8

1628 Words

MULA sa pagtitig kay JD na busy sa pagsipsip ng gatas, napalingon si Lenlen sa pinto nang bumukas iyon. Nasa sofa sila ng alaga. Nakahilig siya sa mga throw pillows, karga niya si JD na dumedede. Sir JC... Sa isip na lang nasabi iyon ni Lenlen. Pumasok ang kanyang boss na parang hindi nagtrabaho ng half day. Fresh na fresh pa rin. Ang hirap lang pigilan ng sarili na hindi tumitig. Makapigil-hininga talaga ang kaguwapuhan nito! "Hap dey ka, Ser?" si Ate Shaleng na naglalaba sa banyo. Sa kanilang dalawa, ito ang mas matanong. Minsan nga, nagiging pakialamera na. Makakahalata lang na napapasobra na ang tanong kapag nag-react na si Sir JC. Saka lang hihinto sa pag-uusisa. Hindi umuuwi ng lunchtime si Sir JC. Kapag umuwi, ibig sabihin ay hindi na babalik sa office ng hapon. Ang alam ni Lenl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD