-L
Bakit ba ganito? Bakit kailangan pa na iyong mababait ang parusahan? Ang pahirapan? Ang saktan? God, I didn't ask for any of this. Kanina pa parang gusto lumabas ng puso ko mula sa dibdib ko dahil sa pinaghalong kaba at takot.
Terrified, I took a glance at Chase again. Nakaubob pa rin siya sa armchair niya. Kanina ko pa siya kinakalabit pero unresponsive siya. Kanina pa rin ako nakahalata na inaatake na naman siya ng sakit niya kahit pilit niya itong itinatago. Ang lalalim kasi ng paghinga niya.
I scooted my chair a little para mapalapit sa kaniya. Nang makalapit na ako, hinawakan ko iyong kamay niya ng patago. Pinisil ko ito para malaman kung natutulog lang ba siya o ano pero nang pisilin ko ang kamay niya, hindi pa rin siya nagrespond kaya mas lalo akong kinabahan.
God, Chase, why are you making me this damn worried?
Medyo niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya para tumayo at pumunta sana sa prof namin pero naramdaman ko na pinisil niya iyon kaya napatingin ako sa kaniya. Ganuon pa rin iyong ayos niya. Binitawan ko na siya saka tumayo kaya napatingin sa akin ang mga kaklase namin dahil sa ingay ng upuan nang tumayo ako. "Sir, Chase is not feeling well." Napansin ko naman na medyo naging uneasy iyong prof namin. "Samahan ko na po siya sa clinic."
I know na gusto rin akong tulungan ng prof namin pero hindi ito magawa because of my classmates. Baka kasi makahalata sila na may masama na palang nangyayari kay Chase, which is oo, may nangyayari na talaga. Ang gusto ko lang na tumatak sa isip nila, hindi malubha ang sakit nito dahil ayaw niya mangyari iyon; ayaw niyang kaawaan siya ng mga classmate namin. We really have to be careful with our moves kasi baka malaman nila iyong lagay niya. Alam na rin pala ng mga school personnel at profs namin na alam ko na iyong condition niya. Iyon pala iyong bagay na hindi nila masabi-sabi sa akin kahit na ano pa ang gawin kong pagtatanong.
"Please do."
Kahit nahihirapan, inalalayan ko si Chase. Nag-offer iyong boys na tulungan ako pero I didn't accept their offer. Hindi naman rin siya ganuon kabigat due to his condition kaya naalalayan ko pa siya.
On our way to the clinic, nakita ko si Dylan. Humingi na ako ng tulong sa kaniya dahil medyo nahihirapan na ako sa pag-akay sa kaibigan ko. Nagpapawis na rin ako dahil sobrang init talaga nito tapos dikit na dikit pa balat namin. At first, ayaw niya pa akong tulungan dahil kaagaw niya raw si Chase sa akin pero napakiusapan ko naman siya. Buti sana kung totoong inaagaw ako sa kaniya.
--
"Hey," Dahan-dahan kong isinara iyong pinto ng room ni Chase pagkapasok ko.
Napatingin siya sa akin at tinapunan ako ng ngiti-- isang pilit na ngiti.
Seeing Chase's smile, his faint smile, is the reason why my heart breaks into a million tiny pieces. Like the one I'm seeing right now; basag na basag na naman ang puso ko. Ang sakit. Ang hirap. Kapag ngumingiti kasi siya ng ganiyan, sa rami ng beses naming magkasama, alam ko na ang ibig-sabihin.
His condition worsen kanina nang atakihin siya so nagsuggest iyong nurse ng clinic na dalahin na siya rito sa hospital kaya tinawagan ko kanina si Tito to tell him that Chase badly needs to get into a hospital asap. I didn't bother calling Tita dahil alam kong magfifreak out ito at hindi makakausap ng maayos dahil nga sa kalagayan ng anak nila. Nahirapan pa nga na umakting si Chase na parang walang nangyayaring masama makalabas lang kami sa campus. Mahirap na kasi na maraming makaalam sa lagay niya. And his parents doesn't really want the students to know na may sakit siya-- even him, ayaw niya rin na may makaalam.
Napatingin ako sa gawi ni Tito, na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit sa gilid ng kama ni Chase. Tumingin siya sa akin saka ngumiti ng bahagya.
Lahat kami, sobrang nahihirapan-- emotionally and mentally that is. Kung puwede lang talaga namin alisin ang ibang nagpapahirap kay Chase, malamang ginawa na namin. Ayaw na ayaw kasi namin na nakikitang nahihirapan siya nang dahil sa sakit niya. Masyadong masakit para sa amin, sa akin.
"Bakit dumiretso ka kaagad rito?" Sumimangot si Chase saka iniangat ang kumot hanggang sa matakpan na nito mula paa hanggang leeg niya. "Look at you; hindi ka man lang nagpalit ng mga gamit."
Yeah, hindi pa ako umuuwi. Dumiretso kasi ako rito pagkatapos ng klase namin kanina. Dapat nga kasama ako nang isugod siya rito matapos siyang maisakay sa taxi kasama ng nurse kaso hindi niya ako pinayagan pati nuong nurse. May klase pa raw kasi ako na dapat kong puntahan. As if naman na makakapagconcentrate ako kung ganito ang nangyayari sa kaniya, hindi ba?
"Wala lang. Trip ko lang." Lumapit ako kay Tito matapos ko dumila kay Chase para maasar ito. At success dahil bago pa man ako pumihit paharap kay Tito, inikutan niya ako ng mata. "Good afternoon po, Tito." nakangiting bati ko rito saka ko inilapag iyong bag ko sa sofa. Binati naman ako nito pabalik. "Nasaan po si Tita?" Wala kasi si Tita rito, hindi ko makita. Knowing her? Hindi iyon aalis sa tabi ni Chase kapag inatake ng sakit ang anak niya. Iba talaga magmahal ang isang ina.
"May kinuha lang na mga gamit sa bahay." nakangiting sagot niya. Tumingin siya kay Chase pagkasara niya ng zipper nuong bag na inaayos niya. "Chase,"
Napatigil naman ito sa pagsscan ng channel sa tv saka nilingon si Tito. "Po?" Napangiti ako ng patago dahil sa way ng pagtugon niya kina Tito. Kahit kasi maldito siya at medyo nasagot kina Tita, sa paraang hindi nakakabastos, sobrang galang niya pa rin. Isa iyon sa nagpabilib sa akin dahil bihira akong makakilala ng ganitong klase ng lalake.
"Maiwan ko muna kayo saglit rito. Susundan ko lang mama mo." Tumingin si Tito sa akin saka ako tinapik ng marahan sa ulo. Para tuloy akong tuta. "Hija, can you look after my son for--"
"Pa, hindi naman na po ako bata." biglang extra ni Chase kaya hindi natapos ni Tito iyong sinasabi niya kanina.
"Shh!" suway ko rito. Sinamaan ako nito ng tingin tapos tumingin na lang sa tv. Napailing na lang ako sa inakto nito saka tiningnan si Tito. "Don't worry po; babantayan ko siya." nakangiting tugon ko sa kaniya. Kahit naman kasi hindi niya ipakiusap o hilingin, babantayan ko pa rin ang kaibigan ko. Hindi pa rin ako aalis sa tabi nito dahil natatakot ako na baka kapag wala ako sa tabi niya, hindi ko malaman ang lagay niya.
"Thank you, Hija. Sandali lang naman ako. Babalik rin kaagad ako."
Pinaalalahanan muna kami ni Tito ng kung ano-ano saka siya tuluyang umalis. Hindi tuloy maalis sa akin na ikumpara ang pamilyang mayroon kami ni Chase; sobrang magkaparehas.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa saka nilapitan iyong isang upuan sa paanan ng kama niya. Kinuha ko iyon tapos hinila patabi sa kaniya saka ko iyon inupuan. "Ano? Are you feeling well?"
"Kapag sinabi ko ba na okay lang ako, maniniwala ka?" sagot niya, sadness evident in his voice. Humiga siya saka tumingin sa kisame. "Bakit kasi ako pa?" bulong niya habang nakapikit saka niya itinalukbong iyong kumot sa buong katawan niya.
I'm trying hard not to cry after hearing his answer; I'm trying hard not to produce any sobs; I'm trying hard not to look at him while in this condition but I can't. He's like a magnet and I'm the metal.
I'm so damn attracted.
Bawat salita niyang sobrang lungkot, parang pinipiga ang puso ko. Iyong sakit na nararamdaman niya, nararamdaman ko rin-- parang doble o triple pa nga yata. Sa bawat paghihirap niya, nahihirapan din ako. Kahit masakit at mahirap, okay lang na siya iyong minahal ko. Basta para kay Chase, kakayanin ko lahat ng hirap at sakit.
Itinaas ko ng kaonti iyong kumot saka ipinasok ang ulo ko ruon at tinignan siya. Gising siya at mukhang ang lalim ng iniisip habang nakatingin ng diretso.
May naisip akong gawin nang maalala ko ang isang bagay na ipinanuod sa akin ni Tita ng patago noon. Kaya kahit hindi ako ganuon kabihasa sa gagawin kong ito, gagawin ko pa rin dahil may gusto akong iparating kay Chase.
"Itong awiting ito," Napatingin siya sa akin sa biglaan kong pagkanta. "Ay alay sa iyo." Nginitian ko siya saka ko itinuloy iyong pagkanta. "Sintonado man itong mga pangako sa iyo. Ang gusto ko lamang... kasama kang... tumanda."
Habang kumakanta, inaalala ko iyong video na kinunan ng palihim ni Tita si Chase. Sa video, kitang-kita kung paano kumanta si Chase kahit pa wala sa tono. Nakatutok lang siya sa laptop niya habang nakaheadset. At ang kantang kinakanta ko ang kinanta niya sa video.
Itinuloy ko lang ang pagkanta kahit pa medyo nahihirapan ako dahil nga sa bumabara sa lalamunan ko pati na rin sa ilong ko. Tuloy-tuloy na rin sa pagtulo ang luha ko pero hindi ko na iyon pinunasan. Bakit ko pa pupunasan kung tutulo at tutulo pa rin naman ang mga iyon? Wala rin sense.
Thinking that he will be gone, nahihirapan na kaagad ako huminga. Nasusuffocate ako sa mga bagay na umiikot sa utak ko, sa isip ko, sa puso ko. Hindi ito basta awa lang. Matindi na talaga nararamdaman ko para sa kaniya kaya kaonting kibot lng na patungkol sa kaniya, iba na epekto sa nararamdaman ko. Ayoko man ikumpara pero mas matindi pa siguro ito sa naramdaman ko noon kay Robi.
Habang nakanta, ipinatong niya iyong kamay niya sa ulo ko then he started caressing it. And what broke my sanity was when I saw him crying while smiling faintly.
Sumabay siya sa pagkanta ko habang nakatingin kami sa mata ng isa't-isa. Umupo ako sa gilid ng kama saka ko pinunasan ang pisngi niya gamit iyong thumb ko.
"Don't cry." pakiusap ko sa kaniya. Nahihirapan na kasi akong pigilin ang sarili ko sa pagbe-break down. Nasasaktan ako sa bawat tulo ng luha niya.
"Dummy." pabirong sinabi niya saka niya pinaraanan ng hinlalaki niya ang basang pisngi ko. "Ikaw iyong umiiyak."
Sinimangutan ko siya kaya napatawa siya ng mahina. Hinayaan ko na lang rin na nakatalukbong kami. Nagscoot ako papalapit sa kaniya saka ko hinaplos iyong buhok niya kaso napatigil rin kaagad ako. "Chase..." Gamit iyong isa kong kamay, naitakip ko iyon sa bibig ko.
"Malapit na ako." nakangiting tugon niya habang patuloy pa rin sa pag-agos ang luha niya. Kahit halatang nanghihina, hinila niya ako palapit sa kaniya saka ako niyakap.
Iyong buhok niya... hawak ko iyong buhok niya. Nalalagas na iyong buhok niya.
Gusto kong tumayo at magsabi kaagad sa doctor. Hindi ako napakali kaya ang ginawa ko, ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya dahil alam ko sa sarili ko na kailangan ko si Chase para hindi ako masiraan ng bait dala ng takot. "No, Chase. No. Hindi pa. Hindi pa puwede." matigas na pagkakasabi ko, na parang hindi man lang ako umiyak. Alam ko kasi na kapag nagpakita ako ng kahinaan, mas lalong manghihina ang loob niya and I really don't want that to happen.
Obviously, I'm already showing him my weakness pero I need to show him that I'm trying to be strong for the both of us. Baka sakali kasing mahawaan siya.
"I'm sorry." Hinaplos niya iyong likod ko gamit ang isang kamay tapos iyong isa naman ay hawak ang likod ng ulo ko. "Hindi ko naman ito ginusto. Hindi ko gustong saktan ka nang papasukin kita sa buhay ko. Hindi ko naman gustong manakit ng kaibigan. I'm sorry, L."
Iyong pagiging matigas ko, biglang nawala at bigla akong nanglambot. At mas lalo akong napaiyak sa salita na binitawan niya.
Kaibigan.
Ako lang naman itong naghahangad. At ang tanga-tanga-tanga ko. Clearly, hindi gusto ni Chase ng karelasyon o kaya... may iba siyang gusto.
Danelle.
Siya ba? Gusto ko siyang tanungin kaso may possibility na malaman niya na mahal ko siya, na gusto ko siya. Hindi naman ako magtatanong ng bagay na masyadong pribado, tulad ng love life niya, kung hindi ko siya gusto o mahal, hindi ba?
Friends support their friend's love life, not interrogate them about it.
I just want to know who is the girl that he likes.
--
"Miss," Narinig kong sabi ng isang boses. Boses ng babae tapos may ilang pagkalabit rin akong nararamdaman hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang pagkalabit nito sa balikat ko.
"Hoy, L." This time, pagtapik naman sa pisngi ko ang naramdaman ko kaya nagmulat na ako ng mga mata. Wala na. Sira na tulog ko.
Iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakaubob sa kama. Napatingin ako kaagad sa bintana pagkaangat ko ng ulo ko. Gabi pa pala? Napatingin naman ako sa tumawag ulit sa akin saka humikab. Nurse pala ito. "Po?"
"Nasaan iyong guardian ng patient?"
"Ah, umuwi lang saglit." Napatingin ako kay Chase kasi siya iyong sumagot. "May kinuha lang sandali."
"Okay." Ngumiti iyong nurse sabay sara nuong malaking record book yata iyon na hawak niya. I don't know what that is pero mukhang tama ako. "Pakiinform na lang sa nurse's station if ever na dumating na sila." Tumango na lang kami ni Chase as an answer saka lumabas iyong nurse.
"Anong oras na?" tanong ko matapos ko humikab. Napakusot na lang rin ako ng talukap ng mga mata ko dala ng sobrang antok.
"9PM na."
"Isang oras pa lang tulog ko?" Tumango siya. Napabuntong-hininga na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa. "Nasaan sina si Tita?"
Bumuntong-hininga siya bago sumagot. "Wala pa."
"Kumain ka na ba?" Hindi ko kasi alam kaya itinanong ko. Ako nga, hindi pa. Baka nagugutom na rin siya at nahihiya lang magsabi sa akin. Nakatulog kasi ako kanina, nakakainis. Edi sana naasikaso ko na ang pagkain namin.
Hindi siya sumagot tapos tumingin lang ruon sa table sa gilid ng kama kaya napatingin rin ako duon. May tray ng pagkain. "Ayoko niyan." Nabalik ang tingin ko sa kaniya nang bigla siyang nagsalita ulit. "Walang lasa. Nakakasawa na pagkain rito sa hospital." Sumimangot siya sabay hapit ng kumot patakip hanggang sa dibdib niya.
Nakaramdam ako ng matinding lungkot pero hindi ko ipinahalata. Pakiramdam ko kasi, kaya sawang-sawa na siya sa hospital foods kasi halos naging tirahan niya na ang hospital dahil sa sakit niya. Kahit naman ako, mawawalan rin ng gana. Knowing how hospital food tastes? Hindi ko rin kakayanin. Alam ko na para rin sa pasyente ang mga pagkain rito pero kung tatanggalan nila ng lasa, para iiwas ang mga pasyente sa mga bawal sa kanila, majority talaga ng mga pasyente, aayaw sa pagkaing inihahanda nila.
"Wait," Tumayo ako kaya napatingin siya sa akin. Nagkaroon kasi ako ng urge na huwag na siyang pakainin ng hospital food. "Bibili ako ng pagkain natin."
"N-No. Huwag na. Huwag ka na lumabas. Kakainin ko na lang iyong--" Kikilos sana siya pero hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at marahan na inihiga siya sa kama.
"Stay ka lang muna rito."
"As if naman na makakaalis ako rito." sarcastic na sagot niya na may kasama pang pag-irap. May sakit na't lahat-lahat, nakukuha niya pa rin talagang maging sarcastic? Ibang klase.
"Kotongan kita, eh." banta ko sabay talikod sa kaniya. "Kung hindi lang kita mahal, baliw ka." bulong ko saka lumabas na sa kwarto. Pagkabukas ng elevator na sasakyan ko pababa, nakita ko si Danelle ruon. Now what is she doing here?
Oh, I forgot. She's Chase's friend. Malamang si Chase ang ipinunta niya rito.
"Hi." bati niya sa akin na nakangiti.
"H-Hello." Pumasok ako sa loob ng elevator. Hindi ko naman maipress iyong button para makababa ako sa ground floor kasi nasa loob pa rin siya. Bakit nandito pa rin siya sa loob? Seriously speaking, I'm feeling awkward whenever she's around. Siguro kasi ang lakas ng pakiramdam ko na may gusto siya kay Chase. I don't know.
"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin habang nakangiti. Nakukuha niya pa talagang ngumiti gayong nakaratay nga si Chase rito sa hospital? Ayos, ha?
"Bibili ng pagkain namin ni Chase. Ikaw? Dadalawin mo siya?"
Tumango siya tapos pinress iyong ground floor button kaya sumara na iyong pinto ng elevator. "Yeah, dadalawin ko. Samahan na kita bumili ng pagkain niyo para sabay na tayong pumunta ruon."
Naiilang man, pumayag na ako kasi nakakahiya naman kung hindi ko pa siya pasasamahin, eh, nag-insist siya. Hindi niya ba maramdaman na ayoko sa kaniya kasi siya ang mitsa ng pagseselos ko palagi?
Alam ko, alam ko. Alam ko naman na hindi dapat ako mainis sa kaniya dahil lang sa nagseselos ako, na hindi dapat ako maging bitchy sa kaniya kasi wala naman siyang ginagawa bukod sa pagiging mabait sa akin. Ano ba naman kasi karapatan ko, right? Kaibigan lang ako. Pero kasi hindi ko maiwasang mainis sa kaniya. Kahit wala naman siyang ginagawa sa akin, kahit na sobrang bait niya sa akin, naiinis pa rin ako sa kaniya dahil close sila ng taong gusto ko.
Gusto ko tuloy magwala. Gusto kong magsisisigaw at magtantrum dahil sa sakit ni Chase at dahil sa pagseselos ko kay Danelle. Pero hindi ko naman magawa, at wala akong balak gawin dahil ayoko magmukhang tanga.
Pagkabili namin ng pagkain, bumalik na kami sa hospital. On the way back, salita siya nang salita. Ang rami niyang sinasabi tungkol kay Chase. Nagseselos na talaga ako ng sobra. Ang rami niyang alam tungkol rito. Ako? Ano ano ba mga alam ko sa lalakeng iyon? Iyong mga simple and obvious things lang. Siya? Mukhang iyong mga simple yet important things, alam na alam niya.
Nang makapasok si Danelle sa kwarto, napatingin sa amin si Chase. At nang makita siya nito, sobrang saya Chase. Hindi niya itinago iyong saya niya tapos iyong aura niya pa, sobrang nagliwanag.
Is it really Danelle?
Niyaya ko na kumain si Danelle pero tumanggi siya at sinabing kakakain niya lang bago siya pumunta rito kaya kami na lang ni Chase ang kumain. Nagbayad pa man rin ako ng extra para sana sa kaniya pero hindi bale na; kakainin ko na lang mga ito mamaya.
"L, can we talk?" Natigilan ako sa pag-aayos ng pinagkainan namin pero itinuloy ko rin kaagad iyon.
"Sure. Wait lang." Iniayos ko muna sa table sa gilid ni Chase iyong mga pinagkainan namin para maitapon ko ang mga iyon mamaya.
"O, saan kayo pupunta?" tanong ni Chase habang nagbabrowse ng channel sa tv.
"Wala ka na duon, panget. Maggigirl's talk kami, ano. Bakit? Sali ka?"
"Ewan ko sa iyo. Ibalik mo rito si L, ha?"
"Whatever, possessive Chase." Hinawakan ako ni Danelle sa braso kaya napatingin ako sa kaniya. "Let's go. Mahawa ka pa ng kapangitan niyan ni Chase." nakangiting sinabi niya sa akin.
Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa mini garden ng hospital at pinaupo niya ako sa isang bench ruon at siya naman sa gilid na bench umupo.
"Danelle," Napatingin siya sa akin. "Anong pag-uusapan natin?"
Hindi ko kasi siya maintindihan. Bakit niya ako yayayain na mag-usap? At anong pag-uusapan namin? Pero malamang, tungkol kay Chase. Alangan naman na kausapin niya ako para lang kumustahin iyong pag-aaral ko, hindi ba?
"It's about Chase." nakangiting sagot niya.
Thought so.
Heto na ba iyon? Palalayuin niya ako kay Chase kasi nagseselos rin siya? Hindi puwede. Gusto ko rin ang lalakeng gusto niya. No. Mahal. Mahal ko si Chase kaya hindi ko siya susundin kung palalayuin niya ako dahil lang nagseselos siya. Aba, ako nga nagseselos rin pero pinalalayo ko ba siya? Hindi naman, hindi ba? Kahit gusto ko na siyang sipain paalis sa planetang ito, hindi ko ginawa dahil nirerespeto ko pa rin siya dahil kaibigan siya ni Chase.
"Anong mayroon kay Chase?" Itinago ko muna iyong gigil ko dahil sa mga naiisip ko. Ayoko naman na masabihan ako na warfreak o amazona, ano. Malamang kasi magagalit sa akin si Chase kapag pinagsalitaan o sinaktan ko itong kaibigan niya.
"Gusto mo ba siya?"
Heto na. Ang seryoso niya.
"Gusto. Siyempre, kaibigan ko siya." Tignan natin kung may makuha kang sagot sa akin. I know what she's doing. She's fishing for answer to her question.
"No. I mean, gusto as in... gusto."
Parang... ang ipinaparating niya, kung mahal ko si Chase. Magkaiba ang gusto sa mahal, hindi ba? Kapag sinabi mong gusto, may mga nakita kang kakaibang bagay sa tao kaya mo siya nagustuhan. Kung mahal naman, katulad nga ng definition ko rito: tulad ng tubig, mahirap ipaliwanag kung ano ang lasa. Sa pagmamahal naman, mahirap ipaliwanag dahil mamahalin mo iyong tao sa hindi malamang kadahilanan. Hindi maidefine kung bakit masarap; kung bakit masaya. Basta mo na lang iyon mararamdaman.
Teka. Ang gulo na ng utak ko.
"Bakit mo itinatanong?"
"Wala lang." mahinang tugon niya sabay tingin sa langit tapos bumuntong-hininga. "I like him. That's a fact. Pero alam ko na hindi siya sasaya sa akin." Tinignan na niya ako. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hindi niya ba nakita kung paano nagliwanag ang aura ni Chase nang makita siya? "Can you do me a favor?"
"Ha? Ano?" Kahit naman kasi gusto niya si Chase, pagbibigyan ko iyong hiling niya-- pwera na lang kung bitawan ko si Chase. Anything but that.
"Gusto mo man si Chase o hindi, please, don't leave him. Take care of him. Ituloy mo lang iyang ginagawa mo." Tumayo siya tapos inipit iyong buhok niya sa likod ng tanga niya nang biglang hanginin iyon. "Sige na," Tumingin siya sa akin habang nakangiti. "Magpapaalam na ako kay Chase. Bumisita lang naman ako para kausapin ka." Hindi pa man din ako nakakasagot, bigla na lang siyang naglakad hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
She's... she's brave. I never knew na ganuon niya lang kadaling nasabi ang mga iyon kahit na alam niyang alam ko na masasaktan siya. Now I admire her guts. Ang hirap kaya ipaalam sa iba na gusto mo iyong isang tao. Sino ba ang hindi masasaktan kapag pinakawalan mo iyong taong gusto mo? She's really brave.
Bumuntong-hininga muna ako bago tumayo tapos naglakad na pabalik sa kwarto ni Chase.
No matter what, I'll make Chase happy.
Sana talaga... sana... sana gumaling siya.