JOY "Anong pinagagawa niyo Joy, Jerlyn, Myra, Jean, Chita, Cynthia? Ka babae niyong tao bakit kayo nag-away? Hindi niyo ba naisip na graduating student kayo? High school na kayo. Hindi na kayo mga kinder. Hindi ba kayo nahihiya sa mga classmate niyo?" Seryusong tanong ng guidance counselor namin. Sa aming harapan. Nakayuko kami habang nagsasalita siya sa aming harapan. Pagkatapos gamotin ang aming mga sugat. Kinausap na kami ni Sir. "At ikaw Arnel bakit hindi niyo manlang tinulungan sila na awatin. Bakit tiningnan mo lang sila kanina? Ang balita sa school girlfriend mo si Jerlyn. Bakit hinayaan mo siyang makipag sabunutan?" Tanong naman ni sir kay Arnel. Ayaw nga sana ni Sir na mag stay dito si Arnel dahil kami lang naman ang nakagawa ng gulo. Pero nakiusap siya Kay sir na nakikinig la

