"ANO'NG gusto mong bilhin ko sa five hundred, Len?" si Sir JC nang paalis na. Nasa sila sila. Nagtitiklop ito ng longsleeves hanggang sa siko at siya naman ay karga si JD na humakain ng saging. Sabay silang tatlo na nag-breakfast kanina. Agad naisip ni Lenlen na ang five hundred na binanggit niyang bayad sa massage ang sinasabi nito. Magaan siyang tumawa. "Pag-ibig, Sir!" Natawa si Sir JC. "Hindi nabibili ang pag-ibig. Boyfriend puwede." "O, 'di tig-five hundred na boyfriend!" mas malakas ang tawa niya. "Malay mo naman, meron. Sabihin mo, Sir, diyosa ang kliyente!" "Kung ikaw ang bibili sa akin, payag na ako sa five hundred." "Ay, ayoko. Magpapa-massage ka lang, eh." Tawa na sila nang tawa. Mayamaya ay natapos na ni Sir JC sa pag-aayos sa sarili. Nagmamadali ang kilos nito. Binitbit

