15

7913 Words
-L Hingal na hingal na ako nang makarating sa hospital. Bwisit kasi, sobrang trapik kaya tinakbo ko hanggang sa makarating ako rito sa hospital. I want to see Chase. I need to see him. I want to make sure that he's still okay, kahit na alam kong hindi siya totally okay. Sa narinig ko pa lang kanina, indicator na kaagad iyon inaatake na naman siya. Nang makarating ako sa tapat ng elevator, pinress ko nang pinress iyong up button pero wala pa rin. Ilang beses ko pinress iyong button ng elevator pero ang nakalagay sa sign ay nasa fourth floor pa ito. "Kainis!" Napansin ko na may ilang naglalakad ang napatigil at napatingin sa akin dahil sa bigla kong pagsigaw pero wala na akong pakielam. Kailangan kong mapuntahan si Chase. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong malaman kung ayos lang ba siya dahil hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko siya nakikitang nasa maayos na kalagayan. "Miss--" "Stupid elevator!" Inis na inihampas ko ang bag ko sa pinto ng elevator. Pagkaatras ko ay may nabunggo akong tao kaya napaharap ako rito. Napansin ko na nakatitig ang isang Amerikano sa akin, iyong nabunggo ko, pero binalewala ko na lang. "Excuse me!" Nagmadali akong pumunta sa hagdan kahit na hingal na hingal na ako dahil sa kakatakbo. Medyo masakit na rin ang tagiliran ko pero ininda ko na lang. I want to see Chase. Hingal na hingal ako nang marating ko iyong floor ng room ni Chase. At tulad nga ng inaasahan ko, nakita ko sina Tito at Tita sa labas. Umiiyak si Tita habang nakayakap naman si Tito sa kaniya. Oh, God... no. Tumakbo ako palapit sa kanila saka ko binitawan ang bag ko sa paanan nila. "Ano pong nangyari kay Chase?!" Sunod-sunod ang paghinga ko ng malalim dahil sa sobrang hingal. But I really don't give a damn about it. Si Tito, na hindi naiyak masyado kapag inaatake si Chase, umiiyak na rin kaya mas lalo akong kinabahan. Napasuklay siya sa buhok niya gamit ang kamay niya, na parang sobrang frustrated na siya bago ako hinarap. "L, nasa loob. Pasukin mo na lang." Hinugot niya ang panyo sa bulsa niya sabay punas nito sa pisngi ni Tita. "Magiging maayos rin si Chase. Malakas iyon. Lalaban iyon." Nagpaalam na ako sa kanila at pumasok na sa loob ng kwarto pero napatigil ako dahil sa nakita ko. Bakit may plastic na nagcocover sa paligid ng kama niya? Parang ginawa itong kurtina. Nakita ko siya na nakahiga sa hospital bed niya tapos iyong nurse naman na nakatayo sa gilid niya, parang may isinusulat sa recordbook. "Chase..." Napatingin siya sa akin tapos iyong mga mata niya, naging mapungay. At sa nakita kong iyon, nanglambot ako kaya unti-unti akong napaatras hanggang sa mapasandal ako sa pintuan. Nanghihina siya. Anong nangyari sa kaniya? Kanina lang, nang marinig ko siya sa cell phone, nagwawala siya, ha? Bakit parang nanghihina naman siya ngayon? Napatingin sa akin iyong nurse tapos tinanggal nito ang mask na suot. "Chinecheck ko lang ang pasyente." pagpapaliwanag nito habang nakangiti ng bahagya tapos nagsulat ulit sa notebook. Tumayo ako ng maayos tapos nilapitan sila. Hindi ko kailangan ng pagod, takot at ng sakit ngayon. Ang kailangan ko, malaman ang lahat. "Ano pong nangyari kay Chase? Kanina lang po naririnig ko na nagwawala siya, ha?" "Tinurukan na siya ng pangpakalma ng doktor dahil nagwawala nga siya due the medicines that was injected to him to prevent any further pains. Medyo tumagal bago umepekto pero tumalab na rin. Kinailangan lang talaga siya turukan dahil hindi makabubuti sa kaniya ang pagwawala." Tumango ako dahil nakuha ko na ang gusto kong malaman. Nagpaalam na rin iyong nurse kasi may aasikasuhin pa raw siyang ibang pasyente. I looked at Chase. Nakatingin rin siya sa akin habang nakangiti ng bahagya tapos iyong paghinga niya, ang lalalim. "Okay ka na?" pabulong na tanong ko sa kaniya then reached for his head then I started caressing it. Chase is bald. Nagpakalbo siya since nalalagas na nga iyong buhok niya. Nanghihinayang nga ako sa buhok niya kasi ang ganda ng nuon-- sobrang bagay sa kaniya. Pero mas okay na rin na nagpakalbo siya. Ayoko naman na habang kina-caress ko iyong ulo niya, kasabay nuon ay ang paglagas ng buhok niya, na sasama sa kamay ko. Para kasing katibayan iyon na may malalang sakit siya kung ganuon. "Sana." mahinang sagot niya. He's being hopeless. And it really kills the life out of me. It kills me seeing him in this state and I feel so effin' useless because I can't even do a single damn thing about it. "Nasaan si Danelle?" I want to divert the topic. Masyadong masakit for the both of us kapag iyong kalagayan na niya iyong topic. Oo, both of us. Kasi alam kong nasasaktan rin siya sa kalagayan niya. Who wouldn't, hindi ba? "Sa cr." Mula sa pagtingin sa kisame, ako naman ang tinignan niya. "Pasundan naman. Kanina pa siya ruon, baka nadulas na." biro niya na sinabayan pa ng mahinang tawa. Kahit tumawa siya, alam kong pilit lang iyon. It's too obvious na linilift niya lang iyong heavy atmosphere ng buong kwarto na ito dahil sa kaniya, dahil sa kalagayan niya. I can see his pain, his pain that I want to take away from him. Chase doesn't deserve any of this. Kahit ako na lang ang magkasakit at masaktan... huwag lang si Chase. Huwag lang siya. Kasi alam kong pagod na pagod na siyang nakikita ang mga mahahalagang tao sa kaniya na palaging nag-aalala, na pagod na pagod na siya dahil nabubuhay siyang parang patay. -- I'm more determined now. I will make Chase happy. I will be always at his side, kahit na that's already a given. Kahit na matambakan pa ako ng school works, I'll still go to him. Kahit pa na duon na ako matulog para lang bantayan siya, ayos lang sa akin. He needs a friend and for that, I decided that I will always stay at by his side. Iyang mga bagay na iyan kaagad ang naisip ko pagkagising ko. Dali-dali akong pumunta sa cr at inayos na ang sarili ko. Nang makalabas ako, pumunta na ako sa dining area. Nakita ko ruon sina Yaya pati si Ate na magkatulong sa pagpe-prepare ng pagkain. They look lively. "What's for breakfast?" Keeping the positive aura and vibes, I smiled as I asked them that. Inilapag ko na rin ang bag ko sa gilid ng upuan para nakaready na kapag aalis na ako. Napatingin sila ng sabay sa akin. Si Ate, may kasama pa na pagtaas ng isang kilay. Can't she just be happy dahil nagpapakahappy ako? Inilapag nila iyong mga pagkain sa table habang nakapinta sa mga mukha nila ang pagtataka. "What's with you?" Pinalamanan ni Ate ng strawberry jam iyong bread na kinuha niya tapos kinagatan iyon. "Oh, come on. Hindi ba dapat, masaya lagi tayo?" Kumuha ako ng hotdog tapos kinagatan iyon. Kumuha rin ako ng eggs tapos inilagay iyon sa plate ko. "Right, Ya?" Nginitian naman ako ni Yaya tapos tumango. "Minamatch ko nga iyong energy ko sa energy niyo, ano." "You're weird." Napatingin ako kay Ate nang bigla siyang magsalita. "Are you on drugs?" "Yeeeaaah." sagot ko as I sighed heavily. "I love being high." Humagikgik ako saka nagpatuloy sa pagkain. Wala lang. I'm just trying being goofy para lang matigilan na iyong pag-aalala nila. Ayoko na pati sila, malungkot nang dahil lang sa akin. Malungkot na nga ako, malungkot pa sila? No. That's a big no no for me. My parents are still not here. Last time I checked, ayaw pa silang paalisin kina Lola. Hindi rin nila alam ang pinagdaraanan ko. Wala lang. Ayoko lang na bigla silang umuwi rito dahil lang sa akin. I don't want to ruin their stay sa bahay nina Lolo at Lola. Nakiusap na rin ako kay Ate and Yaya na huwag sabihin kina Mama ang pinagdaraanan ko. They're both eager to tell what I'm going through pero hindi nila sinasabi dahil nga sa hiling ko. Pati iyong parents ni Robi, pinakiusapan ko rin na huwag banggitin iyong breakup namin ng anak nila dahil alam ko na once na malaman nina Mama at Papa na break na kami ni Robi, uuwi kaagad ang mga ito dito kasi alam nila na nasaktan ako dahil sa hiwalayan namin. "Love addict." bulong ni Ate sabay iling habang natawa. Natawa rin si Yaya kaya sinimangutan ko na lang sila pero inalis ko rin iyon at nakitawa na rin sa kanila. Masyadong maganda ang araw ngayon para maging gloomy. And seriously? Love addict? Ako? This is only the second time na ma-in love ako tapos addict na ako kung tawagin? Baliw itong kapatid ko. -- "Saglit na lang..." Ilang minuto rin ang lumipas na paghahantay bago tumunog iyong oven na kanina ko pa tinititigan. "Yes!" Nilapitan ko ito tapos kinuha ko iyong mittens at isinuot saka ko inilabas sa oven iyong ibinake kong maliit na cake. Nilagyan ko ito ng designs-- simple design lang but I know na magugustuhan ni Chase. As soon as I covered the cake with icing, nilagyan ko ng mukha ng rabbit iyong upper right corner ng mini cake ko using Krim Stix, na medyo heated para hindi masyadong matigas, dahil favorite animal ni Chase ay rabbit. Then iyong name naman niya ang isinulat ko gamit rin iyong Krim Stix. Pinalibutan ko iyong ends ng cake using melted chocolate. Chase Panget. Iyan ang isinulat ko. I'm sure na matutuwa si Chase nito kahit pa sinabihan ko siya ng panget using this cake. One thing about him is he love sweets. Everything na sweet, lalantakan niya talaga. Tinignan ko ang ginawa kong cake. Okay na ito kaya napangiti ako. Hindi man masyadong maganda, it still look presentable. This is the fifth try na ginawa ko ito at buti na lang talaga ay maayos na. Puro fail kasi iyong mga naunang subok ko. Kung hindi overcooked, nagkakamali ako ng design. Minsan rin, mali ako ng paggawa ng cake kaya ang pangit ng lasa ng kinalabasan. I may have consumed so much time baking but It's all worth it dahil may matino na akong cake na maibibigay kay Chase. I'm happy kasi I get to celebrate Chase's birthday with him. Buti na lang talaga at nasaktuhan na wala akong pasok. Buti na lang talaga. I'll invite him as well sa birthday ko. It's only 3 months away and I'm really, really looking forward to it. I wonder kung anong gagawin namin sa araw na iyon. Hope it'll be fun. Ikinahon ko na ang cake at nagpunta na sa hospital after ko mag-ayos at magpaalam kina Yaya. Nang makarating ako sa tapat ng room ni Chase, nakita ko sina Danelle, Tita and Tito na kumakain kasama siya. Sumilip lang kasi ako mula sa maliit na bintana nito dahil ayokong pumasok kaagad at baka makita nila ang dala ko. I felt bad when I saw them. It must be sad for them to celebrate someone's birthday at a hospital but they don't really have much of a choice. Kahit kasi ako, kung may kamag-anak ako na may birthday pero may sakit at kailangan ay nasa hospital, pipiliin ko ang desisyong ginawa ng mga magulang ni Chase. Kulang man sa magagalawan dahil sa liit ng lugar, at least makakampante ako kahit papaano dahil may mga doktor at nurse na puwedeng tumingin kaagad sa pasyente. Someone's life is far more important than celebrating someone's birthday. Napatingin silang lahat sa akin nang buksan ko ang pinto. "Good morning po." masayang bati ko sa kanila matapos ko itago iyong box sa likuran ko dahil surprise iyon para kay Chase. Binati naman nila ako at niyaya na saluhan sila sa pagkain. Umupo muna ako sa sofa at tumabi kay Danelle. Nahagip ng mata niya ang maliit na kahon pero isinawalang bahala ko na lang. Siguro mas masaya si Chase kung nandito ngayon ang mga kaklase namin. Hindi niya man sabihin, halata naman sa mga mata niya kapag nagkukwento ako na he secretly like all of our classmates. His condition is a mystery to our classmates. Wala silang kaalam alam sa nangyayari kay Chase. They're pushing me para maiblurt out ang sagot na hinahanap nila pero ang sabi ko lang ay nagstop na ito para tumigil na sila sa pagtatanong. "Bibili lang ako ng drinks," ani Tito kaya napatingin ako rito. "Naubusan na kasi tayo." nakangiting pagpapaalam nito sa akin saka ako kinindatan. Narinig ko ang mahinang paghagikgik ni Tita kaya napatingin rin ako dito. "Sama na ako. May bibilihin rin kasi ako." pagpresenta naman nito saka sila lumabas after nilang magpaalam sa amin. "What's that?" nakangiti yet confused ang itsura ni Danelle matapos niya akong bulungan tapos itinuro niya iyong box na nasa gilid ko, na pilit kong tinatakpan ng bag para hindi makita ni Chase, na kasalukuyang nanunuod ng tv habang nakain. "What?" pagmamaang-maangan ko. "That, silly." Ngumuso siya sa direksyon ng itinatago kong box saka tumawa ng mahina. "Wala--" "Anong mayroon?" Sabay kaming napatingin kay Chase nang bigla itong magsalita. Inilapag niya iyong plate na hawak niya sa table sa gilid tapos uminom ng tubig. "Birthday mo. Amnesia lang, Chase?" pang-aasar ni Danelle na sinamahan pa ng pagtawa. Chase just rolled his eyes heavenwards tapos tumutok ulit sa tv. "Is that a gift for him?" pabulong na tanong niya pagkatingin niya sa akin. Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. Danelle is really persistent kapag nagtatanong siya. "Yeah." Ngumiti ako ng bahagya bago tumungo. Napakagat rin ako sa ibabang labi ko dahil sa hiya. Sobrang nag-init mukha ko kaya alam ko na nagblush ako. "Oh. Kaya pala. You're cute." Tumayo siya na siyang ipinagtaka ko. "Bibili lang ako ng snacks. Trip ko kasi kumain ng chips." Pinagpag niya ang invisible dirt sa palda niya saka ako tinignan. "Any request?" Napalingon kami kay Chase nang nagrequest ito ng chips. "Hindi ikaw. Masyado ka nang spoiled." pagpuputol nito sa sinasabi ni Chase. "Ikaw?" Napailing na lang ako dahil nasama na siya sa mga taong nawiwirdohan ako. "Okay." nakangiting sinabi nito bago lumabas. Wait, why did they suddenly left the both us alone? Kanina, super confident ako na magugustuhan ni Chase iyong gawa ko pero ngayong narito na ako, sobra naman iyong kaba na bumabalot sa akin. What if hindi niya magustuhan? Nakakaparanoid. I heaved a sigh tapos tumayo at umupo sa upuan na nakalagay sa gilid ng kama niya. "Chase," Ppgkuha ko sa atensyon niya kaya napatingin siya sa akin tapos tinaasan ako ng kilay. It's a signal for me to go on o kaya he's asking me why. Inilabas ko iyong box mula sa pagkakatago ko sa likod ko tapos ipinatong sa lap niya. "For you." Nagkamot ako ng batok saka ngumiti ng bahagya. "Happy birthday." Ngumiti siya then he started to untie the ribbon para mabuksan iyong box. "Kaya pala ayaw mo ilabas iyong kamay mo." Tinawanan ko lang siya ng mahina. "Cake?" Napatingin siya sa akin with a confused expression plastered on his face. Wait, why did he made that kind of expression? Hindi niya ba nagustuhan? Tumango ako. "Ayoko kasi ng material thing iyong ibigay sa iyo. Gusto ko, iyong nag-effort ako. Well, material iyan pero you get the point, right?" "Saan ka nag-effort? Sa pagsulat ng Chase panget?" tanong niya sabay tawa ng mahina tapos umiling habang nakatingin sa cake. "Baliw ka talaga." Tumingin naman siya sa akin habang nakangiti. "Thank you." Slowly, inilapit niya iyong mukha niya sa mukha ko kaya napapikit ako. Ang buong akala ko talaga ay sa labi niya ako hahalikan pero... expectation ko lang pala iyon dahil sa tuktok ng ulo niya ako hinalikan. Ika nga, expectation leads to disappointment. Teka, ie-execute ko pa ba iyong second gift ko? Nakakahiya. Kagabi ko pa talaga ito pinag-iisipan kung gagawin ko ba o hindi pero kasi... I want to see Chase's smile again. Bahala na. Mapahiya na kung mapapahiya dahil sa sillyness nitong gagawin ko pero gusto ko makita iyong ngiti niya kaya bahala na. Isa pa, alam ko na sa kalokohan kong ito, mapapangiti ko siya so it'll be worth it. Imposibleng hindi siya ngumiti dahil napanood ko noon sa video niya na noong bata pa siya, lagi niyang sinasayaw ito, validated by Tita. "I... I'm a..." Napatungo ako kasi naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Nakakainis. Bakit ngayon pa kasi ako inatake ng hiya. "You're a what?" He's obviously confused dahil bigla na lang akong nagsalita. "Little tea pot." Bigla naman siyang tumawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nakakahiya kaya itong ginagawa ko. Pero ang galing kasi as expected, napatawa ko siya. "Huwag ka muna magulo, kakantahan pa kita." Itinabi niya ang cake sa gilid saka ako tinignan ulit. "I thought it should be a birthday song kasi it's my birthday pero sige, continue." matawa-tawang sinabi niya habang nakatitig sa akin. In fairness, nakakailang. Huminga muna ako ng malalim saka ngumiti tapos iyong dalawang braso ko ay itinaas ko at ikinorteng letter m, iyong parang sa McDo. "Short and stout--" "Yes, you are." Tinawanan niya ako nang tinawanan saka itinakip ang isang kamay sa bibig niya. "Chase!" Ibinaba ko na iyong mga braso ko dahil sa kahihiyan. "Isa, hindi ko na itutuloy ito!" banta ko. Nagsign naman siya na parang izinipper iyong bibig niya tapos he gestured me to continue saka niya itinaas iyong dalawa niyang kamay. Then again, humugot ulit ako ng malalim na paghinga. Teka. Nakalimutan ko iyong lyrics. Bahala na "Here is my handle and here my something. W-When the water's boiling, pour me--" Bigla na naman siyang tumawa kaya napatigil ako. Really? Kailangan talaga laging iinterrupt? "Ta-Tama na nga." Hinila niya ako bigla paupo sa kama saka niyakap. "You always make me happy. Thank you, L." -- Medyo naalimpungatan ako dahil sa naririnig kong paghikbi. Habang nakaubob, tinignan ko iyong wristwatch ko para alamin kung anong oras na. It's only 3:13AM? Iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakaubob sa kama ni Chase tapos tinignan siya. Nanglaki bigla ang mga mata ko at nagising ang diwa ko nang makita ko iyong itsura niya. Dumudugo iyong ilong niya. Sa sobrang takot ko, napatayo ako tapos tumingin sa paligid kung kanino puwede humingi ng tulong. Nakaupong natutulog sina Tito pati si Tita sa couch. "Augh. Gigisingin ko ba sila? Naman." pabulong na reklamo ko sa sarili ko. Natataranta ako! Ibinalik ko naman ang tingin ko sa kaniya at nakita ko siyang pinipigilan ang pagdugo ng ilong niya gamit iyong damit niya. "Chase..." Ipinatong ko iyong kamay ko sa kamay niya na may hawak na damit habang nakatakip sa ilong niya, hoping na tumigil na sa pagdurugo ang ilong niya. Tinanggal niya iyon tapos ngumiti ng bahagya then he signaled me to shut up, iyong shh sign. "Tulungan mo akong tumayo..." pabulong na pakiusap niya habang nakatakip pa rin iyong damit sa ilong niya kaya inalalayan ko siya. Hinawi ko iyong plastic na curtain tapos hinawakan ko iyong dextrose niya habang naglalakad kami papunta sa cr. "T-Teka." Pinasandal ko muna siya sa pader tapos kinuha ko iyong medicine box niya. Iniiwasan ko na gumawa ng ingay kasi baka magising sina Tito at Tita. Kung pagod ako, mas grabe ang pagod nila. Alam ko iyon. "Inumin mo iyong dapat mong inumin." Utos ko saka ko iniabot sa kaniya ang medicine box niya. "Chase, you better take those kung ayaw mong magalit ako sa iyo." Tumango siya tapos pumasok na siya sa cr. Sabi ko nga sasamahan ko na siya pero huwag na raw. Nag-aalala lang naman ako na baka kung mapaano siya. Kahit pa cr iyon, wala akong pakielam. Basta masamahan ko siya para masigurado na ligtas sya. Nang maisara na niya iyong pinto, naupo ako at sumandal ruon. Ibinaon ko ang mukha ko sa dalawang palad ko hanggang sa naiyak na ako pero pinipilit ko naman na hindi mag-ingay kahit pa humihikbi na ako. God, huwag Mo po muna kuhanin sa amin si Chase. Huwag Niyo po muna siyang kuhanin sa akin. Gusto ko pa siyang pasayahin. Gusto kong iparamdam sa kaniya iyong kasiyahan na ipinagkait niya sa sarili niya. Binakuran niya na ang sarili niya para walang makapasok sa buhay niya nang hindi na siya makasakit ng iba. Isn't he suppose to receive some relief, a reward, dahil iniisip niya ang kapakanan ng mga tao kahit na nasa malubhang kalagayan na siya? Mas lalong nadurog ang puso ko nang marinig ko ang ilang paghikbi niya mula sa loob ng cr. He repeatedly says na ang sakit-sakit na habang nahikbi. God, please... I'm willing to give up everything gumaling lang siya. Gusto Niyong kuhanin iyong health ko? Sige lang. Gusto Niyong kuhanin iyong kahit ano sa akin? Sige lang. Pagaling Niyo lang siya. He doesn't deserve what he's going through right now. He doesn't deserve the pain, agony and sadness he's feeling. I know that you know that he's a really great guy. He's someone worth loving. He's someone worth protecting. He's someone worth living for. He's someone worth caring for. Pero bakit puro kabaliktaran iyong mga nakukuha niya? Instead of happiness, he's receiving intense pain. Did he do something that angered You? I don't think he'll do such a thing. He's a very good guy. Please... God, please let him live. If You want, just take me instead. Take my life instead of Chase's. Ilang saglit lang rin nang lumabas na siya sa banyo. Pagkabukas niya ng pinto ay tumayo kaagad ko. Ganuon pa rin, hindi pa rin kami gumawa ng ingay. Kating-kati man ako na gisingin sina Tita at Tito, hindi ko ginawa. They've already been through so much and they deserve to have some rest. "Dahan-dahan." mahinang sabi ko sa kaniya habang inaalalayan siya pahiga sa kama. Kinuha ko naman iyong hawak niyang dextrose tapos isinabit iyon sa sabitan. Nang makahiga, bumuntong-hininga siya tapos tumingin sa kisame. "L..." "Hmm?" Iniayos ko iyong kumot hanggang sa nasa level na ng dibdib niya iyon saka ako umupo. "Paano kung..." Tumikhim muna siya bago itinuloy iyong sinasabi niya. "Mamatay na ako... next month?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong niyang iyon. Next month? Pero... hindi. Hindi pa naman siya mawawala, hindi ba? Matagal pa siya. Ipinatong ko iyong kamay ko sa likuran ng kamay niya. "Edi mayroon kaming thirty days kasama ka. Matagal pa iyon." Gamit iyong isa kong kamay, hinaplos ko ang ulo niya. "Huwag ka na mag-isip masyado. Matulog na lang tayo, ha?" "Paano kung next week?" Ano ba, Chase? Pinahihirapan mo naman akong huminga sa mga tanong mo. "Edi seven days." "Paano kung bukas?" This time, napanganga na ako ng bahagya. Kasabay ng pagkabog nang malakas ng dibdib ko ay ang matinding pagkirot nito. Chase, why are you asking these questions? This time, hinawakan ko na iyong kamay niya tapos nagkatinginan kami sa mata. I can see the pain and sadness in his eyes. He's almost in the verge of crying dahil sa state niya pero halata naman na pinipigilan niya lang. If only I could take his place, his pain, his disease. I'll be willing to catch all of those just to see him happy, smiling and living his life. Nilunok ko muna lahat ng lump na namumuo sa lalamunan ko bago sumagot. "Edi may twenty four hours pa kami kasama ka. Huwag ka na masyado mag-isip ng ganuon, ha? Ang mahalaga, every second, pagkakasyahin natin at gagawin nating memorable. At saka, matagal ka pa, ano. Basta remember, ha? Every second, pagkakasyahin natin." Nginitian niya ako saka tumalikod pagkabitaw niya sa hawak ko. "Then get ready." pabulong na sinabi niya. -- "Kamusta naman si Chase?" Kinagatan ni Leigh ang hawak niyang marshmallow na coated ng chocolate. "Hindi ko alam." Iniubob ko iyong ulo ko sa armchair. "Ayoko mang isipin na may sakit siya pero... alam mo iyon? Hindi ko magawa." Narinig ko siyang bumuntong-hininga tapos kasunod nuon ay ng tunog ng plastic, iyong pack yata ng marshmallows niya. "Why won't you make his days... special? Fun?" Napaangat ang tingin ko sa kaniya nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Ginagawa ko naman iyon. Iyong pagsstay pa lang sa tabi niya, siguro naman special na iyon, hindi ba? Iyong palagi kong pagtulog ruon, lagi niyang kasama-- hindi na nga ako nauwi sa amin. Umuwi man ako, kukuha lang ako ng mga gamit. Ayaw ni Chase ng set up na ginagawa ko pero hindi na siya nakipagtalo pa dahil siguro nakulitan na sa pagpupumilit ko. Nahihiya na raw kasi siya dahil napapagod ako. Napapagod na raw ako sa school, binabantayan ko pa raw siya at inaalagaan. It's like, ninanakaw na raw niya ang freedom ko. I've taken him as my responsibility dahil magkaibigan kami, dahil special siya sa akin at dahil mahal na mahal ko siya. At, oo. Alam na ni Leigh ang sitwasyon namin ni Chase; iyong sakit nito, iyong feelings ko for him pati iyong set up na ginawa ko. At hindi siya si Leigh kung hindi niya ako pagagalitan dahil sa mga ginagawa ko. When I told her what's going on, she kept on nagging me all through the day, na pati sa messenger, hindi siya nagpatawad. Parang armalite iyong bibig niya na ratata nang ratata. Buti nga ngayon, walang prof. Dalawang beses na kasi kaming nahuli na nag-uusap at ang resulta, pagagalitan kami. Hindi ko nga alam kung bakit naging soft siya sa akin ngayon. Iyon bang hindi niya ako pinagagalitan. Pinakikinggan niya lang talaga ako sa lahat ng mga sinasabi ko. And I wasn't prepared for this soft side of hers. "Iyon nga iyong ginagawa ko." Itinutok niya sa bibig ko iyong marshmallow na hawak niya saka iyon isinubo sa akin matapos ko ibukas ko ang bibig ko. "Enough na ba iyon? Iyong mga ginagawa mo?" I just eyed her with confusion kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Just surprise him every hour of everyday. Huwag na tayong maglokohan. Sa iyo na nanggaling. Hindi na magtatagal si Chase due to his condition. So bakit pa ako sasalungat, hindi ba? Gamitin mo na lang kaya iyong saying na laughter is the best medicine? Malay naman natin, baka gumaling siya, hindi ba?" Iniubob ko ulit iyong ulo ko sa armchair tapos inilabas iyong panyo mula sa bulsa ko at patagong pinunasan iyong mukha ko. Only God knows when kung kailan mawawala sa amin si Chase, sa akin, kung kailan mawawala sa akin. Kaya any minute, hour, day, or month by now, puwede na siyang bawiin sa amin. Hindi naman sa nega pero... I doubt na tatagal pa siya ng ilang buwan. Naramdaman ko ang kamay ni Leigh sa likod ko at hinihimas-himas iyon para pagaangin ang loob ko. Ganiyan naman kami para maipaalam namin na hindi kami nag-iisa, na mayroon kaming masasandalan. Ang sakit talaga. Chase leaving is fact that I can't deny. None of us can't. I wish I really could do something about it. I wish I could just take his place. I wish I could take away the pain and agony he's feeling. I want to see him smiling every time na katabi niya ako. If only his condition is curable by true love and a true love's kiss, like those magical ways to make everything perfect in fairy tale stories. But... too bad. Wala kami sa isang story book. Wala kami sa fairy tale kind of world. This is reality and we have to face what it is going to bring us, to give us. And yeah, dadagdagan ko pa ang effort ko para mapasaya si Chase. Through phone, I asked Tito, Tita and Danelle kung ano ang mga bagay na puwedeng makapagpasaya kay Chase. And they all said the same thing: he likes to ride a bike. They were curious nang tanungin ko kung ano iyong nakakapagpasaya rito. I just want him to be happy. Iyan lang ang isinagot ko sa kanila. At mukhang nakuha naman nila ang point ko, na gusto kong pasayahin si Chase sa remaining days, weeks or hopefully, months na ipamamalagi niya rito sa mundo. Kasama namin. Kasama ko. Pinagbabawalan nga lang siya kasi baka kung mapaano siya. Baka bigla siyang mawalan ng malay, atakihin ng sakit niya, tumumba at masugatan. Knowing how long it takes bago gumaling ang mga sugat sa niya, kahit pa simple scratch lang, dapat talaga siyang ingatan and treat him like a child, a baby or a mirror. Hindi naman sa ipinamumukha namin na mawawala na nga siya. It's just that we we need to be careful. Isa pa, tanggap na rin naman niya iyong kalagayan niya-- matagal na actually pero lumalaban naman siya. Alam ko iyon. Lumalaban siya para sa mga taong nagpapahalaga sa kaniya. I have this crazy idea and I don't care kahit pa may downside ito sa tingin ng mga tao. Baka nga isipin pa nila na sweet itong gagawin ko. Yeah. I think mas okay ito. It's my job to make him happy dahil best friend niya ako. It's my duty as his best friend to put a smile on his face. It's my duty na pasayahin siya dahil mahal ko siya. I don't care kung wala akong matanggap na kapalit. Love is not just a give and take situation. Okay lang na magbigay ka nang magbigay as long as hindi ka sinasaktan intentionally. Huwag kang maghanap ng kapalit sa mga bagay na ibinigay mo dahil kapag naghanap ka, mawawala iyong essence ng love. Night came. Next week ko na lang siya ipapasyal. Nakapagpaalam na rin naman ako sa mga nurse at doctor niya pero sinabi ko sa kanila na huwag sabihin sa kaniya iyong plano ko. They're all against it pero wala naman na silang nagawa kung hindi payagan ako nang sina Tita at Tito na iyong kumausap. Matinding sapilitan pa ang nangyari nang makiusap ako kina Tito at Tita pero napapayag ko naman sila. Danelle didn't go against it. There's doubt. True. Pero mas pabor daw siya sa gusto ko, sa plano ko. Hindi naman raw puwede na iburyo namin si Chase sa hospital. Kaya in the end, ako iyong nanalo. "Chase, umupo ka." utos ko rito. Tapos ko na kasi siya punasan sa braso kaya iyong likod naman niya ang lilinisin ko. Tita's not around kaya ako muna ang gagawa ng ginagawa niya kay Chase. Masyado na kasing exhausted si Tita kaya pinagpahinga ko na muna. Actually, pati si Tito. Umaangal pa sila pero nang makiusap ako, with Chase, na hindi na ko na ikinagulat dahil nag-aalala rin talaga siya sa parents niya, napauwi naman namin para makapagpahinga ang mga ito. Mag-iisang buwan na rin siya dito sa hospital at dito kami nagcelebrate ng Christmas and New Year. And finally, my sister and Chase met. Wala namang bago. Lagi lang siyang nakaratay sa hospital bed, sobrang nabobore at puro paglalaro lang sa buhok ko iyong ginagawa kapag walang mapagtripan. He's not gay. I can assure you that. Iyon nga ang nakakatuwa sa kaniya-- he knows how to braid. Kung iyong ibang lalake, hindi marunong, iba siya. He likes playing with my hair. Kaso may mga time na iyong trip niya ay saktan ako kasi sinasadya niya minsan na hilahin iyong buhok ko. At kapag umaray na ako, tatawanan niya ako kasi mukha raw akong Medusa kapag hinihila niya iyong buhok ko. Kaya iyong pain sa pananakit niya sa ulo ko, napapawi naman ng tawa niya. Cheesy, I know. "L, ako na lang. Hindi naman na ako bata." nakasimangot na pakiusap niya tapos sinubukan niyang hablutin sa akin iyong bimpo pero inilayo ko kaagad ito. "No. Just let me, okay?" Nginitian ko na lang siya pero bigla siyang nag-iwas ng tingin tapos tumungo kaya napasimangot na lang ako. Napabuntong-hininga na lang siya tapos tumalikod sa akin. He is getting weaker and weaker every day. Lahat kami, napapansin iyon. May lagnat nga siya tapos pawisan pa. Ipinahubad ko muna iyong hospital gown niya kaya hinubad niya ito. Ayaw niya pa nga noong una pero napilit ko naman. Sabi ko nga, hindi niya ako natatalo kapag nagpupumilit na ako. Mahina siya kapag nagpumilit na ako. At, isa pa, hindi naman siya naked, ano. May boxer naman siya, with Patrick the starfish prints on it. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko na lang dahil alam kong mapapahiya siya. Ang pagkakaalam ko kasi, kapag pinagsuot ka ng hospital gown, you're totally naked and that's the only thing that'll cover your entire body. Buti na lang talaga at may Patrick the starfish boxer siya kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko para linisan siya. Ang awkward naman kung nakahubad siya habang pinupunasan ko, ano. Okay lang kung iyong upper part lang ng body niya pero kapag... ano... Napatigil ako't nanglaki ang mga mata ko dahil sa naisip ko, pati na rin sa mga imahe na pumasok sa kokote ko. At sa pag-aasam na matanggal iyong mga nabubuo sa isip ko, itinuloy ko na lang iyong ginagawa ko. Halata nga yata na kinabahan ako kasi mas bumilis iyong pagpupunas ko sa mga braso niya. Oh, my God. Ano ba iyong naiimagine ko? Nagiging manyak na ako. Ngayon lang ako naging ganito, ha? Why did the image of us suddenly flashed in my mind? Chase naked habang pinupunasan ko? Oh, my god. L, what the fluff? Si Chase iyan. Hindi naman mamuscle si Chase like any other guys, like Robi for instance. Robi has a well-built body pero si Chase, kaonti lang ang muscles na umuumbok sa braso at sa upper part ng body niya. He doesn't even have any abs. Flat stomach niya pero may guhit naman dahil sa baby abs niya. Wait. Baby abs? Is there even such a thing? Whatever. Okay lang naman sa akin. He may not have any abs and a well-built body, it's perfectly fine. It's not the abs nor the muscles that I loved about Robi dati, it's him. Si Robi mismo iyong minahal ko, not his abs. Tulad kay Chase. Siya mismo iyong minahal ko at hindi iyong katawan niya though it's a part of him kaya minahal ko na rin iyong katawan niya. Just not in a lusty kind of way. Hindi ako iyong tipo ng babae na nagdodrool o namemesmerize kapag nakakakita ng abs, sa boyfriend to be specific. Yeah, I'm amazed when seeing abs pero hindi iyon iyong kayang magpatigil ng mundo ko. Hindi ko kailangan ng hot na boyfriend dahil masasaktan ka lang niyan-- masasaktan ka nila dahil sa babae. Intentionally man or unintentionally, masasaktan ka pa rin nila dahil lapitin sila masyado. Okay na para sa akin iyong kahit sino basta mahal ko at mahal ako. Napasimangot ako nang makita ko iyong purplish patches sa likuran niya na nagsstandout sa kulay ng balat niya. Kanina lang kasi, dinalaw na naman siya ng doctor niya dahil sobrang taas ng lagnat niya tapos tagaktak pa iyong pawis niya. Buti na nga lang at wala na sina Tito at Tita noon kung hindi, hindi namin sila mapipilit na magpahinga. Sabi ng doctor, punas-punasan ko na lang raw ang katawan ni Chase para mapababa iyong lagnat niya. Napainom na rin siya ng gamot kaya medyo bumaba na iyong lagnat niya. Siyempre kasama sa tumulong ang pagpupunas ko sa kaniya. "Harap." Hindi niya ako pinakinggan kahit pa tinawag ko ulit siya kaya ako na ang lumipat ng puwesto. Binuhat ko iyong bangko tapos inilagay sa harapan niya. Nang mapatingin ako sa kaniya, nakakagat labi lang siya habang nakatungo tapos mapula rin iyong mga tenga niya. Dala siguro ng lagnat at hiya. Mahiyain rin pala talaga siya tulad ng sabi nina Tita. "Kung nahihiya ka, sinasabi ko sa iyo, huwag." Idinip ko iyong towel sa basin na may tubig, na nakapatong sa kama niya saka iyon piniga. "L," pabulong na sinabi niya pero narinig ko. Pinunasan ko iyong noo niya tapos iyong pisngi naman niya. "I'm sorry." Sorry? Para saan? Bakit siya nagsosorry? "Hmm? Para saan?" Iyong leeg niya iyong sunod na pinunasan ko tapos iyong collarbone. "Alam ko naman na nahihirapan ka na. Hindi mo naman ako kailangang bantayan; hindi mo naman ako kailangang alagaan; hindi mo kailangang magpakapagod; hindi mo kailangang magpuyat. L, hindi ko--" Natigil siya nang bigla ko siyang halikan sa noo. I've always wanted to that. "I told you, wala ito." Tumawa ako ng mahina saka itinuloy ang pagpupunas sa katawan niya. Dali-dali naman niyang kinuha iyong unan saka iyon inilagay sa lower torso niya. Tumungo ulit siya habang nakasimangot kaya natawa ako ng mahina. "Kaibigan mo ako kaya it's my duty na alagaan ka at samahan kapag nahihirapan ka. That's what friends do. Best friends tayo, hindi ba?" "Yeah. Tama. Best friend kita." Aray. Sabi ko nga hindi dapat ako masaktan. Dapat ko na talagang tanggapin itong sitwasyon ko. Hindi pa man rin ako umaamin, friendzoned na ako. I really should bottle my feelings. Hindi niya na ito dapat pa malaman. Kasi kapag nalaman niya ito, mahihirapan lang siya. Alam niya kasi na hindi niya kayang pantayan ang nararamdaman ko dahil hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin. Best friend lang. No more, no less. Lalayuan at iiwasan niya ako kapag nalaman niya na gusto ko siya. Nakakailang nga naman kung one-sided lang iyong feelings, hindi ba? Nang matapos ko siyang punasan, tumayo na ako tapos kumuha ng tshirt sa bag niya saka siya binihisan. "L, wait." pagkuha niya sa atensyon ko habang piniga ko iyong towel na ipinangpunas ko sa kaniya kanina. Umayos siya ng upo tapos kinuha sa akin iyong panyo sabay dip nuon sa planggana. "Ikaw naman maglinis." matawa-tawang sinabi niya pagkapaikot niya sa ere nuong towel kaya nagtalsikan iyong drops ng tubig sa plastic na curtain. Nanglaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Napapasalag rin ako habang natawa dahil nababasa na ako. "Chase, tama na!" "Siguraduhin mo na maliligo ka." Sinubukan kong kuhanin iyong bimpo sa kanya kaya lang iniwas niya habang patuloy niya itong iniikot. "Ayoko ng may katabing mabaho." matawa-tawang sinabi sabay tulak sa akin gamit iyong free hand niya. "Oo na, oo na! Stop na!" Kinuha ko iyong towel nang mahablot ko iyong braso nya saka ito ibinalik sa planggana. "Maglilinis na ako. Siraulo ka, binasa mo pa ako. Maglilinis naman kaya talaga ako. Saglit, manuod ka muna." Kinuha ko muna sa bag iyong mga isusuot ko saka ako dumiretso sa banyo para makapaglinis. Nakangiting pumasok ako sa banyo. Sayang lang at hindi ako nakapaghanda ng camera para navideohan ang moment na iyon. -- "Saan ba kasi tayo pupunta?" mahinang tanong niya habang tulak ko siya sa wheelchair. Itinigil ko iyong wheelchair sa tapat ng pinto ng elevator saka pinress iyong button with the down sign. Hindi ko siya sinagot at naghum lang ako. "L, saan nga? Tignan mo, pinagbihis mo pa ako at pinagcap." halos pabulong na tanong niya sa akin. Nanghihina na talaga siya. Is this the day? His... final day? Just a hunch pero kasi, earlier, he had a nosebleed. Sinuway niya nga si Tita kasi bigla na lang umiyak nang makitang dumudugo iyong ilong niya. Kanina rin, may hint ako na parang may alam si Tita sa mangyayari ngayong araw na ito. Paulit-ulit kasi nitong sinabi sa kaniya kung gaano nila siya kamahal. Bago kami makalabas ng kwarto kanina, sinabihan ako ni Tita na pasayahin ko raw lagi si Chase. Iyon naman talaga ang gagawin ko. At kahit naguguluhan ako kung bakit niya sinabi iyon, um-oo ako. Nakababa na kami at nakalabas na sa hospital. Sinilip ko ang mukha niya at halos matunaw ako sa ngiting nakapaskil sa mukha niya. Hindi ko rin tuloy maiwasang ngumiti. Sobrang saya siguro niya dahil ilang buwan rin siyang nagstay sa loob ng hospital at ngayon na lang siya nakalanghap ng sariwang hangin. Tinulak ko siya hanggang sa gilid ng hospital. Nakita ko ruon si Tito na may hawak na bike, na may angkasan sa likuran. Nilapitan namin siya habang nakangiti ako ng bahagya. Ganuon rin ang ginawa ni Tito; inalalayan niya si Chase patayo tapos kinausap at sinabi kung gaano niya nito kamahal; kung gaano sila kaproud sa kaniya. Lumingon si Chase sa akin na may halong pagtataka kaya pinunasan ko kaagad ang luha ko. Hindi ko na muna sila pinansin at sumakay na lang ako sa bike since nag-uusap sila. "Ako aangkas?" Tumango ako habang nakangiti. "Siyempre. Malay ko ba kung hindi ka marunong. Bumagsak pa tayo." biro ko saka ako tumawa. Ganiyan nga, L. Magbiro ka para kahit papaano ay malift iyong heavy atmosphere. "Ayaw ko. Parang ewan lang. Dapat iyong babae iyong angkas, ha?" Nakukuha niya pang makipagtalo kahit halatang nahihirapan na siya? Why are you so stubborn, Chase? "Sakay na, dali. Sa panahon kasi ngayon, lahat ng kaya ng boys, kaya na rin ng babae. Equal na ang boys at girls, ano." Tumingin ako kay Tito, na nakangiti sa amin. "Tito, pasakayan niyo na nga iyan si Chase. Ang tigas ng ulo." Lumapit naman ito saka tinulungan si Chase para makaayos na ng puwesto. "Baka kung ano ang isipin ng mga makakakita sa atin." reklamo niya. "Pakielam ba nila? Ngayon lang ba sila makakakita ng lalake iyong angkas ng babae sa bike?" Pumihit ako tapos tinignan siya. "Kapit ka ng maigi, ha?" Labag pa yata sa loob niya nang kumapit siya sa laylayan ng damit ko. Bakit diyan siya humawak? "Huwag diyan." Kinuha ko iyong dalawang kamay niya tapos iniyakap ko sa bewang ko. "Baka bumagsak tayo." Tumingin ako kay Tito saka ngumiti. "Ipapasyal ko po muna siya." Pagkatango nito, sinimulan ko nang ibalanse iyong bike hanggang sa makaandar na kami ng diretso. Hindi naman siya mabigat kaya hindi ako nahihirapan iayos ang pagpapatakbo. "Chase, saan mo gusto pumunta?" Kanina pa kasi kami andar nang andar. Dahan-dahan lang iyong pag-andar ko dahil baka bigla siyang mapabitaw. Paikot-ikot nga lang kami sa paligid ng hospital dahil ayaw kaming palayuin. Naramdaman ko na medyo nagloosen iyong yakap niya tapos ipinulupot niya ulit iyong mga braso niya sa bewang ko at ipinatong ang mukha niya sa likod ko. My heart's pounding... hard and fast. Chase, do you have any idea kung gaano mo kayang pabilisin iyong t***k ng puso ko? "...Simbahan." Ha? Simbahan? "Bakit?" I'm not against church. Nagsisimba ako. Kasama ko pa nga palagi siya rati kapag nagsisimba. Nagtaka lang ako dahil sa gusto niyang puntahan. May ibinulong siya pero hindi ko narinig. "Ano?" "Please... simbahan tayo." Iniliko ko iyong bike at dumiretso sa highway. May kalapit naman na simbahan rito kaya okay na dito. Pero may kapilya naman sa loob, bakit hindi na lang duon? "Chase, bakit hindi na lang sa loob ng hospital? May kapilya duon, ha?" Naramdaman ko ang marahang pag-iling niya kaya itinuloy ko na lang ang pagmamaneho ng bike. "Bilis..." Ano ba ang nangyayari kay Chase? Parang pinilit niya maisigaw iyong bilis na sinabi niya. Mas lalo tuloy kumabog iyong dibdib ko nang biglang magloosen iyong yakap niya sa bewang ko. Nasa highway kami, for fluff's sake! Nasa gilid nga lang kami pero delikado pa rin. Gamit iyong isang kamay, hinawakan ko iyong mga braso niya para maimaintain iyong yakap niya sa bewang ko. Oh, God... alam ko na ito. You're taking him, right? Please, God, kahit ilang oras pa po. Nagsimula naman nang mag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko gawa ng takot habang pinaaandar iyong bike. "Chase," No response. "Chase! Tignan mo, oh! Ang ganda ng kotse!" Still no response. "Chase! Malapit na tayo sa church, saglit na lang!" Nang makarating kami sa church, dahan-dahan kong ipinarada iyong bike sa gilid tapos tinulungan ko siya na makaalis sa pagkakaupo niya sa likuran. Bahala nang manakaw iyong bike. Buhay pa siya pero sobrang lalim ng paghinga niya. Thank God. Kaonti lang iyong tao pero iyong ibang nakakakita sa amin, parang nawiwirdohan. Umiiyak ako habang akay si Chase. That's not a normal sight sa mata ng mga tao, lalo pa rito sa simbahan. Pagkaupo namin sa bandang gitna, ipinatong niya iyong ulo ko sa balikat niya tapos hinawakan iyong kamay ko saka siya tumungo. "L... aalis na yata ako." Parang piniga ang puso ko dahil sa nairinig ko. "Ano ka ba? Hindi pa. Matagal ka pa. Matagal kaya mawala ang masamang damo." ani ko na sinabayan ko pa ng tawa. Pilit. Halata pa yatang pilit. "L... sorry." Naramdaman ko naman na may tubig na pumapatak sa kamay ko na hawak-hawak niya. Alam ko iyon. Alam ko kung saan galing iyon. Umiiyak si Chase. Ang sakit. Ang sakit makita na nawawalan na siya ng pag-asa. Hindi na ba niya kayang lumaban? Masyado bang malakas iyong sakit na iyon para sumuko siya? Wala na ba siyang dahilan para lumaban? Eh, kami? Hindi ba kami sapat na dahilan para labanan niya iyong sakit niya? Ilang beses ko nang nasabi na ang sakit pero ano bang ipapalit ko sa salitang iyong para maidescribe ang nararamdaman ko? "Don't. Huwag kang magsorry." Hindi ako nag-abala na punasan ang mga luhang natulo mula sa mga mata ko. Bakit pa? Para saan pa? Para itago iyong sakit? Hindi na. Hayaan na lang. Kahit paulit-ulit ko pang punasan ang mga luha ko, evident pa rin naman ang mga iyon at ang nararamdaman ko. "Chase," Inalis ko ang pagkakapatong ng ulo ko sa balikat niya tapos hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at iniharap siya sa akin. There he is, umiiyak habang nakapikit. Hindi na alam kung ano ang gagawin. Hindi na alam kung paano labanan iyong sakit niya. Inalis ko iyong cap niya saka iyon ipinatong sa lap ko. "Thank you, ha? Kasi... you made me happy. Thank you sa lahat--" Napatigil ako sa pagsasalita dahil narealize ko kung ano iyong ginawa ko. Ang tanga ko. Ano ba, L? Bakit iyon ang sinabi mo? Talaga bang dapat mong isampal sa kaniya na aalis na siya kaya ka namamaalam? Ang stupid mo, L. "No." Ngumiti siya tapos iminulat niya iyong talukap ng mga mata niya at tinitigan ako sa mga mata. "Thank you." sinabi niya, na binigyang diin iyong you. "Thank you for being there whenever I needed you. Sa lahat. Sa lahat-lahat..." Unti-unti, pumikit siya habang patuloy sa pagtulo iyong nga luha niya. "I'm... I'm sorry kung... sinaktan kita. Hindi ko ginusto. Hindi ko sinasadya." bulong niya habang marahang nailing. Unti-unti, iminulat niya ulit iyong talukap mga mata niya saka dahan-dahang iniangat iyong mga kamay niya tapos pinunasan niya iyong mga luha ko gamit iyong mga hinlalaki niya. "Please, don't cry. Remember what I told you? A girl's tear is much more precious than any kind of jewel in this world." "Chase..." Napahagulgol na talaga ako dahil hindi ko na kinaya. Hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit na. God, heto na ba iyon? Are You taking him back? Please, give me courage para masabi ko ang gusto kong sabihin; iyong matagal ko nang gustong sabihin sa kaniya. Mahal kita, Chase. Hayaan Niyo po muna ako na masabi ang mga katagang iyan sa kaniya. "Thank you, L." Hinawakan niya iyong kamay ko at naglean forward siya saka hinalikan ang noo ko. Hinigpitan niya ang paghawak sa palad ko pero niluwagan niya rin. Naramdaman ko na lang ang malamig na bagay na inilagay niya sa palad ko. At bago ko pa man tignan ang bagay na iyon para masigurado ko na tama ako ng hula, nagsalita siya. "Good... Goodbye." The next I knew, he's not breathing habang nakapatong iyong noo niya sa noo ko "Chase..." Hinawakan ko siya sa pisngi habang hawak ng isang kamay ko iyong singsing na inilapag niya sa palad ko. Thank You, God. Thank You kasi pinahiram Mo pa rin ako ng oras para makasama siya. Thank You kasi pinahiram Mo pa sa akin si Chase. Kahit late na... dapat ko pa rin sabihin ito. "I love you..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD