Chapter 12

1346 Words
ELLA's POV " Janella anak, " Nagising ako sa boses at haplos ng kamay ang aking ina sa aking mukha. Pagmulat ko sa aking mga mata. "Mama... " Mahina kong tugon, "Anak, kamusta na ang pakiramdam mo? " Nakita ko sa aking ina sa kanyang mukha ang pag-alala na para bang may bumabagabag dito. Pero teka nga, nasaan nga ba ako? Iginala ko ang aking paningin sa paligid at nakakunot noo pa ako, dahil puro puti ang nasa paligid at amoy hospital. Pinilit kong bumangon kahit medyo masakit ang aking mga paa. At ngayon ko lang din napagtanto ang nangyari sa akin kagabi. "Kagabi? " Medyo malakas kong bulalas at muntik ko ng makalimutan ang nangyari. "Anak, kagabi ka pang walang malay, nag-aalala ako sayo ng husto, kamusta ka na anak? Anong nangyari? " Sunod-sunod na tanong sa akin ng aking ina. Nakalimutan ko pa tuloy na sagutin siya kanina. Siya naman ang pagbubukas ng pintuan at pumasok mula doon ang aking matalik na kaibigan at may kasunod ng pigura na inikinagulat ko! "Anong ginagawa niya dito? " bulong ko sa aking sarili. "Ahm! " tikhim ng lalaki. "Sir, pasok muna kayo, mukhang gising na ang pasyente. " Narinig kong bulalas ng aking kaibigan. "Tita Santa, ako na po bahala sa kaibigan ko. Umuwi po muna kayo. Magpahinga na din kayo tita, kayo ang magkasakit niyan. " May halong sermon na tugon ng aking kaibigan sa aking ina ngunit ramdam ko ang concern nito sa aking ina. At malaking pasasalamat ko sa aking kaibigan. "Ma, Shilla pwede na rin akong umuwi, wala naman masakit sa akin. Saka anong ginagawa ko dito? " Tugon ko sa kanila, at pakiramdam ko nakatitig sa akin ang boss kong dragon. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya sa akin, dahil pakiramdam ko parang napapaso ako sa mga titig nito. Tyaka bakit nga ba siya nandito? Mga katanungan sa aking isip na ako lang naman ang makakasagot. " I think your ok now. So I can leave? " Bigla nitong bulalas, sumagot pa sana ang aking kaibigan ng magsalita ulit ang aking boss. "Don't worry about the bill Ms Manalo, it's all settled. If you need anything just call my secretary, or much better you call me." Nakakapaso ang mga titig niyang tugon sa akin. Hindi man lang ako makasagot sa kanya, dahil parang umurong ang aking dila. At ngayon kay mama na siya nakatingin. "Mrs. Manalo, I have to go. As I've said, if you need anything just call me. This is my card. " Pag kasabi iyon at pagbibigay ng isang maliit na card kay mama ay umalis na nga si boss. Pati ang aking kaibigan na madaldal ay hindi man lang makapag salita, at nakaawang pa ang bibig na pwede ng pumasok doon ang langaw. "Wahhhhh!! Grabe naman yon besh! Nakita kalang na ok, umalis na? " Maya't maya bulalas ni Shilla sa akin. Inalis ko na ang destrox na ikinabit sa aking braso, at tumayo na ako. Medyo pilay pa akong maglakad, siguro tanda ng aking pagod kagabi, at alam ko rin na hindi naman ako nabangga. Pero ngayon lang nag sink-in sa aking utak ang lalaking kanina lang nandito? "Sandali, anong ginagawa ng boss ko dito? " Tanong ko sa dalawa kong kasama. "Siya ba ang boss mo anak? " Naaninag ko sa mukha ng aking ina ang pag aalala doon. Ngunit katulad ng dati ibinaling ni mama ang paningin sa kabila. Pakiramdam ko tuloy nag alala siya sa gastusin namin dito sa hospital. Pero diba nga sabi ng boss ko siya na ang bahala. Pero bakit nga ba siya ang bahala? Mga katanungan sa aking isip na may sagot naman agad. "Naku besh, nakalimutan mo? Nabangga ka ni sir pogi, naku besh hah, ano ba kasi ang nangyari sayo at paano ka nabangga? " Sunod-sunod na tanong sa akin ni Shilla. Inisip ko muna ang nangyari kagabi at pumasok na nga lahat sa akin isip kung ano nga ba ang nangyari, pero alam ko sa aking sarili na hindi ako nabangga, siguro nga pagod ko lang sa kakatakbo upang maiwasan ang mga kalalakihan sa gabing iyon. Pero hindi ko naman akalain na ang boss ko pala ang nakakita pa sa akin. Hindi ko pa nasagot ang aking kaibigan ay may pumasok na ulit na doctor sa loob. Kung hindi ako nagkakamali siya din ang doctor ng aking mama. "Hija, kumusta na ang pakiramdam mo wala bang masakit sayo? " Tanong sa akin ng doctor. "Ok na ako doc, salamat po. Pwede na po ba akong umuwi? " Walang paligoy-ligoy kong tanong sa doctor. Samantala si mama kanina ko pa siya pansin na hindi siya mapakali. Kaya mas lalo ko tuloy naisip na umuwi na lang at baka iniisip ni mama ang gastusin. "Kung ok na ang pakiramdam mo hija, sure pwede kana umuwi. Wag ka mag-alala walang damage sa bones mo. And about bill don't mind that. " Tugon sa akin ng doctor na para bang nabasa pa ang aking isip. " Salamat po doc. " Magalang ko lang sagot sa doctor. "Ma, ok na po wag na kana mag-alala wala na tayong bayaran. " Bulong ko sa aking ina. At sa wakas naman ay ngumiti na, ngunit hindi pa rin umabot sa kanyang mga mata. Umalis na rin kami sa hospital kasama ang aking kaibigan. Mabuti na lang din at nandito siya. Ang sabi sa akin d'off niya daw. Sumakay na kami ng tricycle. At umuwi na kami sa aming lugar. Habang si mama kanina pa siya tahimik. Nag alala tuloy ko sa kanyang sakit. At ngayon ko lang din napagtanto na may pasok pala ako. Pero teka! May trabaho pa ba ako? Mga katanungan sa aking isip, ng biglang tumunog ang aking cellphone. "Besh! Phone mo, may tumatawag yata! " Si Shilla ang unang naka pansin, dahil aminin ko malayo na ang narating ng aking isip. Hindi ko muna sinagot ang tawag at kinausap ko muna si mama, dahil ako ang nag-aalala sa kanya. Lalo pa at hindi pa rin magaling ang kanyang sakit. "Mama, ok lang po ako. Wag mo akong alalahanin. Diba sinabi naman ng doctor na ok na ako ma? " Nakangiti kong bulalas sa aking ina. "Anak, siya ba ang boss mo? " Nagulat naman ako sa sagot ng aking ina. Kung sabagay nga naman hindi ko pala na kwento sa kanya ang tungkol sa aking amo dahil kagabi ko lang naman nakilala. "Opo ma, " Matipid kong sagot sa aking ina. "Mabait ba siya anak? Yong tatay niya mabait ba sila sayo? " Hindi ko alam kung saan at anong ibig sabihin ng aking ina sa kanyang mga tanong sa akin, ngunit tapat kong sinagot. "Si sir, Franco ma, mabait naman siya, lalo na ang asawa niya ma. Pero ang boss ko ma parang dragon. Alam mo mama pinagalitan ako kagabi. " Para akong isang bata na nagsusumbong sa aking ina. Kahit kagabi ko lang nakilala ang magulang ni boss, masasabi kong mabait sila. Lalo na si ma'am Sharon. Akala ko mag alala si mama, ngunit ngumiti na parang may kahulugan, ngunit bigla naman nawala ang ngiti sa kanyang mga mata at napalitan ulit ang lungkot. Kaya bigla tuloy akong nakaramdam ng pangamba. Baka may sakit ang aking ina na ayaw sabihin sa akin dahil sa gastusin. Minsan kasi ganyan ang aking ina, sinasarili ang sakit. "Ma, kanina pa kita napapansin, ok kalang ba? May gamot kapaba? Wag ka mag-alala ma bibili ulit tayu pagka bigay ng aking sahod. " Diretso kong tugon sa aking ina. Ngumiti siya sa akin at umiling. Kaya hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Nang biglang tumigil ang tricycle tanda ng nakarating na pala kami. Pero ang aking phone, ayaw pa rin tumigil sa kaka-ring. Kaya si mama at Shilla ay nauna ng pumasok sa loob ng aming maliit na tirahan. Sinagot ko na ang aking cell phone at bigla na lang ako napa-nganga sa sinabi niya! Ni hindi pa nga ako nagsalita. " Tomorrow morning Ms. Manalo came to my office! And I guest, you're fine now. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD