22

1253 Words

NAKATITIG si Lenlen nang tagusan sa kisame. Nag-iisip siya. Binabalikan sa isip ang mga scene sa dalawang araw na natapos na nasa Corazon sila. Feeling ko lang ba o talagang biglang ang touchy ni Sir JC? Pagkausap niya sa sarili. Wala naman sanang problema, gusto nga niya ang ginagawa ni Sir JC. Kaya lang, ayaw niyang umasa. Lalong ayaw niyang masanay. Baka kapag pinagbigyan niya ang sarili, mawala ang para sa kanya ay 'friendship' nila. Baka maging babae lang siyang gagamitin nito para ma-beat ang lungkot. Sa day two kasi nila, hindi na lumayo sa tabi niya si Sir JC—karga man o hindi si JD. Nakaalalay din ito lagi kahit nasa bahay lang sila. Dikit rin nang dikit sa kanya sa mga pictures—nakaakbay, nakahawak sa baywang, yakap sila ni JD—parang walang anuman rito na nakikita sila ng mga k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD