KABANATA 22

2133 Words
KABANATA 22 Yria's POV Kinabukasan ay naging abala na naman kami dahil dumating ang ina ni Hermes ngunit hindi na nito kasama si Karla. Katulad ng una naming pagkikita ay ganoon pa din ito sa akin. Palaging nakataas ang kilay sa tuwing nakikita ako. Hindi ko mawari pero pakiramdam ko ay ayaw niya sa akin. Ngayon nga at nag-aalangan akong pumasok ng study room nito dahil tila nagtataka ang mag-ina. "Hermes, hindi ka na bata. You're thirty five for god's sake! Bakit ba ayaw mo makinig sa akin? Ina mo ako, alam ko ang mas makabubuti sa iyo!" "Ma, please! Stop it! Hindi mo ako mapipilit. Yes, I'm thirty five at may sarili akong pag-iisip. Hindi ang gusto mo ang masusunod kun'di ang gusto ko!" Habang naririnig ko ang pag-uusap ng dalawa ay parang gusto kong umatras. Wala akong ideya sa pinag-uusapan nila kung bakit ganoon na lang kung makipagtalo si Hermes sa ina nito. "Noon pa man ay gan'yan ka na sa akin. You never listened to me. Bakit ayaw mo kay Karla? She's your childhood friend. Kilala mo na siya ng lubusan. Hindi ka na mahihirapang pakisamahan siya kapag naging mag-asawa na kayo. Please, anak, sundin mo naman ako ngayon." Bumaba ang boses ng ina nito sa huling sinabi. Nakikiusap ang tono ng boses nito. Mabigat akong nagpakawala ng buntong hininga. Mamaya ko na lang siguro ito dadalhin sa kanila. Hindi ako maaaring pumasok dahil may tensyon pa sa pagitan ng mag-ina. "I can't, ma," "But, why?" "Because...I'm in love with someone else, ma." Mahinang wika ni Hermes na ikinatigil ko sa paghakbang. "What?!" Bulalas ng ina nito. "You heared me, ma. I love her and no one can stop me loving her, even you, ma." May determinasyon sa bawat salitang binitawan nito. "And who's that woman who will ruined your life again, huh?! Hindi ko hahayaang sirain ng babaeng iyon ang buhay mo, Hermes. Not again, not this time!" Nang marinig ko ang yabag papalapit sa pinto ay mabilis akong bumaba ng ilang baitang sa hagdan. Muli akong pumihit paharap paakyat sa hagdan. Kung makita man ako ng ina ni Hermes ay iisipin nito na galing ako sa baba. Nakita ko itong nagmamadaling bumaba at bakas sa mukha nito ang galit. Marahil ay hindi nito matanggap na hindi si Karla ang gusto ng anak nito. "Ma'am Helda, dala ko na po ang pinaluto ninyo-ay!" Napatili ako ng tinulak niya ako dahilan para mawala ako sa balanse. Mabuti na lamang at mabilis kong naigalaw ang hintuturo ko para hindi ako mahulog sa hagdan. Lumutang naman sa ere ang dala kong tray at wala naman natapon na pagkain. Tiningnan ko lang ang pababang ginang. Mabuti na lamang at hindi na ito nag-abala na sulyapan ako. Kun'di ay makikita nito ang ginawa ko. "Yria?" Napasinghap ako ng marinig ko ang boses na iyon mula sa aking likod. Mabilis kong hinawakan ang tray at patay malisyang humarap kay Hermes. Hindi naman nito mapapansin na nakalutang ang tray dahil natatakpan ko iyon. "H-Hermes," gusto ko batukan ang sarili dahil nautal ako. Bumaba ito at kinuha sa akin ang tray. Nag-aalala ako nitong tiningnan. "Are you alright?" tanong nito. Ngumiti ako at tumango bilang tugon. "Let's go downstairs," yaya nito sa akin. Pagpihit namin paharap ay natigilan ako. Isang nanlilisik na mata ang aking nakita. Nakatingin ito sa amin partikular sa akin. Hindi pa pala nakaalis ang mama ni Hermes. Tinitigan muna ako nito bago ito tuluyang umalis. Napasulyap ako kay Hermes ng hinawakan nito ang aking kamay. Hawak pa din nito ang tray sa kabilang kamay. Ngumiti lamang ako sa kan'ya. Ayaw kong isipin nito na nabahala ako sa titig na iyon ng ina nito. Pagkatapos ng apat na linggo ay nagsimula ng pumasok sa kompanya si Hermes. Sa apat na linggo na iyon ay pinaramdam sa akin ni Hermes kung gaano nito ako kamahal. May pagkakataon na hindi nito mapigilang yakapin ako kahit nasa harap namin ang mga kasama namin sa bahay. Tuwang-tuwa naman si Trudis kapag nakikita kaming magkayakap. Kahit hindi sabihin ng mga ito kung ano ang mayroon sa amin ni Hermes ay nanatiling tahimik ang mga ito. Ngayon nga ay hinahanda ko ang almusal nito. Maaga kasi itong papasok sa trabaho. Gusto niya akong isama ngunit tumanggi ako. Hindi pwede na palagi kami magkasama dahil may mga kailangan din akong gawin. Ang misyon ko ay hindi ko din nakalilimutang gampanan. Iyon ay ang gabayan si Hermes at baguhin. Ang baguhin ito ay nagawa ko na. Ang gabayan ito ay nanatili ko pa ding ginagawa. Hinihintay ko na lamang ang hudyat kung kailan ako susunduin ni Inang Tianna. Sa ngayon ay sinusulit ko muna ang mga araw na kasama ko ang mga taong nakapaligid sa akin at kay Hermes. "Good morning, my angel!" Masiglang bati sa akin ni Hermes ng bumungad ito sa kusina. Sumimangot naman ako. Simula ng araw na nagtapat kami ng nararamdaman sa isa't-isa ay iyon na ang tinawag nito sa akin. Ang sabi ko naman ay pwede naman niya akong tawagin sa pangalan. Bakit kailangan pang ganoon ang itawag nito sa akin? Ang sagot naman nito ay dahil ako ang gabay niya. Ako ang anghel niya. Kung maaari ko lang sana sabihin na fairy ako at hindi anghel. Ginagabayan ko pa din naman siya. Tumawa ito ng makitang nakasimangot ako. Lumapit ito sa akin at hinapit ako sa bewang. Palagi nito iyong ginagawa kapag lumalapit ito sa akin. Animo'y parang kami lang ang tao sa bahay. Alam ko gusto na ako nitong halikan pero nagtitimpi lamang ito. Pinakiusap ko na iyon sa kan'ya. Nagtanong ito pero hindi ko siya binigyan ng sagot. "Hindi ka pa ba sanay?" tanong nito sa akin. Halos magdikit na ang aming mga mukha sa lapit namin sa isa't-isa. Pinigilan ko ang mapapikit dahil napakabango nito. Ang amoy nito ang naging paborito ko sa lahat. Kapag hindi ko ito naaamoy ay palagi ko iyong hinahanap. Hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko naaamoy ang mabango nitong amoy. "Kapag nandito ang mama mo h'wag mo akong tatawagin ng gan'yan. Baka magalit iyon." Paalala ko sa kan'ya. "Pa'no kung ayaw ko," panghahamon nito sa akin. Pinisil ko ang ilong nito na ikinagusot ng mukha nito. Palagi ko iyon ginagawa. Naging paborito ko na din pisilin ang matangos nitong ilong. "Kung ano man ang binabalak mo h'wag mo ng ituloy." Narinig ko ang usapan nito at ni Gaston. May plano itong ipakilala ako sa mama nito. Pero hindi ko na hahayaan mangyari iyon dahil alam ko na hindi ako at kung sino mang babae ang gusto ng mama nito na makatuluyan. Ang titig ng ina nito ng huli naming pagkikita ay tila nagpapahiwatig na hindi dapat ako ang minahal ni Hermes. Isa pa, alam kong dadating din ang araw na aalis na ako sa mundong ito. Ang isiping iyon ay labis kong ikinakalungkot. Kumawala ito sa pagkakayakap sa akin. Dinig ko ang mabigat na buntong hininga nito. Hinawakan niya ang aking kamay at pinakatitigan ako. "Sa ayaw at sa gusto mo, I want our relationship to be official. Gusto kita ipakilala sa mga kakilala ko. Sa mama ko at kay Karla. Wala na magagawa si mama kung ikaw ang gusto ko. Hindi na ako bata para siya ang magdesisyon sa buhay ko." Puno ng sensiridad ang tono ng boses nito. Napangiti ako. Hindi ko lubos akalain na mamahalin ko ang taga lupang ito. Hindi ko lubos akalain na ang isang Hermes John Alejandro ay may kakayahan magmahal sa isang tulad ko. Kahit pa sabihin na isa lamang akong tagasilbi sa bahay nito ay hindi ito nag-alinlangang mahalin ako. Lubos ko siyang hinahangaan dahil hindi ito tumitingin sa estado ng buhay ng isang tao. Sinapo ko ng aking isang kamay ang kanyang kabilang bahagi ng mukha na ikinapikit nito. Palagi nito iyon ginagawa. Ang pumikit na animo'y ninamnam ang pagdantay na aking kamay sa mukha niya. "Paano ko iiwan ang isang tulad mo?" Malungkot kong wika na ikinamulat ng mata nito. Nagtatanong ang matang tinitigan ako. Binaba ko ang aking kamay mula sa kan'yang mukha. "May balak ka bang iwan ako?" May lungkot sa boses nitong tanong. "Paano nga kita iiwan kung ganito ka parati sa akin," sabi ko na lamang. Sumilay ang ngiti sa labi nito at niyakap ako. Dinig ko ang bilis ng pintig ng puso nito. "Hindi ko hahayaang pati ikaw ay iwan ako, Yria. Hindi ko na kakayanin." Gumaralgal ang boses nito. Hinagod ko ang likod nito para naman kahit paano'y mawala ang lungkot nito. "Ayyy! Ang sarap naman ng almusal. Pahingi naman ako." Dinig kong wika ni Trudis. Ako na ang kusang kumalas sa pagkakayakap ni Hermes. Kilala ko na ito. Hindi ito bibitaw ng yakap sa akin kapag hindi ako ang nauna kumawala. Makahulugan ang ngiti ng sulyapan ko silang dalawa ni Gaston na magkatabing nakatayo malapit sa amin. Hindi ko na namalayan ang pagsulpot ng mga ito. Ganoon katutok ang atensyon ko kay Hermes. Parang nababalewala ang pagiging fairy ko at ang pagiging alerto ko sa lahat ng bagay kapag si Hermes na ang kasama ko. Hindi pa nga pala ako nakapagpasalamat kay Gaston. Ito kasi ang nagbigay ng mensahe sa akin kung saang kwarto naroroon si Hermes sa ospital. "Why don't you hug Gaston para masarap din ang almusal mo." Makahulugang wika ni Hermes. Sinulyapan ko ito at makahulugan din ang mga ngiti nito. Naupo na ito at nagsimula ng magsandok ng pagkain. Sinulyapan ko naman si Trudis na nakasimangot na umalis sa tabi ni Gaston. Habang si Gaston naman ay napapangiti. "Trudis, tawagin mo na si Manang Nora. Mag-aalmusal na tayo." Utos nito kay Trudis na agad namang tumalima. Simula ng makakita ito ay sinabi nitong isang pamilya kami sa bahay kaya kapag may gustong sabihin ay h'wag mag-aatubiling lumapit sa kan'ya. Sabay sabay na din kami kumain, sa umaga, tanghali at maging sa hapunan. Minsan ay late na ito umuwi sa gabi galing sa trabaho. Kapag ganun ay hinihintay ko siyang dumating at sabay na kami kakain ng hapunan. Tila kinasanayan ko na ang ganoong set-up. Bago ako naupo ay nagtimpla ako ng kape nito. Ayaw kasi nito na hindi bagong timpla. Pagkatapos niyon ay binigay ko na sa kan'ya. "Bakit?" Tanong ko ng napansing kong nakatitig pala ito sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at pinaupo ako. Seryoso itong nakatitig sa akin. "Yria," "Ano 'yon?" "Will you marry me?" Kasabay niyon ang tili ng dalawang boses. Napalingon ako sa tiling iyon at si Trudis at Manang Nora ang aking nakita. Tila hindi maipaliwanag ang mga reaksyon nito dahil sa sinabi ni Hermes. Muli kong sinulyapan si Hermes na seryoso pa ding nakatitig sa akin. Marahil hinihintay nito ang sagot ko. "Ano ba dapat kong isagot?" Inosente kong tanong. "Just say yes at ako na ang pinakamasayang lalake sa balat ng lupa." Marahan pa nitong pinisil ang aking kamay. Muli akong sumulyap sa mga kasama namin sa bahay. Lahat ng tingin ng mga ito ay puno ng excitement sa maaari kong sabihin. Hindi din nakaligtas sa akin ang tingin ni Gaston. Nakangiti ito pero may lungkot sa mga mata nito. Pero bakit? Muli kong binaling ang tingin kay Hermes na hindi ko mawari ang reaksyon. Naghihintay din ito sa sagot ko. Alam ko kung ano ang ibig nitong sabihin. Kapag ba oo ang sinagot ko ay may magbabago ba? Kapag ba namuhay akong kasama si Hermes ay may magbabago ba? Isa akong fairy. Ang katotohanan na hindi ako kabilang sa mundong ginagalawan ni Hermes. Iyon ang katotohanan na malaking sampal para sa akin. Masakit pero kailangan kong magising sa katotohanan. "Yria, please. Say yes." Nakikiusap ang tinging iyon ni Hermes. "Yria, hindi ka magsisisi kay Sir Hermes. Nakita ko na kung paano niya alagaan at mahalin noon si Ma'am Yssa. Magiging masaya ka sa piling niya." Pakiusap ni Manang Nora. "Sige na Yria, lahat kami dito boto sa inyong dalawa. H'wag mo na isipin ang sasabihin ng iba. Ang mahalaga mahal ninyo ang isa't-isa. Isa pa, gusto ko maging abay." Segunda naman ni Trudis at humagikgik. Hindi ko na nagawang sulyapan ang mga ito dahil mataman kong tinitigan si Hermes na naghihintay pa din ng sagot ko. Hanggang sa hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luha. Nag-aalala naman nitong pinunasan ng palad nito ang naglandas kong luha sa pisngi. Masaya ako dahil nagawang sabihin ni Hermes sa akin ang bagay na iyon. Pero madami akong agam-agam. Mahirap magpadalos-dalos sa ganitong sitwasyon lalo na at nasa isa akong misyon. Ako ang pinakamaaapektohan kapag naghiwalay kaming dalawa. Isang halik ko lang mawawala na ang mga alaala na kasama niya ako. Ngunit paano ako? Gagawa kami ng masayang alaala pero paano ang hindi ko makalimutang alaala na kasama siya? Pakiramdam ko ako ang mas mahihirapan lalo pa at habang tumatagal ay lalo kong minamahal ang taga lupang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD