PINILI ni Lenlen na sa sariling kuwarto na lang maglatag para sa regular na paglalaro ni JD. Lampas alas tres na ng hapon iyon. Nakaupo ang alaga sa harap niya, abala sa maliit na laruang batman na 'pinag-aaway' at ang maliit na dog stuffed toy. Si Lenlen ay pasulyap sulyap kay JD habang nag-o-open ng data connection sa kanyang cellphone. Kung hindi lang kay Ate Shaleng, hindi siya maglo-log in sa f*******:. Sinadya talaga niyang ilayo ang sarili sa mga dating kaklase at kaibigan. Hindi niya gustong sumagot ng maraming tanong. Tanda niya noon, pinakamahirap sagutin ang tanong na: Kumusta ka na, Len? Hindi niya alam kung paano sabihin ang 'Hindi ako okay' na hindi niya maaalala lahat ng masakit na nangyari. Inisip na lang ni Lenlen noon na alam naman ng mga kaklase, kapitbahay at kaibigan

