahil noon paman balak namin ni Shilla ang mag out of town kaso nga lang, wala pa kaming sapat na pera. "Tok, tok! " Katok ulit ng pintuan at alam ko si mama na ang kumakatok. Tumayo na ako at huminga pa ako ng malalim. Dahil ito ang una kong trabaho na makakasama ang aking boss. At hindi lang basta, basta dahil ako na ngayon ang kanyang secretary. Wala man ako alam about sa mga ganitong trabaho, dahil nasa pagluluto ang aking talento. Ngunit sabi ni Claire ay sundin ko lang daw ang sinasabi nito at tandaan lahat. "Sana, lang makaya ko! Fight Ella! " Kausap ko sa aking sarili at pinagbuksan ko na ng pintuan si mama. "Anak, bakit ang tagal mo magbukas ng pinto? Ok ka lang ba? " May pag-aalala sa boses ng aking ina. "Ma, sorry po. Chineck ko kasi mabuti ang dala ko ma, mahirap na po baka may makaligtaan ako. " Tapat kong sagot sa kanya. Hindi ko rin maintindihan minsan ang aking ina dahil kadalasan napapansin ko sa kanya para bang may bumabagabag sa kanyang damdamin. Nawawalan na din ako ng oras na kausapin siya dahil lagi na lang ako late kung umuwi galing sa aking trabaho. Pagdating ko sa bahay namin ay tulog na siya, ganun din sa umaga parehas na kaming busy dahil meron siyang munting kalenderya. "Siya, sige na at kanina pa naghihintay ang sasakyan sa labas anak. Sabi ko sa kanya pumasok muna sa bahay, kaso sabi niya maghintay na daw sa labas. Akala ko ba eh alas sais ang sundo sayo? Bakit ngayon eh pasado alas singko palang naman. " Mahaba-habang litanya ng aking ina. Napa sulyap din ako sa wall-clock namin at oo nga, tama si mama. Mabuti na lang pala at mas inagahan ko talaga ang mag impake. "Sige na ma, tayo na po. Nakakahiya sa aking boss kung pag hintayin pa siya. " Tugon ko sa aking ina at hinila ko na ang maliit kong maleta at lumabas na kami sa maliit naming bahay. Nakita ko ang magarang sasakyan na naka parada sa harapan ng maliit naming bahay, nakaramdam tuloy ako ng panliliit sa aking sarili dahil pakiramdam ko hindi nababagay ang magarang sasakyan sa harapan namin. "Kaya siguro hindi siya bumaba, dahil maliit lang ang bahay namin. " Sa isip-isip ko. Nag paalam na ako sa aking ina at niyakap siya, sinuklian din ako ng yakap at sinabing mag ingat ako doon. Hindi ko rin sinabi kung kailan ang balik ko dahil wala naman akong alam. Basta ang sinabi ko sa aking ina, ay wag itong mag alala sa akin. Nakita ko din na lumabas ang driver at binuhat ang aking maleta, at pinagbuksan pa ako ng pintuan sa passenger seat nito. At dito naka printing nakaupo ang isang lalaking, mala-demmen god na akala mo nasa kanya ang trono. Dahil maluwang ang sasakyan nito, ay naka dekwatro siyang nakaupo at seryoso, ni hindi man lang ako pinansin. Kaya tahimik akong pumasok sa loob at umupo na ako sa kanyang tabi. Ngunit maluwag naman. Salamat din dahil nakahinga ako ng maluwang. Habang siya ay wala pa rin imik. Hindi ko alam kung saan siya nakatingin dahil nakasuot lang naman ng black sun glasses na hindi ko makita ang kanyang mga mata. Hindi ko namalayan nakatitig na pala ako sa kanya. "Ms. Manalo, pasado na ba ako sa taste mo? " Laking gulat ko ng bigla siyang nagsalita at tinanggal ang kanyang suot na sunglass at tumambad sa akin ang kulay brown nitong mga mata na ngayon ko lang napansin. Para akong na hipnotismo sa kanyang mga titig sa akin, paraan upang hindi ko siya nasagot agad. "Ms. Manalo! " Napakurap ako sa malakas niyang boses, dahilan upang magbalik ako sa aking katinuan. "Yabang! " himutok ko sa aking sarili na ako lang naman ang nakarinig. Ngunit akala ko lang iyon dahil sumagot siya. "May ipinayayabang naman. " Malinaw pa sa sikat ng araw ang aking narinig, pati ang driver sa unahan ay hindi rin napigilan ang mapangiti dahil napatingin ako doon sa may mirror. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa boss ko oh mayayabangan sa kanya, dahil ngayon lang naman kami magkasama. Isa pa parang may sariling isip ang aking dila. Dahil hindi man lang ako makapag react sa kanya.. "Mang Delfin, tayo na baka malate pa tayo. " maya't maya pagbasag ng katahimikan ni sir dragon. At umalis na kami. Nakita ko pa si mama na nakatingin sa amin. Gusto ko man buksan ang bintana ng sasakyan, ngunit nakaramdam ako ng hiya kaya kahit alam kong hindi ako nakikita ni mama mula sa loob dahil tinted ang sasakyan ay ngumiti na lang ako. Habang binabaybay namin ang daan papunta sa airport, ay nagsalita si sir dragon. "And you ms. Manalo, hindi ka naman siguro pepi para hindi kana makapagsalita, hindi ba? Ang sabi ko ayaw ko ng naghihintay! And what you did? " Eretableng nitong bulalas sa akin! Napapikit pa ako dahil agad-agad siyang nagalit! Kaya naman humarap ako sa kanya. At ganun na lang ang aking gulat dahil nakatingin pala sa akin? Kung bakit kasi hindi ko napansin dahil sa kalsada nakatuon ang aking atensyon. Pero magpapatalo ba ako dito! Hindi porket siya ang amo ko, ay siya na masunod! Una sa lahat, sabi niya 6 pm sharp. Dumating siya pasado alas singko. Kaya sasagutin ko na sana siya ng magsalita ulit! "Hindi mo ba tinitignan ang cellphone mo! Ang alam ko pinauwi ka ni Claire ng maaga para makapag ready! " Andoon pa rin ang eretableng boses nito. Kaya pasimple kong tinignan ang aking phone at ganun na lang ang gulat ko dahil marami ang miss calls. Pero hindi pamilyar ang number na nakalagay, ngunit may message akong binuksan. "Ms. Manalo, I'll change my mind, we need to go at 5:20 pm. So, make ready. I am on my way to pick you up. " Basa ko sa massage. "Ibig sabihin number niya to? " Kausap ko sa aking sarili. Ngunit may sagot naman agad. "Just save my number in your phone book then you can answer immediately when I call you. " Utos niya ulit sa akin. Oo utos, dahil yun ang dating sa akin. "Sige po sir, sorry. " Hinging paumanhin ko. Para matapos na lang ang bangayan dahil mukhang hindi siya titigil. Ngunit nagkamali ako dahil nagsalita siya ulit! "Drop that PO! I am not old enough to call me that word. " Gumalaw pa ang panga nito pagkasabi iyon sa akin. Parang gusto ko tuloy matuwa sa harapan niya ngunit nagpipigil lang ako. Nilakasan pa talaga ang pagbigkas ng po. Bakit parang big deal sa kanya ang pagtawag ko ng po? Pambihira talaga ang boss kong ito! Napailing na lang ako! Kaya sumagot na ako. "Alam mo sir, hindi naman ibig sabihin ginamitan na kita ng PO ay matanda kana, iyan po ay ginagamit upang igalang ang isang tao. " Paliwanag ko sa kanya. Nilakasan ko pa ang salitang po para maunawaan niya. Pero nakatuon na ang kanyang atensyon sa labas, kaya malaya akong nakatitig sa kanyang mukha. Kahit naka side lang siya. "It's mean, you respect me? Dapat lang naman dahil ako ng boss mo! " Sagot sa akin na sa labas pa rin ang pansin. Medyo napa ismid naman ako sa kanya. Dahil sobrang tiwala sa sarili! Siguro yung dati nitong secretary ay laging ganito! Kaya ngayon ko lang naunawaan kung bakit yon umalis. "Ang lakas talaga ng tiwala sa sarili grabe! " Bulong ko sa hangin. Ngunit ang hinayupak narinig pa yata! Mukhang totoo nga na Mr. Perfect na siya! Dahil pati bulong ko narinig pa! "Wala ako sa kinalalagyan ko ngayon, kung wala ako tiwala sa sarili ko ms. Manalo. And one thing, wag na wag kang bubulong-bulong kung kasama mo ako! It's that clear? " Napalunok ako sa kanyang sinabi lalo pa at hindi ko napaghandaan ang sobrang lapit niya sa akin, ng hindi man lang ako makapag-react agad! Omg! "O-Ok sir... " Gusto kong batukan ang aking sarili dahil bigla nalang akong nautal sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang paglunok nito at bigla-bigla nalang siyang napalayo sa akin. Na para bang ngayon lang siya nagising na malapit kami sa isa't isa? "Mang, Delfin pakibilis ang pagmamaneho malate na kami. " Utos niya sa driver. Napahawak pa ako sa seat belt ko ng biglang binilisan ng driver ang sasakyan. Pero hindi pa rin maalis sa aking isip sa sobrang lapit sa akin kanina ng aking boss, pati amoy nito hindi maalis-alis! Napailing na lang ako at napapikit dahil sa kung ano-ano na ang pumapasok sa aking utak! "Ella, focus ka sa work! Wag kang ano-ano ang nasa utak mo! Nandiri nga sayo diba? " Kastigo ko sa aking sarili. Dahil bigla na lang siya lumayo kanina. Baka nandiri sa akin. Lalo pa at para akong nanny sa suot ko, samantalang siya mukhang kagalang-galang kahit naka maong at t's**t siya at leather jacket. Napasulyap ako sa paanan niya, nakasuot siya ng leather shoe. Bakit ang hot niya sa paningin ko? Napailing na lang ako. Sa mahigit dalawang oras na byahe ay sa wakas nakarating na din kami. Medyo nahilo pa ako kaya hindi ako nakagalaw agad. Ngunit nabigla ako ng mainit na braso ang dumantay sa aking balat na kina igtad ng buo kong katawan! Dahil para akong nakuryente sa pagdantay ng braso niya sa akin. At nakita ko rin sa kanya na ganun din siya dahil para siyang napaso! Pero baka guni-guni ko lang iyon. Ng bilang nakarinig ako ng click iyon ay tunog ng seat belt. "We're here, tama na ang kaka-dreaming mo! " Isang medyo malakas na boses ang nagpagising sa aking diwa! "Ano daw? Yabang!! " Sigaw ko sa kawalan, dahil sa kayabangan ng aking boss! Ito ang una kong trabaho bilang secretary niya, pero pakiramdam ko. Tumanda na ako ng limang taon agad!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD