HINDI makatulog si Lenlen. Si JD ay mahimbing na sa kuna. Hindi na niya ginalaw para makatulog rin siya. Mukhang may baon na office work si Sir JC, hindi nito kinuha sa kuna ang anak. Hindi na naman yata matutulog at ayaw ng istorbo sa kuwarto nito. Sa kuna nakatulog si JD at hindi na ginalaw ni Lenlen. Kumuha na lang siya ng unan at kumot para sa sofa matulog. Ganoon ang ginagawa niya kapag sa kuna nakatulog si JD. Umasa siyang makatulog agad pero past eleven PM na, buhay na buhay pa rin ang mga senses niya. Effect yata ng heartbeat niya ang hindi pagdating ng antok. Ayaw pa rin kasing paawat ang t***k ng puso niya. Pabalik balik rin sa isip ni Lenlen ang eksena kanina. Tandang tanda niya ang mga mata ni Sir JC. Paano nga naman siya makakatulog? Bigla siyang bumangon, pumikit at sumubso

