CHAPTER 5: Fifty-Fifty
Written by: CDLiNKPh
SAKTONG PAGLABAS ng bahay nina Harmony ay nakita na agad niya si Dino na palabas din sa katapat nilang bahay. May hawak din itong bulaklak katulad niya.
Umandar na agad ang radar niya at nahuhulaan na niya kung ano ang gagawin nito kaya naman nagmamadaling tumakbo siya papunta sa katabing bahay lang nila na si Dina. Nakaramdam din naman si Dino kaya katulad niya ay agad din itong tumakbo papunta roon. Halos nagkakabanggaan na sila pero parehas silang nag-door bell.
"Ako ang nauna kay Dina, Harmony, e! Pwede bang maghanap ka na lang ng ibang chicks?" sabi nito na inis na inis.
"Ikaw ang maghanap ng iba dahil hindi kayo bagay! Mas close kaming dalawa!"
"Kayo ang hindi bagay! Parehas kayong babae!" inis na sabi rin nito.
"And so? Don't think highly of yourself just because you're a guy!" Nanlalaki ang mga matang sagot niya rito.
Hindi nila namalayan na kanina pa palang bumukas ang pinto habang nagbabangayan sila ni Dino pero hindi lang nila napansin dahil nakafocus ang atensyon nila sa isa't-isa.
Si Dina na natatawa na lamang habang pinapanood sila. At as usual, pagkakita rito ay tila biglang gumaan ang mood. Ang simangot sa mukha nilang dalawa ni Dino ay napalitan ng isang matamis na ngiti saka agad na naman silang nag-unahan ni Dino sa pag-abot ng bulaklak dito.
"For you, Dina!"
Nagkasabay na naman sila ni Dino sa pagsasalita, pati ng pag-aabot ng bulaklak kaya naman medyo nag-alangan pa si Dina kung kaninong bulaklak ang unang kukunin. Nagpasya ito maya-maya na sabay na lang na kunin iyon.
"Salamat sa mga dala ninyo, ah? Tara? Pasok muna tayo sa loob," pagyaya nito saka na tuloy-tuloy na pumasok sa bahay. Sumunod naman sila ni Dino rito.
Kahit sa pagpasok sa bahay ay halos mag-unahan pa sila ni Dino. Pagdating sa loob ay naroon ang parents ni Dina sa sala. Pinaupo sila ni Dina sa isang sofa kung saan magkatabi sila ni Dino at nasa tapat naman ng upuan nila ang mga magulang ni Dina. Naiwan silang apat doon dahil si Dina ay kumuha ng juice at cake sa loob ng kusina.
"Hija, salamat sa pagbibigay mo ng mababang upa rito, ah? Ang ganda-ganda ng bahay mo pero ang baba ng renta. Hindi na kami makakakuha ng ganitong bahay sa Manila, e. Halos karamihan kasi ng lugar sa Manila na kasing ganda nito e, parang ginto rin ang halaga ng upa," nakangiting sabi ng daddy ni Dina.
"Walang anuman po, 'tay. Ayaw din naman kasi nina Daddy at Mommy na mabakante itong bahay kasi baka raw may tumira na multo. Marami naman silang pera kaya hindi issue sa kanila ang renta ng bahay. Saka para kay Dina, I'm willing to do everything," pagpapalapad niya ng papel.
Napansin niya na umikot ang eye balls ng ungas na si Dino, which means na nairita ito sa sinabi niya. Iniisip yata na nambobola lang siya.
"'Yan lang naman ang meron ka, e. 'Yang pera mo." Mahina lang ang boses ni Dino pero rinig na rinig niya iyon.
"May sinasabi ka bang ungas ka?" violent reaction na tanong niya. Biglang nawala sa isip na nasa harap nga pala sila ngayon ng mga magulang ni Dina.
Ngumiti ito ng peke. "Wala ako'ng sinasabi, Harmony. Baka may naririnig ka lang na hindi namin naririnig. Baka sa susunod may makita ka na rin na hindi namin nakikita, ah?" nakakalokong sabi nito.
"Ano naman ang tingin mo sa akin? Baliw?"
"Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako!"
"A, gano'n? E, kung pukpukin ko kaya 'yang ulo mo?" Akmang itataas niya ang kamao para suntukin ito.
"Subukan mo lang, Harmony. Hindi ako pumapatol sa babae pero baka samain ka sa akin kapag pinahiya mo ako sa harap ng mga magulang ni Dina!"
"Aba, bakit ka pa magpipigil? Show me what you got!" paghahamon naman niya saka sinabunutan na ang maikling buhok ni Dino na hirap na hirap siyang hilahin. Hindi naman siya malabanan ni Dino. Hanggang paninindak lang pero hindi naman magawang totohanin na patulan siya.
"Aray! Aray! Bitawan mo nga akong mangkukulam ka!" pagsisigaw nito pero ni hindi naman siya maitulak.
Tawa naman nang tawa ang dalawang matandang nasa harapan nila.
"Aba e, napaka-sweet naman ninyong dalawa. Naalala ko tuloy noong kabataan natin noon, Fernando. Ganyan din tayong maglambingan noon," kinikilig na komento ni Aling Liza.
"Alagaan ninyo ang isa't-isa, ha? Bagay na bagay kayong dalawa. Teka, kailan ba ang kasal ninyo, ha?" nakangiting tanong naman ni Fernando.
Saktong dumating na si Dina. Kitang-kita nito kung paano silang asarin ng mga magulang nito at mukhang natatawa pa ito. Natigilan naman silang parehas ni Dino dahil sa narinig. Pati ang mga magulang ni Dina ay napagkamalan silang mag-syota? Unbelievable!
"HA-HA-HA!!!" Napatayo siya palayo kay Dino habang natatawa na dinuro ang sarili. "Ako? Jo-jowain itong Dino na 'to? Hindi pa katapusan ng mundo, tito at tita! Magpapakamatay na lang ako kaysa patulan 'tong tukmol na 'to, 'no! Ha-ha-ha! Ang dami ko talagang tawa, tita! Mga sampu!" Pumaibabaw ang halakhak niya roon.
Napasimangot naman si Dino at napatayo rin sa sofa. "Hoy, Harmony! Kahit ikaw na lang ang natitirang babae sa mundong ito ay mas lalong hindi kita papatusin. Ah— Hindi ka nga pala babae, kasi lalaki ka rin na nagtatago sa katawan at ayos ng isang babae! Pero ang totoo naman, pusong lalaki ka! Kapag ikaw ang naging girlfriend ko ay hindi lang ako lugi, abunado pa ako!" pagsagot naman nito na dinuro pa siya.
Napacross arms naman siya saka nailing. "Kapaaaal! At talagang ikaw pa ang mag-a-abono? Tingnan mo ngang maigi kung gaano kaganda ang babaeng nasa harapan mo ngayon? Kahit na lesbian ako ay maraming nagkakagusto sa aking mga katulad mong lalaki at gagawin ang lahat, maging babae lang ako ulit. Pero sorry na lang sila dahil walang lalaki ang makakapagpastraight sa akin. Isa pa, tingnan mo nga 'yang sarili mo, bukod sa pagiging lalaki mo ay wala ka nang iban maipagmamalaki kung ikukumpara sa akin, 'no! Kaya nga palagi kang iniiwan ng mga babae 'di ba? Mas pinipili pa nila ako kaysa sa 'yo! Kung nagkaroon lang ako ng lawit e, siguradong mas gwapo pa ako kaysa sa 'yo!"
"Ano'ng sinabi mo?!" Parang natapakan niya ang pride ni Dino kaya akmang lalapitan na siya nito pero bago pa man mangyari iyon ay pumagitna na agad sa kanila si Dina na agad nang nakaramdam ng tensyon.
"Guys, ano ba kayo? Chillax lang, oh. Huwag kayong mag-away dito," pag-awat ni Dina pero hindi naman nagpa-awat si Dino dahil daldal pa rin ito nang daldal.
"E kaso, wala ka ngang lawit kaya huwag ka nang umasa! Ang babae ay para sa lalaki kaya lubayan mo na si Dina!"
"Ikaw ang umalis! 'Di hamak na mas karapat-dapat ako kaysa sa 'yo!"
"At sino namang nagsabi sa 'yo? Ako ang unang nakakita kay Dina!"
"Nakita mo lang, niligawan mo ba? Ako ang unang pumorma sa kanya kaya sa akin siya!"
"No! Sa akin si Dina!"
"Hindi! She's mine!"
"No, she's mine!"
Patuloy pa ang pagpapalitan nila ng maaanghang na salita ni Dino. Kasabay niyon ay ang pag-aagawan nila kay Dina na nasa gitna nila. Hawak lang naman nila ang magkabilaang braso nito habang nagsisigawan sila.
"SHUT UPPPPPPP!!!!!!!!!" Napasigaw na ang nanay ni Dina na si Aling Liza.
Parang nasabugan ng bomba ang tenga nila dahil sa lakas ng boses nito. Agad din itong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanila.
"Tinanggap ko kayo rito sa bahay ko dahil ang akala ko ay mga kaibigan lang kayo ng anak ko pero mukhang parehas pala kayong may gusto sa kanya."
Natahimik sila ni Dino. "At ikaw, Harmony, tomboy ka ba talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Aling Liza na napabaling sa kanya. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa. Hindi man ito magsalita ay alam na niya kung ano ang iniisip nito. Nagtataka siguro ito dahil hindi naman siya mukhang tibo. Iyong tipikal na iniisip ng mga tao sa Pinas na kapag tibo ay dapat lalaki manamit at kumilos. Ewan ba niya kung bakit ganoon mag-isip ang karamihan ng mga tao sa Pilipinas. Lahat na lang, pisikal na anyo ang pinagbabasehan ng pagiging gay.
"I'm not a tomboy, Aling Liza. A tomboy is a girl who dresses and acting like a boy. It doesn't necessarily mean that they're gay. I know some tomboys who doesn't like girls and they still prefer men but I'm the complete opposite of that. I'm a lipstick lesbian who acts and dresses like a normal girl but what I like are girls like me," pagtatama niya.
"Kahit ano pang klaseng lesbian e, tibo pa rin iyon sa paningin ko. Naaappreciate ko na binigyan mo kami ng mababang renta ng bahay pero kung may kapalit pala iyon ay aalis na lang kami. Aba, ayaw kong maging lesbian itong nag-iisang anak ko!"
Biglang tumawa ng mahina ang ungas na si Dino nang marinig ang sinabi ni Aling Liza. Kitang-kita niya na nakangisi ito habang nasa baba ang tingin para hindi mahalata na tuwang-tuwa ito sa nangyayari sa kanya.
"Hoy, Liza, mahiya ka nga sa mga pinagsasasabi mo! Huwag mo ngang ganyanin si Harmony! Baka nakakalimutan mo na siya ang nagmamay-ari ng inuupahan nating bahay ngayon? Saka mas lalong ayaw ko naman sa lalaking ito!"
Biglang bumaling naman si Fernando kay Dino saka ibinalik ulit ang tingin sa asawa. "Baka nakakalimutan mo na sinaktan ng isang lalaki ang anak natin at muntikan pa siyang magpakamatay nang dahil doon noon. Gusto mo na naman bang maulit ang ganoon? Baka mamaya ay buntisin agad ng Dino nito ang anak natin kapag sinagot siya ni Dina kaya 'di hamak na mas boto pa rin ako kay Harmony!" Siya naman ngayon ang napangisi sa sinabi ni Mang Fernando lalo na at nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni Dino.
Mukhang 50-50 sila ni Dino. Boto rito ang mama ni Dina at boto naman sa kanya ang papa ni Dina!
"Kaya ba hahayaan mo na lang na maging lesbian ang anak natin? Hindi na kakalat ang lahi natin kapag nangyari iyon!" Naging histerikal si Aling Liza.
"At bakit hindi? May dalawa pa naman tayong anak, hindi ba? Kung magiging maligaya naman si Dina kay Harmony e, bakit ko naman sila pipigilan? Halata namang mabuting tao si Harmony kaya naman she deserve our daughter! Basta, boto pa rin ako sa kanya kaysa sa Dino na ito!" sabi naman ni Mang Fernando.
"Hindi! Hindi ako papayag na maging tomboy ang anak natin! Para siya kay Dino!"
"Wala ka nang magagawa, Liza, para siya kay Harmony!"
"Dino!"
"Harmony!"
Ang ending, pati ang mga magulang ngayon ni Dina ay nag-aaway na rin. Sila naman ngayon ni Dino ang taga-awat.
Napapailing na lang si Dina sa nakikitang eksena sa harapan niya. Sa tingin niya ay doon na mas lalong mag-umpisa ang walang katapusang kompetisyon sa pagitan nina Dino at Harmony para sa puso niya. Ayaw man niyang aminin pero medyo naeenjoy niya ang ganito. Pakiramdam niya ay ang haba ng hair niya! Hahaha!