“Oh, bakit lugmok ka diyan? May problema ba?” bungad ni Jessica nang pagbukas niya ng pinto.
“Andiyan ka na pala. Ano’ng ulam natin ngayon?”
“Magluluto na lang ako ng adobong manok.” Inilapag niya ang mga pinamili sa kusina bago bumalik sa akin sa sofa. Umupo siya sa tabi ko at agad akong tinitigan. “Ano’ng problema?”
“Hindi ko alam kung matatanggal ako sa trabaho.” Ginulo ko ang buhok ko, pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko sa kakaisip. “Nakakabuang.”
“Teka nga. Ano ba kasi ang nangyari? Saglit lang tayong nagkahiwalay. Don’t tell me may nangyari na naman?” tanong niya, na halatang nag-aalala.
“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.”
“Bakit? Ano ba iyon?”
“’Yung lalaking nakasex ko kagabi, tangina, boss ko pala.” Napapikit ako saglit bago ako magpatuloy. “Tapos gusto pa akong makita ng parents niya kasi ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya. Nakakainis talaga!”
Hindi agad nakapagsalita si Jessica. Ilang segundo niya akong tinitigan na parang sinusubukan niyang intindihin ang sinabi ko. Pagkatapos, bigla siyang napamura at natawa. “What the f**k?!”
Baliw ba ’to?
“Baliw ka ba? Nai-stress na nga ang tao, natutuwa ka pa diyan.”
“Bro, you just f****d your boss. Tapos ipinakilala ka pa niya bilang girlfriend. And now, gusto ka makita ng parents at lola niya.” Umiling siya habang natatawa pa rin. “Ikaw na mismo ang nagsabi, di ba? He’s an all-in-one man. Ano pa’ng iniinarte mo?”
“E kasi…” Napabuntong-hininga ako. “Sabagay, may point ka naman. Pero hindi ko kasi alam ang gagawin ko. I mean, oo, given na all-in-one type siya. Pero wala naman akong feelings para sa lalaking iyon. Ano’ng gagawin ko? Paniguradong kapag nakita na ako ng parents niya pati ng lola niya, engagement na ang susunod. Tapos kasal. Gets mo naman, di ba?”
Biglang lumumbay ang mukha niya. “Alam mo, ang advance mong mag-isip, pero may point ka naman.”
“Exactly. Kaya nga ako nabu—”
Naputol ang sasabihin ko nang biglang may kumatok sa pinto. Napatingin kaming dalawa sa isa’t isa.
“May inaasahan ka bang bisita ngayon?” tanong ko.
“Wala naman.”
“Check mo nga.”
Tumayo si Jessica at lumapit sa pinto. “Sino po sila?”
“Narito ba si Christine Jade Gomez?” tanong ng isang matandang babae mula sa labas.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko pa man nakikita kung sino ang nasa labas, may kutob na ako kung sino iyon.
“N-narito po siya. Pasok po kayo,” sagot ni Jessica habang binubuksan ang pinto. “Pasensiya na po, medyo magulo.”
“Ayos lang, iha,” sagot ng isang babaeng medyo may edad na.
“Christine,” tawag ng matandang babae.
Hindi ako gumalaw.
“Christine,” ulit niya. “Ikaw ba si Christine? Ang girlfriend ng apo ko?”
Napilitan akong tumayo. Wala na rin naman akong ibang pagpipilian. Lumapit ako sa kanila at pinilit kong ngumiti bago magpakilala. “Christine Jade Gomez po.”
Sandaling natahimik ang dalawang babae. Pagkatapos, ngumiti ang matanda at ang mommy ni Mr. Montevierra.
“Ang ganda mo pala,” sabi ng lola niya.
Mas lalo akong nahiya. “Ay, hindi naman po. Pero thank you po.”
“Bakit ayaw mong pumunta sa ball mamaya?” tanong naman ng mommy niya.
Hindi ko naman puwedeng sabihin ang totoong dahilan. Hindi ko puwedeng sabihin na nagsimula ang lahat dahil sa isang pagkakamali at isang gabing hindi ko inasahang mauuwi sa ganitong pangyayari.
Bwisit kasi ’yung panty na ’yon. Bakit ko pa kasi iniwan?
“Kung ang isusuot ang iniisip mo, hindi mo na iyon dapat problemahin,” sabi niya. “Nang malaman naming may girlfriend ang anak ko, inayos na namin agad ang appointment ng mga mag-aayos sa’yo. Hindi naman namin puwedeng pabayaan ang future Mrs. Montevierra, lalo na kung may dapat panagutan ang iho ko.”
Hinawakan niya ang balikat ko at ngumiti.
Hindi ko alam kung paano ako tatanggi. Ang babait nila, at wala naman akong sapat na dahilan para bastusin sila o biguin sa unang pagkikita namin. Ang problema lang, parang masyadong mabilis ang lahat.
“So, pupunta ka ba?” tanong niya. “Ayaw ka naman naming pilitin.”
“Pupunta po siya, hindi ba, Christine?” singit agad ni Jessica habang sinisiko ako.
“O-opo.”
“That’s good!” Masayang ngumiti ang mommy niya. “So, let’s go then.”
“P-po? Akala ko bukas pa.”
“Mas pinaaga namin. Hindi na kasi kami makapaghintay na makilala ka. Ayaw ka sa amin iharap ni Xian, kaya kami na mismo ang pumunta. Pakiramdam namin, pinagdadamutan niya kami ng karapatan na makita ang manugang ko.”
“Manugang?” Napalunok ako.
“Sige na, Christine. For sure mag-e-enjoy ka,” dagdag ni Jessica, na halatang natutuwa sa nangyayari.
“Just her? Oh, no.” Napatingin ang mommy ni Xian kay Jessica. “You will go with her para naman mas maging komportable siya.”
“P-po?”
“The more, the merrier, tama?”
“Tama,” mabilis na sagot ng lola niya. “Kaya tara na.”
Hindi ko na alam kung anong nangyayari.
Kasalanan talaga itong lahat ng chocolate na ’yon.
Sakay ng isang itim na Rolls-Royce, nagdiretso kami sa isang villa. Sa likurang bahagi kami dumaan dahil ayon sa kanila, hindi raw muna ako puwedeng makita ng mga bisita.
Magkahiwalay kami ng dressing area ni Jessica, kaya naiwan akong mag-isa kasama ang mga naghahanda sa akin.
Nang matapos na ang lahat, saka lang ako pinaharap sa salamin. Halos hindi ako makapaniwala nang makita ko ang sarili ko.
Nakasuot ako ng rose gold na dress na punong-puno ng maliliit na palamuti. Medyo mababa ang neckline nito at hapit sa katawan, habang bagsak naman ang laylayan at may slit sa kanang hita. May ilang tali rin sa likuran na may nakakabit na mga diyamante. Ang buhok ko ay nakakulot at nakataas, pero may ilang hiblang hinayaang nakalaylay sa gilid ng mukha ko.
Ginamit ko rin ang silver handbag na ibinigay sa akin ng mommy ni Xian. Bagay iyon sa damit ko, pati na rin ang stiletto na may mga diyamanteng nakalagay.
“Ang ganda ng manugang ko.”
Napalingon ako nang biglang pumasok si Mrs. Montevierra sa dressing area.
“Kayo po pala.” Napatingin ako sa sarili ko bago ko siya muling tinitigan. “Hindi po kaya sobra naman ito?”
“Iha, ang lola ni Xian mismo ang namili niyan.” Ngumiti siya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “Gawa pa iyan ng sikat na designer mula sa France at talagang nakareserba para sa’yo. Kailangan mo nang masanay sa mga ganyang bagay, lalo na kapag nagsama na kayo ng anak ko.”
Napangiti ako nang alanganin. “Mrs. Montevierra…”
Hinaplos niya ang pisngi ko, na naging dahilan para lalo akong makaramdam ng guilt.
Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila ang lahat?
Kung sasabihin kong pagkakamali lang ang nangyari sa pagitan namin ni Xian, hindi lang ako mapapahiya. Posibleng maging malaking eskandalo pa ito para sa pamilya nila. At sa paraan ng pakikitungo nila sa akin ngayon, pakiramdam ko ako mismo ang magiging dahilan ng pagkasira ng saya nilang lahat.
“Sana hindi ka ma-overwhelm,” patuloy niya. “Inihanda talaga namin ang lahat ng ito para sa inyong dalawa.”
“P-po?” Napakurap ako. “Hindi kaya ang bilis naman? Kanina lang po tayo nagkakilala at…”
“Iyan ang kayang gawin ng Montevierra family, Jade.” Nakangiti siyang tumingin sa akin. “Kapag ginusto namin, ginagawa namin.”
Napayuko ako. “Hindi ko po yata deserve ang lahat ng ito, Mrs. Montevierra.”
“Alam mo, gusto kita.” Umayos siya sa pagkakahawak sa akin. “Hindi ka tulad ng ibang babaeng makikita mong puro sarili lang ang iniisip at mataas ang tingin sa sarili dahil lang sa suot nilang mga diyamante. Simple ka lang, at hindi mo hinahabol ang mga bagay na hindi naman sa iyo.”
Hindi ako nakasagot.
“At dahil diyan…” Hinubad niya ang suot niyang kuwintas at maingat na isinuot iyon sa akin. “You deserve more.”
Napatingin ako sa kuwintas. Halos kapareho iyon ng disenyo ng mga palamuting nasa damit ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa totoo lang, lalo lamang bumigat ang konsensiya ko.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na pagkakamali lang ang lahat.
Masyado silang mabait. Kita ko kung gaano sila kasaya nang makilala nila ako, at sa bawat ginagawa nila para sa akin, mas lalo akong nahihirapang sabihin ang katotohanan. Sino ba ako para basta na lang sirain ang saya nila?
“I don’t know what to say, po.”
“You don’t have to say anything, iha.” Ngumiti siya at pinunasan ang luhang hindi ko namalayang tumulo. “Sige na. Hinihintay na nila tayo.”
“Bakit po?”
“Gaya ng sabi ko, para sa inyong dalawa talaga ito.”
Napatigil ako. “Alam po ba ni Xian?”
“He knew. Kaya nga naghanda rin siya ng surprise para sa’yo.”
Hindi ko alam kung bakit, pero biglang lalo akong kinabahan.
“Surprise?”
Ngumiti lang siya bago niya ako niyaya palabas.
Isinawalang-bahala ko na lang ang kaba at sumunod sa kanya. Paglabas namin ng dressing area, dumiretso kami sa hagdan. Hindi pa kami nakakalayo nang biglang may lumapit sa amin. Si Xian iyon.
Kinuha niya ang kamay ko at isinukbit iyon sa braso niya bago ako tuluyang magsalita.
“Hold me tight.” Kumindat siya. “You don’t want to slip, do you?”
“O-okay.”
Napilitan akong kumapit sa braso niya habang sabay kaming naglalakad pababa. Sa bawat hakbang namin, mas lalo kong naririnig ang palakpakan ng mga tao. Halos lahat ng naroon ay nakatingin sa amin, at hindi ko alam kung saan ako dapat tumingin.
“You look beautiful,” bulong niya.
Pakiramdam ko ay biglang uminit ang mukha ko. “T-thanks.”
Hindi na siya sumagot. Ngumiti lamang siya habang patuloy kaming bumababa.
Nang tuluyan na kaming makababa, biglang namatay ang lahat ng ilaw. Nanatili lamang ang ilaw na nakatutok sa kinaroroonan naming dalawa.
Doon ko mas naramdaman ang kaba, dahil parang may mali.
“Everyone, I want you to witness this moment.” Umalingawngaw ang boses ni Xian sa buong lugar. “Alam kong biglaan ang lahat ng revelation na ito, but now…” Huminto siya at tumingin sa akin. “The girl standing beside me is my girlfriend.”
Mas lalo akong kinabahan.
Sana mali ako.
Pero bago pa man ako makapagsalita, bumitaw siya sa braso ko at lumuhod sa harapan ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas niya ang isang maliit na kahon. Nang buksan niya iyon, nakita ko ang singsing na halos kapareho ng disenyo ng kuwintas na ibinigay sa akin kanina ng mommy niya.
Napatingin ako sa kanya, saka sa singsing, bago muling bumalik ang tingin ko sa kanya.
“Will you…” Huminga siya nang malalim bago tuluyang magsalita. “Marry me, Christine Jade Gomez?”