12

4306 Words
-L "Chase, tignan mo." Pinalo ko ng mahina ang kamay niya na may hawak na cell phone habang nakaturo iyong isang kamay ko sa paru-paro. Actually, naiinis na ako. Ang kulit kasi. Nanunuod ng anime na idinownload niya kani-kanina lang habang nakain kami rito sa bahay nila. Kanina pa kasi siya tutok na tutok sa pinanunuod niya. Mukha na nga siyang anime character, ang hilig pa niya sa anime. Kanina pa rin ako turo nang turo ng kung ano-anong klase ng mga napapadpad na mga paru-paro sa mini garden ni Tita pero ayaw niya naman tignan. Narito kami sa bahay nila. Hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit kasi dumiretso na kami rito pagkauwi namin galing school. Nakapagpaalam naman na ako kay Ate kaya hindi na ako hahanapin nito. Kahit kasi malakas ang sayad nuon, maalalahanin rin iyon. Pinapunta kasi kami ni Tito kanina. Birthday kasi nito. "Ah, ang galing." manghang sagot niya. Napatingin tuloy ako kaagad sa kaniya kasi akala ko talaga tinitignan niya iyong paru-paro pero hindi naman siya nakatingin. Nako naman, Chase. Kung hindi lang kita... nako. "Naman, eh." pabulong na ungot ko sabay padyak ko ng paulit-ulit. Kasi gusto ko nasa akin lang iyong atensyon niya – okay, fine. Sige, pati ruon sa cell phone niya. Kahit na pati cell phone niya, pinagseselosan ko, kahit na parang tanga lang. Kaysa naman duon sa Danelle na iyon siya nakatingin. Oo na. Ako na madamot sa atensyon nitong lalakeng ito. Kasi naman, kung makalingkis kay Chase iyon Danelle na iyon, parang tarsier lang. "Eehhh!" Kaagad akong napaiwas kasi bigla niyang kiniliti iyong loob ng tenga ko. "Chase!" suway ko saka ko itinakip ang dalawa kong kamay sa magkabilang tenga ko pagkaharap ko sa kaniya. Baka bigla niyang kilitiin ulit. "Bakit nagtatampo ang baby ko?" Napaiwas ako bigla dahil tinusok niya ang pisngi ko. Augh! Ngayon naman iyong pisngi ko ang tinutusok niya. Kasi gusto ko na ako lang iyong tignan mo. O, sige, kahit na pati iyong cell phone mo. Huwag na huwag ka lang susulyap kay Danelle, na kanina pa patingin tingin sa amin. Nagseserve kasi ito sa ilang bisita. At teka, anong sinabi niya? Baby? Naestatwa ako dahil sa sinabi niya pero nang makabawi ako, tumingin kaagad ako sa papa niya. "Tito!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo matapos ko itong tawagin. Napatigil naman ito sa paglalagay nito ng pagkain sa hawak nitong plate tapos tumingin sa akin. "Oh?" Inilapag niya iyong tongs na hawak niya sa tray ng food na pinagkuhanan niya kanina. Iyong anak niyo po kasi, pinakikilig ako, hindi pa nga kami! "Happy birthday po!" pasigaw na bati ko sabay takbo ko palapit sa kaniya. Napafacepalm na lang ako dahil sa isinigaw ko, na narinig pa ng ibang narito sa bahay, ng mga bisita. At ang nakakahiya pa, nakafacepalm ako habang tumatakbo hanggang sa makalapit ako rito. "L, teka--" Muntik na matapon iyong plate nito dahil sa ginawa kong paghila. Buti na lang talaga at naayos kaagad nito. "Teka." Hindi ko siya pinakinggan at hinila papasok sa loob ng bahay. Bago nga kami makapasok, lumingon ako sa puwesto namin ni Chase kanina. Nakita ko siyang nakatingin sa akin habang nakangiti tapos katabi na niya si Danelle na tumatawa. Grabe na itong pagseselos ko na ito. Iniwan ko rin si Tito at umakyat kaagad ako papunta sa kwarto ni Chase. Isinara ko muna iyong pinto dahil baka biglang may pumasok. Hinablot ko iyong frame na may picture niya na nakangiti at unan tapos pumasok sa cr ng kwarto niya. Wala na akong pakielam kahit trespassing nang maituturing ito. Ang mahalaga lang, maicontain ko itong nararamdaman ko. At saka, hinahanyaan na ako ng lalakeng iyon at ng pamilya niya na magpagala-gala sa bahay nila so hindi na issue ito. "Nakakainiiiiiiiis!" sigaw ko pagkalagay ko ng unan sa mukha ko. Amoy na amoy ko si Chase sa unan na ito. Ang bango-bango. Kasi naman hindi ko kinaya iyong baby na sinabi niya. Tapos ako pa iyong baby niya? Nakakakilig na nakakainis kasi nacaught off guard ako. Hindi ako prepared. Naramdaman ko kasi kanina na uminit iyong pisngi ko kaya gumawa kaagad ako ng paraan para hindi niya mapansin. Kasi, hindi ba, ang kailangan niya kaibigan lang. Gustuhin ko man na umamin, pinipigilan ko ang sarili ko na gawin iyon. Sobrang wrong move nuon, na magbitaw ng salita na puwedeng sumira sa kung ano mang mayroon kami, tulad ng I love you o mahal kita. Ang hirap lang na friendzoned ka na kahit hindi pa alam ng crush o mahal mo na may nararamdaman kang special para sa kaniya, na kahit na hindi ka pa niya nirereject at sinasabihan na hanggang kaibigan lang ay alam mo na friendzoned lang rin ang bagsak mo dahil sa mga hints na lumilipad with flying colors. "Nakakainis ka, Chase." pabulong kong sinabi tapos pinadaanan ko ng hinlalaki ko iyong picture niya. Ang gwapo niya rito. "Hindi pa nga tayo, pinakikilig mo na ako." Oo, talagang may pa. I'm still hoping na may chance pa. Tiwala lang na may himala. Nang mailabas ko na lahat ng frustrations ko, lumabas na rin ako ng cr kaso nagulat ako nang paglabas ko, nakita kong nakaupo si Danelle sa kama habang hawak iyong isang frame na sa tingin ko ay picture ni Chase. Ano ba iyan?! Iniangat niya naman ang tingin niya kaya dali-dali kong itinago sa likod ko iyong picture pati iyong unan na sobrang bango kasi kaamoy talaga ng lalakeng iyon. Ngumisi siya. Bakit? "Ano iyan?" tanong niya pagkalapag niya ng picture ni Chase sa sidetable. "H-Ha? Anong ano?" pagmamaang-maangan ko. "Iyang hawak mo; iyang nasa likuran mo." "A-Ah..." Inilabas ko iyong unan. "Ito?" "No, not that. The other one." "W-Wala akong hawak, ano. Unan lang." Umatras ako kasi bigla siyang tumayo tapos humakbang papalapit sa akin. "T-Teka, cr lang ulit." Pumihit ako ng mabilisan saka ko itinago iyong frame sa unan sabay sara ko ng pinto ng cr pagkapasok ko. Grabe. Iyong kabog ng dibdib ko sobrang bilis. Natigilan ako dahil may narinig akong tunog mula sa labas. "T-Teka... ano iyon?" Inilapat ko iyong tenga ko sa pinto para pakinggan kung ano talaga iyong naririnig ko, kahit pa may hint na ako kung ano. Naitakip ko kaagad iyong kamay ko sa bibig ko pagkabitaw ko sa unan. Tama nga ako. Narinig ko siyang tumawa tapos narinig ko rin iyong pagsara ng pinto kasabay ng paghupa ng tawa niya. Baka nakahalata na siyang may pagnanasa ako sa kaibigan niya. Pero okay lang. Para naman magkahint siya na dapat siyang magback off kay Chase. Ako na ang kaibigan, hindi na siya. Ako ang new friend, hindi siya. Ako ang mahal – sana – hindi siya. Kaya lang... sana naman, huwag niyang sabihin kay Chase na gusto ko ito. Sana lang talaga na huwag na huwag niyang sasabihin. Kinakabahan tuloy ako. -- "Mendoza," Ninudge ko si Chase para makuha iyong atensyon. Ramdam ko naman na tumingin siya sa akin. "Mendoza," "S-Sir." Napatayo naman kaagad siya. Ayan kasi, hindi attentive. Masyado siyang nakafocus sa idinodrawing niya. Hindi ko naman makita kung ano kasi tinatakpan niya. Ang damot-damot niya talaga sa maraming bagay. Ultimo mga drawings niya, ayaw niya ipakita sa akin. Kapag nanghihiram ako ng iba niyang notebook, ayaw niya rin. "Answer the next paragraph." Sinimulan na niya ang pagbabasa pagkaabot ko sa kaniya ng pamplet ko. Hindi niya kasi dala iyong xerox niya. Kaya nga nagdrawing na lang siya kasi wala naman siyang dalang pamplet. Ewan ko ba rito kung bakit ayaw niya magdala ng mga gamit. Hindi naman siya disabled. Puwede naman rin kasi, hindi ba, iyong sharing? Pati iyong puso namin, puwede namin ishare sa isa't-isa? Hindi ba? Kinuha ko iyong notebook na pinagdodrawingan niya kanina tapos pagkakuha ko nuon, inilagay ko sa armchair ko. Binuklat ko ito ng marahan. Buti na lang nga at may lapis siyang ginawang bookmark. "Ay, bastos!" Napasigaw ako dahil sa gulat kasi biglang may kamay na kumuha nuong notebook tapos iyong dalawang kamay ko, lumipad papunta sa mukha ko para matakpan iyong bibig ko. Pagkatingin ko, si Chase pala. "Punzalan!" Narinig kong tawag ng prof namin kaya nabaling iyong atensyon ko rito. Kasunod nuon ay ang tawanan ng mga kaklase namin. Ako lang naman kasi iyong Punzalan rito kaya malamang, ako iyon. At ako lang naman iyong sumigaw, na siyang naging dahilan kung bakit sila natigilan. Ano ba naman kasi ito si Chase, ginulat ako. May nakita ako sa notebook pagkabuklat ko, eh. L lang ang nakita ko na nakadoodle tapos may bilog sa itaas ng letter na iyon pero alam ko na putol iyon. Dakilang KJ talaga minsan itong si Chase. Parang titignan lang iyong dinodrawing, ayaw pa ipakita. As if naman na mananakaw ko iyong artistic talent niya kapag nakita ko iyong idinodrawing niya. After kong mapagalitan pagkatapos ng subject namin na iyon, idinismiss na kami. Papunta na kami ngayon ni Chase sa library para sa research work namin sa commu. Medyo marami ang pinapagawa sa amin nuong prof namin na walang awa. Grabehan kasi talaga siya kung mamigay ng paper works tapos iyong deadline pa ng mga iyon, akala mo may hinahabol. Ang ikli ng palugid. Nagugutom na ako. Nagutom kaagad ako dahil sa pag-iisip ng mga paper works na iyon. Inilaan na lang kasi namin iyong vacant period namin para sa research na ito. Pati nga iyong iba naming kaklase nagsipunta na rin dito. Wala naman kaming choice kung hindi magsacrifice. It's either kakain kami o gagawa ng research paper. Minsan, iyong mga prof talaga namin, sobrang unfair. Hindi ba nila alam na nagugutom, napapagod at napupuyat rin kami dahil tao kami at hindi robot? Kung makapag-utos naman kasi sila na ganito ganiyan ang gawin namin, walang habas. "Kopyahin mo ito." Itinuro ni Chase iyong isa sa mga paragraph na may mark ng lapis. Loko ito. Minarkahan pa. "Paikliin mo na lang. Isipan mo na lang rin ng sagot." utos niya saka nagkamot sa braso niya. Lumabas na naman siguro iyong patches niya. Ganiyan kasi siya kapag nalabas iyong mga pasa niya – mangangati nang mangangati iyong balat niya. Napabuntong-hininga tuloy ako. Ako nasasaktan kapag nakikita ko na ganiyan si Chase. Hindi ko naman rin kasi makita kung marami na ba iyong lumabas since nakajacket nga siya. Gustuhin ko man na ipaalis, hindi puwede dahil iyong jacket niyang iyon ang nagcocover sa balat niya para hindi makita iyong mga patch niya sa balat. "Chase," Napatingin siya sa akin habang nagkakamot sa braso niya. "Hood." Nginuso ko iyong hood niya. Itinaklob naman niya iyon sa ulo niya. Napabuntong-hininga pa nga siya. Dala na rin siguro ng pagod o inis dahil sa sakit niya. Inilapag ko iyong hawak kong ballpen sa mesa saka ko hinalungkat iyong bag ko at hinanap iyong maliit na medicine box na ibinigay sa akin ni Tita in case of emergency. Kinuha ko iyong isang gamot kung saan may label na itch sa lalagyan saka ko ibinalik iyong medicine box sa bag ko. "Ah, s**t. I hate this." narinig kong bulong niya habang patuloy pa rin sa pagkamot pero sa likuran naman iyong kinakamot niya. "Hintayin mo ako rito." Napatingin naman siya sa akin pagkatayo ko. Nagtaka siguro siya. "Bibili lang ako ng tubig para mainom mo na iyong gamot." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at dali-dali na akong umalis kahit na naririnig ko pa ang pagtawag niya sa akin. "Kuya, pasingit." tarantang pakiusap ko sabay pila sa harapan nito. "Miss--" "Kuya, emergency lang. Please." Grabe na itong pagpapanic ko. Medyo naninikip naman iyong dibdib ko dahil sa naiisip ko. May sakit si Chase. May sakit iyong lalakeng mahal ko. Dapat na rin siguro ako magdala parati ng tumbler para may nakaready kaagad na tubig just in case. Nang makabalik ako sa library, napakunot ang noo ko dahil sa nakita ko. Katabi kasi ni Chase si Louise, na bali-balita sa block namin na may crush sa kaniya. Kung makadikit kasi si Louise, grabe. Itong namang lalakeng ito, kung makaentertain pa rito, go lang nang go kahit nalabas na iyong patches niya. Magkatabi kasi sila tapos parang may itinuturo siya kay Louise habang patuloy pa rin siya sa pagkamot, though parang hindi niya ipinahahalata na nagkakamot siya pero ako, kitang-kita ko mula sa puwesto ko. Nilapitan ko sila saka pabagsak na inilapag sa harapan ni Chase iyong bote. Though wala namang masyadong tunog kaya hindi ako pinagtinginan. "L." bungad sa akin ni Chase. Pati si Louise, nakatingin na rin sa akin na parang nainis pa yata dahil naudlot iyong bonding nila nang dahil sa akin. Ha. I don't care kung pinutol ko bonding nila. Naiirita ako. "Halika," Hinila ko siya hanggang sa likod ng shelf ng mga libro pagkadampot ko ng bottled water. "Take it." seryosong utos ko sa kaniya pagkalahad ko ng gamot pati bottled water. "L, hindi mo naman--" "I said take it, Chase." iritang pagpuputol ko sa sinasabi niya sabay lagay ko ng gamot sa kamay niya pati iyong bottled water tapos iniwan ko na siya ruon at bumalik na sa table namin. Ewan ko ba. Grabe na lang iyong sumapi na selos sa akin nang makita ko kung gaano sila magkalapit. Alam ko naman na wala akong karapatan. Wala. Bakit? Ano ba ako ni Chase? Kaibigan lang naman, hindi ba? Wala... kaibigan lang. So ano ang karapatan mo na magselos, ha, L? Kaibigan ka lang. Hindi sa iyo si Chase. Baka nga hindi na siya maging sa iyo. Ang sakit lang ng naisip ko na iyon, ha? "L, si Chase?" Napaangat naman iyong tingin ko kay Louise. "Bakit ikaw, nandito na pero siya wala--" "Hintayin mo na lang." pabalang kong sagot sa kaniya. "O-Okay." Nakapagsungit pa tuloy ako dahil sa selos na ito. -- "L, do you like that Chase?" Muntik na akong masamid sa diretsahang tanong ni Ate sa akin. Ang out of the blue kasi. "Ate naman!" reklamo ko pagkapahid ko ng likod ng palad ko sa gilid ng labi ko. "Mga tanong mo naman." Umiinom naman kasi ako ng juice tapos bigla niya akong tatanungin ng ganuon? "Do you like him?" Ano bang nangyari sa ate ko na ito? Inilapat ko iyong palad ko sa noo niya kasi baka masama pakiramdam niya at nagdidiliryo na siya. "May sakit ka ba--" "Knock it off!" singhal niya pagkatampal niya sa kamay ko. Ang sakit, ha? "I'm asking you. Do you like that boy?" "He's already a guy dahil hindi na siya bata para tawaging boy, Ate." Napairap ako dahil sa tanong niya. Seriously. Bakit niya tatawaging boy si Chase kung alam niya ang edad nito since ilang beses ko na nabanggit? Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa kama ko tapos pumunta naman sa study table ko at naupo ruon. "So do you like him?" "Of course," Inilapag ko iyong baso ng juice ko sa gilid ko. Medyo nagliwanag naman ang mukha niya nang marinig niya iyon. "Gusto ko siya." I added. Well, I don't just like him, I love him. "Really--" "Kakaibiganin ko ba iyon kung hindi ko siya gusto? Kaibigan ko iyon kaya gusto ko iyon - hey!" Siraulo ito si Ate! Tama ba na batuhin ako ng stuffed toy na maliit?! Sakto sa mukha ko, eh! "Not like as in friendly like! Gusto mo ba siya? Like... Like like." Alam ko naman talaga iyong tanong niya. Iniikot ko lang siya dahil ayoko namang umamin. Aasarin niya kasi ako. Alam ko kasi ugali nito ni Ate. Kapag may gusto ako, inaasar niya ako palagi sa nagugustuhan ko. Well, I had crushes back then kaya naexperience ko nang asarin ni Ate sa boys. "Kaibigan ko lang iyon, ano ka ba?" "Ah, kaibigan mo lang?" Tumango ako kahit labag sa loob ko na sangayunan na kaibigan ko nga lang si Chase. "So, puwede kami? Ipakilala mo ako--" "Huwag ka naman na dumagdag!" Napatayo ako pagkasigaw ko nuon pero umupo rin ako nang makita ko iyong ngisi niya. Tumikhim muna ako bago pinulot iyong magazine na binabasa ko kanina. "I mean... huwag ka na dumagdag sa mga admirers nuong lalakeng iyon. At saka, ano ka ba? Papatulan mo pa talaga siya, e, ilang taon ang tanda mo sa kaniya. Pedo lang? Naturingan pa na ikaw ang babae. Hiya-hiya rin kapag may time." "So what kung marami tayo – I mean kaming mga admirers niya? Hindi mo naman siya gusto kaya okay lang. At least hindi kita makakakompitensiya para sa kaniya." "Admirer ka rin niya?" Paano siya naging admirer ni Chase kung hindi pa nga sila nagkikita? Hindi niya nga alam itsura nuong lalakeng iyon. Ang alam niya lang, iyong ugali kasi naikukuwento ko ito sa kaniya. "Oo naman. Lalo pa at gwapo?" matawa-tawang sinabi niya. Medyo nagtaka naman ako sa sagot niya dahil hindi ko pa rin nababanggit itsura ng lalakeng iyon kahit ilang beses ko na itong nabanggit sa kanila ni Yaya. "Paano mo naman nalaman na gwapo iyon?" She's really getting weird. Hindi niya pa nakikita ito so paano niya malalaman na gwapo nga ang kaibigan kong iyon? Wala naman siya rito noong mga panahon na pumupunta si Chase rito, ha? "Ah, iyon ba?" Tumango ako habang nakakunot ang noo. "Kasi..." Tumayo siya tapos lumapit sa drawer ko at may pinakielaman ruon. "Ate, wala naman diyan si Chase." biro ko sa kaniya sabay tawa. "Nandito kaya." Napataas iyong kilay ko sa sinabi niya. Paanong nanduon kung hindi ko nga isinako si Chase para iuwi? "Heto, oh." Umikot siya ng dahan-dahan. Iyong mukha niyang nakangisi ang una kong nakita hanggang sa bumaba ang atensyon ko sa hawak niya. Paksheeeeeeems! "Ate, ibigay mo sa akin iyan!" Nilundag ko iyong kama sabay lapit sa kaniya pero iniiwas niya iyong scrapbook na ginawa ko para kay Chase, na punong-puno ng picture nito, namin! Sobrang dami kasi ng stolen shots ruon, na masasabi ng makakakita nuon na stalker ang nagmamay-ari nito. "O? Hindi ka pa ba – whoa. Hindi ka pa ba aamin?" matawa-tawang tanong niya habang pilit na iniiwas sa akin ang scrapbook ko. "Ate, it's not what you think--" "Oh, really? Come on, sis." Napatigil ako sa pagtalon dahil itinulak niya ako ng mahina kaya napaatras ako. "It's okay. Okay lang talaga na magustuhan mo iyon." Napataas iyong kilay ko at napahinto sa pagsubok ulit sa pagkuha sa kaniya nuong scrapbook. Pumayag talaga si Ate na magustuhan ko si Chase? Grabe. "Ate, nakadroga ka ba? Bakit kay Robi noon, sobrang hindi ka pabor sa amin?" tanong ko matapos ko humalukipkip habang nakataas pa rin iyong kilay. "Hindi ako nakadroga, ano. Asa." Lumapit naman siya sa akin tapos umupo sa tabi ko. Inilapag niya sa lap ko iyong scrapbook at ipinatong iyong mga kamay ko ruon. "Ayoko lang talaga ruon sa Robi na iyon kasi gwapo." "Ano pala si Chase? Panget?" "Hindi. I mean, habulin si Robi. Tignan mo, nasira relasyon niyo nang dahil sa babae, right?" Tumango ako kasi tama siya. "Si Chase, base sa mga kwento mo, alam ko na hindi niya magagawa iyon." "Ate..." Nginitian niya ako at ako, speechless dahil hindi iyon iyong ngiting madalas niya ipakita sa akin. Iyong ngiting iyon... sobrang warm. "I'm happy for you. Masaya ako kasi sa katulad ka ni Chase nagkagusto." Tumikhim ako bago nagsalita. "Ate, hindi ko naman--" "Huwag ka nga! Huwag mo nang ideny. Shoesmo. Halata ka na kaya. Si Chase, ganito. Si Chase ganiyan – bukang bibig mo palagi siya kaya alam kong gusto mo iyong lalakeng iyon. Kung alam lang nila Mama at Papa na wala na kayo ni Robi at may nilalandi ka namang ibang lalake, nako, L - sinasabi ko sa iyo, ihanda mo na ang puwet mo." "Hindi ko naman--" "Weh? Mamatay man siya?" Mamatay... "Fine. Hindi ko lang naman kasi gusto si Chase. Mahal ko siya." sagot ko habang nakatungo. Sobrang pula ko na. Grabe. Ramdam ko na ang pag-init ng mga pisngi ko dahil nagbablush na ako. "Paano na iyong isa?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya dahil bigla siyang nagsalita, more like nagtanong. "Isa?" Sino iyong isang sinasabi nito? Isa? "Nakalimutan mo na?" I just eyed her with confusion. Hindi ko kasi alam iyong pinagsasasabi niya. Sino o ano ba iyong isang tinutukoy niyang isa? "Ano ba kasi iyang sinasabi mo? Isa?" Tumango naman siya saka dumapa at gumapang sa ilalim ng kama ko. Nang lumabas siya, may hawak na siyang box ng sapatos na kulay blue na may nakasulat na childhood memories. Teka. Teka... alam ko iyong kahahon na iyon. Nanduon lahat ng mga bagay na iniipon at itinatago ko para maalala ko iyong mga nangyari noong bata pa ako. Pero teka nga ulit. Bakit alam niya na... oo nga pala, mayroon din siyang box na kapareho ng sa akin – kapareho na pinaglalagyan niya rin ng mga bagay-bagay. Umupo siya habang nasa pagitan ng mga hita niya iyong kahon. Umupo rin ako at umusog para malapit ako sa kaniya saka nakitingin. Nacurious kasi ako kung anong ipinaglalalagay ko sa box noong bata pa ako. Parang time capsule tuloy ito kasi alam ko na once na buksan na ni Ate ang kahon, uuulanin ako ng alaala. Nang buksan niya ito, tumabad sa amin ang sangkatutak na papel, na puro drawing at mga pinagkulayan ko, pati iyong mga laruan ko na malilit. May kinuha siyang baby bottle ruon na may laman na mga holen saka ito iniangat. I can't remember kung saan ko iyon nakuha o kung kailan ko siya inipon. "See this?" "Of course, Ate, hindi ako bulag." I rolled my eyes heavenwards dahil napakaewan ng tanong niya. Natural naman kasi na nakikita ko iyon. Anong tingin niya sa akin? Bulag? "Bulag naman sa pag-ibig." Sinimangutan ko na lang siya kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. Hindi rin naman kasi ako bulag sa pag-ibig, ano. "Anyway, hindi mo naaalala iyong childhood hero s***h playmate mo dati?" "Sino?" "Si Pepper! Iyong batang kano! Iyong sobrang cute ng mata kasi itim na itim iyong kulay!" Iniabot niya sa akin iyong bote saka naghalungkat ulit. Tinignan ko ulit ito. Medyo marami nang dumi iyong loob, siguro dahil sa lupa. Well, duh. Ang holen ay nilalaro sa lupa. "Ate--" Magtatanong sana ako, habang nakatungo, kung sino iyong bata kaya lang bigla na naman siyang nagsalita kaya naputol iyong sasabihin ko. "Whoa! Naalala ko ito!" Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa bigla niyang pagtili. Nanglaki ang mga mata ko dahil sa nakita kong hawak niya. Black na underwear na maliit. Pambata siya, siguro eight to ten years old ang puwedeng magsuot nito. "Saan mo nakuha iyan?" I looked at her with disbelief dahil iwinawagayway niya pa talaga iyong brief. "Pati ito, hindi mo matandaan? Hindi mo rin matadaan kung sino nagbigay?" Isang matinding pag-iling lang ang naisagot ko dahil hindi ko talaga matandaan. "Si Pepper nga kasi. Remember those times na pumupunta tayo sa orphanage dahil nagdodonate tayo ng toys, books and mga damit?" That I remember kaya tumango ako. "Duon. Duon natin siya nakilala." "Puwede ba na itago mo na lang iyan, Ate? Mahiya ka nga at nagwawagayway ka pa ng brief." Inilagay ko na iyong bote sa kahon saka tumayo tapos dumiretso ako sa kama saka ibinagsak ang katawan ko ruon. Bakit ko pa pag-aaksayahan ng panahon ang pagrereminisce sa nakaraan? Wala na akong mapapala ruon. Nakaraan na iyon. Nakaraan. Kahit ano pa ang gawin ko, hindi ko na mababalikan iyon. At saka, wala naman akong gustong balikan sa nakaraan ko, ano. Papapikit pa lang sana ako kaya lang bigla siyang tumili nang sobrang lakas kaya napamulat ulit ako. Great. Now I remember how much of a pain in the ears for having her as a sister. "Sis! Heto siya!" Napatingin ako sa kaniya habang nakahiga pa rin. May hawak siyang papel... no. Picture iyon. Tumalon siya sa kama saka tumabi sa akin. Hindi ko rin maintindihan iyong nararamdaman niya at kung bakit ganuon siya kaligalig habang nakatingin sa picture. Para siyang inasinan na bulate. "Look! Ito siya!" aniya sabay turo sa bata na maputi, na may kulay black na buhok – at Amerikano nga ito dahil halata sa mata nito. Hindi ko maalala kung sino si Pepper pero dahil sa mga bagay na ipinakita ni Ate sa akin, parang naging malaki ang parte ng buhay ko, noong bata pa ako, ang kasama iyong lalakeng iyon. Ang rami kasi ng mga bagay na itinago ko na puro duon sa Pepper na iyon galing. Actually, halos lahat ng gamit sa box, sa kaniya galing. Pero bakit Pepper ang pangalan niya? Weird. "Ate," Kinuha ko iyong picture sa kaniya saka tinitigan. Medyo marumi na iyon, dahil siguro ang tagal nang natambak sa kahon. Iyong nasa picture kasi, isang batang babae, which is alam kong ako, at isang batang lalake, na sa tingin ko ay iyong Pepper. Nakangiti kaming dalawa sa picture, nakaakbay rin ito sa akin habang pareho kaming nakapeace sign. Mas malaki ito sa akin. Siguro nasa edad siyam na siya nito at ako naman ay seven years old. "O?" Pinadaanan ko ng daliri ko iyong picture saka nagsalita. "Ang tanda na pala nitong picture?" "Oo, ang tagal na kasi niyan--" "Kasing tanda mo." Itinulak naman niya ako kaya nalaglag ako sa kama. "Makatanda naman ito! Hoy, excuse me, hindi pa ako matanda!" Nagkibit balikat na lang ako habang natawa saka inilagay iyong picture sa kahon kung saan niya iyon kinuha. "Sabi mo, eh." Patuloy lang siya sa pagtalak at paulit-ulit na pagsasabi na bata pa siya pero hindi ko na lang inintindi. Hindi naman na siguro importante kung matandaan ko pa iyong Pepper na iyon dahil parte na lang naman siya ng past ko. Kahit naman alalahanin ko siya nang alalahanin, wala rin namang mangyayari. At saka hindi ko naman na siguro siya makikita – hindi naman na siguro magku-krus ang landas namin kaya why bother thinking about him, right? Pero if ever, if ever na magkita kami or magkausap tapos gusto niya na maging magkaibigan ulit kami, siguro papayag ako since childhood friend ko naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD