9

1620 Words

NAGISING si Lenlen sa pakiramdam na may kung anong dampi nang dampi sa mukha niya. Kung hinahawakan siya o pinapalo nang mahina, hindi sigurado ng dalaga.  "Aw," reaksiyon niya nang masapol ang ilong. Napadilat si Lenlen. Napatitig muna sa hindi pamilyar na interior ng kuwarto. Hindi agad niya naalala kung nasaan siya. May tumama uli sa pisngi niya—kamay pala ni JD ang tumatama sa mukha niya. Gising na ito at naglilikot sa tabi niya. parang lumalangoy lang, sipa nang sipa at hindi mapakali ang mga kamay. Hindi lang pala siya ang tinatamaan, pati braso ni Sir JC na nasa kabilang side nito. Mas mabilis lang talaga siyang magising.  Si Sir JC, ang himbing pa. May pagka-mantika matulog talaga. Parang hindi man lang nararamdaman ang energy ng malikot na anak na nasa tabi. Nag-check ng oras s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD