HINDI na kumuha ng bagong cook si Sir JC pero may bago silang labandera na naglalaba tuwing Sabado. Madalas maisip ni Lenlen si Ate Shaleng pero napansin niyang hindi naman talaga mahirap na wala na silang cook. Mas nag-eenjoy pa nga siya. Mas late kasing umaalis si Sir JC sa umaga at mas maaga ang uwi sa gabi. Ito ang nagluluto ng breakfast at dinner. Si Lenlen naman ang naglilinis tuwing weekend—habang si Sir JC ang nag-aalaga kay JD o kaya ay kasama nito ang anak sa pagdalaw sa parents. Sa mga oras naman na na tulog si JD, nakakapaglipit siya sa bahay. Naging okay naman sila na wala si Ate Shaleng kaya siguro hindi na naisip ni Sir JC na kumuha ng cook. Pero ang mas gusto talaga ni Lenlen, mas humaba ang oras ni Sir JC sa bahay—at mas naging close sila. Nawala na ang awkward feeling ni

