-L
They say that falling in love with someone is like breathing air; hindi mo kayang pigilan.
True enough. Pero kapag masamang hangin na ang nalalanghap mo, you should look somewhere else na makakalanghap ka ulit ng sariwang hangin. Like in relationships. Bakit mo pa hahayaan na magstay sa isang relasyon kung nakakasama na iyon sa iyo at bakit hindi ka na lang humanap ng panibago na mas makabubuti para sa iyo?
I don't know how to measure love pero mas maging meaningful yata ang nakasama ko si Chase kaysa sa relationship ko rati with Robi. And I'm not staying beside him just because I pity him. I'm staying by his side because I love him.
Kahit pa hanggang magkaibigan lang iyong relationship namin, kahit pa masamang hangin ang nalalanghap ko sa relasyon na mayroon kami ni Chase, hindi ko pa rin kaya na umalis para humanap ng mas sariwang hangin. Ewan ko ba. Siguro kaya ko nasabi na mas meaningful iyong sa amin ni Chase ay dahil sa rami ng trials na pinagdaraanan namin in a short span of time kaysa sa relationship namin ni Robi dati. Noong kami pa kasi ni Robi, mas lamang talaga ang saya kaysa sa galit, gulo pati sakit. I don't even know kung dapat ko ba iweigh kung ano ang mas matimbang. Parang ang mali lang.
Best friends.
Hanggang diyan lang naman ang magiging relasyon namin ni Chase so it really isn't right to weigh both things. Nagtatalo na rin ang isip at puso ko dahil sa narinig kong balita from him. Ewan ko. Naguguluhan ako. Sobra.
He's not allowed to attend school anymore.
May parte ng utak ko na sinasabing okay lang since it's for his sake naman. Plus, the chance of having news about his condition spreading throughout the students in school will lessen. Pero iyong isang iniisip ko naman... paano ako? Hindi ko na siya makakasama. I know it's selfish at makakasama sa kaniya pero... gusto ko na nanduon siya, sa school, pumapasok, nakatabi sa akin, kasama ko.
Sumama kaya ako sa kaniya? Kapag... nawala na siya? The feelings that I have for him scares me. Hindi ko kasi maiwasan na hindi isiping sumama sa kaniya kapag iniwan niya kami. Kaya nakakatakot... sobra. No one has ever made me felt this way and I don't know how to handle thoughts like this. Ang hirap niya itulak paalis sa sistema ko kasi kahit ako, mahirap man tanggapin, alam ko na eventually, iiwan rin kami ni Chase.
Just the thought of him leaving kills me.
I know it's so damn stupid for me to even think about this pero wala, eh. Ayokong lokohin ang sarili ko pati na ang mga tao sa paligid ko na may alam sa kalagayan niya. Ayoko nang umasa. I'll just face reality head on. Chase will eventually leave me. Hindi niya man gustuhin, iiwanan niya ako. Halatang any day from now, o baka nga hours na lang ay hindi na niya kayanin. Baka bumigay na ang katawan niya.
I stopped brushing my teeth tapos ipinatong ko iyong dalawang kamay ko sa sink while still holding my toothbrush. Tumingin ako sa babaeng nakatayo sa harap ko-- ang repleksyon ko sa salamin. Pumikit ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "L, be strong. Chase needs you. Kailangan niya ng kaibigan lalo na sa oras na ito."
Masokista ako, alam ko. Alam ko naman na masasaktan ako sa sasabihin ko pero sinabi ko pa rin, sa sarili ko pa. Pero kung kailangan ko sabihin sa sarili ko iyon para matauhan ako, then I will. Pakiramdam ko nga, dapat ko nang alisin ang nararamdaman ko para sa kaniya. I need to get it out of my system kasi tatlo ang magiging effect ng pagmomove on ko; I wouldn't get hurt kapag nireject niya ako if ever, he wouldn't have to be bothered dahil may gusto ako sa kaniya at higit sa lahat, hindi half-assed ang pagsuporta ko sa kaniya dahil wala akong itinatagong feelings. Masuportahan ko man siya, out of love iyon dahil magkaibigan kami at walang hidden meaning.
I fished out my phone from my pocket then sat at the toilet as I put down its cover. "L, tigilan mo ako." Nakita ko ang paglapit ng video kay Chase na nagsusulat. "Tsk. L, ano ba? Huwag kang makulit." Sumama ang tingin niya sabay takip sa camera ng cell phone.
Pinanunuod ko kasi ang isa sa videos na nakalagay sa cell phone ko; videos na puro kami lang ni Chase ang laman. Kulitan, harutan, kalokohan pati iyong mga simpleng pagkain at pagtambay namin, talagang vinideohan ko kasi alam ko na iiwanan niya rin ako. At gusto ko ng remembrance. Gusto kong itaga sa isip ko na may Chase Mendoza na dumating sa buhay ko, na may Chase Mendoza na nagpasaya ulit sa akin, na may Chase Mendoza na pinaliwanag ulit ang buhay ko.
Na may Chase Mendoza na minahal ko.
"Sis?" Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto ng banyo kaya napatakip ako sa bibig ko para kahit papaano ay mapahina ko ang tunog ng pag-iyak ko. "Sis, open up!" Patuloy lang siya sa pagkatok. Ilang sandali lang, nawala iyong pagkatok at pagtawag niya sa akin. Ang buong akala ko ay umalis na siya pero mali ako. "Ya, nasaan po iyong susi sa banyo ni L?!" pasigaw na tanong ni Ate. "Sis, please don't do anything stupid." mahinang pakiusap niya matapos niya kumatok at kasunod nuon ay narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ko.
Nahihirapan akong huminga dahil sa pag-iyak ko. Nahihirapan akong pigilan ang pag-iyak ko dahil sa patuloy na panunuod ko sa mga video namin ni Chase. Alam kong masakit kapag ipinagpatuloy ko ito pero I want to drench myself with these videos, the memories that these videos keep. Tumayo ako at pinilit kong isiksik ang sarili ko sa sulok ng banyo ko.
"Chase, huwag mo akong iwan..." pakiusap ko sa imahe ni Chase nang ipause ko iyong video. Sakto nang ipause ko ito, ang imahe niya na nakangiti habang nakatingin sa camera ito huminto.
Nahihirapan akong huminga. Nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin para mabawasan ang paghihirap niya. Ayoko pa siyang umalis. Ayoko pa na iwan niya ako. I don't want to lose him. There are so many things na gustong-gusto ko gawin kasama siya pero paano ko magagawa iyon kung any time, puwede na siyang bawiin sa amin? I want us to grow old together pero paano? Ano ba ang dapat kong gawin para lang magtagal pa siya sa amin?
God, please... please let him live. Huwag Niyo po muna siyang bawiin sa amin, please.
Biglang bumukas iyong pinto kaya napaangat ang ulo ko. Iniluwa nuon si Ate pati si Yaya. Hindi ko man masyado makita ang expression ng mukha nila dahil sa mga luhang nag-uunahan bumagsak, alam kong nag-aalala at nasasaktan sila dahil sa itsura ko ngayon.
"Sis..."
Ngumiti lang ako kahit pa patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko. "Ayoko mawala si Chase, Ate." Kasabay ng pagkakasabi ko nuon, nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit nang makatabi na siya sa akin.
"Shh." pagpapatahan nito sa akin. Hinagod niya iyong likod ko gamit ang isa niyang kamay tapos iyong isa naman ay ginamit niya para mailagay iyong ulo ko sa leeg niya. "Tahan na. Everything is going to be alright, L."
Yeah, I do hope that everything would be alright.
--
Nandito ako ngayon sa maliit na playground na hindi kalayuan sa school namin. May swing kasi rito kaya tumambay muna ako at hindi pumasok. Ano pa ba ang gagawin ko sa school kung lutang lang rin naman ang utak ko? Wala rin akong maipapasok na turo ng mga prof sa utak ko so why waste my time sitting in school kung puwede ko naman ipagpahinga kahit papaano ang isip ko? Gusto ko naman na kahit papaano, makahinga ako sa mga bagay na sumasakal sa akin.
Wala pa iyong mga bata na palaging narito since may pasok pa ang mga ito. Kapag hapon na kasi ako nakakauwi because of school, may mga bata akong nakikita na naglalaro dito pero ngayon, wala.
Out of the blue, I suddenly missed someone kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. Sa mga ganitong oras kasi, imposibleng hindi ko siya kasama kaya miss na miss ko na siya.
I miss Leigh.
Best friend ko siya since high school. Wala pa si Robi sa buhay ko, nasa tabi ko na siya. Sa lahat ng mga ginagawa ko, lagi ko siyang kasama. Inseperateable kami. Kapag may umaway sa isa sa amin, susugurin ng isa. Nagiging kawawa man ako kapag hindi niya nagagawa ang project niya, kasi ako ang gumagawa, mahal ko pa rin siya. Mag-away man kami, hindi namin pinalalagpas iyong araw nang hindi kami nagkakabati.
Pero nasaan siya ngayon? Anong nangyari sa amin? Nang dahil lang sa lalake, nagkagulo na kami? Hindi kami ganuon.
Nang iangat ko ang ulo ko mula sa pagkakatungo, I saw a bunch of guys walking and among them is Robi. Bago ko pa man itungo ulit ang ulo ko para hindi niya ako makilala, napatingin na siya sa gawi ko at napatigil sa pakikipagtawanan sa mga kasama niya.
Please, Robi, huwag kang lalapit rito.
Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko gamit iyong panyo ko tapos tumayo ako mula sa swing. Gusto ko munang lumayo. Ayokong makita ako ni Robi na nasasaktan dahil pakiramdam ko, may nararamdaman pa rin siya sa akin.
Bago pa man ako makapaglakad palayo, tumakbo na siya papalapit sa akin tapos hinawakan iyong braso ko.
Ang kulit mo naman, Robi, eh.
"L, bakit ka umiiyak?" Iniharap niya ako sa kaniya and I can see that he is still concern.
"W-Wala." Once again, may pumatak na luha kaya pinunasan ko kaagad iyon ng panyo ko. Augh. Tears, why do you keep on falling? Ang hirap niyo naman pigilan.
Tumingin siya sa mga lalakeng kasama niya, na napatigil at nakatingin sa amin. "Una na kayo!"
"Muling ibalik na ba iyan?!" sigaw ng isa sa mga lalake, na sinundan ng pagtawa ng iba pa.
Napakunot ang noo ko nang tignan ko iyong isang sumigaw. Ano? Muling ibalik?
"Siraulo! Mauna na kayo!" Hinila niya ako tapos pinaupo sa isang bench. "Bakit ka umiiyak?" Gamit ang peripheral vision ko, nakita ko na kinuha niya iyong panyo sa frontpocket niya tapos pinunasan ang luha ko gamit ito.
"W-Wala. Namatay lang kasi iyong bida sa pinanunuod kong palabas." pagdadahilan ko saka ko kinagat ang pang-ibabang labi ko. Wow. Where did I get that stupid, lame excuse? Si Robi ito. Kilala ako nito. Bakit pa ba ako nagsinungaling? Kailan pa ako natutong magsinungaling?
Ah, matagal na pala. Matagal na akong nagsisinungaling; sa mga kaklase ko, sa mga kaibigan ko na nagtatanong tungkol kay Chase, pati kay Chase mismo. Simula nang magkagusto ako sa lalakeng iyon, naging sinungaling na ako dahil sinasabi ko rito na gusto ko siya kasi kaibigan ko siya pero iba talaga ang meaning ng gusto ko.
Kasi mahal ko siya. Hindi ko siya gusto, mahal ko siya.
"L, you're lying."
Of course. Hindi siya si Robi kung hindi niya masasabi if I'm lying or not.
"I miss Leigh." pag-anim ko kasabay ng paghikbi ko.
There's no point in hiding why I'm crying. Yeah, partly, Leigh is the reason why I'm crying pero mas accurate na dahilan iyong tungkol kay Chase dahil habang iniisip ko si Leigh, sumasagi rin sa isip ko ang kalagayan ni Chase.
I'm sensitive kaya hindi ko ibinlurt out iyong kay Chase. Hindi naman sa assuming pero ayoko lang na masaktan si Robi kapag sinabi ko na may part ang lalakeng iyon kung bakit ako naiyak. Mabuti na ang maingat para walang masaktan. There's still a chance kasi na he still haven't moved on.
Tumayo siya tapos naupo sa harapan ko, sa damuhan. Bumuntong-hininga siya then played with the grass. "Sorry. I'm sorry, L. I'm really, really sorry. I'm the reason why you and Leigh had a fight that day."
"No." Hinawakan ko ang tuktok ng ulo niya kaya napaangat iyong tingin niya at tinignan ako sa mata. Hindi ako naiilang kasi me and him had a hobby way back then when we were still a couple - staring into each other's eyes. Hindi na nga siguro mawawala sa siste ko ang mga hobby namin na iyon. Kumbaga, imprinted na ito sa pagkatao ko. "Actually, mas okay nga na nag-away kami dati. Kasi kung hindi, hindi ko malalaman iyong mga hinanakit sa akin ni Leigh." Ngumiti ako pero pilit. "Never blame yourself dahil nag-away kami."
"But still--"
"Robi," Tumawa ako pero mahina lang. "I said it's okay." Tumayo ako then offered my hands to him. Kinuha naman niya iyon tapos hinila ko siya patayo. "Sige na," Ginulo ko ang buhok niya pagkatapos ko bumitaw sa kaniya. "I'll just go to her, say sorry then ask her if puwede pa ba kami maging magkaibigan. Ayoko kasi ng--" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin.
"I missed you."
He's still not over me. Now... I'm sure.
I snaked my arms around his waist saka inamoy ang pabango niya. Yeah. I did miss his presence too. "I missed you, too."
"L."
Napasimangot naman ako nang sabihin niya iyon. I know the fact na hindi iyon ang pangalan ko kung hindi he's saying that he loves me. He still loves me. Kumalas naman ako sa yakap then faced him. Nginitian ko siya bago ko pinitik ang noo niya. "I thought I already told you to move on?"
"I know." Sumimangot siya tapos ginulo iyong buhok ko nang ibalik niya ang ngiti niya, pero pilit na ngiti naman. Alam ko. "Ang hot mo kasi. Ang hirap mong kalimutan." pabirong sinabi niya kaya nakotongan ko.
I missed Robi, true. I missed this side of him-- the funny one. He's really special for me. Well he's the first guy I ever loved kaya espesyal pa rin siya para sa akin.
"Sira. Bye na nga."
Tama. Pupuntahan ko si Leigh para makipag-ayos. Wala naman kasi ito sa school kanina so alam ko na hindi ito pumasok. I want her back at hindi kami magkakaayos kung hindi kami makakapag-usap ng maayos. Nakapag-usap nga kami noon pero nabulag siya dala ng matinding galit at inggit sa akin kaya ngayon, kahit bulag pa rin siya, hindi ko siya titigilan.
Nandito na ako sa harap ng bahay niya. Looking up at her window na nakabukas, pumulot ako ng maliit na bato tapos binato iyong bintana niya. Ang kaso, hindi tumama sa glass kaya pumulot ulit ako at binato iyon. This time, pumasok na sa loob.
"Hoy!" Bigla siyang dumungaw tapos tumingin kung nasaan ako. "Taranta..." Iyong galit na mukha niya, napalitan ng lungkot.
Pinakitaan ko siya ng pilit na ngiti tapos dahan-dahan siyang umatras kaya nawala na siya sa paningin ko. Napabuntong-hininga ako. So she's still mad, huh? Well, I really can't blame her. Mali naman kasi ako. Sobrang nagkamali ako. I wouldn't even be surprised kung hindi niya pa rin ako patatawarin. Dahan-dahan, lumapit ako sa pinto. Bago pa man ako magdoorbell, unti-unting bumukas iyong pinto at dumungaw siya ruon.
"Hi." bungad ko sa kaniya na may ngiti pero hindi man lang umabot sa mata ko iyong ngiti ko.
"B-Bakit?"
"I missed you." Pumatak na ang paunang luha ko at mas lalo pa na nagtuloy-tuloy iyon nang binuksan niya ang pinto tapos dinamba ako saka niyakap kaya napatumba kami at napahiga sa lupa. Niyakap ko rin naman siya pabalik dahil namiss ko talaga siya.
"Sorry na..." Bigla na lang siyang humagulgol habang nakayakap sa leeg ko.
Napangiti naman ako kahit pa umiiyak na ako dahil sa sobrang saya. I finally got my best friend back. I'm really glad that I got her back, and I'm so, so happy because obviously, she forgave me. I missed this girl. I missed Leigh.
"Tumayo ka muna, Leigh." pakiusap ko habang tumatawa. "Ang bigat mo."
Dali-dali naman siyang tumayo tapos hinila ako. "Tara sa kwarto. Marami akong ikukwento sa iyo."
"Sina Tita, nariyan ba?" tanong ko habang pinapagpag iyong likuran at pwetan ko.
"Wala, umalis." Hinawakan niya ako sa kamay na may ngiti sa mukha. "Tara na." aniya sabay hila sa akin papasok sa bahay hanggang sa makaakyat kami sa kwarto niya.
--
"Ano?" Para akong naubusan ng dugo sa narinig ko. "Seryoso ka?" paninigurado ko dahil baka nabingi lang ako.
"Oo." sagot niya na sinamahan pa ng pagtango. "Pero there's a part of me na pinagsisisihan iyong nangyari sa amin."
"Pinagsisisihan? Ang tagal-tagal mo na kayang pinagpapantasyahan iyon." Humablot ako ng unan saka ito ibinato sa mukha niya pero nakasalag siya. "Oh, bakit mo pinagsisisihan?"
Iyon ang ipinagtataka ko. Bakit? Halos sambahin niya na kaya ang lahat ng mayroon si Dylan. Itinapon niya pa iyong friendship namin para sa lalakeng iyon pero bakit pinagsisisihan niya iyong bagay na iyon?
They did it kasi.
Kami nga ni Robi, hindi namin ginawa iyon kahit kami dati. It's just... It's just wrong. It's bad. Tumagal kami nang hindi ginagawa iyon tapos, sila, isang linggo pa lang raw naging sila, nagkaroon na ng milagro. May sinabi pa siya na hindi raw sila protected kaya natatakot siya na baka may nabuo. Kapag raw kasi may nabuo, baka patayin siya nina Tita.
Bakit hindi siya matakot sa akin? Masasaktan ko talaga siya ng bongga dahil sa kagagahan niya. Of course, ayoko kay Dylan para sa kaniya. He's clearly toying with her pero ito namang gaga kong kaibigan, pumatol. I don't want to sound rude kay Dylan pero binigyan niya ako ng dahilan para maging rude. Balak niya ba itapon ang future ng kaibigan ko? Nakakagigil siya.
"Kasi..." Napatungo siya. "He doesn't love me."
Ay, gaga!
Automatic na lumipad papunta sa ulo niya ang kamay ko kaya napaaray siya. "Hindi mo alam?"
Sinimangutan niya lang ako bago sumagot. "Tsk. Kasi naman. Alam mo ba na habang ginagawa namin iyon, pangalan mo iyong lumalabas sa bibig niya? Nagpagamit na ako, ikaw pa rin bukang bibig. Gusto ka kasi niyang magselos dahil jinowa niya iyong best friend mo. Kaya, ayun. Habang nagpapakasarap siya, ako naman, iyak nang iyak habang ninanamnam iyong katawan niya na binebengga ako."
Napangiwi ako dahil sa narinig kong term na ginamit niya. Ito ang nakakatuwa kay Leigh. Iyon bang... seryoso siya magsalita, as in seryoso talaga tapos ako naman, matatawa na lang dahil sa sinasabi niya kahit pa sobrang seryoso niya. Iyong mga term niya talaga. Ninamnam? Binebengga? Really?
Pero walang hiyang Dylan iyon. So iniisip niya na ako iyong partner niya while doing that forbidden thing with Leigh? Ito namang kaibigan ko, ang sarap itapon sa Himalayas kasi nagpagamit. Hindi ba siya nag-iisip? Isang linggo pa lang rin naging sila, nagpagamit kaagad. Bumigay kaagad.
I kinda understand her though kung bakit pumayag kaagad siya. She loves Dylan. Dati pa lang, mahal na mahal niya na iyon, to the extent na kahit na nagpapakatanga na siya, okay lang basta mapansin siya nito. At saka, dala na rin siguro ng galit niya sa akin kaya nagpagamit siya para makaganti sa akin, by means of selos, which will never happen dahil hindi ko naman nagustuhan si Dylan. Oo, bumait ako kahit papaano rito nang malaman ko ang ugali nito pero hindi ko naisip na gagamitin nito ang best friend ko para as akin.
Kasapi na tuloy si Leigh sa The Impures pero hindi naman sa Pokpok Brigade dahil hindi naman siya malandi. Kay Dylan lang lumalabas iyong super landi side niya.
Bigla tuloy ako naging curious. Iyong sa mga nababasa ko kasi, na hindi ko naman intentionally o gusto basahin na stories sa w*****d and Booklat, iyon bang may sisingit na unexpected B.S, masakit raw kapag... ano... ginawa iyon. Although I have an idea kasi maraming nagsasabi pero gusto ko lang iconfirm sa kaniya kasi gusto ko, manggagaling ang salita sa best friend ko.
"Leigh..." pabulong ko siyang tinawag habang nagfifidget tapos tumungo ako.
"O?"
"Ano... may itatanong ako."
"Ano iyon-- ah, alam ko na." Napaangat ang tingin ko at nakita ko siyang nakangisi kaya kinunotan ko siya ng noo. Alam niya na? Hindi pa nga ako nagtatanong. "Itatanong mo kung biggie con karne si Dylan? Shet lang, L! Biggie con karne!" sigaw niya saka tumalon talon sa kama. Para rin siyang inasinan na bulate nang ibagsak niya ang sarili niya sa kama.
Ano? Ano raw? Biggie con karne?
"Ano ba?" singhal ko kasi binato ako nuong pinanggigigilan niyang unan. Akala ko ba problemado ito? Bakit naging ganiyan siya? Ewan ko talaga sa babaeng ito.
"Alam mo, ikaw, sama-sama rin sa mga Shrek. Ang virgin ng utak mo, L."
Seriously, anong pinagsasasabi nito ni Leigh? Wala akong magets sa mga pinagsasasabi niya. Shrek? Biggie con karne? At ano naman masama kung virgin pa ang utak ko?
"Ang rami mo kasing alam."
"Why, thank you." sarcastic na sagot niya. Wow. May dapat ba na ikasarcastic sa sinabi ko? Papuri na hindi naman talaga papuri?
"Tse." I rolled my eyes heavenwards tapos nagfidget ulit. "Itatanong ko kasi kung... masakit."
Bigla siyang humagalpak ng tawa kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya. Pakiramdam ko rin, umakyat lahat ng dugo papunta sa mukha ko dahil sa sobrang hiya. "Alam mo, hindi ka pa rin nagbabago! Wala ka pa ring common sense sa maraming bagay! Letse ka, L!" Binato niya ulit ako ng hinablot niyang unan saka tumawa.
Ininsulto na ako, naletse pa ako? Really? Best friend ko ba talaga ito? Tama ba talaga na nakipag-ayos pa ako sa kaniya? Oh, well. The consenquences of being her best friend nga naman. Whatever. Mahal ko pa rin siya despite the fact na iniinsulto niya ako palagi.
"Tinatanong lang."
"Sige na nga, seryoso na." Panimula niya saka tumikhim. "Masakit? Oo. Kinuha iyong v-card ko so what do you expect? Pero..." Nanglaki iyong mga mata ko nang bigla siyang nagblush. Bakit? "Sa huli... mararamdaman mo kung... gaano... kasarap--"
"Lalalalalalalalaaaa!" sigaw ko, na sure akong maririnig kahit na nasa labas ka pa sabay takip ko sa dalawang tenga ko. Grabe! Narurumihan ang utak ko! "Siraulo ka, Leigh! Laaaaaaaa!"
Tumayo siya tapos pilit na iniaalis ang dalawang kamay ko mula sa pagkakatakip sa tenga ko. "Grabe! Masarap si Dylan!" Patuloy pa rin siya sa pagtawa kaya hinila ko siya papuwesto sa kama tapos dinamba ko at tinakpan ng unan ang mukha niya para wala na akong marinig pero mali pala ako. "L! Biggie con karne ba si Robi?! Ha?!" matawa-tawang tanong niya habang pilit akong inaalis mula sa pagkakadagan sa kaniya.
Hindi ko alam! Hindi ko na alam! Ang dumi-dumi na ng utak ko dahil sa babaeng ito!
"Siraulo ka, Leigh!" Tumayo ako sa kama kasi ayoko pa siyang mamatay dahil sa pagtakip ko sa mukha niya ng unan. Mahal ko pa rin naman ito kahit dinudungisan niya iyong utak ko at buong pagkatao ko. Nakakaiyak siya. Tinalikuran ko na siya at nagpasyang lumabas na lang para hindi na marumihan pa lalo ang utak ko.
Hinawakan ko na iyong doorknob pero napatigil ako dahil sa binanggit niya. "Si Chase? Biggie con karne rin ba?" tanong niya na sinabayan pa ng malakas na tawa.
Dahil hindi ko na kinaya, lumabas na ako sa kwarto niya. "Baliw ka, Leigh!" Hinubad ko iyong sapatos ko tapos inihampas sa pintuan. "Letse ka, uuwi na ako!" Tuluyan na akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay kahit hindi ko pa suot ang isa kong sapatos.
Ngayon ko lang nagets kung ano iyong sinasabi niya na biggie con karne. Siraulo talaga si Leigh! Nakakainis!
Hindi ko alam! Bakit ako tatanungin niya? At bakit naman niya itatanong kung biggie con... kung iyon nga. Kung carne norte sila. Kung ano sina Robi at Chase. Hindi ko alam dahil hindi naman namin ginawa iyon para makita ang itinatago ng dalawang lalakeng iyon. Leigh knows na hindi ko pa naisusuko iyong v-card ko kaya bakit niya ako tatanungin ng ganuon? Para mangasar? Nakakainis. At saka, magtatanong ba ako kung masakit kung naranasan ko na?
--
"Bakit kasi hindi ka pumasok?" Hinugot niya ang mga notebook na hiniram ko mula sa bag niya saka niya iniabot ang mga ito sa akin.
"Wala lang. Lutang ako, Greg." Kinuha ko iyong inilahad niyang mga notebook sabay tago ng mga ito sa bag ko. "Wala akong matututunan kahit pa pumasok ako."
"Still. Sana pumasok ka. Attendance kaya iyon."
"Sige na." Nginitian ko siya saka tumango. "Byeeeee." Humakbang ako paatras habang nakatingin pa rin sa kaniya. "Balik ko na lang kapag tapos na ako kumopya." Tinalikuran ko na siya dahil baka may mabunggo ako saka ako lumabas ng campus.
Habang naghihintay ng kotse para sakyan papuntang hospital kung saan naconfine si Chase, biglang nagring ang cell phone ko. Kinuha ko kaagad ito sa bulsa ko tapos tinignan kung sino iyong caller.
Nagtaka ako dahil number lang ang lumabas. But still, sinagot ko pa rin dahil baka kakilala ko ito at nagbago lang ng number. "He--"
"L! Listen to me! Please, pumunta ka rito sa hospital!" pakiusap ng caller habang nahikbi.
Natigilan ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa way ng pakiusap nito sa akin. Kaboses ni Danelle. Pero bakit siya umiiyak?
Oh, God. I have a bad feeling about this.
"What happened?! Si Chase?!" pasigaw na tanong ko dala ng takot. Hindi ko na pinansin ang paglingon ng mga kasama kong naghihintay ng sasakyan dahil ang gusto ko ngayon, malaman kung anong nangyayari kay Chase. Hindi naman kasi tatawag ng ganito si Danelle kung hindi importante at kung hindi tungkol kay Chase.
"L, hurry up!" Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa kabilang linya at kasabay nuon ay ang napakaraming boses na sunod-sunod nagsasalita, na parang kinakabahan, pati ang pagtunog ng mga bagay-bagay.
"Ayoko na! Ang sakit na!"
Nanglaki ang mata ko nang marinig ko na sumigaw si Chase.
No...
Anong nangyayari sa kaniya?