-L
"Leigh..." bungad ko rito pagkalabas nito ng bahay. Pinaabsent ko siya ngayon dahil kailangan ko ng karamay. Ang sama ko. Nadamay pa siya dahil sa drama ko. Kailangan ko lang talaga siya ngayon. Alam ko na kahit papaano, mawawala ang bigat at sakit ng nararamdaman ko kapag naipaalam ko sa kaniya ang nangyari sa amin ni Robi. At saka, kanino pa ba ako maglalabas ng loob? Siya lang kaya iyong bukod tanging best friend ko.
Umabsent ako ngayon. Kahapon rin absent ako. Ang lakas kasi ng impact sa akin ng breakup namin ni Robi. Magdamag akong tulala. Magdamag akong umiiyak kahapon. Hindi ako nakakakain ng maayos. Ganito pala ang epekto ng pagiging broken? Akala ko dati, ang oa lang ng mga nabobroken, iyon pala, sobrang sakit talaga kaya sila, kami nagkakaganito.
Narito ako sa harap ng bahay ng best friend ko. Siya lang ang alam kong puwede kong takbuhan. Sa totoo lang, wala pang nakakaalam na wala na kami Robi. Kay Leigh ko pa lang sasabihin. Ayoko naman rin kasing ipaalam sa pamilya ko. At saka, isa pa, wala naman sila sa bahay. Ako at si Yaya lang. Hindi ko rin sinabi sa kanila dahil umaasa akong babalik si Robi. Ay, hindi pala umaasa dahil alam kong babalik siya. Babalikan niya ako.
Babalikan niya ako dahil mahal niya ako.
Hindi naman niya sasayangin iyong dalawang taon na pagsasama namin, hindi ba? Alam kong mahal niya ako, ilang beses niya na sinabi at ipinaramdam iyon kaya alam ko na hindi niya basta basta itatapon iyong dalawang taon na iyon. Siguro malaki lang talaga iyong problema niya – kung ano man iyon – kaya niya ako nagawang saktan, hiwalayan. Kung ano man ang rason niya kaya niya ako sinaktan, gusto ko malaman. Kung may problema siya, gusto ko siyang tulungan. Para saan pa at girlfriend niya ako kung hindi niya lang rin niya ioopen up sa akin iyong problema... No... Ex na nga pala niya ako kaya wala na akong karapatang manghimasok sa buhay niya.
Shet lang, ang sakit-sakit nuon.
"Oh, nandiyan ka na pala," Hinawakan niya ako sa kamay pagkalapit niya sa akin matapos niya akong pagbuksan ng pinto. "Tara, akyat tayo sa kwarto ko."
"Nandiyan sina Tita?"
"Oo, alam rin nila na pupunta ka. Lagot ka rin kasi sinabi ko na pinaabsent mo ako."
Pagpasok na pagpasok sa bahay, mga mukhang pinintahan ng ngiti ang bumungad sa amin. Kinumusta ko naman sina Tita, Tito pati si, Clyde, iyong kapatid ni Leigh na maliit. Tinanong rin ako ng mga ito kung bakit ko pinaabsent si Leigh. Sinabi ko na lang na kailangan ko lang talaga ito ngayon. Hindi naman na sila nagtanong after nuon. Thank God.
"Oh, anong mayroon?" tanong ni Leigh pagkahila niya sa akin paupo sa gilid ng kama.
Hindi pa rin nagbago iyong kwarto niya. Puro Korean pa rin.
"Leigh..." Niyakap ko siya. "Wala na..." Garalgal na ang boses ko. Umiyak na kasi kaagad ako pagkayakap ko sa kaniya. Buti nga napigilan ko hanggang sa makaakyat kami sa kwarto niya. Nakakahiya naman kung umiyak ako sa harap nina Tita.
"L – umiiyak ka ba?" Ikinalas niya ako sa yakap ko sa kaniya tapos hinawakan sa magkabilang balikat sabay titig niya sa mga mata ko. "Ba-Bakit? Bakit ka umiiyak?"
"Wala na..."
"Anong wala na?"
"Kami ni Robi... Wala na." Napatakip ako ng bibig. I never imagine na masasabi ko ang mga katagang iyon. I have never imagined na mahihiwalay siya sa akin. All along, I always thought that Robi and I would never breakup pero ano nang nangyari? Wala na kami ni Robi.
"Ano?!" Napatayo siya bigla. Hindi ko rin siya masisisi dahil alam niya ang pinagdaanan namin ng lalakeng iyon.
"We broke up."
"K-Kailan?!"
Ikinuwento ko na sa kaniya lahat. Buong detalye. Bawat sinabi ni Robi. Tumatak kasi talaga sa utak ko ang mga pinag-usapan namin. Lahat-lahat. Detalyadong-detalyado ko ikinuwento lahat sa kaniya. Paano ba naman kasing hindi tatatak sa akin iyong pinag-usapan namin, iyong mga nangyari kung sobrang sakit? Napakaimposibleng hindi ko matandaan iyon.
"Gago iyon, ha?!" Tinakpan ko iyong bibig niya pero inalis niya pa rin. Tinakpan ko kasi baka marinig siya nina Tita at Tito pero it seems like she doesn't care kahit pagalitan pa siya. Well, I know her enough na kapag galit siya, hindi talaga siya magpapapigil sa gusto niyang gawin; kahit verbal assault pa iyan o paninira ng gamit.
"Leigh, lower down your voice--"
"Ano ba iyon?! Sabi niya mahal ka niya pero nakipaghiwalay siya sa iyo?! Ano siya?! Alien?!" Mariing kinagat niya ang damit niya. Dala siguro ng gigil. Well, I can't blame her. Ever since Robi and I became a couple, supporter na namin siya.
"Ganuon ba iyong mga alien? Nakikipagbreak sila kapag mahal nila iyong partner nila?"
"Wala akong panahon sa joke time, L! Siraulo iyan si Robi! Hindi tama iyong ginawa niya sa iyo!" gigil na sigaw nito sabay yakap sa akin. "Sinaktan ka niya! Nanggigigil talaga ako sa lalakeng iyon!" With the loudness of her voice, I'm pretty sure na hindi lang sina Tita ang nakakarinig ngayon sa boses niya, pati mga kapitbahay nila.
"Babalik naman siguro siya. Sabi niya kasi mahal niya ako."
"Kakausapin ko iyon bukas. Humanda iyon sa akin." Hinimas-himas niya iyong likod ko. Kahit talaga may sapi ito si Leigh, sobrang laki ng comfort na ibinibigay niya sa akin palagi.
"Pero--"
"Hindi, L. Huwag ka matakot ruon sa gunggong na iyon. Kakausapin ko iyon."
Gaya nga ng sabi niya, kakausapin niya si Robi. Pero nang pumunta kami – oo, kami dahil hinila niya ako kasi kailangan raw mahiya ni Robi. Iyon nga, nang pumunta kami sa court para kausapin si Robi, wala kaming nadatnan dahil wala raw ito sabi ng mga kateam nito sa basketball. Ilang araw na daw absent sabi nila kaya bigla akong nag-alala.
What happened to him? Bakit lagi siyang absent? Nagkasakit ba siya? Naaksidente? Tulad ko ba, naapektuhan siya sa breakup namin kaya hindi siya napasok? Ang rami-rami kong tanong pero hindi ko mahanapan ng sagot. But I do hope na okay lang siya. Kahit naman kasi sinaktan niya ako, kahit wala na kami, I still care for him. I really love him kaya hindi na maaalis sa siste ko na mag-alala sa kaniya.
Kinabukasan, nagbakasakali ulit si Leigh at hinila na naman ako. Ayoko talaga sumama pero hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa court. At sakto, naruon siya. Naruon nga rin si Dylan.
Natatakot ako kay Robi pati kay Dylan.
Natatakot ako kay Robi kasi baka kapag kinausap na siya ni Leigh tungkol sa akin, masaktan na naman ako sa mga isasagot niya. Kahit gustong-gusto ko itong makita, natatakot pa akong lumapit rito dahil baka hindi ko kayanin iyong mga lumabas sa bibig nito.
Kay Dylan naman dahil sa nangyari sa amin. Natrauma na yata ako sa lalakeng ito. Sino ba ang hindi? Wala akong laban, bigla akong ginanuon?
Pero bakit mukhang hindi pa alam ni Robi iyong issue na iyon? Kasi nagkukwentuhan pa sila ng mga kamember nila sa basketball at parang sobrang saya pa nila.
"Hoy, Robi!" Nagulat ako dahil biglang sumigaw si Leigh kaya napatingin sa puwesto namin iyong mga tao sa court pati na rin sina Robi at iyong mga kamiyembro nito. Umalis siya sa tabi ko tapos lumapit rito saka niya ito hinila palapit sa akin. Nakita ko pa nga na nakangisi si Dylan habang nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang kilabutan. "Anong nangyari? Ano iyong sinasabi ni L na wala na raw kayo?!"
Napapikit ako ng mariin. Gusto kong tanggalin ang mga tenga ko dahil baka hindi ko magustuhan ang isasagot nito pero alam kong imposible na matanggal ko ang mga iyon. Siguro kung puputulin, puwede pa.
Ayoko. Masasaktan ako sa maririnig ko. Ayoko marinig.
"Eh, ano kung wala na kami?" balewalang sagot ni Robi, na siyang pumutol sa pag-iisip ko.
Naestatwa ako sa isinagot niya. Sabi na, eh. Sana kasi tinanggal ko na lang iyong tenga ko!
"Leigh, tara na..." pakiusap ko saka ko hinawakan ang kamay nito para hilalin palayo pero inialis lang nito ang pagkakahawak ko. Pinipigilan ko talaga ang umiyak. Hangga't sa makakaya ko, ayaw ko munang umiyak sa harap ni Robi dahil ayokong magmukhang kawawa. Pero alam kong sa itsura ko ngayon, kahit hindi pa ako umiyak, mukha na akong kawawa.
"Halika ka nga rito!" singhal niya sabay hawak kay Robi sa isang kamay, tapos ako naman ang hawak ng isa niya pang kamay. Hinila niya kami sa pinakagilid na side ng court, siguro kasi napansin niya na pinagtitinginan na kami. "Ano bang problema mo?!"
"Leigh," pagkuha ko sa atensyon ng kaibigan ko para patigilin siya pero mukhang wala siyang narinig. Gusto ko siyang patigilin dahil ayoko na, baka makarinig na naman kasi ako ng mga masasakit na salita galing kay Robi.
"Ganuon talaga." Bumuntong hininga ito, na tila nababagot sa mga nangyayari. "Kung hindi kami, edi hindi."
"Paano mo nasasabi iyan, eh, wala naman akong makitang dahilan para makipaghiwalay ka kay L?! Ayos naman kayo, ha?! Ano bang problema?!"
"Hindi porque hindi mo nakikita ibig sabihin wala talagang problema."
"Ano?!" Itinulak bigla niya si Robi pero hindi ito natinag. Nakatayo nga lang ito, eh. Parang walang tumulak. "Hindi kita maintindihan! Ang gulo mo! Wala kayong problema, Robi! Wala! Ikaw lang itong biglang gumawa ng problema!"
"Iyon na nga, eh!" Biglang sumigaw si Robi kaya medyo napaatras kami ni Leigh. Napahawak rin ako sa braso niya dahil sa sobrang takot. "Ikaw na nagsabi! Sa iyo na nanggaling! Hindi mo maintindihan! Wala kang alam, Leigh! At saka, bakit ka ba nanghihimasok?! Ikaw ba iyong naging girlfriend ko para bulyawan mo ako bigla-bigla?! Wala kang karapatan, Leigh--"
Bigla niyang sinampal si Robi. Hinawakan ko iyong kamay niya na ipangsasampal pa ulit sana rito kaya hindi niya naituloy iyong pagsampal. Kawawa rin si Robi. Halatang nasaktan ito pero iniinda lang nito. "Wala akong karapatan?!"
"Oo, wala! Kung si L nga hindi nagrereklamo tapos ikaw bigla ka na lang susugod-sugod at bubulyawan ako?! Aba, ayos ka rin, ha?!"
"Gago ka pala, eh--"
Hindi naituloy ni Leigh ang sasabihin niya at napatingin siya bigla sa akin dahil sa ginawa ko. Sinampal ko kasi si Robi.
Hindi ko sinasadya.
"Ro-Robi..." Hahawakan ko sana iyong pisngi niya na nasampal ko unconsciously pero umurong siya. Nagulat rin ito sa ginawa ko. Nanglaki kasi ang mata nito. "So-Sorry. Hindi ko sinasadya. Robi, please, hindi ko sinasadya." Umaabante ako para abutin ang mukha nito pero paatras naman ito nang paatras. Naputol lang ang paglapit ko dahil hinawakan ako bigla ni Leigh sa braso.
"Ano bang sinasabi mo, L?!" biglang sigaw niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. "Hindi mo sinasadya?! Isa pa, dali! Sampalin mo ulit! At siguraduhin mong this time sinadya mo na!"
"Leigh, ano ba? Tama na! Hindi ko nga sinasadya!" Pumiglas ako mula sa pagkakahawak niya sa akin pagkatapos ko siyang sigawan, na ikinagulat niya. Maski ako nagulat, eh. Hahawakan ko sana siya pero iniwas niya iyong kamay niya saka umatras.
"L... ipagtatanggol mo pa rin iyang gagong iyan? Huwag kang tanga; sinaktan ka niya. Huwag kang magpakamartyr. Mamili ka – Lalayuan mo iyang gagong iyan o ako ang lalayo sa iyo?"
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam isasagot ko. Naguguluhan ako.
Napatungo ako. Hindi ko talaga alam kung sino pipiliin ko this time. No. Ayoko silang mawala sa akin. They've been a part of my life na isa lang sa kanila ang mawala, ikalulungkot ko. Naguguluhan ako. Sino ba? Si Robi ba o si Leigh? Pero bakit ba ako namimili? Hindi ba talaga puwedeng both?
"Oh, bakit hindi ka makasagot? Tama ba ang hula ko?" Napatingin ako kay Leigh. "Sige, L. Mas piliin mo iyang taong nanakit sa iyo. Mas piliin mo iyan kaysa sa akin." Lumakad na siya palayo sa amin pagkatapos niyang sabihin iyon and it broke my heart.
God knows kung gaano ko siya gustong habulin pero hindi talaga ako makaalis sa puwesto ko. Gusto kong sabihin na hindi ko kayang pumili dahil parehas silang mahalaga sa akin at parehas ko silang mahal pero hindi ko kaya sa pagkakataong ito.
"Wrong decision." sabi ni Robi na nasa likuran ko lang. Nilagpasan niya ako tapos naglakad na rin siya pabalik sa mga kamiyembro niya.
Naiwan ako sa puwesto namin. Napansin ko rin na pinagtitinginan na ako kaya pinunasan ko ang magkabilang pisngi ko saka ako nagmadaling pumunta sa cr.
Isa pa si Robi. Kanina, gusto ko rin siyang habulin at magmakaawa na huwag na niya akong iwan pero hindi ko maikilos ang katawan ko para habulin siya. Bakit ganuon? Bakit kailangan nila akong iwan? Una si Robi tapos si Leigh.
Hindi ko na alam gagawin ko.
Dumaan ang mga araw na sobrang bagal. Sobrang bagal dahil hindi ko kasama iyong dalawang taong iyon. Kung kailan ko gustong bumilis ang oras para makauwi kaagad ako at makapagkulong sa kwarto para umiyak, siya namang pang-aasar nito. Kapag may hinihintay ka talagang oras, biglang babagal ang takbo nito.
Sa mga araw na iyon, lagi lang akong sumusulyap kay Leigh kapag nasa room. Gusto ko siyang lapitan pero kada lalapit ako, siya naman ang biglang lalayo. Ilang araw ko siyang tinangkang lapitan at kausapin pero siya talaga ang iilag, ang iiwas.
Gusto kong magalit sa kaniya dahil sa ginagawa niya pero alam kong karapatan niyang magalit sa akin. Pinapili niya kasi ako. Hindi lang ako nakapili. Ang akala niya siguro, mas pinili ko iyong taong nananakit sa akin.
Iyong taong nananakit sa akin lang rin naman kasi ang may kayang magpasaya ulit sa akin, eh. Siya ang nanakit, siya lang rin ang may kayang magpagaling sa akin. Kaso ano bang aasahan ko? Hindi na siya lalapit sa akin. Halata naman. So, ano? Forever na akong ganito? Forever na ba itong kalagayan ko?
I hope not.
At ngayon, nandito ako sa library. May research paper kasi na ipinapagawa sa amin. Kahit naman kasi lugmok ako, hindi ko dapat pabayaan ang pag-aaral ko. Ayokong madisappoint ang mga taong mataas ang tingin sa akin, lalo na ang pamilya ko.
At habang nagsusulat, isa-isang pumapatak sa papel ang mga luha ko kaya kumakalat ang kulay ng tinta rito. Mula kasi sa kinauupuan ko, kitang-kita ko iyong table kung saan nakaupo si Robi tapos may kasama pa siyang babae. Ang saya-saya pa nga nila. Parang nagtatawanan pero nagpipigil sila dahil library ito. Bawat tawa nila ay siyang guhit ng sakit sa dibdib ko. Ayoko ng pakiramdam na ito.
Kasi ang sakit. Ang sakit-sakit sa totoo lang.
Kaya niya ba ako iniwan kasi may bago na siyang ipinalit sa akin? Ano iyong sinabi niya na mahal niya ako? Ang gago niya. Iyon na lang ang tanging salita na pinanghahawakan ko para patuloy siyang mahalin. Siguro, kahit hindi niya sinabing mahal niya ako noong araw na naghiwalay kami, patuloy ko pa rin siyang mamahalin. Nailing ako habang nagsusulat. Ganuon nga siguro ako katanga, kamartyr.
Gustong-gusto ko silang paghiwalayin dahil nasasaktan na ako at hindi na pumapasok ang mga inaaral ko dahil may kadikit siyang ibang babae pero ano pa bang karapatan ko? Ex na ako. Former. Past na. Wala na akong karapatan sa mga desisyon ni Robi. Hindi ko na hawak iyong nararamdaman niya.
"Hmm." Biglang may naglagay ng panyo sa ibabaw ng desk kung saan nakatutok ako sa papel na sinusulatan ko na puro luha ko na. Pinunasan ko ng patago ang mukha ko gamit ang panyo ko kasi nakakahiya. Baka sabihin nila, magdadrama na lang ako, sa library pa. Pasensiya naman kasi hindi ko napigilan. Hindi naman siguro ako iiyak rito kung wala lang sina Robi rito, kung hindi ko lang sila nakikita nuong babae.
"N-No thanks." bulong ko habang umiiling ng nakayuko kasi pinupunasan ko iyong mukha ko gamit ang panyo ko. Nakakahiya.
"Use it." Kilala ko ang boses na iyon. Pagkaangat ko sa mukha ko, tama nga ako sa hinala ko kung sino ang nagsasalita. Si Chase. "Basa na masyado iyang panyo mo. Iyan naman gamitin mo."
"Hindi, okay--"
"Just take it."
This person standing in front of me is... Chase, right? Is he... concerned?
"Thanks." Kinuha ko iyong panyo kaya lang bigla naman siyang naglakad palabas kaya dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko tapos hinabol ko siya. Pretty sure that Robi and the girl he was talking to saw me kasi nabunggo ang tagiliran ko sa mesa dahil sa paghabol ko kay Chase. "Chase, wait!" pakiusap ko sabay hila ko sa kamay niya kaya napatigil siya.
"Bakit?"
"Ganiyan ba lagi boses mo? Bakit para ka laging bored?"
"Wala lang." sobrang sumisigaw ng boredom iyong boses niya pero ngumiti siya ng kaonti. Ngumiti siya!
"Uhh... thanks pala sa panyo, ha?" Ipinakita ko iyong panyo niya. "At dahil ngumiti ka at pinahiram mo ako ng panyo, tara, kain tayo ng ice cream!" Hinawakan ko iyong kamay niya at hihilahin sana siya kaya lang hinihila niya pabalik iyong kamay niya.
"Ayoko."
"Tara naaaaa." Hinawakan ko siya sa braso para hilahin pero ayaw niya talaga magpahila.
"For a girl who has a broken heart, you sure are all hyped up."
"Pinaalala mo pa! Nakalimutan ko na nga kahit saglit na brokenhearted ako!" babirong inihampas ko iyong shoulder bag ko sa braso niya.
"Aray..." daing niya saka napunta iyong kamay niya sa braso niya na tinamaan ko. Masakit ba iyon?
"Hala. Masakit?" Iniangat ko iyong sleeves ng jacket niya pero pilit niyang ibinababa para siguro hindi ko makita iyong braso niya. Tapos pagtingin ko sa parte na hinampas ko, mapula nga. "Hala!" Hinawakan ko iyon. "Bakit namula kaagad?"
"W-Wala ito." Ibinaba niya iyong sleeves saka luminga-linga sa paligid pero ibinato rin ulit pabalik sa akin ang tingin niya. "Sige – Bye." Lalakad na sana siya pero hinila ko ulit iyong kamay niya kaya napatigil siya.
"Sorry na. Tara, hindi pa kita naililibre."
"P-Pero--"
"I won't take no for an answer. At saka, hindi pala kita tinatanong, so hindi mo kailangang sagutin dahil command iyon kaya tara na." Hinila ko siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng campus para bumili ng ice cream. Pagkabili namin ng ice cream, hinila ko ulit siya hanggang sa makarating kami sa field. "Bakit sobra naman iyong pawis mo?" tanong ko pagkaharap ko sa kaniya. Ang grabe kasi ng pagtagaktak ng pawis niya. Sabagay, dahil malamang sa jacket niya. Ano ba kasing trip niya sa buhay? Tirik na tirik ang araw, nakajacket? Pinagtitinginan tuloy siya kanina nang lumabas kami.
Bigla naman siyang naghalungkat ng kung ano sa bag pati sa bulsa niya pero parang hindi niya makita kung ano man iyong hinahanap niya. "Wala?" narinig kong bulong niya at parang sobrang dismayado pa siya dahil sa ginawa niyang expression.
Grabe naman magproduce ng pawis itong lalakeng ito.
Kinuha ko iyong panyo sa bulsa ko, iyong panyo niya na hindi ko pa nagagamit, tapos pinahiran ko iyong gilid ng sa patilya niya kasi duon iyong part na basang-basa na ng pawis.
"A-Anong ginagawa mo?" tanong niya matapos siyang umurong. Parang siyang nakakita nang multo habang nakatingin sa akin. Malakas siguro siya sa kape; magugulatin kasi, para pang kinakabahan.
"Pinupunasan ko iyong pawis mo." simpleng sagot ko. Lumapit ako sa kaniya tapos pinunasan ko na rin iyong bandang noo niya. "Sorry, ha? Napagod yata kita." Pagkatingin ko sa kaniya, nakatingin lang siya sa akin habang namumula. Siguro dahil sa init. "Huwag kang mag-alala, hindi ko pa nagagamit itong panyo na ipinahiram mo. Malinis pa ito. Tear free pa iyan."
Kinuha niya iyong panyo tapos umiwas ng tingin. "Ako na." Nagpunas lang siya ng pawis habang dinidilaan iyong ice cream niya.
Umupo na kami saka kinain iyong ice cream. Sa totoo lang, natutuwa ako sa itsura niya ngayon. Usually kasi pangbata lang iyong ginagawa niyang style ng pagkain sa ice cream. Kapag matanda kasi, hindi ba't dinedevour kaagad? Siya, pangbata. Ang cute.
"Chase," Napatigil siya sa pagpupunas tapos napatingin sa akin habang dinidilaan iyong ice cream niya saka niya ako tinaasan ng kilay. Siguro sign iyon at tinatanong niya kung bakit. "Thank you kanina, ha?"
"For what?"
"Sa panyo." Itinuro ko iyong hawak niyang panyo.
"Hindi mo naman nagamit, bakit ka nagte-thank you?"
"Wala lang. Basta, thank you." nakangiting sagot ko. At alam niyo iyong reaksyon niya? Aba, tinaasan lang ako ng kilay na parang nawiwirdohan sa akin. Why is he always like this? "Bakit nakataas iyong kilay mo?"
"I don't get it. Why are you saying thank you even though I really haven't done anything to ease the pain that you're feeling? Hindi rin naman nakatulong iyong panyo ko para tanggalin iyang sakit na nararamdaman mo?"
"Wala lang. Basta thank you. At saka, teka nga... paano mo nalaman na brokenhearted ako?"
"Who knows." Tumingala siya tapos dinilaan niya ulit iyong ice cream. "Baka kasi nakita ko iyong breakup scene niyo nuong boyfriend mo."
"Nan-Nanduon ka?" Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Grabe, nanduon siya?! Hindi nga?! Pero wala namang tao ruon maliban sa amin ni Robi, ha?!
"Yeah. Natutulog kasi ako noon. It's not that I'm eavesdropping pero bigla na lang ako nakarinig ng mga taong nag-uusap tapos biglang nag-iyakan. It's inevitable. Maririnig at maririnig ko kayo kahit pigilan ko ang sarili ko sa pakikinig."
"Paano mo narinig, eh, wala ka naman ruon? Absent ka, hindi ba?"
"Nasa taas niyo ako noong time na iyon. At hindi ako absent, nagcut ako."
Nasa taas? Taas... sa puno? Iyon lang kasi iyong place na puwede mong masabi na literally na nasa taas ka ng dalawang taong nag-uusap sa tabi ng puno.
Oo nga naman. Iyon lang iyong way para malaman niya iyong breakup namin ni Robi – kung nanduon ka mismo sa lugar. Alam ko rin naman na hindi sasabihin ni Leigh iyon sa iba dahil hindi ugali ng kaibigan ko iyon. At saka, kilala ko ang babaeng iyon. Kahit galit siya sa akin dahil sa katangahan ko, hindi niya ipagkakalat iyong breakup namin ni Robi. Tapos kay Chase, sasabihin? That's impossible dahil hindi naman rin sila close nitong lalakeng ito.
"Bakit sa taas ka ng puno natutulog? Ano ka? Unggoy? Paano kung nalaglag ka?"
"Wala lang. Nasanay lang. At hindi ako unggoy." matabang na sagot niya saka ako pinitik sa noo.
Para nga siyang tanga, eh. Paano, pagkatapos niya akong pitikin, bigla na lang siyang natulala tapos tumitig sa daliri niya.
"Kung hindi ka unggoy, edi kamag-anak mo si Tarzan?" Mukha naman siyang natauhan. Ano bang nangyayari sa lalakeng ito?
"Hindi rin."
"Chase, puwede ba tayong maging magkaibigan?" Tinignan niya lang ako. As in titig. Bakit ang hilig niya yata sa ganiyang expression?
"No."
"Bakit? Kailangan ko nga ng kaibigan ngayon, eh."
"Ayoko..." Tumungo siya tapos pinagpipitas iyong mga damo.
"Bakit nga?"
"I can't have, don't want and don't need a friend."
"Pati ba naman ikaw, ayaw sa akin?" Naalala ko na naman si Leigh. Tapos bigla pang pumasok sa utak ko iyong nakangiting imahe ni Robi. At ayan, tumulo na naman iyong luha ko.
Paano ba kami magkakaayos-ayos?
"Don't cry." Natauhan lang ako nang magsalita siya. Nakatingin siya sa akin habang nakasimangot.
"I can't help it."
"Do you like me?" Diretsahan niyang tanong. Magsasalita pa lang sana ako pero naunahan niya ako. "I hate people who likes me."
Hala?! Paano iyan? I like him to be my friend so he hates me, ganuon?
"So... you hate me for liking you to be my friend?"
At ang hindi ko inaasahan ay ang sumunod niyang ginawa. Kinain niya kaagad iyong cone na hawak niya tapos pinahiran niya ng magkabilang hinlalaki niya ang magkabilang pisngi ko. Basically, hawak niya ng dalawa niyang kamay ang mukha ko.
"Don't cry." nakangiting sinabi niya. "Don't shed a tear for someone who's not worth it." Pinunasan niya ulit iyong luha ko ng hinlalaki niya habang hawak pa rin ang pisngi ko. "A girl's tear is much more precious than any kind of jewel in the world – that's what I learned from the anime I watched." At alam niyo iyong naisagot ko? Nakakahiya. Humikbi lang ako. "I guess I'll be selfish just this once."
Ha?
"H-Ha? Anong ibig mong sasabihin?"
"I'm sorry but... I choose you. I want to be your friend. I may not be much of a use but I think you'll need me. A friend. That's what you need right now." aniya habang nakangiti ng bahagya.
Hindi nga?
"R-Really?"
Umayos naman siya ng upo tapos bumuntong-hininga. Tinitigan niya ako sa mata saka nagsalita. "One question."
"Ano iyon?"
"Handa ka bang masaktan?"