23

1330 Words

"MAY jowa ka na naman, Ate Shaleng?" "Nanliligaw pa lang naman," ang ngiti nito ay ngiti ng teenager na kinikilig. Napasubsob sa palad si Lenlen. Siesta time iyon. Tulog si JD sa kuna. Sila ay nasa sala at nagkukuwentuhan. "Ang bait!" "Baka kamukha ng ex mo 'yan, ah?" "Ang layo!" "Talaga? Sino'ng kamukha?" "Artista!" "Sino'ng artista?" "Si Pen daw sabi niya." "Pen? Sino'ng Pen?" "Pen Medina." "Ah," tumango tango siya. "Pen Medina no'ng nasa thirty's-to-forty's?" "Hindi. Ngayon." "Ngayon?" nganga si Lenlen. "Ilang taon na ba ang manliligaw mo, 'Te?" "Sixty nine." Kamuntik nang maibuga ni Lenlen sa mukha nito ang kinakain niyang Nova. Hindi niya kinaya ang alindog ni Ate Shaleng. Mapabata at senior citizen, nabibingwit! HINDI mag-isa si Sir JC nang dumating sa condo pasado ala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD