MAGKASUNOD na inilapag ni Lenlen sa magkatabing puntod ang dalang mga bulaklak. Nagtirik din siya ng mga puting kandila. "Happy birthday, Mamang," bati niya na parang naririnig siya nito. "'Musta po kayo diyan? Miss na miss ko na ang mga luto mo, 'Mang..." kasunod ang paghinga nang malalim. Bumaling siya sa puntod ng tiyuhin. "Ikaw, Tito? Saan ka busy ngayon? Puwede bang tumugtog ng gitara diyan? Ano na'ng favorite mong tugtugin? Habang May Buhay pa rin? Hindi ako nakabalik agad, sorry, Tito. Kailangan ko rin kasing lumayo muna sa lahat, eh. Hindi na importante kung tama o mali ang naging desisyon ko. Ayoko na rin isipin kung alin ang totoo at hindi sa mga nalaman ko. Sana lang talaga, may paraan kaming mga naiwan para makakuha ng sagot galing sainyo diyan. Ang dami kong gustong itanong,

