NA-ENJOY ni Lenlen ang buong araw na nag-ikot sila sa Corazon kasama ang mga kaibigan ni Sir JC. Binigyan siya ng lalaki ng chance na makapasyal na walang inaalalang JD. Inako nito ang pagkarga at pagbabantay sa anak sa buong oras na sa labas sila. Na-appreciate ni Lenlen ang mga pinuntahan nilang lugar—simbahan, grotto, souvenir shop, mga lumang bahay at ang restaurant ni Sir Brent kung saan sila nag-dinner ng free. Pakiramdam ni Lenlen, saglit siyang lumaya at nakahinga. Na-miss pala niya ang buhay na wala siyang responsibilidad. Sa mga taong lumipas na yaya na siya ni JD, nasa baby na ang focus niya. Buong oras niya, pati oras sa sarili, ibinigay niya sa alaga. Demanding ng oras ang pag-aalaga ng 'anak'. Walang day off. Hindi dapat napapagod. Pakiramdam nga niya, hindi na maghahanap ng

