CHAPTER FIVE

1571 Words
JOY "Lola, Lolo aalis na po ako. Mag-ingat po kayo dito Lolo, Lola. Uuwi po ako nang maaga." Paalam ko kay Lolo at Lola. Ang usapan namin kahapon ni Papa sa sasama ako sa palengke upang tulungan siya. Hindi na natuloy dahil nga sasama ako jay Jerlyn at Arnel sa bagong bukas na resort. Maagang umalis si Papa kaya si Lolo at Lola nalang ang nandito. Lumapit ako kay Lolo at Lola na umiinum ng kanilang kape. Yumakap ako sa kanila at humalik. "Mag-ingat kayo Apo. Mag enjoy kayo." Magkasabay na sabi ni Lolo at Lola sa akin. "Maraming salamat Lolo, Lola. Sige mauna na po ako. Baka naghihintay na si Jerlyn at Arnel sa may kanto Lolo , Lola." Magalang ko'ng sabi sa kanilang dalawa saka lumabas na ng bahay. Mabilis akong naglakad baka nasa kanto na ang dalawa. Pagdating ko sa kanto sakto na may huminto na sasakyan. Bumaba ang bintana at dumukwang si Arnel at Jerlyn sa may unahan. Si Arnel ang driver sa kabila naman si Jerlyn. "Wow sosyal." Sa isip-isip ko. "Magandang umaga Frenny mabuti nan'dyan ka na. Pasok ka na sa loob." Pagyaya sa akin ni Jerlyn. "Good morning Joy, tamang-tama ang dating mo. Halika na, pumasok ka na sa loob. Hiniram ko muna ang sasakyan ni Papa. Mahirap kasi kapag motor ang gagamitin natin. May dala ako'ng pagkain." Nakangiti na sabi ni Arnel. "Good morning love birds. Salamat." Magiliw ko'ng bati sa kanilang dalawa saka binuksan na ang likuran bahagi ng sasakyan. Pagbukas ko may nakita akong limang malaking tupperware ware sa kabila. Ang bango ng amoy mukhang bagong luto. Pagkaupo ko sa upuan kaagad naman na bumyahe si Arnel. "Arnel pumayag na ba?" Pagbibiro ko'ng tanong kay Arnel. Tumingin naman si Arnel kay Jerlyn. Inirapan naman ako ni Jerlyn. Pero tinaasan ko lang siya ng aking kilay at ningisihan. "Frenny huwag ka nang magpakipot. Bagay naman kayo ni Arnel." Natatawa ko'ng sabi. Mahina naman na tumawa si Arnel. "Frenny bunganga mo. Nag kape ka na ba? Ito kape uminum ka muna." Sambit ni Jerlyn saka binigay sa akin ang kape. Alam ko na binili nila sa coffee shop dahil may tatak. "Salamat frenny! Upgrade kana frenny. Bonggalicious ang sasakyan at kape. Saan ka pa." Natatawa ko'ng sabi sabay inum ng kape. Ngumiti naman si Arnel habang patuloy sa pagbyahe. "Arnel pwedi ba short lang ang suot kung maligo sa pool?" Tanong ko kay Arnel dahil short na maikli lang ang dala ko'ng pampaligo. Kahit may swimsuit pa, hindi naman talaga ako magsusuot. "Okay lang frenny naka short lang din naman ako. Kung bawal eh huwag na tayong maligo." Sambit ni Jerlyn. "Kakausapin ko ang kaibigan ko kung bawal. Saka ayaw ko naman na mag swimsuit ka." Wika ni Arnel kaya inirapan ko si Jerlyn. "Arnel, Frenny umamin na kayo sa akin. Ano ba ang status niyo bruha? Marunong ka nang maglihim sa akin. Nagtatampo na ako frenny alam mo ba?" Tampo-tampohan ko'ng sabi. "Ito naman tampo kaagad? Sasabihin ko naman sana mamaya pagdating natin sa resort." Sagot ni Jerlyn saka tumingin kay Arnel. Ngumiti naman si Arnel sa kanya. "Ahm! Frenny nanligaw si Arnel sa akin. N'ong hinatid niya ako sa bahay kahapon nagpaalam siya kay Mama at Papa pumayag naman si Mama at Papa. Tapos kanina maaga niya akong sinundo sa bahay at sinama sa kanilang bahay. Pinakilala ako ni Arnel sa kanyang Papa at Mama." Pag kwento sa akin ni Jerlyn. Napangiti ako dahil masaya ako para sa kanilang dalawa. Halata ko nuon pa na may gusto si Arnel kay Jerlyn. Matagal na rin naman na may crush si Jerlyn kay Arnel. May biglang pumasok na kalokuhan sa aking isipan. "Hindi ka ba kinausap ng mama at Papa ni Arnel. Ito sampung milyon layuan mo ang anak ko. Mga ganun? Tapos sasagutin mo naman, bigyan niyo ako 20 milyon ibigay ko sa inyo ang 10 milyon layuan niyo kami ng anak niyo." Saad ko sabay tawa ng malakas. Kaya tumawa na rin silang dalawa. "Baliw ka talaga frenny kung ano-ano ang pumapasok sa ulo mo." Pa ngiti-ngiti na sabi ni Jerlyn. "Joke lang ito naman. Pero seryuso masaya ako sa inyong dalawa. Ikaw Arnel huwag mo'ng lokohin ang kaibigan ko. Kapag niloko mo siya, sa susunod na election ma ngamngampanya talaga ako na huwag iboto ang tatay mo." Natatawa ko'ng sabi "That's not well gonna happen Joy. I love her, I didn't wait for 4 years kung lolokuhin ko lang si Jerlyn." Seryuso na sabi ni Arnel. "4 years? Ibig mong sabihin 1st year high school pa lang tayo may gusto ka na kay frenny? as in? Pareho lang pala kayong dalawa ma may gusto sa isa't-isa?." Walang preno kong sabi. "Totoo Jer? May gusto ka na rin pala sa akin nuon pa?" Nakangiti na tanong ni Arnel kay Jerlyn. Tinaas ko ang aking kamay sabay peace sign kay Jerlyn nang tumingin ito sa akin. Magsasalita pa sana si Jerlyn ngunit nasa tapat na pala kami ng resort. BBS RESORT ang pangalan. Naunang bumaba si Arnel. Sumunod naman ako saka kinuha ang dalawang tupperware upang dalhin. Pinagbuksan naman ni Arnel si Jerlyn ng pintuan at inalalayan na lumabas ng sasakyan. "Naol." Kantiyaw ko kay Jerlyn. Binigay ko muna sa kanilang dalawa ang dalawang tupperware para kunin naman ang tatlong natira. Habang kinukuha ko ang tupperware may narinig akong ibang boses. Hindi ko pinansin baka ang kaibigan ni Arnel na sinasabi niya kahapon. Pero pamilyar sa akin ang boses. "Glad you're coming bro." Narinig ko'ng sabi ng lalaki na pamilyar talaga ang kanyang boses ngunit hindi ko maalala kung saan ko narinig. "Thanks for inviting me bro! Bye the way bro gusto ko'ng ipakilala sa iyo ang girlfriend ko. Si Jerlyn at ang kanyang kaibigan si Joy. Babe si Brent kaibigan ko." Narinig ko'ng sabi ni Arnel. Napaubo pa ako dahil may babe na pala silang tawagan hindi manlang ako na inform. Lihim nalang akong napangiti. "Nice meeting you Joy." Narinig ko na sabi ng lalaki. "Nice meeting you too Brent." Sagot naman ni Jerlyn. Kaya nilagay ko muli ang tupper sa upuan ng sasakyan saka malaki ang ngiti ko na humarap sa kanila. Ngunit biglang nawala ang ngiti ko ng makilala ang lalaki. Walang iba kundi ang kasama ni ting-ting. Nilibot ko ang aking paningin habang hinahanap si ting-ting ngunit hindi ko makita. Medyo nagulat din ang lalaki ng makita ako, tinaas niya ang kanyang kamay na gusto sanang makipag kamay sa akin.Pero inirapan ko siya saka kinuha ang tupperware sa loob ng sasakyan. Pagkatapos sinara ko na ang pintuan ng sasakyan at nagpaalam na mauna na sa kanila. Hindi ko pinansin ang lalaki. Palipat-lipat naman ang tingin ni Jerlyn at Arnel sa amin ng lalaki. Nauna ako sa kanila na parang alam ko kung saan ang cottage namin. Ang kaninang excited ko'ng naramdaman biglang nawala. Parang gusto ko nalang bumalik sa bahay at pumunta sa palengke upang tulungan si Papa sa magbenta ng mga gulay. "Frenny kilala mo si Brent?" Tanong ni Jerlyn sa akin nang mahabol niya ako. "Mamaya ko na sasabihin sa iyo frenny. Mahabang kwento." Sagot ko kay Jerlyn. Tumango naman siya saka sumabay sa akin sa paglakad. Nakasunod naman si Arnel. Mabuti Hindi na sumunod pa ang lalaki. Pagdating namin sa cottage nandun na rin ang mga kasamahan ni Arnel sa basketball. Binati nila kami, kaya binati din namin sila pabalik. Nakaginhawa ako ng maluwag ng hindi ko nakita si Myra. Sana lord wala din dito si ting-ting para kahit paano mag enjoy din ako. Lihim ko'ng kausap sa panginoon. Ang ganda ng paligid may tatlong swimming pool. May para sa mga bata, matanda at mga kagaya namin. May dalawang fish pond sa dulo. Marami na rin ang naliligo. May pagkain sa gilid siguro libre lang dahil opening. "Gusto niyo na ba'ng maligo? Ayan ang banyo baka gusto niyo nang magpalit ng damit niyo." Sabi ni Arnel nang tumabi siya Kay Jerlyn. Nagpasalamat kami saka bitbit ang bag namin pumunta na kami sa banyo. Maong short ang suot ko na maikli. Saka spaghetti strap na itim ang suot ko'ng damit. Grabi ka frenny kahit naka short ka lang parang rarampa ka bilang miss Universe." Sambit ni Jerlyn. Naka suot din si Jerlyn ng maikling short at sleeve less na damit. "Ikaw din Frenny, kaya halika na baka hinihintay ka na ng babe mo. Ikaw huh! may pa babe babe na pala kayo. Eh! ikaw na talaga." Pagbibiro ko kay Jerlyn. "Ikaw din huh! may hindi ka pa sinasabi sa akin tungkol sa inyo ng kaibigan ni Arnel." Kantiyaw niya din sa akin. Humaba lang ang aking nguso saka hinawakan siya sa kanyang kamay para bumalik sa cottage. Lahat napatingin sa amin ni Jerlyn ngunit hindi na namin pinansin. "Pagbalik namin sa cottage. Nagpaalam ako saglit sa dalawa upang pumunta sa fishpond. Ang ganda tingnan ng mga isda na lumalangoy. Habang naka tayo ako sa gilid ng fishpond. Nagulat ako ng may nagsalita sa aking likuran. Ang lalaki na iniiwasan ko. Muntik pa akong nahulog mabuti nalang nahawakan niya ako sa aking baywang. "Be careful!" Wika niya. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso ng magdikit ang aming katawan. Hindi ako kaagad naka kilos mula sa paghawak niya sa aking baywang. Ngunit nang makabawi ako, tinulak ko siya saka tinalikuran. Malaki ang mga hakbang ko pabalik sa aming cottage. Mabuti nalang walang naka kita sa amin lalo na si ting-ting kundi baka magka gulo lang sa resort.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD