Chapter 13

1519 Words
Janella's POV Nandito ako ngayon sa loob ng office ng aking boss, at nadatnan ko si Claire na presenting naka-upo sa couch, at nag-iisa. Habang may hawak sa kanyang kamay na magazine. Medyo nagulat pa si Claire sa aking pagdating at bigla siyang napatayo. "Chef Ella, what are you doing here this earlier? " Kunot noo nitong tanong sa akin. Na para bang nadismaya sa aking pagdating. Dahil ang nakapaskil na ngiti sa kanyang labi ay napalitan ng masamang tingin sa akin? Ngunit panandalian lang naman, hindi ko alam kung namalikmata lang ako sa aking napansin kay Claire, dahil ngayon ang pagkadismaya kanina ay matamis na ang ngiti sa akin. "Hi, Good morning! " Matamis kong ngiti sa kanya at pagbati. Lumapit pa sana ako sa kanya at yakapin dahil iyon ang ginagawa namin sa t'wing magkikita kami sa umaga. Ngunit bumukas na ang pinto kung saan nasa loob kami ni Claire, at bagong mukha ng dalaga ang unang pumasok sa loob. Maya't maya lang ay kasunod ang aming boss na seryoso pa rin ang mukha. Katulad na lang noong isang araw, o mas sabihin kong kahapon. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba, ang pumapasok sa aking isip ay baka ito na ang araw na tanggalin na ako sa aking trabaho? Kaya ba nandito si Claire para ipagtanggol ako? Mga pumapasok sa aking isipan. Bigla naman napa tikhim si Claire at binati ang aklming boss. "Good morning Master! " Masaya nitong pagbati sa seryosong mukha ng aming boss. Hindi man lang sumagot ang aming boss kay Claire, ngunit tinignan lang ito. Pero seryoso pa rin ang mukha, babatiin ko rin sana, ngunit parang umurong na rin ang aking dila lalo na at sa akin siya nakatingin, na para bang binabasa ang aking isip dahil gumalaw pa ang panga nito! Pero hindi ko itatanggi na magandang lalaki talaga ang aking boss, kung tutuusin nasa kanya na ang lahat. Mr. Perfect kung ituring. "Ano? Bakit ba iyon ang nasa utak ko? Kalma Ella, kalma! " kausap ko sa aking sarili. Maya't maya at may tumikhim na sa aking likuran kung kaya't nagulat pa ako! "Ms. Manalo, do you have any Idea why you here? " Bigla nitong tanong sa akin, naramdaman ko pa ang mainit nitong hininga na dumantay sa aking leeg, o baka naman nag dre-dreaming lang ako? Kasi naman kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko! Ang aga pa eh! "S–Sir, hindi po. Good morning po! " Medyo nauutal kong tugon sa kanya. Sa aking peripheral vision ay parang tumaas ang labi nito, ngunit ng tumingin ako ulit sa kanya, ay seryoso naman ang mukha. Napailing na lang ako dahil sa dami nang pumasok sa aking utak! Nang biglang tumikhim si Claire. "Ahm! Master John, bakit mo ako, I mean kami pinatawag? " Tanong ni Claire sa aming boss, sabay tingin sa akin. Umupo muna si Master dahil iyon nga ang tawag ni Claire. Tumingin muna sa gawi ko si sir, o baka naman sa gawi ng kasama niya kanina dahil magkatabi lang kami. Kung bakit kasi, kung ano-ano ang tumatakbo sa aking isip. "Ms. Peralta, ano ulit ang sinasabi mo kahapon? " Tanong nito sa kanyang tinawag na Ms.Peralta. Sabay senyas na pwede na kaming umupo. Ngunit napaka seryoso pa rin ang mukha nito! Ang pagkakaalam ko nasa 20's palang 'to, pero kung umasta daig pa ang 30's. Napa-bungisngis pa ako. Ngunit sumulyap sa akin, at nakakunot ang kayang noo, dahil hanggang ngayon nakatayo parin ako. Kaya pakeme akong umupo. "Hays, salamat naman! " bulong ko sa aking sarili. At tumabi na ako kay Claire. Ganun din ang tinawag nitong Ms.Peralta na para bang balisa. Napa sulyap ako kay Claire at kunot noo ito. Parang wala rin siyang alam kung ano man ang nangyayari. "Sir, ang sinabi ko kahapon ay aalis na po ako sa trabaho. Sorry po. " Nabigla ako sa tugon ng dalaga sa boss nimin. Ngayon ko lang nakita ang babae na para bang may takot pa. Dahil nanginginig ang kamay nito na nakapatong sa kanyang harapan. Gusto ko siyang i-comfort at sabihin na ok lang ang lahat. Pero parang may sarili ang aking mga kamay at hinawakan ko siya, kaya't iyon ang kinabigla ng dalaga. Dahil magkaharap lang naman kami ng kinauupuan. "S-Sorry... " Parang may takot pa nitong boses. "Sure! Nakahanap kanaba ng kapalit mo? " Bigla akong nagulat sa boses ng aming boss. Kaya humarap ako sa kanya. Pero putik, bakit nakatingin sa akin? Bigla tuloy ako napalunok ng sunod-sunod. Hindi ko naman narinig na sumagot ang dalaga dahil nakayuko ito, at para bang gustong maiyak. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, dahil kung hindi ako nagkakamali baka pinagalitan siya ni boss, kasi ganun naman siya! Kahit maraming tao! Kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili at sinamaan ko ng tingin ang lalaking, hanggang ngayon nakatitig sa akin. Nilabanan ko ang mga nakakapaso nitong titig! Napalunok pa siya ng tinignan ko siya ng masama, dahil nakita ko ang paggalaw ng adams apple nito! Lihim akong nagbunyi! Pakiramdam ko natalo ko siya sa titigan namin. Nang biglang sumabat si Claire, muntik ko ng makalimutan na apat pala kami sa office ni dragon. Oo, mula ngayon dragon na ang tawag ko sa kanya! "Master, kung aalis si Ms. Peralta eh, di wala kang secretary? " Tanong ni Claire kay dragon. "Ganun na nga. " Parang walang ganang sagot ni dragon kay Claire. See sabi ko sa inyo eh masama na ang tingin sa akin! Pero teka nga, bakit parang ngumisi ang mokong? "Gising Ella, gising! " kastigo ko sa aking sarili. "But, no worry, dahil may nahanap na akong secretary ko, at isasama ko siya ngayon sa out of town." Bigla nitong bulalas. Nakita ko naman ang dalaga na parang nakahinga na siya ng maluwag. "Ms. Peralta you may leave. " Maya't maya saad ni dragon sa secretary nito. At ang dalaga naka yukong umalis sa room. At simpleng ngumiti sa akin. Gusto ko siyang sabihan na kailangan taas noo pa rin siyang umalis sa loob dahil siya naman ang may gusto na umalis. Pero sino ba naman ako para manghimasok sa kanyang buhay? Isa pa ngayon ko lang siya na meet. Nang nakaalis na ang dating secretary ni dragon ay naghihintay ako sa susunod nitong sabihin. Kami ni Claire. "Master, bakit ganun na lang kung payagan mo ang secretary mo na umalis, at ang sabi mo may nakita ka ng kapalit? " Taas kilay na tanong ni Claire kay dragon. Minsan talaga nahihiwagaan ako dito kay Claire, kasi nung una namin magkakilala hindi naman siya ganyan. O baka naman dahil close lang talaga sila ni dragon. Habang nagmamasid ako sa dalawa at nakikinig. Tahimik lang ako. "Yeah, your right! That's why you here! " Sagot ni dragon kay Claire. Napangiti naman si Claire sa tugon ng aking boss. "So, what do you mean by that? " Tanong ni Claire kay boss. Na para bang excited ito sa sasabihin ng dragon sa kanya. Habang ako tahimik lang. Iniisip ko tuloy kung bakit nga ba ako nandito! "Hindi kaya, sesanti na ako? " Napalaki pa ang aking mata sa aking naisip! " I want you to stay here Claire, alam mo naman na ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko lalo na kung nasa ibang bansa ako. " Maya't maya sagot ni dragon. Ang matamis na ngiti kanina ni Claire ay biglang naglaho na para bang natalo sa lotto. Ngunit ng sumulyap siya sa akin ay ngumiti ulit ng matamis. Ngunit nandoon pa rin ang pagkadismaya sa kanyang mukha. "Bakit naman siya nadismaya? Hindi ba dapat matuwa siya kasi, pinagkakatiwalaan siya ni dragon? "Kausap ko sa aking sarili ng biglang nagsalita ulit si dragon. "Ms. Manalo, you need to come with me tonight, going to Korea, I don't take no for an answer! And you are now my new secretary! Either you like it or not! " Napanganga ako sa aking boss, hindi pumasok sa aking utak ang kanyang sinabi. Nang napalingon ako kay Claire ngunit ganun na lang ang aking gulat dahil masama ang tingin sa akin. Kaya tinignan ko siya ulit ngunit matamis na ang ngiti. "Namamalikmata lang siguro ako! " Kausap ko sa aking sarili. Alangan naman na masama ang loob ni Claire sa akin, eh ito ang una kong naging kaibigan at ipinagtanggol pa ako kay dragon! Nang biglang tumayo si dragon at paalis na yata. Ngunit bigla siyang tumigil bago buksan ang pintuan. "Ms. Manalo, you may leave, and don't forget to prepare your personal belongings. I'll pick you up at 6pm sharp! " pagkasabi niya iyon ay umalis na siya ng tuluyan, naiwan kami ni Claire na naka nganga sa biglaan announcement ng aking boss na dragon! "Ganun ba talaga siya? " Maya't maya pagbasag ko sa katahimikan namin ni Claire. "Yeah. " Tipid niyang sagot sa akin. Maya't maya lang nagpaalam na siya at pinaala pa sa akin ang alis namin ni sir dragon. Nagtaka din ako kay Claire dahil bigla na lang siyang parang naging malamig sa akin. "Paepal! " Hindi malinaw sa akin ang kanyang sinabi, o bulong dahil nauna siyang lumabas ng pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD