ILANG oras na nagkulong sa kuwarto si Lenlen. Nakaupo lang siya sa sahig, nakatitig nang tagusan sa dingding na katapat. Hindi siya makalabas kasi iniisip pa lang ni Lenlen na magtatatama ang mga mata nila ni Sir JC, hindi na siya makahinga. Bakit ba kasi sila nagsayaw? Bakit...bakit parang may something sa titig ni Sir JC? Bakit kung hawakan siya nito, parang gusto talaga ang ganoong lapit nila? Ang daming bakit. Lalo na tuloy siyang naguluhan. Bakit parang the 'feeling is mutual', Sir JC! Pumikit si Lenlen at sumubsob sa mga palad. Paano na ako magpapanggap na hindi nate-tense sa harap mo, Sir? "Sahig, lamunin mo na lang ako, please?" Napapitlag siya sa katok sa pinto. Biglang napatayo si Lenlen at hinagod agad ang dibdib. Parang singtaas kasi ng talon ng kabayo ang taas ng talon n

