“Oh, bakit lugmok ka diyan? May problema ba?” bungad ni Jessica pagbukas niya ng pinto.
“Andiyan ka na pala. Ano ulam natin ngayon?”
“Magluluto na lang ako ng Adobong manok.” Inilapag niya ang bitbit na ipinamili bago dumeretso sa akin sa sofa. “Ano’ng problema?”
“Hindi ko alam kung matatanggal ako s atrabaho.” Ginulo ko ang buhok ko na parang nababaliw na. “Nakakabuang.”
“Teka nga.. Ano ba kasi nangyari? Saglit lang tayo nagkahiwalay, don’t tell me may nangyari na naman?” nag-aalala niyang tanong.
“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.”
“Bakit? Ano ba iyon?”
“Yung lalaking naka s*x ko kanina, tangina boss ko pala. Tapos gusto pa ako makita ng mga parents niya kasi nga ipinakilala niya ako bilang girlfriend niya. Nakakainis talaga!”
Hindi agad nakapag salita si Jessica. Halata rin ang pagkabigla sa kanyang mukha. “What the f**k?!” Sabay nagtawa.
Baliw ba ‘to?
“Baliw ka ba? Nai-stress na nga ang tao, natutuwa ka pa diyan?”
“Bro, you just f****d your boss. Tapos ipinakilala ka pa niya na girlfriend. And now, gusto ka makita ng lola at parents niya. Ikaw na ang may sabi diba? He’s an all-in-one man. Ano pa hinahanap mo?”
"E kasi… Sabagay may point ka naman. Pero di ko kasi alam gagawin ko. I mean…oo, give na all-in-one type siya. Pero wala naman akong feelings para sa lalaki na iyon, e. Ano’ng gagawin ko? Panigurado na kapag nakita na ako ng mga parents niya pati ng lola niya, engagement na at kasal ang susunod. Gets mo naman di ba?”
Biglang lumumbay ang mukha niya. “Sabagay.”
Hindi na ako nakapagsalita pa nang biglang may kumatok sa pinto. Nagkatinginan kaming dalawa dahil sa pagtataka.
“May inaasahan ka bang bisita ngayon?”
“Wala naman.”
Tumayo si Jessica para tingan kung sino ito. “SIno po sila?”
“Narito ba si Christine Jade Gomez?” Boses iyon ng matandang babae.
Bigla ako nakaramdam ng kaba. Hindi ko pa man nakikita kung sino nag mga ito, may kutob na ako.
“N-narito po siya. Pasok po kayo,” paanyaya ni Jessica. “Pasensiya na po medyo magulo.”
“Ayos lang, iha.” Boses naman iyon ng babae na medyo may edad na.
“Christine,” tawag ni Jessica.
Hindi ako lumingon.
“Ikaw ba si Christine? Ang girlfriend ng apo ko?”
Hindi na ako nakatanggi. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at humarap sa kanila. Lumapit ako para magpakilala. “Christine Jade Gomez, po.”
Hindi sila nakapagsalita. Ngumiti ang lola at mommy ni Mr. Montevierra. “Ang ganda mo pala.”
Mas lalo ako nakaramdam ng pagkahiya. “Ay, hindi naman po. Pero thank you po.”
“Bakit ayaw mo pumunta sa ball mamaya?” tanong ng mommy niya.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil pagkakamali ang lahat ng ito. Dahil ako rin naman ang may kasalanan ng lahat.
“Kung ang isusuot ang iniisip mo, hindi mo na iyon dapat pa problemahin. Dahil nang malaman namin na may girlfriend ang anak ko, nai-settle na namin ang appointment ng mga mag aayos sayo. Hindi naman namin pwedeng pabayaan ang future Mrs. Montevierra.” Hinakawan nito ang balikat ko at ngumiti.
Paano ba naman ako tatanggi kung ganito kababait ang mga susundo sa akin? At sino ba naman ako para magreklamo pa.
“So, pupunta ka ba? Ayaw ka naman namin pilitin.”
“Pupunta po siya, hindi ba, Christine?”
“O-opo.”
“That’s good! So let’s go then?”
“P-po? Akala ko bukas pa.”
“Mas pinaaga namin. Hindi na kasi kami makapaghintay na makilala ka. Ayaw ka sa amin iharap ni Xian kaya kami na mismo ang pumunta. Pakiramdam namin pinagdadamutan niya kami ng karapatan na makita ang manugang ko,” anito na nagdadrama pa.
“Sige na, Christine. For sure mag e-enjoy ka,” ani Jessica.
“Just her? Oh no. You will go with her para naman mas maging komportable siya.”
“P-po?”
“The more the merrier, tama?”
“Tama. Kaya tara na.”
Sakay ng itim na Rolls Royce, nagderetso kami sa isang villa. Sa likuran kami dumaan dahil hindi raw muna ako pwedeng makita ng mga bisita.
Magkahiwalay kami ng dressing area ni Jessica. Masyado rin akong na-overwhelm dahil napaka raming tao ang nakapalibot sa akin. Iba ang nag-aayos ng buhok, iba rin ang nag-aayos ng damit, at iba rin sa mukha. May naglalagay rin ng fake nails sa akin.
Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit grabe ang kabog ng dibdib ko ngayon. Kundi ang pagharap ko sa maraming ato mamaya. Gagawin ko na lang ang makakaya ko para hindi ako maging masyadong pansinin.
Nang matapos na kami, tumingin ako sa salamin. Halos hindi ako makapniwala sa itsura ko. Nakasuot ako ng rose gold na dress. Punong-puno ito ng makikinang na palamuti. Kita ang dibdib ko dito at hapit sa katawan habang nag laylayan naman ay bagsak ngunit may slit sa kanang hita. May ilang nakalaylay na tali sa likod ko na may diyamante rin. ANg buhok ko naman ay nakakulot at nakataas ngunit may ilang hibla na nakalaylay. Simple lang ang ayos ng mukha ko.
Ginamit ko ang handbag na ibinigay sa akin ng mommy ni Xian. Isang silver handbag na bagay naman sa damit ko. At ang stiletto na puno rin ng diyamante. marahil puro makinang ang kasuotan at gamit ko ngayon, simple pa rin itong tingnan at elegante.
“Ang ganda ng manugang ko.” Nagulat ako nang biglang pumasok si Mrs. Montevierra.
“Kayo po pala. Hindi po kaya sobra naman ito?”
“Iha, ang lola ni Xian mismo nag namili niyan. Iyan ay gawa pa ng sikat na designer galing France at talagang naka reserba para sayo. Kailangan mo nang masanay sa mga ganyang bagay lalo na kapag nagsama na kayo ng anak ko.”
Hinaplos-haplos niya ang pisngi ko na para niyang tunay na anak.
“Sana hindi ka ma-overwhelm. Dahil inihanda talaga namin ito para sa inyong dalawa.”
“P-po? HIndi kaya ang bilis naman? Kanina lang po tayo nagkakilala at—”
“Iyan ang kayang gawin ng Montevierra family, Christine. Kapag ginusto, magagawa.”
“Hindi ko po yata deserve ito, Mrs. Montevierra.”
“Alam mo, gusto kita. Hind ka isang uri ng babae na sakim at mataas ang tingin sa sarili nakasuot lang diyamante. At dahil diyan…” Hinubad niya ang suot na kwintas at isinuot ito sa akin. “You deserve more.”
Hindi ko alam kung paano sasabihin na pagkakamali lang ito. Masyado silang mabait. At ang mababait na tulad nila ang mahirap galitin. Kita ko rin ang saya nila nang makilala nila ako. sino ba ako para biguin sila?
“I don’t know what to say, po.”
“You don’t have to say anything, iha.” Pinunasan niya ang luha ko. “Sige, na. Hinihintay na nila tayo.”
“Bakit po?”
“Gaya ng sabi ko, para sa inyo talagang dalawa ito.”
“Alam po ba ito ni Xian?”
“He knew. Kaya nga naghanda rin siya nag surpresa para sa iyo.” May ngiting sumilip sa kanyang mga labi at hindi ko alam ang ibig sabihin noon.
Isinawalang-bahala ko na lang iyon at lumabas na sa dressing area. Pababa na kami ng hagdan ni Mrs. Montevierra nang biglang pumalit si Xian at kinuha ang kamay ko para isukbit sa braso niya.
“Hold me tight.” Sabay kindat. “You don’t want to slip do you?”
“O-okay.”
Habang naglalakad kami pababa ng hagdan, nagpapalakpakan ang mga tao at lahat sila ay nakatingin sa amin.
“You look beutiful,” bulong niya.
Pakiramdam ko ay namula ako dahil dito. “T-thanks.”
Nang makababa na kami ng hagdan, namatay ang lahat ng ilaw at natira na lamang ang ilaw sa kinatatayuan naming dalawa. Agad akong kinabahan.
“Everyone, I want you to witness this moment. Alam ko na biglaan ang lahat ng revelation na ito. But now…” tumingin siya sa akin. “The girl standing beside me, is my girlfriend.”
Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Alam ko na ang susunod and please…sana mali ako.
Lumuhod siya sa harapan ko at inilabas ang singsing. Napansin ko na halos kapareho ito ng yari ng kwintas na ibinigay sa akin kanina ng mommy niya.
“Will you…marry me, Christine Jade Gomez?”