JOY "Babe galit ka pa rin? Bakit parang ikaw ang galit na galit kay Myra? Samantala si Joy okay na naman. Pwedi ba'ng kumalma ka. Saka bakit stress na stress ka?" Kausap ni Arnel kay Jerlyn. Kanina pa kasi paulit-ulit si Jerlyn sa kanyang sinasabi na plastic daw si Myra. Alam ko naman na tama si Jerlyn dahil ramdam ko din kanina na napilitan lang sila mag sorry at makipag kamay. Lalo na ako pala ang running for valedictorian. Kami kasi ni Myra palagi ang naglalaban sa top 1 to top 2. Matalino si Myra pero masasabi ko na matalino din ako. Kaya lang hindi ako sumasali sa mga activities dahil nga sayang ang gasto. Kaya bumabawi nalang ako sa mga quizzes at exam. "Bwesit na bwesit lang talaga ako sa kanya matagal na. Simula n'ong nanligaw ni Mike kay Joy mainit na ang dugo niya kay Frenny.

