JOY
Mabilis ang mga hakbang ko pabalik ng cottage habang nakahawak ako sa aking dibdib. Sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso. Mabuti nalang walang may nakita sa amin. Ang tigas ng kanyang dibdib kanina nang hindi ko sinasadya na mahawakan ng muntik na akong nahulog sa fish pond. Umupo ako kaagad sa upuan ng makarating ako sa cottage. Hindi ko napansin na nakatingin na pala sila lahat sa akin. Nang makita ko ang water bottle kaagad ko'ng kinuha saka mabilis na ininum.
"Frenny anong nangyari sa iyo? Bakit parang namumutla ka yata? Masama ba ang pakiramdam mo?" May pag-alala na tanong ni Jerlyn sa akin.
"May buwaya sa fishpond." Wala sa sarili ko'ng sagot sa kanya.
"Ano nasaan ang buwaya? Malaki ba? Arnel may buwaya sa fishpond baka umahon saka lumipat sa pool." Nataranta na sabi ni Jerlyn kay Arnel. Dahil medyo malakas ang boses ni Jerlyn narinig ng mga tao na naliligo sa pool kaya tumakas sila mula sa tubig. Ang mga ka team naman ni Arnel mabilis na tumakbo papunta sa fish pond at kanya-kanya dala ng pwedi gamitin upang patayin ang buwaya. Nang bumalik ako sa tamang wesyo. Gusto ko nalang bumuka ang lupa upang tangayin ako. Naka ngiwe ako na humihingi ng sorry sa kanilang lahat.
"It's a prank po! Sorry po sa inyong lahat. Wala naman po talagang buwaya sa fishpond. Gusto ko lang po i-prank ang kaibigan ko po. Pasensya na po talaga." Hinging paumanhin ko sa kanila mabuti nalang naging okay naman silang lahat. Napansin ko ang lalaki na umiling saka pumasok sa loob na parang bahay. Hindi ko alam kung bahay o kung parang hotel na pwedi matulungan kung sino ang gustong mag overnight.
"Frenny sorry, hindi ko din alam kung bakit iyon ang nasabi ko. Naalala ko lang kasi ang balita tungkol sa corruption sa ating bansa kaya habang nakatingin ako kanina sa fishpond naisip ko na mabuti pa sa tubig walang buwaya. Pero sa senado marami kaya nasabi ko nalang bigla. Pasensya na Arnel at sa inyong lahat." Palusot ko, dahil sa sobra kung hiya. Hindi naman siguro masama kung mag white lies muna.
"Grabi ka frenny nadali mo talaga ako sa prank mo, ero ayos lang. Halika na maligo na tayo. Habang hindi pa mainit ang araw. Ayaw mo ba munang kumain? Kami ni Arnel kumain na. Masarap ang sotanghon guisado baka gusto mo." Nang marinig ko ang sotanghon guisado nakaramdam ako kaagad ng gutom dahil paborito ko. Kaya sinabi ko kay Jerlyn at Arnel na mauna na muna sila at susunod nalang ako. Kaya nauna na silang pumunta sa pool kasama ang mga team ni Arnel. Habang kumakain ako, tiningnan ko ang isa pang tupperware ware. Natakam ako ulit sa lumpiang Shanghai kaya kumuha ako ng tatlo. Habang sarap na sarap ako sa aking pagkain. Muntik na naman akong nabilaukan ng marinig ko na namam ang kanyang boses sa aking likuran. Pagharap ko sa kanya, nanlaki ang aking mata ng makita ko na, naka swimming trunks lamang siya. Tinakpan ko ng aking palad ang aking mata pero nakabukas naman sa aking mata kaya nakita ko ang malaki sa kanyang gitna.
"Ang laki." Wala sa sarili ko'ng sabi.
"Anong malaki, ang buwaya ba? Gutom na gutom ka dahil may nakita ka'ng buwaya? Anong klasing buwaya ba, nasa tubig o nasa harapan mo?" Pa ngiti-ngiti niyang tanong sa akin. Inirapan ko siya saka tinalikuran.
"Bakit ba sulpot ka ng sulpot? Kahit nasa iyo itong pool huwag kang magpa kalat-kalat. Saka bakit ako ang nakikita mo? Nasaan si ting-ting?" Mataray ko'ng tanong sa kanya. Narinig ko'ng mahina siyang tumawa.
"Maganda ka nga ang suplada mo naman. Saka gutom na gutom ah! Hindi ka ba naka kain sa bahay niyo?" Tanong niya na natatawa pa rin.
"Paki mo ba? Sa iyo ba ito? Hindi naman ah? Kaya tsupi sho sho sho alis. Ayaw kitang makita o makausap. Malaki pa ang atraso mo sa akin." Pagtataboy ko sa kanya dahil mas bumibilis ang pagtibok ng puso ko dahil presinsya niya. Parang atikihin ako sa puso. Marami naman akong classmate na lalaki at mga nakausap na lalaki. Pero hindi naman ganito ang naramdaman ko. Bakit iba ang pakiramdam ko sa lalaking ito?
"Nag so-sorry na nga ako, pero ayaw mo naman tanggapin. Okay kung gus........" Hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin ng mag ring ang kanyang cellphone na hawak kaya nakahinga ako ng maluwag ng lumayo siya sa akin. Saka sinagot ang tumatawag sa kanyang cellphone.
"Okay Magda pupunta na ako. Just wait for me, inaasikaso ko lang ang mga bisita. Tapos ko na rin kausapin ang care taker ng pool kaya pabalik na ako. Okay bye!" Narinig ko'ng sabi ng lalaki sa kausap niya sa kanyang cellphone. Si ting-ting pala ang tumawag. Mabuti hindi siya sumama dito. Baka natakot mabasa ang mukha at mabura ang lahat na salamat Dok sa kanyang hitsura. Kausap ko sa aking sarili. Patuloy lang ako sa pagkain dahil gusto ko na rin maligo. Nagpasalamat ako na hindi na bumalik ang lalaki. Pagkatapos ko'ng maubos ang kinakain ko. Niligpit ko saka nilagay sa plastic bag. Nagpahinga ako ng ilang segundo saka pumunta na rin kay Jerlyn. Habang papalapit ako nakita ko si Arnel na nakahawak sa baywang ni Jerlyn. Si Jerlyn naman nakahawak sa leeg ni Arnel. Kaya tinaasan ko siya ng kanyang kilay.
"Kayong dalawa ang bilis niyo huh! Jerlyn frenny tatlong buwan pa tayo bago mag graduate saka mag-aral pa kayo ng college bakit may pa hawak hawak na sa baywang at leeg?" Mataray ko'ng tanong sa kanila.
"Ano naman ang nakikita namin kanina sa cottage. Bakit may pa bulong-bulong kayo ni Brent?" Nakangisi na tanong ni Jerlyn. Kaya napakamot na lamang ako sa aking ulo dahil hindi ko alam ang sasabihin.
"Sabi ko nga okay na na humawak si Arnel sa baywang mo. At humawak ka din sa leeg ni Arnel. Sige lang humawak ka lang Arnel sa baywang ni Frenny hanggang gusto mo. Okay lang sa akin promise." Naka ngiwe ko'ng sabi. Kaya tinaasan rin ako ng kilay ni Jerlyn.
"Hindi ka pa safe, kailangan mo pang magpaliwanag sa akin mamaya tungkol sa nakita namin. Kaya humanda ka frenny." Pagbabanta ni Jerlyn.
"Oo na! Oo na! Alam ko naman na may mali, ako, ako, ako." Pagbibiro ko sa kanya. Kaya tuloy ang mga tao sa pool hindi nila maiwasan na mapa tawa. Tumingin ako sa kanila saka ngumiti at tinaas ang aking kamay at nag peace sign. Pagtapos lumusong na rin sa tubig. Habang naliligo kami, nakita ko na papalapit si Brent. Nakasuot na siya ng pantalon at polo shirt. Bagay na bagay sa kanya. Kung gwapo siya n'ong unang ko siyang nakita. Mas lalong naging gwapo siya ngayon. Pinilig ko ang aking ulo saka lumangoy ako sa kabila nang makalapit siya sa gilid ng pool.
"Arnel bro! Pasensya kung mauna ako sa inyo. Enjoy lang kayo sa pag swimming. I have to go back now in Manila. Sa susunod nalang tayo mag bonding kapag nasa Manila ka na. Kita-kits nalang tayo duon. I have an important meeting to do." Narinig ko'ng paalam ni Brent kay Arnel.
"Salamat bro! Mag-ingat ka. Kami na ang bahala ng mga kaibigan ko. Salamat ulit." Narinig ko'ng sagot ni Arnel.
"Bye, Jerlyn, nice to meet you again." Narinig ko'ng sabi niya kay Jerlyn.
"Salamat Brent! Ingat sa byahe. Nice to meet you too." Narinig ko'ng sagot ni frenny.
"Salamat pare, mag-ingat ka sa byahe."sambit naman ng mga ka team ni Arnel.
"Thank you mga pare. Just enjoy your swimming." Sagot ni Brent sa kanila. Ang akala ko aalis na siya pero narinig ko ulit na nagsalita siya.
"Bye! Miss, may nakita ka ba'ng buwaya sa pool?" Narinig kong tanong ni Brent.
"Jerlyn pakisabi sa kaibigan mo na safe ang resort ko saka walang buwaya." Narinig ko'ng sabi niya muli. Pero nag ma-ang ma-angan ako na parang walang narinig. Kahit alam ko naman na ako ang pinariringgan niya.
"Ganyan lang talaga ang kaibigan ko Brent. Mahilig kasi mag prank. Pero mabait at maganda naman." Sagot sa kanya ni Jerlyn. Kaya lihim ako'ng napangiti. Kaibigan talaga kita frenny. Lihim ko'ng kausap sa aking sarili.
"Yeah, she's beautiful but medyo may pagka kalog lang." Narinig ko'ng sagot ni Brent. Kaya humarap ako at handa na sana siyang sinagawan ngunit wala na pala siya sa tabi ng pool. Nakita ko nalang siya na kumakaway sa akin habang papalayo. Kaya tinaas ko ang aking kamay saka nag dirty sign sa kanya. Wala akong pakialam kung magalit siya. Ang akala ko babalik siya pero tinaas niya naman ang kanyang kamay saka nag heart sign. Kaya naghiyawan ang mga naliligo. Tumili naman si Jerlyn. Sa sobrang hiya ko, sumisid ako sa ilalalim ng tubig.